Focus, Carmen," bulong niya sa sarili habang tinitigan ang screen ng laptop. Lunes ng umaga. Dapat back to normal. Dapat trabaho lang. Dapat walang kahit anong kilig o kaba. Pero kahit ilang beses niyang i-refresh ang calendar ng boss niya, hindi pa rin nawawala ang memorya ng isang gabi. Isang gabi na hindi niya dapat inalala pero paulit-ulit niyang nararamdaman sa balat. Kumagat siya sa labi. Tuloy sa pag-type. Tuloy sa pagbasa. Tuloy sa pagpapanggap na walang nagbago. Pero si Tristan? Tahimik. Iba ang aura. Kung dati, maloko. Madalas ang "Good morning, Mrs. Ibanez" with a smirk. Ngayon? Wala. Diretso sa opisina, hindi umiimik. Pero... Palihim kung tumingin. Tuwing may lalapit kay Carmen—security guard, messenger, bagong intern sumusulyap si Tristan. Para bang binabantayan. Para

