Lumipas ang dalawang linggo. Masaya si Carmen dahil nakapagpahinga muna siya sa probinsya kasama ang pamilya niya. Binigyan muna siya ng online classes ng school dahil sa nangyari. Pero ngayon, back to physical classes na ulit si Carmen. Pagdating niya sa Education Building, napansin niyang lahat ay nakatingin sa kanya, may mga pasimpleng nagbubulungan pa. Deadma na lang siya. Focus lang siya ngayon sa pag-aaral... at kay Tristan. Wala na siyang pakialam sa sasabihin o iisipin ng iba. May narinig pa nga siyang bulong ng isang estudyante, "Buti na lang at okay na 'yung utak niya." Napabuntong-hininga si Carmen. Sabagay, hindi rin naman niya sila masisisi. Kung iisipin, parang baliw nga talaga ang inasal niya noon. Ang totoo, ni siya mismo nagtataka pa rin. Parang ang bilis ng lahat. Nu'

