"Tara na sa coin karaoke!" masayang yaya ni Cheska sabay hila kay Carmen.
Mabilis namang sumunod si Thea. Naiwan sina Tristan at Mark. Nagkatinginan ang dalawa.
"Bro, hindi na ako sasama. Mauna na ako," paalam ni Mark.
Naiwan si Tristan. Alanganin kung susunod ba siya o hindi.
"You're not coming, are you, Tristan?" tanong ni Kim. Nasa likod na pala ito, kasama ang grupo niya.
Tumingin si Tristan sa kanya.
"I can go for a little bit," sagot niya, at iniwan na niya ang grupo ni Kim.
Naiwan si Kim kasama sina Rose at Joan.
"Pupunta ba tayo?" tanong ni Rose.
"Of course," sagot ni Kim, at sumunod na rin kay Tristan.
Masayang nagkakantahan sina Cheska at Eloisa. Nakamasid lang sina Carmen at Thea, natutuwa sa energy ng dalawa.
Sa kabilang mesa naman, andun ang grupo nina Kim, Rose, at Joan.
Magkakasama rin ang mga lalaki—sina Tristan, Jomar, at Roy.
Umirap si Kim, tumayo, at iniwan sina Rose at Joan.
"Doon muna ako kina Roy. Boring dito," sabi nito.
Sumunod na rin sina Rose at Joan, kaya pinagdikit na lang nila ang mga mesa at upuan para magkasya ang lahat.
Napatingin si Carmen kay Tristan. Masaya itong nakikipagkuwentuhan sa grupo ni Kim.
Hindi na siya tulad ng dati—suplado, tahimik. People change.
Siguro nga, nag-mature na rin si Tristan. When it comes to women, marunong na siyang mag-handle, bulong ni Carmen sa sarili.
Nang magsawa na sa pagkanta sina Cheska at Eloisa, lumipat na rin sila sa main table.
"Ang daya niyo ha, ayaw niyo kumanta!" biro ni Cheska.
"Okay lang 'yun, at least solo namin ang mic kanina!" tawa naman ni Eloisa.
"Alam niyo, para sa akin ha—face over body figure talaga. It's a no for me if she's ugly, kahit gaano pa siya kaseksi," sabi ni Roy.
"Kaya pala ayaw mo kay Althea. Hipon kasi!" kantiyaw ni Jomar.
"Whatever. Kim, ikaw, what do you care most when it comes to men?" tanong ni Thea.
Nagkibit-balikat si Kim. "Well... I think personality matters the most."
Tumayo si Jomar, dramatiko. "What a beautiful answer! Kaya pala hindi mo ako binigyan ng chance manligaw!"
Tawanan ang lahat.
"What are you doing? Luko-luko ka talaga!" natatawang sabi ni Kim.
"Then again, being pretty is a headache indeed, lalo na kung may makukulit na lalaki tulad ni Jomar," kantiyaw ni Rose.
"Kim's face looks like it has been sculpted," puri ni Thea.
Ngumiti si Kim. "Carmen is pretty too. Gusto ko sa kanya, 'yung pagiging simple." Tumitig siya kay Carmen.
Namula si Carmen.
Marami ang sumang-ayon. "That's right!"
"Carmen is pretty."
"Tristan, ikaw? Since matagal na kayong magkakilala ni Carmen, anong tingin mo sa kanya?" tanong ni Kim, halatang may gustong tuklasin.
Tumingin si Tristan kay Carmen.
"Just a simple girl, but she's amazing. For me, dahil doon, iba siya sa ibang babae. No one can compare to her," sagot niya, nakangiti.
"Wow naman, brad! Ang bigat!" sabi ni Roy.
Maugong ang tuksuhan. Si Cheska, halatang kilig na kilig.
Biglang nakaramdam ng pagkailang si Carmen. Tinignan niya si Kim—nakasimangot ito kahit madilim sa paligid.
Pagsapit ng alas otso, nagpasya silang umuwi.
Sumabay si Tristan kay Carmen pauwi. Ayaw man sana ni Carmen, sinabi nitong doon muna siya matutulog kina Jay.
"Next time, mag-ingat ka sa mga binibitawang mong salita. Natutukso na tayo," sabi ni Carmen habang naglalakad sila sa eskinita.
"Wala namang mali sa sinabi ko. I'm just telling it the way I see it," sagot ni Tristan.
"Kaya lang, nami-misinterpret tayo." Giit ni Carmen.
"Okay. Whatever. I'll do what you say next time. Ayoko na magalit ka sa akin at iwasan mo ako," ani ni Tristan.
Napatango lang si Carmen. "Thank you for walking me all the way here. Bye." Tinapik niya ito sa balikat.
Hindi na niya tinignan ang reaksyon ni Tristan. Tumalikod na siya.
"I'll get heart disease at this rate," bulong ni Carmen sa sarili. Pasimpleng lumingon siya. Nandoon pa rin si Tristan, nakatayo. Hinintay siyang makapasok.
Kumaway siya mula sa may pinto. Kumaway rin si Tristan bago ito tumalikod.
*************************
Pagbukas ni Jay ng pinto, nagulat siya.
"'Wag mong sabihing dito ka na naman matutulog?" kunot-noong tanong nito.
Dumiretso si Tristan sa loob.
"The remodeling starts tomorrow," sabi ni Jay, napansin niyang pinagmamasdan ni Tristan ang paligid.
"Okay lang ba kay Tito na dito ka muna?"
Tumango si Tristan.
"Of course. Wala naman 'yon pakialam. Umuuwi lang ako dahil kay Mama."
Ang tinutukoy niyang Mama ay si Lola Soledad. Matagal nang patay ang kanyang ina—breast cancer, bata pa siya noon. Si Lola Soledad ang nagpalaki sa kanya.
"Are you interested in girls now?" iniba ni Jay ang usapan.
Naisip ni Tristan si Carmen—ang reaksyon nito, ang paraan ng pag-iwas.
"Tell me, it's Carmen, right? Kaya ka lagi nandito?" panunukso ni Jay.
Nakangiting umiling si Tristan.
"Doon nga ako kumain sa canteen kanina. Hinanap ko siya, pero si Wendy ang naabutan ko. Group study daw. Kayo pala ang magkasama," kwento ni Jay.
"Bakit mo naman siya hinahanap?" tanong ni Tristan, may bahid ng inis sa boses.
Nanunukso ang tingin ni Jay.
"Huy, 'wag ka magselos. I'm just curious. Gusto ko lang makilala si Carmen—bakit nakuha niya ang atensyon ng guwapo at snob sa babae kong pinsan."
"Ewan ko sa 'yo!" tawa ni Tristan. "Bahala ka sa buhay mo. Matutulog na ako." Tinalikuran niya si Jay at pumasok sa kwarto.
Natatawang sumunod si Jay.
****************************
Kinabukasan, maaga nagising si Carmen. Nasa kusina siya, nagtitimpla ng kape. Tahimik ang bahay. Tulog pa si Wendy. Narinig niyang tumunog ang phone niya—notification mula sa Messenger.
Isang message mula kay Tristan.
Tristan: Good morning. Nakakaistorbo ba ako?
Napangiti si Carmen.
Sumagot siya:
Carmen: Hindi naman. Thank you ulit kahapon.
Hindi na siya nag-expect ng reply. Pero agad-agad itong sumagot.
Tristan: Gusto mo ba ng breakfast later? Treat ko. Wala lang. Gusto ko lang. 😅
Natigilan si Carmen. Tumingin sa tasa ng kape.
Bakit parang gusto ko?
Ngumiti siya ulit. Inabot ang phone, at bago niya pa ma-overthink:
Carmen: *Sige. 🙂
Breakfast Sa Malapit na Café
Maaga pa, pero medyo mainit na ang araw. Sa isang maliit na café sa kanto malapit sa Brent, nakaupo na si Carmen sa isang mesa sa gilid, may tanaw sa kalsada. May dala siyang maliit na notebook—hindi para mag-aral, kundi para kunyari'y may ginagawa habang hinihintay si Tristan.
Hindi siya sigurado kung bakit siya pumayag. Pero narito na siya.
Maya-maya pa, dumating na si Tristan. Suot lang nito ang simpleng puting shirt at faded jeans, may dala pang sling bag.
"Sorry, napaaga ka ata?" tanong ni Tristan habang umupo.
"Hindi naman. Sakto lang," sagot ni Carmen. Pinilit niyang itago ang kaba sa boses niya.
Tumawag sila ng order—longsilog kay Carmen, tapsilog kay Tristan, plus dalawang kape.
Tahimik muna saglit. Hindi awkward, pero may pakiramdam na parang may gustong sabihin pero hindi masabi.
"So..." panimula ni Tristan. "Na-offend ba kita kahapon? Yung sinabi ko sa karaoke."
Napatingin si Carmen. Hindi niya alam kung paano sasagutin agad.
"Hindi naman... Medyo na-surprise lang ako. Kasi..." Tumingin siya sa bintana. "Dati kasi parang hindi ka naman ganun dati"
"I know. At mali 'yon. Dati kasi... marami akong iniiwasan."
Natigilan si Carmen. "Huh?"
Umiling si Tristan, sabay ngiti. "Wala. Kalimutan mo na lang 'yon."
Dumating ang pagkain.
Tahimik silang kumain. Paminsan-minsan nagtatawanan sa simpleng kwento. Tulad ng kung paano muntik madapa si Jomar sa PE class, o yung naligaw si Thea sa library kahit na regular student na siya.
Pero si Carmen, kahit tumatawa, ramdam niya na may bumabalik. Tristan was once someone I tried to forget. Bakit ngayon, andito na naman siya?
Biglang nagtanong si Tristan, seryoso ang tono:
"Carmen, okay ka lang ba lately? I mean, sa lahat... school, bahay, sarili mo?"
Nagulat si Carmen sa tanong. Hindi niya inaasahan 'yon. Saglit siyang natahimik.
"Okay naman..." sagot niya. Pero parang hindi buo.
"Alam kong minsan, 'okay' is just a word we use para hindi na magpaliwanag," sabi ni Tristan. "But I'm not just asking for the sake of asking."
Huminga nang malalim si Carmen.
Tumango si Tristan. "Okay lang. Hindi kita pipilitin." Tumingin ito sa kanya. "Pero gusto ko lang malaman mo, na kung sakaling gusto mo ng kausap... I'm here."