08: HIS HIGH-CLASS FRIENDS

1571 Words
Nanatili kaming tahimik ni Marco sa biyahe. Pero maya’t-maya ay nililingon niya ako para tingnan kung ayos na ba ang pakiramdam ko. Aaminin ko, masama ang loob ko sa kaniya. I was mad actually. Naiinis nga ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang magawang mag-walk out o magsabing hindi nalang ako sasama. Sa buong buhay ko, ito palang ang unang pagkakataong masasabi kong nagmahal ako ng isang tao. Kaya gusto kong mag-work out ang unang relasyon ko. Marco promised me that he’ll marry me in the future. At sino ba naman ako para tanggihan siya kung aalukin niya ako ng kasal? Isa pa, mabait naman talaga si Marco. Spoiled lang talaga at hindi sanay na tinatanggihan. Ako ang uri ng taong hahanapin ang kabutihan sa puso ng isang tao kahit gaano pa ito kasama. Hindi ko sinasabing masama si Marco. Oo, mali yung ginawa niya kanina, pero hindi ibig sabihin niyon ay masama na siya. Isa pa, sa isang buwan naming relasyon, iyon palang ang unang pagkakataon na nakagawa siya ng pagkakamali. “Galit ka pa ba?” tanong niya pagkaliko ng sasakyan sa isang daan na sa bandang gilid ay may nakalagay na karatulang ‘WELCOME TO VILLA JACINTA. Ang sabi ni Marco, isa raw ito sa mga dinarayong resort dito sa Del Rama. Pero dahil birthday niya ngayon, nirentahan daw ito ng kaniyang mga kaibigan para surpresahin siya. Bumaling ako sa kaniya at tipid na ngumiti. “Hindi na.” Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Kitang-kita ko rin ang pagsisisi sa kaniyang hitsura. “Just don’t do it again, babe. Okay ba iyon? Wala namang problema sa akin kung gusto mong makita ang katawan ko eh. Alam mo namang hindi ko magagawang tumanggi sa’yo. Ayoko lang noong minamanyak mo ako sa harapan ng ibang tao.” Pagkahinto ng kaniyang sasakyan sa parking lot ay agad siyang umayos nang upo at humarap sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likuran nito. “I’m really sorry, babe. Promise, hindi ko na uulitin.” Nang mapansin kong nangingilid ang kaniyang luha sa kaniyang mata ay hinawakan ko ang kaniyang pisngi. “Okay na, huwag ka nang umiyak diyan,” sabi ko habang mahinang tumawa. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at nag-puppy eyes pa. He opened his arms, inviting me for a hug. “Sige nga, kung hindi ka na galit, yakapin mo ako?” Ngumiti ako nang matamis saka inalis ko ang seatbelt na nakaharang sa katawan ko. Yayakap palang ako sa kaniya nang bigla niya akong hinawakan sa aking beywang at binuhat ako para mapaupo sa kaniyng kandungan. Impit akong napatili sa ginawa niya. Maliwanag ang paligid kaya naman agad akong luminga-linga dahil baka may dumaan sa kinaroroonan namin. Ngunit naalala kong wala nga palang tao rito bukod sa kaniyang mga kaibigan na sa tingin ko ay nasa beach na ngayon. Nang maiupo niya ako sa kaniyang binti ay agad niya akong hinalikan sa leeg. “Babe? Hindi pa ba tayo lalabas?” Sumimangot naman siya. “Babe, haven’t you heard about make-up s*x? We just got into a fight. Hindi ako papayag na walang make-up sex.” Ngumuso ako. “We just had s*x sa hide-out kanina.” Bigla naman siyang nalungkot. “Ayaw mo ba? Sayang naman, babe. Sinusulit ko na nga lang ang ilang araw na magkasama tayo dahil malapit na ang pasukan. I have three remaining days. Tapos ito na ang huling araw na magkasama tayo dahil yung dalawang araw, sabi ni Papa, dapat daw ay nag-aasikaso na ako para sa pagpasok sa kolehiyo.” May lungkot na dumaan sa sistema ko. “Ibig bang sabihin, hindi na tayo magkikita ulit?” Kumunot ang kaniyang noo. “Huh? Bakit naman? No! Papasok lang ako sa school sa weekdays, tapos kapag weekend, bibisitahin kita. Sa’yo ako buong weekend. Puwede nating gawin lahat kahit ano basta magkasama tayo.” Kahit na, pakiramdam ko ay malulungkot ako kapag nangyari iyon. Isang araw nga lang na hindi kami magkita ay nalulungkot na ako. Siya lang ang rason ko kung bakit ako nananatili rito sa Paso De Blas. Kapag nag-focus na siya sa pag-aaral, sigurado akong mawawalan na siya ng oras sa akin. Paano kung makakilala pa siya ng magandang babae sa eskuwelahan? Paano kung magustuhan niya iyon? Hindi ko yata kakayanin kapag iniwan niya ako para sa ibang babae. “Babe? Something’s wrong?” Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. Ang aking kamay ay inihawak ko sa kaniyang batok bilang suporta ko sa aking sarili. “Malayo ba yung community college dito sa Paso De Blas?” tanong ko sa kaniya na nagpataas ng kaniyang kilay. “Bakit mo naman natanong?” Nagkibit-balikat ako. “Wala lang, nag-aalala lang ako dahil paniguradong marami kang makikilalang maganda sa eskuwelahan na papasukan mo.” Ngumisi si Marco. “How many times am I going to tell you, na ikaw ang pinakamagandang babae rito sa Paso De Blas? Ikaw lang ang maganda sa mga mata ko, Celine. Ikaw lang at ang maganda mong katawan,” aniya saka marahang pinalo ang aking puwetan. “Marco!” Mahina siyang tumawa saka tumango-tango. “Okay, hindi na kita kukulitin. Bumaba na tayo para maipakilala kita sa mga kaibigan ko. Paniguradong kanina ka pa nila hinihintay.” “Ako talaga? Bakit ako ba ang may birthday? Isa pa, hindi naman ako ang kaibigan nila, babe,” sabi ko nang makabalik na ako sa aking puwesto. Inayos ko ang suot kong t-shirt at ang denim na short na above the knee. Mabuti nalang talaga at hindi na siya umangal sa suot ko na ito. Nagmukha akong disente kahit paano. “Sinabi ko sa kanila na isasama ko ang girlfriend ko. Kaya naghanda rin sila ng maraming pagkain para hindi sila mapahiya.” Nang bumaba kami, agad siyang lumapit sa akin at pinulupot niya sa aking beywang ang kaniyang braso. I like his possessiveness. Iyon tipong mararamdaman mo talaga na importante ka at ayaw niyang maagaw ka ng iba. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga tent na nakatayo sa buhanginan. Mayroong iilang mga tao sa tabing-dagat. Hindi mainit dahil sa mga ulap na tumatabon sa araw kaya naman masayang naglalaro ang mga babaeng nakasuot ng two-piece kasama ang mga lalaking nakasuot naman ng boxers. “OMG! Marco is here na!” sigaw ng isa sa mga babae. “Kasama ba niya ang girlfriend niya?” “Yes, at tama nga ang sinabi niya, ang ganda ng girlfriend niya ha, in all fairness!” Mayroong tatlong babae na naglalakad palapit sa amin. Kasunod naman ng mga ito ang tatlong lalaki. Nakaramdam ako ng kaba nang makita nang malapitan ang mga hitsura nito. Masama ang tingin na binigay ko kay Marco. He just lied to me when he told me that I am the prettiest woman he knows. Isang malaking kasinungalingan ang bagay na iyon. Bukod sa talagang mukhang mayayaman ang mga kaibigan niya, makikita sa mga pigura ng katawan nito na mga modelo ito. Sa sobrang ganda ng mga babaeng iyon ay puwedeng-puwede silang maging artista. “What?” he asked, smirking at me. Inirapan ko naman siya saka muling ibinalik ang tingin sa mga kaibigan nito. Mukhang magkaka-relasyon ang mga ito. Pati ang mga lalaki ay ang guguwapo rin. Halatang may kaya talaga sa buhay. I suddenly remember my friends, especially Isabelle. “Hi, I’m Marinelle,” pakilala ng naunang babae. Matangkad ito, morena ang balat, pero ang ganda ng mukha. Ipinakilala niya ang boyfriend na si Harwin Dela Paz. Pangalawa namang lumapit si Hannah. Hindi ito ganoon kaputi pero yung height naman ay pang-Miss Universe. Ang kinis din ng balat nito. Ang boyfriend naman nito ay si Lester, iyong lalaking medyo kahawig ni Marco. Napag-alaman kong magpinsan si Marco at si Lester Torralba. Ang huling nagpakilala ay si Kirsten, ito ang pinakamaputi. Hindi gaanong matangkad, pero mukhang may masasabi sa buhay. Ang ganda niya. Para siyang living barbie doll. Ang boyfriend naman nito ay si Uriel Ledesma. “I’m Celine Altamonte,” pakilala ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito. “Yes, nakuwento ka na sa amin ni Marco. Wala nga siyang tigil sa pagbanggit ng pangalan mo eh.” “Kirsten, stop it!” saway ni Marco sa babae. Lumapit naman ang boyfriend nito kay Marco ay pabiro nitong tinusok sa tagiliran si Marco. “Sus, aminin mo na bro, in love ka rito kay Celine.” Marco rolled his eyes at him. Ako naman ay hindi mapigilang mapangisi. Hanggang sa lahat na sila ay pinagtulungan na si Marco. “Teka, bakit kulang tayo? Nasaan si Bryan at Maureen? And Leon?” tanong ni Marco sa kaniyang mga kaibigan. Nagkibit-balikat naman ang mga ito. “Kung nasaan si Leon, for sure nandoon din yung dalawa. Parang hindi ka pa nasanay. Maureen and Bryan are Leon’s sidekick. And Leon, for sure he’s somewhere. Baka namimingwit iyon ng isda sa gitna ng dagat.” Nagtawanan ang mga ito. “That’s normal for him. Parang hindi naman kayo sanay. Dapat noon palang, tanggap na natin iyan. Kahit naman iba siya sa atin, it won’t change the fact that Leon belongs to us. He’s one of us. A high-class kid will remain a high-class kid,” ani Marco saka bumaling sa akin. The names he mentioned seemed familiar to me. Bryan, Maureen, and Leon. They were all familiar. I’m sure I met those people. Hindi ko lang maalala kung saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD