Talon
Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ko si Kiara na naroon sa yate. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na iyon.
Kiara has been part of my life. Siya ang naglabas ng kakaibang emosyon sa akin sa loob ng tatlong buwan.
“Aki!” tawag ko sa tauhan na siyang nangangalaga sa yate. Lumapit siya sa akin.
“Bakit narito si Kiara?” Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag magalit kahit pa tila nais ng dibdib ko na sumabog.
“Boss, sino pong Kiara?” tanong niya habang iniikot ang tingin sa deck kung nasaan ang pool area.
“Ang babaeng nasa—”
Halos maglaway si Mr. Smith at ang ilan sa mga kalalakihan na naroon ang tingin sa magandang hubog ni Kiara kaya hindi ko rin natapos ang sasabihin ko dahil tila ako tigre na nagtungo sa kanyang direksiyon. Hinawakan ko siya sa braso at saka dinala sa gilid habang nag-aapoy ako sa galit.
Hindi dapat siya narito!
Tinanong ko si Kiara kung ano ang ginagawa niya sa yate. Narito ba siya para mag-spy sa akin na isa sa mga miyembro ng Takayama Group? Hindi malabong mangyari iyon lalo na at miyembro siya ng medya.
I keep telling myself it’s dangerous to have someone like her. Kaya lang ay masyadong malakas ang kung anuman na namuo sa aming dalawa. Gusto kong manuntok sa oras na iyon, ngunit lumambot ang damdamin ko matapos kong makita ang luha sa mata niya.
“I’m sorry, babe…” Gusto ko siyang yakapin dahil halatang nasaktan siya sa nasaksihan kaya lang ay kailangan kong mag-ingat. Ayokong maging puntirya si Kiara ng mga taong demonyo na alam kong naghihintay lang sa paligid. Narito pa naman si Arya.
Hindi ko nagustuhan ang paglapit ng crew sa amin.
“Boss…” Nilapitan ako ni Aki, isa sa mga tauhan ko. “May umatake sa isa sa mga crew natin. May patay sa ibaba.”
Habang naninigas ang mga panga ko sa galit ay sumunod ako sa kanila. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may bangkay sa paligid ko? It’s been part of life. We kill to survive. Nagtungo ako sa silid ng isang crew member.
“We found these bombs in this room aside from that body.” Itinuro ni Roy, ang head crew sa yate na iyon, ang kauna-unahang namatay rito.
Pulang dugo na tila naging pintura ang kumakalat sa kama at hindi maipaliwanag na bangkay ang naroon sa cabin. I’m a man and a killer too. Pero hindi ko kailanman naisip na putulan ng ari ang mga pinapatay ko. Para bang may malalim na galit ang taong salarin sa biktima.
“Who is this man?” tanong ko kay Roy.
“We’re checking, boss. Ngayon ko lang nakita ang taong ‘yan dito.”
“Hindi ba siya tauhan sa Exodus?”
Pumasok ang isa sa mga tauhan dala ang computer tablet para ipakita ang listahan ng mga taong sakay ng yate. “Boss, heto ang registration.”
Ako ang umabot niyon para imbestigahan ang taong nakatalaga rito sa cabin. Pinakatitigan ko ang namatay at ang larawan na naroon sa tablet. Lalong tumigas ang panga ko matapos mapagtanto na spy ang lalaki. Gamit ang facial recognition, napag-alaman ng grupo na ang bangkay ay tauhan ng mga Falcone.
“Ibig sabihin ay narito siya para atakihin ang yate ngayon gabi,” ani Roy.
“f**k this! Ang tanong ko, paanong nangyari na may espiya na nakalusot? Kung hindi iyan pinatay, malamang na tayo ang pinaglalamayan ngayon! Alamin n’yo kung sino ang gumawa nito!” galit na utos ko sa kanila.
“Posibleng isa sa mga crew ang may gawa nito kung nahuli ang taong iyan na may bomba.”
Lalong sumama ang mukha ko sa narinig. “You know that I hate wondering. Ibigay n’yo sa akin ang report matapos n’yong ihagis ang isang iyan sa labas dahil ayoko ng may kakalat-kalat na uod dito. I. Want. That report! Aakyat na ako sa deck!”
“Yes, Boss,” tugon ni Roy.
Posible naman talagha na isa sa mga crew ang may gawa nito, ngunit malaki rin ang posibilidad na isa sa mga bisita ko ang may sala. Kung paano nangyari, hindi ko alam!
Nang dumating ako sa taas ay mayroon pa ring komosyon kahit saglit lang ako na nawala. Natatakot si Kiara kay Mr. Smith na galit na galit. Kung hindi lang importanteng tao ang lalaki at may malaking pera na ipapasok sa business ko, malamang na itinulak ko na siya palabas ng yate. Gayunman ay pinagbantaan ko siya.
Hinubad ko ang makapal na blazer na nakapatong sa akin at saka ko ipinasuot sa nanginginig na katawan ni Kiara. Ramdam ko na natatakot siya base na lang sa pangangatog ng kanyang katawan.
“It’s alright, babe. I’m sorry…”
Dinala ko siya sa pribadong silid ko na naroon sa itaas. Pinaupo ko siya sa silya at saka ako humugot ng tuwalya sa isa sa mga cabinet.
“Bakit ka narito, Kiara?” mahinahon kong tanong sa kanya, lumapit at saka ko pinunasan ang kanyang basang buhok.
“I saw you in one picture. Ipinakita sa ‘kin ni Aimee.”
Umasim ang mukha ko matapos maalala ang modelo na nag-post sa social media account nito. Ilang minuto lang iyon na nasa publiko at pina-delete ko na rin ‘yon sa tauhan, ngunit nakita pa rin ni Kiara.
“Nag-alala ako sa ‘yo kaya ako nagpunta rito. Ang sabi mo kasi sa ‘kin ay nasa abroad ka! I want to know the truth! So, this is the real you, huh? Lalabas na ako! Ayokong masampal ng asawa mo,” usal niya.
Nag-squat ako sa kanyang harapan para makausap siya nang maayos. “Babe, it’s not what you think. Trust me. I am doing my best para mawala siya sa buhay ko.”
Nahirapan ang kalooban ko lalo nang makita ang mga luha niya sa mata. Nararamdaman ko na sobra siyang nasasaktan lalo na nang humihikbi na siya. “Hindi ako makapaniwala na pinaglaruan mo ang damdamin ko, Talon…”
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit magaan ang pakikitungo ko kay Kiara. Siguro dahil malayong-malayo siya sa mundo na mayroon ako. Siya ang isa sa mga rason kung bakit nararanasan ko minsan na hindi ako si Kiryu, at simpleng si Talon lang.
Hinalikan ko siya sa sintindo, malalim na nilanghap ang kanyang amoy. Sapat iyon para mawala ang lahat ng galit ko kanina. Siguro ay sobra-sobra ang nakita niya ngayon gabi. Hindi niya siguro inaasahan ang mga nalaman tungkol sa akin.
“Babe, my relationship with Arya is quite complicated.”
“Gano’n pa rin ‘yon. May asawa ka na at niloko mo ‘ko. Get out, Talon! I want to be alone…” aniya, iniwasan na tumingin sa akin.
I want to touch her because I terribly miss her. Galing ako sa ibang bansa kaya ilang araw din kaming hindi nagkita ni Kiara.
Pinangko ko siya at saka ko siya inilapag sa kama. Masuyo ko siyang hinalikan sa labi kahit na nagsisimula siyang pumiglas. Kaya naman pumaibabaw ako sa kanya para pigilan ang kanyang katawan. Umiwas nga siya sa pagkilos ngunit nawala ang masarap na lasa kung paano siya gumanti kaya dismayado rin akong lumayo sa kanya.
Gusto ko siyang halikan at makipagtalik sa kanya ngunit nararamdaman ko na iyon ang huli niyang nais mangyari. I’m a bad person and possibly far from her perfect man.
Hinilot ko ang sentido ko at saka tumayo.
“Stay here, baby. You are safe here. Lalabas na muna ako kung iyon ang gusto mo.”
***
Kiara
Dioskolord! Halos takasan ako ng kulay kanina! Hindi ko alam ang ikakatwiran ko kay Talon. Sa tingin ko naman ay nakuha ko ang best actress award dahil umalis siya sa silid nang hindi ko naramdaman na pinaghinalaan niya ako. Base sa kilos niya, walang sinabi sa kanya si Arya. Halata rin na gusto ng dati kong kaibigan na isikreto na magkakilala kami.
Nalulungkot talaga ako kaya totoo ang luha ko sa mata.
Ipinangako ko kasi sa sarili ko na iiwas ako sa pulitiko, sa pulis, sa gambler, sa kidnapper, pero putragis na buhay ito! Lord, bakit mo naman ako ibinigay kay Kiryu Takayama? Anong kasalanan ko?
Okay na sana ang pangarap ko na magkaroon ng jowa na simpleng ngunit manyak na Japanese chef, naging bato pa!
Kailangan kong umiwas kay Kiryu o Talon kahit pa nga kating-kati ako na malaman kung bakit ninakaw ni Camila ang pagkatao ni Arya Mendez. Kailangan kong malaman iyon para makagawa ako ng susunod na hakbang.
Kung isa si Arya sa mga taong may pagkakautang sa akin kaya malakas ang loob niya na gawin ito, I’ll make her pay. Hindi malabong mangyari iyon lalo na at nagawa niya na akong lokohin.
Umiwas ako sa loob ng tatlong taon at inisip ko na muna na iligtas ang sarili ko. Ngayon na nadawit ako kina Talon at Arya, ano na ang gagawin ko?
Flipping my hair like a Queen! Wala, girl! Matulog, magpahinga at magpanggap na uod dito sa pinaka-tutyal at eleganteng silid sa 500M na yate!
Iyon ang ginawa ko, namuhay ako bilang reyna habang namomroblema si Talon sa dami ng trabahong ibinigay ko sa kanya ngayong gabi.