Palingon-lingon si Carmen sa paligid, baka sakaling makita siya ni Tristan. Ayaw niya pang makaharap ito, hindi niya kasi alam kung ano ang nangyari nung Saturday night. Buti na lang third year na sila sa college. Hindi na niya kaklase si Tristan sa mga ibang subject. Kung nagkataon, wala talaga siyang mukhang ihaharap dito. "Ay!" Napasigaw si Carmen nang may nakabunggo sa kanya, si Jomar! Inalalayan siya ni Jomar, "Okay ka lang? Sorry ha." Tumango si Carmen nang bahagya, pilit kumakalam ang dibdib. "Pasensya ka na rin. Sige, mauna na ako, ha." Pagpapaalam niya, pinigilan siya ni Jomar. "Nalasing ka nung Saturday night. Musta na kayo ni Tristan?" "Ha? Bakit mo natanong?" Napakunot noo si Carmen, sabay tago ng kaba na hindi niya maitago. "Ay, kasi sweet kayo nung gabing 'yon. Dinala

