"Watch the stairs, please," paalala ni Jay habang pababa sila ni Wendy. Nang makarating sila sa bahay, si Lito, ang pinsan nina Wendy at Carmen, ang nagbukas ng pinto. "Anong nangyari?" tanong ni Lito, may halong gulat. "Nakainom siya. Nag-blackout, kaya dinala ko na lang siya pauwi," paliwanag ni Jay. Tumango si Lito. "Dito ang kuwarto niya." Inalalayan niya si Jay papunta sa kwarto ni Wendy. Pagpasok nila, naabutan nila si Mira na agad lumapit sa pinsan. "Wendy! Anong nangyari?" Mabilis na ipinaliwanag ni Jay ang nangyari sa party, na naparami ng inom si Wendy. Nagmadaling kumuha si Mira ng maligamgam na tubig at bimpo, kaya naiwan si Jay sandali sa loob ng kwarto. Hindi pa siya nakakapagpaalam. Habang naghihintay, inikot niya ng tingin ang silid. "Maganda pala ang kuwarto nila,"

