09: WARNING

1893 Words
“Oh, ayan na pala sila,” ani Harwin habang kasalukuyan itong kumukuha ng beer sa ice box. Lahat kami ay sabay-sabay napalingon sa mga bagong dating. Tatlo ang mga ito. Dalawang lalaki at isang babae. Ang babae ay mahigpit na nakakapit sa braso ng isang lalaki. Medyo papadilim na ng mga oras na iyon kaya hindi ko na gaanong maaninag ang hitsura nito. Pero halatang magkasintahan ang nauna. Habang ang nag-iisang lalaki na naglalakad ay nasa hulihan ng mga ito. Kasabay ng kanilang pagdating ay pagsindi ng ilaw sa buong Villa. Tumayo sina Harwin, Lester, at Uriel para batiin ang mga bagong habang si Marco naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ko. Hindi niya inaalis ang kaniyang braso sa pagkakapulupot sa aking beywang. Nang lumingon ako, unang bumaling sa akin ay lalaking walang kapares. Kumunot ang aking noo nang makilala ko ito. Siya yung lalaki na nakausap ko sa barko. Doon ko rin nakumpirma na tama ang hinala ko. Pati yung Bryan at Maureen na tinutukoy ng mga ito, iyon din ang dalawang taong naabutan ko sa CR sa barko na gumagawa ng kalokohan. Matagal na tumitig sa akin si Helion. Alam kong natatandaan niya rin ako pero hindi siya nagsalita. Mukhang hindi rin siya mahilig ngumiti. Samantalang sina Bryan at Maureen ay masayang nakikipag-usap sa iba nilang mga kaibigan. “Bro, happy birthday! Binata ka na talaga!” tatawa-tawang sambit ni Bryan saka inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ni Marco. Tinanggap naman ito ni Marco. Hinila siya patayo ni Bryan saka nagyakapan ang dalawa. Napabaling naman sa akin ang binata at kumunot din ang noo nang makita ang kabuuan ng hitsura ko. “Hindi ba ikaw ‘yong—” Hindi naman natuloy ang sasabihin sana ni Bryan nang biglang dumating si Helion at umakbay rito. Nilingon ni Bryan si Helion. Ang atensiyon naman ni Helion ay kay Marco. “Bro, hindi ba siya yung nakasabay natin sa barko pauwi ng Santa Victoria?” Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa tanong ni Bryan kay Helion. Marahil ay natatakot ako dahil baka kung ano ang isipin ni Marco sa kuwento nito. Nilingon ako ni Marco. Nakataas ang kaniyang kilay at tila hinihintay ako na magpaliwanag. Umangat naman ang kilay ni Leon nang marinig ang tanong ng kaibigan. “Really? Wala naman akong matandaan na may nakilala tayong babae sa barko,” sagot ni Helion. Medyo bothered ako dahil hindi ko alam kung sinadya niyang sabihin iyon para hindi matuon sa akin ang atensiyon ng mga ito o talagang hindi niya lang maalala na nagkita kami at nagkausap sa barko. “I don’t remember her,” dagdag pa niya bago marahang tinapik ang balikat ni Marco. “Happy birthday bro. Pinalagay ko na sa kuwarto mo ang regalo ko.” Ngumisi si Marco. “What could possibly that be? Mapapasaya ba ako ng regalo mo, Leon?” Walang ganang tiningnan siya ni Leon at tumango. “For sure.” Bago tumalikod si Leon ay napansin ko ang pagngisi niya. Maging ako ay na-curious patungkol sa regalong nabanggit ni Leon. Samantala, si Bryan naman ay panay ang tingin sa akin. “Sigurado kang hindi pa tayo nagkikita?” tanong nito. Alanganin akong umiling sa kaniya. “No, I don’t think so.” Hinawakan ni Marco ang beywang ko at hinigit niya ako palapit sa kaniya. “Bry naman, my girlfriend is the most beautiful girl I’ve known. Nakakadismaya ka sa parteng inisip mong ibang tao siya.” Tumuwid sa pagkakatayo si Bryan. “Hindi ko naman sinasabing ibang tao siya. Ang sa akin lang, sigurado talaga ako na nagkita kami sa barko noong nakaraang buwan.” “At kung nagkita man kayong dalawa, ano ngayon?” napansin ko ang pagtaas ng tono ni Marco. Bryan stepped back. “Wala, bro. Sinabi ko lang. Anyway, she’s beautiful. Bagay kayong dalawa,” sabi nito at saka ngumiti. Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata ni Bryan. Halatang napilitan din lang siyang sabihin ang huling mga salita nang sa gayon ay hindi na humaba pa ang diskusyon sa pagitan nilang dalawa ni Marco. Nakangiting nagpaalam si Bryan at bumalik na sa kaniyang girlfriend na tahimik lang nakamasid sa akin. Alam kong natatandaan nila ako maliban kay Leon. Pagkabalik ni Bryan sa tabi ni Maureen ay may ibinulong ito rito. Agad naman na lumapit ang dalawa kay Leon na tahimik lang na nakaupo sa buhanginan at nakatingin sa apoy na nagsisilbing liwanag na pinaiikutan namin. Nang magtama ang paningin namin ni Leon ay nakaramdam ako ng kahihiyan. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit. Pero sa bawat hagod niya nang tingin sa akin, pakiramdam ko ay hinuhusgahan niya ang pagkatao ko. Pilit kong inalis ang isiping iyon sa utak ko at nag-focus sa kasiyahan ng iba pa naming kasama sa villa. Umabot ng alas diyes ng gabi ang inuman ng mga ito. Si Marco ay lasing na lasing na at nakahiga na ang kaniyang ulo sa balikat ko. Sinubukan ko rin namang uminom. Ang kaso ay hindi ko talaga kinaya ang pait ng beer. Noong nasa siyudad ako, hanggang wine lang talaga ang kaya ko. Ako nalang at si Leon ang tanging nasa maayos ang pag-iisip sa mga oras na iyon. Si Harwin ay sinamahan ni Marinelle para sumuka dahil sa kalasingan. Si Lester naman at Hannah naman ay naghahalikan na sa aming harapan. Nagulat pa ako nang alisin ni Lester ang pagkakabuhol ng bra nito dahilan para lumaya ang mga dibdib nito. Pakiramdam ko, nanunuod tuloy kami ng live porn. Mukhang hindi naman apektado si Leon. Iniwas lang niya ang kaniyang paningin sa mga ito at pagod na tumayo. Marahan niyang tinapik ang braso nina Maureen at Bryan na nakatulog na sa tabi niya. Nang hindi ito kumibo, humugot siya ng malalim na hininga at inalalayan ang dalawa sa pagtayo. Naririnig ko ang kaniyang mahinang reklamo habang hinihila niya ang dalawa patungo sa tent na naka-assign para sa kanila. Pagkahatid niya sa mga ito ay hindi na siya lumabas. Marahil inaasikaso niya ang dalawa niyang kaibigan. Hinanap ng aking mga mata sina Kirsten at Uriel. Umalis kasi ang mga ito kanina, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Gusto ko sanang tumayo para hanapin ang mga ito, pero hindi ko naman maiwan si Marco dahil halos tulog na ito. Ang kaniyang palad ay nasa tiyan ko at marahang humahaplos sa labas ng damit ko. “Do you want us to go inside? Gusto mo na bang magpahinga?” Bumangon ang kaniyang ulo. Humarap siya sa akin at ngumiti saka tumango. Hindi ko maiwasang mapahanga sa hitsura ni Marco. Kahit lasing siya, ang guwapo niya pa rin. At kapag ngumingiti siya, mas lalo siyang gumuguwapo kapag lumalabas ang dimple niya sa kaniyang magkabilang pisngi. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at bumaling kina Lester at Hannah. Hubad na hubad na ang itaas na bahagi ng katawan ni Hannah. Mabuti nalang at hindi namin gaanong nakikita ang ginagawa ni Lester sa kaniya dahil nakapatong na ito sa kaniya. Mahinang tumawa si Marco. Itinapat ko naman sa kaniyang mga mata ang palad ko para hindi niya makita ang ginagawa ng mga ito. Hinawakan niya ang kamay ko at binaba iyon. “f**k these people. Talagang hindi na nakapagpigil ng init ng kanilang katawan,” mahina niyang bulong habang pinipilit ang sarili na tumayo. Inalalayan ko naman siya. “Ganoon ba talaga sila, they do it whenever and wherever they want?” curious na tanong ko habang inaayos ko ang higaan ni Marco. Nakahawak ang kaniyang kamay sa aking binti at hinihimas ito. “Yes, they’re mostly s*x addict. All of my friends actually. Maliban kay Leon na ayaw sa mga babae.” Gusto ko sanang itanong kung bakit ayaw ni Leon sa mga babae, pero hindi ko na itinuloy dahil baka kung ano pang isipin ni Marco. “Oh, is that so?” Ang mga iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig. Tumango si Marco. “That’s why consider yourself lucky dahil sa akin ka bumagsak. I still have respect to women.” “You’re saying your friends do not respect their girlfriends?” He chuckled. “Gosh, Celine. If they really do respect their girls, they won’t f**k them in front of other people. But me, I f**k you privately. At least, that way, I know I am better than they are.” Pakiramdam ko ay nanginig ang aking katawan nang sabihin niya ang salitang “f*ck” “Pero baka nakakalimutan mo, nilamas at nilaro mo ang dibdib ko sa harapan ng ibang tao,” malakas ang loob na sabi ko. Lumamlam ang kaniyang mga mata. “Akala ko ba okay na tayo roon? Akala ko, hindi ka na galit?” “Hindi naman na ako galit, Marco. Sinasabi ko lang.” Inabot niya ang kamay ko. “Don’t worry, baby, I’ll do better.” Bumaba muli ang kaniyang kamay sa aking hita at hinaplos iyon. Bumangon siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “I promise not to do it again, basta huwag mo lang akong iwan, okay?” Hinalikan niya ako sa labi. Masuyo habang pasimpleng kinakagat-kagat ang ibabang labi ko. Ipinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko, pilit na nilalaro ang dila ko. Suddenly, I was turned on. Ikinawit ko ang aking braso sa kaniyang leeg at umupo sa kandungan niya. Itinaas ni Marco ang shirt ko pati ang aking bra at hinaplos ang aking dibdib. I know he want it too. But he’s just so tired. “I’m sorry, babe. I’m really sleepy.” Mahina akong natawa nang pabagsak siyang humiga sa comforter. Tiningnan ko naman ang aking sarili. Inayos ko ang aking buhok at binalik ko sa pagkakaayos ang aking bra at shirt. Sinubukan kong matulog sa tabi ni Marco. Pero hindi ako makaramdam ng antok kahit anong gawin ko. Bumaling ako kay Marco bago ako nagdesisyong tumayo at lumabas ng tent. Naglakad-lakad ako sa labas at napansing naroon pa rin sina Hannah at Lester. Doon na talaga nila pinagpatuloy ang ginagawa nila. Humugot ako ng malalim na hininga at tumalikod. Plano kong pumunta ng CR para sana umihi nang makarinig din ako ng ungol sa bungad ng CR. Sigurado akong sina Kirsten at Uriel iyon. Pumikit ako nang mariin at sumandal nalang sa pader at pagod na umupo. “What are you doing here?” “Ay kalabaw!” Dali-dali akong napatayo nang marinig ang pamilyar na boses. Nang bumaling ako sa kaliwa ko, nakita ko ang isang pamilyar na pigurang nakatayo roon. “Leon?” tawag ko sa kaniyang pangalan sa patanong na paraan. Hindi siya sumagot. Bagkus ay naglakad siya palapit sa akin at pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa. “May problema ba?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. “Ako wala, pero ikaw meron.” Mas lalong kumunot ang aking noo nang marinig ang sinabi niya. “Excuse me?” “Of all people, si Marco Madrigal pa talaga? Parang kumuha ka lang ng batong ipupukpok sa ulo mo.” Pinag-aralan kong mabuti ang ekspresiyon niya. Base sa kaniyang hitsura, mukhang hindi naman siya nagbibiro. Ibinuka ko ang aking bibig para magsalita pero wala akong maisip na sabihin. “Consider this as a warning, Celine. Mas mabuti pa kung umalis ka nalang sa lugar na ito bago pa maging magulo ang buhay mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD