Chapter2

1674 Words
"Okay ka lang?" tanong ni Cheska habang nakangiti. Tinapik pa siya sa balikat. "Ha?" Nagulat si Carmen. Biglang bumalik sa alaala niya ang panahon noong elementarya at high school sila ni Tristan. "Tinuro ko lang naman 'yung kaklase nating pogi, tapos bigla kang natameme," natatawang sabi ni Cheska. "Ano kayang pangalan niya? Hindi bale, may orientation naman tayo bukas kasama ang mga senior. Malalaman ko rin 'yon!" dagdag niya habang kinikilig. Napabuntong-hininga si Carmen. "Hayst, ang dami ko pang gagawin sa bahay. Baka mainis na naman si Tita. Pero sa school naman 'yun..." bulong niya sa sarili. Pagkatapos ng klase, nagmamadaling umuwi si Carmen. Sa labas ng gate, natanaw niya si Tristan—pasakay sa isang Ford Mustang GT. "Buti pa siya," bulong ni Carmen. "Komportableng makakauwi. Samantalang ako, kailangan pang makipagsiksikan sa jeep. Rush hour pa." Pagdating niya sa bahay ng Tita Belen niya, sinalubong siya ni Mira—ang pinsan niyang apat na taon ang tanda at malapit nang grumadweyt sa kursong Business Administration. Kasama rin ito sa pagtatrabaho sa canteen ng kanilang Tita, kahalili ni Carmen bilang cashier, waitress, at minsan, yaya pa ng dalawang anak ni Tita Belen. Mabait naman si Tita Belen—bunsong kapatid ng papa ni Carmen—pero may pagkakataong masungit. May negosyo itong canteen at grocery na magkatabi, at ang mga tauhan ay puro kamag-anak: working students na tinutulungan niya para sa baon, pagkain, at matitirhan. "Bilisan mong magpalit ng damit, marami nang customer," sabi ni Mira. Tumango si Carmen at dumiretso sa likod ng bahay kung saan naroon ang kwarto nilang tatlo. Magkasama sila ni Wendy sa double deck, habang si Ate Mira ay may sariling katre. Malinis, malaki, may aircon at TV ang kwarto nila. Sa katabing silid, nandoon sina Rey at Lito, mga pinsan niyang lalaki. Sa pinakadulo naman ay tirahan ng mga kasambahay at driver. Pagkalabas niya ng kwarto, nasalubong niya si Tita Belen. "Kumain ka muna bago ka magtrabaho," ani nito. "Hindi na po, Tita. Marami pong customer," sagot ni Carmen. "Hay naku, kaya na 'yan nina Mira at Ate Nora," sagot ni Tita Belen, tinutukoy ang maid nito. "Mahina ang katawan kapag gutom." Wala nang nagawa si Carmen kundi sundin ito. Dali-dali siyang kumain bago dumiretso sa cashier. Laging maraming tao sa canteen, hindi lang dahil masarap magluto sina Aling Gina at Aling Siony, kundi dahil budget-friendly pa. Pagsapit ng alas-otso ng gabi, oras na ng ligpitan. Tumulong si Carmen sa pagpupunas, pagwawalis, at pagbilang ng kita sa kaha. Ibinigay na rin niya kay Tita Belen ang pera. "Nakakapagod, pero kailangan. Hindi puwedeng tamad," bulong niya sa sarili. "Buti na lang nariyan si Tita para tumulong sa amin. Kaya hangga't maaari, ayokong may masabi siya sa trabaho ko. Kailangang ibigay ko ang best ko." Pagod na humiga si Carmen sa kama. Dinampot niya ang maliit na picture frame sa tabi ng kanyang unan. Nakatitig siya sa larawan nilang mag-anak—ang mama at papa niya, at ang bunso niyang si Justin. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. "Miss na miss ko na kayo. Pero kailangan kong magtiis." Paminsan-minsan, bumibisita naman ang mga magulang niya mula Nueva Ecija para magdala ng bigas at gulay mula sa kanilang bukirin. Magsasaka ang kanyang ama, at nagtatanim sila ng iba't ibang gulay. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. KINABUKASAN, 4:30 NG MADALING ARAW Malakas na alarm ang gumising kay Carmen. "Ang ingay naman!" reklamo ni Wendy, ang pinsan niyang kasing-edad niya pero sa ibang eskwelahan nag-aaral. Hindi ito nakapasa sa Brent University, kaya sa PMI siya kumuha ng Customs Administration. "Anong oras na ba?" tanong nito nang iritado. "Alas kuwatro. As usual," sagot ni Carmen habang bumabangon. "Grabe ka, ang aga mo lagi. Ako nga, mas okay nang tamad kaysa laging pagod. Wala ka namang dagdag na suweldo kay Tita, kuripot pa!" reklamo ni Wendy. Sinaway siya ni Carmen. "Baka marinig ka." Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nandoon na sina Aling Siony at Aling Gina, naghahanda ng sangkap para sa almusal. Napatingin siya sa dalawa. "Kahit matanda na, kailangan pa ring kumayod. Parang sina Mama at Papa kapag may gawain sa bukid." "Iba talaga kapag may pera—hindi na kailangan magpaka-pagod. Samantalang kami, maliit na suweldo pero todo-trabaho. Tama nga siguro 'yung quote na nabasa ko: 'Work smart, not hard.' Dapat matalino ka rin, hindi lang puro kayod." "Carmen, hindi mo kailangang gumising ng ganito kaaga, lalo na kung may pasok ka," sabi ni Aling Gina. "Okay lang po. Maaga naman ako natulog kagabi," nakangiting sagot ni Carmen. Tumulong na siya sa paghiwa ng rekado. Halos 24/7 ang canteen ng Tita niya—may agahan, tanghalian, at hapunan. Kaya minsan, inirereklamo ito ni Wendy. Sabi nito, sinusulit daw ni Tita Belen ang suweldo nilang 300 pesos kada araw. Pero para kay Carmen, ayos lang. Marami naman silang tao. Alam din niyang si Wendy ay talagang tamad. Mas gusto nitong sa grocery naka-assign para makapag-cellphone. Samantalang dapat daw rotation, ayon kay Tita Belen. Hindi na lang sila nagsusumbong ni Ate Mira. Mas gusto na rin nila sa canteen. Pagkatapos tumulong, gumayak na si Carmen para pumasok. Alas sais na ng umaga. "Naku, hindi ako nakapagpaalam kay Tita Belen na gagabihin ako. May party pa pagkatapos ng orientation." Alam niyang alas-otso pa nagigising si Tita. Kaya kumuha na lang siya ng papel at nagsulat ng note. "Wendy, paki-abot kay Tita. Gagabihin ako. May welcome party kasi," sabi ni Carmen habang inaayos ang gamit. "Puwede ba ako sumama?" tanong ni Wendy, naka-uniform na rin. "Hindi puwede," mabilis na sagot ni Carmen. "Sige na, alis na ako!" Umismid si Wendy. "Okay fine. Ingat ka!" ORIENTATION DAY Pagkarating ni Carmen sa university, napangiti siya. "Wow... ang ganda pala talaga dito." Malaki ang campus, malinis, presko ang hangin, at sobrang aliwalas tingnan — maraming puno, halaman, at mga studyante sa paligid. May mga naka-upo sa benches, nagtatawanan, may nagpi-picture. "Ngayon ko lang na-appreciate 'to, kahapon kasi nagmamadali ako," bulong niya sa sarili. Napabuntong-hininga siya. "New life. I want to be happy this college." "Hey! University student!" biglang sigaw ni Cheska, sabay tapik sa likod niya. Ngumiti si Carmen. "Akala ko kung sino na..." "Tara na sa loob, baka andun na si pogi!" excited na yaya ni Cheska sabay hila sa kanya. "Sino? Si Tristan?" Ay naku! Napakagat-labi si Carmen. Bakit ko ba nabanggit name niya? Ayoko sanang malaman na kilala ko siya... Baka gulo na naman 'to. Naalala niya noong elementary at high school — ang dami niyang nakaaway na girls dahil kay Tristan. Lagi siyang lumalapit sa akin kaya akala ng iba may gusto siya. Tapos ako na naman ang napag-iinitan. Ugh, ang tanga ko noon! "Bakit alam mo name niya? Inalam mo no?" tukso ni