Naiwan akong nakanganga sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Leon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil nag-aalala siya sa akin o dapat ay mainis ako dahil sa sinabi niya. Nang unti-unting mag-settle sa utak ko ang paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon sa akin ay unti-unting uminit ang ulo ko.
Kahit naririnig ko ang ungol nina Kirsten at Uriel, binalewala ko iyon at inis na humabol sa papalayong si Leon.
“Sino ka ba para pagsabihan ako?” Tumaas ang boses ko pero hindi man lang siya huminto para harapin ako.
Sa sobrang inis ko ay hinaklit ko ang kaniyang braso para mapilitan siyang harapin ako. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at mariiin pinatuwid ako nang tayo.
“Nakita mo naman hindi ba? Walang normal sa mga kaibigan ko maliban kina Maureen at Bryan. Kung talagang matino silang kaibigan at magandang impluwensiya sa’yo o sa akin o sa kahit sino, hindi sila gagawa ng ganitong kababuyan sa ating harapan. Wag kang magbulag-bulagan, Celine. Alam mo kung ano ang habol sa’yo ni Marco.”
Napalunok ako nang sunod-sunod.
“Bakit? Alam mo ba kung ano talagang habol sa akin ni Marco? Mahal niya ako, Leon. Kung ano man ang ginagawa naming dalawa, pumapayag ako para mapasaya siya.”
Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa. Pero mas nandilim ang kaniyang paningin nang marinig ang sinabi ko.
“Binigay mo na sa kaniya? Huh! Hindi na ako makapaghintay kung ano pang mga hihilingin niya sa’yo na gawin mo. For sure he would ask you something fun. Something that would fulfil his s****l satisfaction. Pinaghubad ka na ba niya? Nasarapan ka naman ba?”
Isang malakas na sampal sa kaniyang pisngi ang aking pinakawalan. Nanginginig ang aking kamay. Hindi, mali, hindi lang ang kamay ko ang nanginginig kundi pati ang buong katawan ko.
Hindi ko akalain na may isang taong kaya akong pagsalitaan ng ganoon. Even my parents, Isabelle, and my other family members didn’t treat me this way.
“Anong alam mo? Anong karapatan mong pagsalitaan ako! Hindi mo naman ako kilala at hindi rin kita kilala!”
Humakbang siya palapit sa akin at muling hinawakan nang mariin ang balikat ko. Tila hindi nito inalintana ang malakas na pagtama ng palad ko sa kaniyang mukha. Matalim at malalim ang titig na binigay niya sa akin.
“I was the first person who get to know you. Marahil hindi man ganoon kalalim ang pagkakakilala ko sa’yo pero alam kong hindi ka ganito. Hindi ka magpapadala sa mga kagustuhan ni Marco sa paniniwalang napapasaya mo siya. Sooner or later, magsasawa rin siya sa’yo or if you get lucky, he will get obsessed to you. Sinasabi ko sa’yo, lahat ng taong dumaan sa kamay ni Leon, hindi nakakaligtas. It’s either they become crazy in the end or they die. Hindi ko sinasabi ito dahil galit ako sa’yo, o galit ako sa kahit sinong mga kaibigan ko, sinasabi ko ito sa’yo, dahil nag-aalala ako at ayokong matulad ka sa mga babaeng dumaan sa palad niya. He’s cruel, Celine. And if there’s one thing you deserves, it's love not cruelty.”
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay pinakawalan niya na ang aking balikat at dali-daling tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad pabalik ng kanilang tent.
Humugot ako ng malalim na hininga saka napaupo sa buhanginan. At ang ingay na tanging naririnig ko habang nakamasid sa kawalan ay ang palakas na palakas na ungol ng magkasintahang Uriel at Kirsten.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Alas singko y media nang magdesisyon akong lumabas. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi maalis sa isip ko lahat ng sinabi sa akin ni Leon kagabi.
Bumaling ako sa kanilang tent. Nang mapansin kong bukas na ito ay dali-dali akong naglakad papunta roon. Pero wala akong naabutan. Nang tumingin ako sa mataas na bahagi kung saan naroon ang parking area, naabutan ng aking paningin ang papaalis na sasakyan.
“Celine…”
Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig ang boses ni Marco.
“Bakit ka nandito?” tanong niya saka bumaling sa tent nina Leon.
Agad akong nag-isip ng puwedeng sabihin.
“Ah, nagpapahangin lang ako, babe. Saktong napadpad ako rito. Hihintayin sana kitang magising pero tulog ka pa kanina.”
Isang marahang tango lang ang sagot niya. Hinawakan niya ang aking braso at hinila ako palapit sa kaniya.
“Nagising ako kagabi, wala ka. Saan ka pumunta?”
“Sa CR, naihi kasi ako kagabi.”
Muli ay tumango siya. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makabalik kami sa tent. Aasikasuhin ko na sana ang mga gamit doon nang pigilan ako ni Marco.
“Hayaan mo na ang mga katulong ang mag-asikaso riyan.”
Nang lumabas kami ni Marco sa tent, dinala niya ako sa isang rest house na malaki kung saan matatagpuan ang mga nakahanda ng pagkain para sa amin. Iba’t-ibang uri ng seafoods and nandoon. May mga mais, pakwan, manga. Mayroon ding kanin na kahahain lang din kaya mainit-init pa.
Biglang kumalam ang aking sikmura. Naalala ko, hindi nga pala ako nakapaghapunan kagabi.
“Are you hungry? Do you want to eat?” nakangiting tanong ni Marco.
Marahan akong tumango.
“Pero, hindi ba natin hihintayin ang mga kaibigan mo?”
Itinuro naman niya ang mga paparating na mga kaibigan.
“Of course, we’ll wait for them. Ayan na rin naman sila.”
Kung ano ang damit na suot nila kagabi, iyon pa rin ang mga suot nila ngayon. Ang kaibahan lang, ngayon ay nakasuot na sila ng shirt. Pero ang ibaba, nananatiling naka-underwear lang ang mga babae, habang ang mga boys ay naka-boxers pa rin.
“Did you enjoy last night’s party, Celine?” tanong sa akin ni Hannah bago ito sumubo.
Tipid akong ngumiti.
“Nag-enjoy naman ako.”
Nagkatinginan ang mga ito at maya-maya at naghalalhakan.
“I heard na bagsak si Marco kagabi. Ibig bang sabihin niyon ay hindi siya naka-score sa’yo?”
Napaubo ako bigla kaya mabilis kong inabot ang baso at uminom ng tubig. Si Marco naman ay marahang hinaplos ang aking likuran.
“Guys! Ano ba? Hindi pa sanay si Celine sa mundo natin. Kaya huwag niyo siyang bibiglain.”
Humugot ng malalim na hininga si Uriel.
“Hindi ka man naka-score sa kaniya, pero sigurado akong nabasa naman ang panty niya habang nakikinig sa ungol namin ng baby ko kagabi.”
Halos bumagsak ang aking panga sa sinabi ni Uriel. Wala man lang itong preno sa pananalita.
Marahang tumawa si Hannah.
“Don’t worry, Celine. Ganito talaga kami. We’re open in s*x conversation. Saka isa pa, it’s normal to crave for s*x, do s*x, and fuck.”
Marahang kinurot ni Harwin ang tagiliran ng girlfriend na si Marinelle.
Nakitawa naman ang dalawa pang babae.
“s*x is our way of relieving our stress. Wala namang masama roon. I find it cool and satisfying. At alam mo ba kung sino ang nagturo sa amin ng bagay na ito?” nakataas ang kilay na sambit ni Hannah.
Lumipat ang kaniyang tingin mula sa akin patungo kay Marco.
“K-kay Marco?” nauutal na tanong ko.
Sabay-sabay silang tumango.
“Marco taught us to do this. We feel powerful when we do it, Celine. You must try it too.”
Bahagya akong yumuko at sumubo ng pagkain.
“Well, honestly girls, Celine is good at it.”
Sunod-sunod na nagtilian ang mga babae at nagpalakpakan naman ang mga kaibigan niyang lalaki.
“I knew it, pare. Sinasabi ko na nga ba hindi ka rin magpapahuli eh.”
Ngumiti si Marco at hinawakan ang aking kamay.
“But I want you to know that Celine is special more than any other girls I’ve been with. I consider marrying her in the future.”
Narinig ko ang pagbagsak ng ilang pirasong kubyertos sa sahig. Gulat na gulat ang ekspresiyon ng kaniyang mga kaibigan. Nagulat din ako dahil nagawa niyang sabihin iyon. Pero mas OA ang reaksiyon ng mga ito.
“OMG!” sabay-sabay na tilian ng mga babae.
“You’re really serious about Celine?” nakangiting tanong ni Kirsten.
Marco nodded. Mukhang nahihiya pa siya dahil napansin ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Hindi ko na rin tuloy maiwasang mapangiti habang tinutukso kami ng kaniyang mga kaibigan.
“You don’t have to say that babe,” mahinang sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng sasakyan.
Tumingin siya sa akin at mabilis na ipinulupot ang kaniyang braso sa aking beywang.
“I had to say that so they will treat you as their equal.”
Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Mali si Leon sa lahat ng sinabi niya tungkol kay Marco. Marco is the best. There’s no hint of obsession in his eyes. He just simply loves me.
Hinalikan ko siya sa pisngi, bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Inihatid niya ako sa apartment ko at nagpaalam siya na babalik siya sa susunod na araw dahil marami siyang aasikasuhin sa kanila. Kabilang na roon ang pag-aasikaso ng mga gamit para sa kaniyang pag-aaral. Malapit na kasi ang pasukan at kailangan niyang mag-focus dahil siya ang inaasahan ng kaniyang mga magulang sa kadahilanang siya ang nag-iisang anak ng mga ito.
Nangako naman siyang babalik siya para sulitin ang kaniyang natitirang oras na kasama ako.
Dahil wala naman akong magawa, kinabukasan ay nagdesisyon akong mamalengke sa malapit na talipapa. Marami ring mga paninda roon at karamihan ng naninirahan sa area kung saan ako nakatira ay doon namimili.
Nakasuot ako ng bistida sa araw na iyon na hanggang sa itaas ng tuhod ang haba. Kaya karamihan ng mga tambay ay napapalingon sa akin lalo na kapag hinahangin ito at umaangat. May pagkakataong kapag yumuyuko ako, pakiramdam ko ay nasisilayan nila ang suot na panty ko.
Dapat pala ay nagsuot ako ng short para kahit paano ay naging mukhang maayos ako.
“Ikaw ba iyong nakatira riyan sa malaking apartment na pag-aari ng mga Madrigal?”
Kumunot ang aking noo nang marinig ang tanong ng ale.
“Pag-aari ho ng mga Madrigal? Ang alam ko ho ay pag-aari ito ng mayamang negosyante na nakatira sa bayan?” naguguluhang tanong ko.
Napahinto ang mga tindera at sandaling napalingon sa akin. May ilang umiiling. May ilang nagsasalita pero hindi ko naman marinig dahil mahina ang kanilang boses.
“Wala namang nabanggit sa akin si Marco na kanila ang apartment na iyon.”
Yumuko ang babae sandali pero agad din itong nagtaas nang tingin sa aking para tanungin kung anong nais kong bilihin. Nang maiabot niya sa akin ang plastic na may lamang gulay, saka ko napansin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
“Dayo ka rito sa Paso, ano?”
Agad naman akong tumango.
Tipid siyang ngumiti. Doon ko lang din napansin na maganda siya.
“Kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiya sa akin ha. Ako nga pala si Aira. Kung nais mong makipagkuwentuhan sa akin paminsan-minsan, maaari mo akong puntahan sa aming bahay. Sa dulong bahagi ng barrio. Makikilala mo ang bahay namin sa kulay blue nitong bubong at sa bakod na kahoy.”
Mukhang mabait si Aira kaya agad akong pumayag sa imbitasyon niya. Nagpakilala na rin ako bilang Celine Altamonte.
Bago ako tumalikod ay muli pa siyang nagsalita.
“Mag-iingat ka, Celine ha.”