The Next Morning Maaga pa lang ay bumaba na si Carmen para maghanda ng kape sa conference room. Tuloy ang site meeting mamaya at kailangan niyang i-check ang projector, dokumento, at refreshments. Pagpasok niya sa room, andun na si Engr. June at ilang team leads. Nag-aayos na ng laptop si Luis sa sulok, tahimik at kalmado. "Good morning, Ma'am Carmen," bati ni Luis. Ngumiti siya ng bahagya. "Good morning. Salamat ha, ang aga mo rin." Pero bago pa siya makapagsalita uli, biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Tristan, nakasuot ng puting polo at dark slacks. Maayos ang ayos, pero bakas sa mata ang puyat. Tahimik ang buong kwarto nang pumasok siya. Saglit lang ang katahimikan, pero parang bumigat ang hangin. "Carmen," tawag niya, pormal ang tono, pero may ibang bigat. "Can you double-c