Cheska. "Hindi ah!" mabilis na tanggi ni Carmen, sabay hila na lang sa kaibigan papasok ng University Hall kung saan gaganapin ang orientation. Sa loob, may nakita silang group of students. Nilapitan nila. "Hi! I'm Cheska. Education major in Math. At 'to si Carmen, same course kami!" pakilala ni Cheska with a big smile. "Hello! I'm Kim," sagot ng isang girl. "This is Joan, and Rose," sabay turo sa mga kasama niya. "Tapos sina Jomar at Roy," pakilala niya sa dalawang lalaki. "Hi! Chemistry Department kami. Freshies din," nakangiting dagdag ni Roy. Habang masaya silang nagkwe-kwentuhan, may dumaan sa harap nila — naka-black jacket, matangkad, maputi, maamo ang mukha. Gwapo. May mga girls na agad nagbulungan at kinikilig. "Who is that guy? He's sooo good-looking!" Napatingin si Carmen. Hmm. I have a feeling I know who that is... "Carmen," tawag ng lalaki. Tumigil ito sa harap nila. Si Tristan nga. "Hello," napilitan siyang batiin ito. "Hi! I'm Cheska!" mabilis na pakilala ni Cheska, medyo kinikilig. "Hello! I'm Kim," sabay smile din. May ilan pang girls na lumapit, kanya-kanyang pa-cute at pakilala. Ngumiti lang si Tristan. "Hello. I'm Tristan. Civil Engineering. Freshman din. Mauna na ako sa inyo sa loob. Tara, Carmen." "Uhm... sige, mauna ka na. Sasabay ako sa kanila," medyo awkward na sagot ni Carmen. Pero hinila siya ni Tristan. "Dadami ang tao mamaya. Ayoko sa likod umupo," seryosong sabi nito. Wala nang nagawa si Carmen. Sumunod siya. Agad namang sumunod si Cheska at ang bagong grupo nila Kim. Orientation Proper "Hello everyone. I'm Prof. David Reyes from the Math Department. I remember my first day here in Brent University. I'm sure you're all here because you have dreams. Don't give up kahit mahirap. Congratulations and welcome to Brent!" Nagpalakpakan ang lahat. "YES!!!" Napatingin si Carmen kay Tristan na katabi niya. Marami ang sumusulyap sa binata. Siniko siya ni Cheska. "Uy, ikaw ha. Marami kang ikukuwento mamaya," bulong nito. Pero hindi siya umimik. Pinilit niyang mag-focus sa susunod na speaker. "Hello Brent University! I'm Luis Garcia, Civil Engineering. Today is a special day for all of you. I wish you all the best." "Bakit?" tanong bigla ni Tristan. Nakatingin pala siya sa binata. "H-ha? Wala..." Na-caught in the act! Napatingin lang ako kasi ang daming girls na tumitingin sa kanya. It doesn't mean na gusto ko rin siya, okay?! Tumango lang si Tristan. "After orientation, sabay tayo sa party. Magkatabi tayo sa bus." "H-ha? Pero—" Ano ba 'yan, puro 'ha' na lang sagot ko sa lalaking 'to! "Unless iniiwasan mo pa rin ako. Hindi ko pa rin alam bakit. But let's move on. We're mature enough for this," mahinang sabi ni Tristan. Sasagot pa sana si Carmen, pero nagsisigawan na ang mga estudyante. Oras na para lumipat ng location. "Now, you'll spend time with students from your department. Let's move to the next area," sabi ng student president. Inalalayan ni Tristan si Carmen at Cheska palabas ng hall. "Tristan, okay lang ba makisabay ako sa inyo?" tanong ni Cheska, nakangiti. "Of course. No problem," sagot ni Tristan. "Akala ko kasi makaabala ako," lambing pa ni Cheska. "Huy! Isyu ka ha!" sabat ni Carmen. "High school classmates lang kami, 'yun lang!" "Grabe ka mag-defend, ah!" natatawang sagot ni Cheska. "Close ba kayo ni Tristan?" Nagkatinginan sina Carmen at Tristan. "Medyo," sagot ni Tristan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD