Chapter 5: Arya Mendez

1676 Words
Kiara Mariin na humigpit ang hawak ko sa baso na may laman na alak. Damn it! Hindi kaya may kambal si Talon? Sinong niloloko ko? And Arya Mendez? Really? Wala akong naiisip sa oras na ito kung hindi baka napaglaruan ako ni Kiryu o ni Talon. Dahil sa nanlilisik kong mga mata sa direksiyon nila, nagharap ang mata namin ng lalaki na bumuhay sa puso ko sa loob ng tatlong buwan. Halata ang pagkabigla sa kanyang mata nang makita ako roon. Nagrolyo ang kanyang lalamunan habang marami akong gustong gawin sa kanya sa oras na iyon. Ramdam ko na hindi siya mapakali na nagpaalam sa mga kasama niya. “Hello ladies!” Hindi ko napansin na may nakalapit na pala sa amin ni Madonna. “Mr. Smith!” ani Madonna. “Who is this lovely young woman?” tanong ng lalaki na sa palagay ko ay kuwarenta ang edad. Isa siyang Australian at kasama ni Talon sa meeting na kalalabas lang ng silid. “Kiara,” simple kong tugon, ngumiti nang pilit. Tinanggap ng lalaki ang kamay ko. Bago pa lumapat ang labi niya sa balat ko ay nahila na ako ni Talon at dinala sa tabi ng railings. Halatang galit siya sa kasalukuyan. “Kiara, what the fvck are you doing here?” tanong niya sa akin, nagdidilim ang mga mata niya na noon ko lang nakita. “So, this is the real you, huh?” sarkastiko kong sabi. “You, fvcking bastard!” Maraming naglalaro sa isip ko sa oras na iyon. “Answer me!” mahina lang iyon, ngunit halatang nanggigigil. Dumiin lalo ang hawak niya sa braso ko. May I cut his d**k? Huwag! Sayang! Nakapanghihinayang! Itulak ko kaya siya sa labas nitong yate habang narito kami sa gilid? Ngunit kapag ginawa ko iyon kay Talon, sigurado ako na susundan ko siya dahil hindi rin ako mapapalagay na lumangoy siya nang mag-isa. Sigurado rin ako na may balang diretso sa utak ko kapag ginawa ko iyon mula sa mga tauhan niya. Damn it, Kiara! What are you doing to yourself? Wala sa mga iyon ang gusto kong gawin. “I’m sorry.” Lumuwag ang kanyang kamay sa braso ko at lalong umasim ang mukha niya nang mapansin na nag-iwan siya ng pulang marka roon. “I’m sorry, babe…” Bumalik sa natural na kilos niya si Talon, ang kilos ng lalaki na nakasama ko sa loob ng tatlong buwan. Nagawa niya pang dukutin ang kanyang panyo at saka pinunasan ang luha ko sa mata. Yes, I was hurt! Goddamnit! How could I accept this? Ang taong bumuhay sa damdamin ko na natulog nang matagal na panahon ay si Kiryu Takayama! But something is not right. Sa palagay ko ay hindi niya ako nakikilala, hindi pa niya alam ang tunay na pagkatao ko. “Do we have a problem, honey?” tanong ng babaeng si Arya na naroon sa likuran ni Talon. Gumilid ang huli kaya nagharap kami ng babaeng tatlong taon ko nang hindi nakikita. Tumaas ang sulok ng labi ko. I mock her. Simpleng napasinghap siya matapos niya akong mamukhaan. “Looks like your wife is looking for you!” sarkastiko kong sabi. Umasim ang mukha ni Talon. “She’s not—” “Oh, honey! Yes, I am Kiryu’s wife! And you are?” pagpuputol ni Arya sa sasabihin ni Talon. Kumapit siya sa braso ng huli. Sa oras na iyon ay siya na ang nais kong itulak palabas ng yate. Bigla ko tuloy na-miss ang steak knife na nilinisan ko pa nang bongga bago ibinalik sa lounge area. Pwede ko ba siyang sampalin na lang at sabihin, ‘Walanghiya kang babae ka! Inagaw mo ang lahat sa ‘kin!’ “Arya…” Mahihimigan ang pagbabanta sa tono ni Talon. Lumayo ako sa kanila bago pa ako makagawa ng hindi maganda at saka bumalik sa bar area kung saan nakatayo pa rin ang tulala at walang masabi na si Madonna. Madaming tanong ang naglalaro sa isip ko at marami akong gustong malaman. Kung aalis ako sa yate na ito, hindi ko makukuha ang sagot. Isa pa, sinong gaga ang nakapag-walk out sa yate habang nasa gitna ng dagat? Wala! Wala akong karapatan na magmaganda dahil ako ang pumasok sa lugar na ito. Hindi ko pwdeng sabihin na, 'Stop the car!' “Kiara, let’s talk!” ani Talon na lumapit sa akin. Halata sa kanyang mukha na nag-aalala siya. Ngunit bago pa niya ako mahila ay nagmamadaling nagsilapitan ang mga tauhan patungo sa amin, o mas tamang sabihin na sa direksiyon ni Talon. “Boss!” Inilapit ng isang guwardiya ang bibig sa tainga ng huli at saka may ibinulong. “What?!” Nagsalubong ang kilay niya. Nilingon niya ako. “Stay here, babe!” Inirapan ko siya. “Don’t talk to me!” “Aki, bantayan mo si Kiara! Do not let anyone near her!” Cocky! He meant any of the nearby men, including Mr. Smith, who are still casting glances my ass. “Yes, Boss!” Sa palagay ko, nadiskubre na nila ang katawan ni Jacinto. Nagbigay ng huling nagbabantang tingin si Talon sa akin bago umalis. “Kilala mo si Boss Kiryu?” tanong ni Madonna. “Surprise! I’m his mistress! Because I didn’t know he’s married!” “Pero wala siyang mistress.” “Meron. Ako! Pero break na kami!” Gusto kong basagin ang hawak na baso sa oras na iyon habang sumisiklab ang namumuong galit sa dibdib ko. Ramdam ko na may mga matang nakatingin sa akin. Napansin ko na mula iyon sa ibang mga babae na naroon kabilang ang naniningkit na mata ni Arya. I wave at her, at pagkatapos ay nagawa ko pa siyang padalhan ng flying kiss. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at halatang hindi niya inaasahan ang paglitaw ko. Tingin ko, nasa isip din niya na namatay na ako kaya ang lakas ng loob niya na nakawin ang identity ko! Yes, my real name is Arianna Mendez! And that woman’s real name is Camila Del Fuego, my bestfriend! The person I trusted for half of my life, but not until today. Marami tuloy naglalaro sa isip ko kung bakit niya ninakaw ang pagkatao ni Arya Mendez. Nakaisang linya ang kanyang labi na halatang hindi siya natutuwa sa presensiya ko. Mabuti naman at kahit papaano ay ramdam ko na kinakabahan siya sa pagsulpot kong iyon. Nginisian ko siya. Kung naging asawa niya si Kiryu dahil sa pag-gamit ng pangalan ko, hindi ba’t exciting ang bagay na iyon? Malalaman ko rin kung ano ang pinaplano niya at ni Kiryu. Bumalik ang isip ko kay Jacinto. Alam ko na posibleng may bahid pa ng dugo ang suot ko kaya naman walang pagdadalawang-isip na tumayo ako mula sa bar stool. “Miss! Ibinilin ka sa ‘kin ni Boss Kiryu!” agad na sita ni Aki. Hindi ko siya pinansin, tumalon ako sa napakagandang pool na naroon sa harapan ko para mawala ang kung anumang bakas sa akin. Matapos masiguro na humalo ang dugo ni Jacinto sa chlorine, hinubad ko ang itim na damit at saka ko iyon ipinatong sa gilid. “Hi!” Napasinghap at nabigla ako sa sumulpot na ulo sa tubig sa aking tabi. Bwisit! Kahit naman may pinatay ako ay matatakutin din ako, noh! Si Mr. Smith iyon. May kakulitan din talaga ang isang ito! “Hey!” Simpleng inayos ko ang bikini. Ayokong pagpiyestahan niya ang dibdib ko dahil sigurado na ako rin ang malalagot. “So, you know Mr. Takayama, huh?” Mas inilapit niya pa ang sarili sa akin hangggang sa maramdaman ko ang palad niya na humaplos sa tagiliran ko. “Yeah. He’s a boytoy.” “But he’s married.” “Funny! Because I am too! Secret affairs are fun. By the way, I feel something on my ass, is that your hand?” “My hand is secretly having an affair with your ass. Do you like it?” aniya na nagawa pa akong himasin. Inilapit ko ang bibig ko sa kanyang tainga. “Take your hand away if you don't want me to break your d**k, and by that I mean I'm giving you a second” Sa halip ay nagawa niya pang pisilin ang pang-upo ko. Nginitian ko siya. Nang akmang hahalikan niya ako ay inilabas ko ang kanyang naninigas na armas sa suot niyang swimming trunks. Nanggigigil na binali ko iyon! “Ahhhhh!” Umalingawngaw ang kanyang hiyaw mula sa kinaroroonan namin. O, gagu! Eh ‘di napasigaw ka sa sarap! Namimilipit siya na hindi alam ang gagawin habang hawak niya ang kanyang hinaharap sa tubig. “Mr. Smith, are you alright?” tanong ko sa kanya na tila inosenteng pagong, hawak ang dibdib. “Mr. Smith?” tanong ng tauhan ng yate. “T-that woman! Get that woman! I’ll kill her!” galit nitong sigaw. “What the fvck is going on?” galit na sigaw ni Kiryu na kababalik lang at nasaksihan ang komosyon. Sht! Sht! Sht! Wala akong naiisip sa oras na iyon kung hindi kunin ang pabor ni Talon laban kay Mr. Smith. Ayoko pang mamatay! Umahon ako mula sa pool at saka lumapit sa kanya nang nanginginig hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa lamig! Punyemas! Niyayakap ako ng hangin ng Manila Bay! Umasim ang mukha ni Talon matapos akong pasadahan ng tingin. “Talon, I’m scared… Hinipuan niya ako!” “Give me that woman, Mr. Takayama! I’m going to kill her!” ani Mr. Smith. Nagtago ako sa likuran ni Talon. “Don’t you dare, Mr. Smith! Remember that this is my territory!” galit na tugon ng lalaki. “She… she broke my dck!” anang Australian. Napapangiwi pa rin siya sa sakit. Naningkit ang mata ni Talon. “Was it because you touched her? Aki!” “Boss?” Napalunok ang huli. Inihabilin ako ni Talon sa kanya kaya malamang na maparusahan siya dahil sa akin. “This party is over! Let’s go back!” Hindi ko naman intensiyon na sirain ang gabi nila. Like, hello? I’m innocent kaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD