Chapter 3

1535 Words
Hindi ko na sinabi kay Mama ang nangyari mabuti na lang din nang umuwi siya ay wala ng bakas ang mukha ko dahil sa iyak. Tuwing nakikita ko si Mama ay mas lalo kong gusto makapagtapos at maging matatag pa sa buhay dahil siya na lang din ang meron ako sa buhay. Naka-earphones ako habang nagbabasa nang libro na hiniram ko sa libarary. Lunch break na pero heto ako at nagbabasa. Hindi naman kasi ako nagugutom, wala na rin ang iba kong kaklasi sa loob ng room. Busy akong nagbabasa nang may kumuha sa libro ko. Napabuntonghininga ako, ano na naman ba ngayon? Itinaas ko ang tingin ko at nakita kong, napataas ang isang kilay ko nang hindi ko maalala ang pangalan niya. "Ano ba 'yan, umuwi ka lang sa inyo 'di mo na agad maalala pangalan ko. Nakakalungkot," aniya at umaktong pang hinawakan ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya gamit ang kanang kamay niya. Tumayo ako at nakitang natigil siya at napatitig sa akin. "Anong gagawin mo?" mahinang sabi niya na parang nag-aalinlangan pang magtanong. Lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya at agad na kinuha ang libro na hawak niya. Pagkatapos ay umupo na ako ulit, pinagpatuloy ko ang pagbaba ko pero tumigil ako nang mapansin kong hindi pa siya umaalis sa harapan ko. "Umalis ka na," malamig na sabi ko sa kaniya. "Ang lapit," mahinang sabi niya at napatingin na ako sa kaniya. Tulala pa rin siya at parang hindi makapaniwala sa nangyari kanina. Big deal? "Baliw." Iniwan ko na siya roon at naglakad-lakad na lang ako. Hanggang sa maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko. Nag-text sa akin si Mama. May pinapabili siya sa isang convinience store pagkatapos ng klasi ko. Nang tumunog ang bell na hudyat na magsisimula na naman ang klasi ay agad na akong bumalik sa room namin. Mabuti na lang at wala na siya sa harapan ng puwesto ko. Pagkaupo ko ay may nakita akong sticky note na nakadikit sa armchair ko. I'm Jonash, you can call me Nash for short hehe. I think I really like you. Kinuha ko ang notes na 'yon at idinikit sa gitnang bahagi ng isa kong notebook. Hindi pa naman siya sigurado sa nararamadaman niya, puwede pang magbago 'yon. Nag-dismiss na ang Professor namin para sa huling subject, umalis na rin ang mga kaklasi ko. Paalis na rin sana ako nang makita kong nakaupo pa rin siya, si Jonash. Hawak-hawak niya pa ang sintido niya. Hindi ko na namalayan na lumalapit na pala ako sa kaniya. "Anong problema?" Tanong ko at agad siyang napatingin sa akin. "Ginulat mo naman ako, wala naman. Uuwi ka na ba?" Hindi ko sinagot ang tanong niya at nakatingin lang ako sa notebook niya na may lecture kanina. "Hindi mo maintindihan?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at in-explain ko sa kaniya ang lesson namin kanina. "Woah, ang galing! Ang linaw mong naituro at naipaliwanag, the best ka talaga!" Laking tuwa na sabi niya. "Okay, uuwi na ako." "Wait, sabay na tayo maglakad." Hindi na ako nagsalita pa at nauna na akong lumabas sa room namin, nakahabol naman siya kaagad sa akin. Nasa labas na kami nang gate ng school, ni hindi na rin siya dumaldal habang naglalakad kami. "Diretso uwi ka na ba?" Tanong niya. "Mauna ka na, may pupuntahan pa ako." "Ah okay, sige. Thank you, ingat ka," aniya at tumakbo na. Nag-abang lang ako ng masasakyan dito at nang may tumigil na jeep ay sumakay na agad ako. Tiningnan ko ulit ang text message ni Mama, nandoon na rin kung ano ang mga bibilhin ko. Mabuti na lang talaga at may extra pa akong pera na dala-dala ko. Bumaba lang ako sa isang convenience store, malapit na rin ito sa bahay namin. Lalakad na lang ako pauwi. Pagkapasok ko roon ay ginawa ko na ang dapat kong gawin ang bilhin ang mga pinapabili ni Mama. Nang matapos ako ay agad din akong lumabas diretso uwi na sana ako nang may makita akong isang lalaki na parang problemadong nakatingin sa sasakyan niya. Napaiwan ako ng tingin nang tumingin siya sa direksyon ko. Maglalakad na sana ako nang marinig ko ang boses niya. Kinabahan ako bigla. "Miss! Can I ask you?" Huminga ako ng malalim bago humarap sa kaniya. Nang makita ko na ang buo niyang mukha ay hindi ko mapigilan na mapatitig sa kaniya. His eyes, his eyebrow, his jawline and his lips were perfect! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagwapong lalaki! Maliban sa mga artista na napapanood ko sa mga teleserye. "Hey, Miss?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig kong muli ang boses niya. Naka-plain dark t-shirt at khaki shorts lang ito bumabagay naman ito sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya, "Anong problema?" tanong ko. "Nagloko itong sasakyan ko, may alam ka bang malapit na talyer dito? Hindi naman kasi ako taga rito kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot. Napadaan lang." "Ay sorry, wala akong alam." "Okay. Thanks." Muli ko siyang tiningnan habang siya ay nakatingin sa sasakyan niya. Sino ba ang lalaking ito? Gaya ng plano ko ay naglakad na ako pauwi sa amin. Wala pa man ako sa gate namin nang matanaw ko na si Papa sa 'di kalaunan sa kinaroroonan ko. "Anong pong ginagawa niyo rito? Baka po madatnan kayo ni Mama rito." Bungad ko sa kaniya nang makalapit na ako. Nakita kong nalungkot siya sa sinabi ko. "Pasensya na, Anak. Gusto lang kita makita ulit," aniya. Hindi pa man ako nakakasagot nang may sumampal sa akin. Automatiko napaharap sa kanan ang mukha ko. Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman kong humapdi ang pisngi ko. "At talagang nakikipagkita ka pa sa anak mong 'to? Ha!? Kung hindi pa kita sinundan ay hindi ko malalalaman!" sigaw ng asawa niya. "Tumigil ka na! Anak ko pa rin siya!" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil pareho na silang nagsisigawan sa harap ng bahay. "Walang hiya ka! Ang sabi mo hindi ka na pupunta ulit dito? Pero ano? Nandito ka pa rin!" Papasok na lang sana ako sa loob ng bahay nang higitin niya ang buhok ko dahilan para mabitiwan ko ang mga pinamili ko. "Hindi pa tayo tapos," aniya. "Tama na! Umuwi na tayo," sabi ni Papa sa kaniya pero parang hindi na siya makikinig pa kay Papa. "Hindi pa ako tapos sa batang—" "Bitiwan mo ang anak ko!" Narinig ko ang boses ni Mama at sabay nito ay ang pagkawala ko sa asawa ni Papa. "At narito ka na pala, huh?" "Wala ka pa rin pinagbago, Lyla! Lagi kang nanggugulo. Wala ka na bang magawa sa buhay mo?" Hinarangan ako ni Mama at parang ginawa niyang pananggalang ang sarili niya para hindi ako muling malapitan ng babaeng 'yon. Sumigaw lang siya at matalim na nakatingin kay Mama at hinigit na siya ni Papa papunta sa sasakyan nila at umalis na. Tiningnan ako ni Mama,"Ayos ka lang ba?" Inayos niya pa ang buhok ko habang tinitingnan kung may mga sugat ba ako o ano. "Ayos lang po," mahinang sabi ko dahil hindi ako makapaniwala na ganito ang nangyari. Tinulungan ako ni Mama na pulutin ang mga nahulog na pinamili ko. "Sa susunod kapag nakita mo ang Papa mo tawagan mo muna ako, ha. Para maiwasan ang ganon," sabi ni Mama habang inaayos ang mga pinamili ko kanina. "Opo. Pasensya na po. Galit po ba kayo?" "Hindi naman, ayos lang naman sa akin na makipagkita ka sa Papa mo ang hindi lang ayos sa akin ay yung sinaktan ka ng asawa niya. Nakakainis!" Hindi na ako nakapagsalita at nagpaalam na pupunta na ako sa kuwarto ko para magbihis. Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ko ay doon bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Kailan ba magiging maayos ang buhay namin? Lagi ko na lamang nararamdaman na may kulang. Napasabunot ako sa buhok ko at binuhos ko na ang lahat ng luha ko. Nang mahimasmasan ay nagpaglit na ako ng damit. Pagkaupo ko sa kama ay nakita kong tumutunog ang phone ko. Tumatawag si Jonash. Wala sa sariling sinagot ko ito. "Good evening! Kumain ka na ba? Kumusta? Nakauwi ka na ba? Mabuti na lang sinagot mo. May gusto ka na ba sa akin?" "Baliw. Dami mong tanong basta buhay pa ako." "Mabuti na lang talaga kasi 'di ko kaya kapag nawala ka." Narinig ko pa sa kabilang linya na kunwari ay nasasaktan siya. "Heh, manahimik ka." "Ayaw. Gusto kita makausap." "O ano paguusapan natin? Mag-aaral pa ako." "Chill ka lang, may pasok naman bukas." "Ayoko." "Okay, sorry kung nakakaistorbo ako." "Hindi naman sa ganon." "E, ano? Sabihin mo lang." "Nagtatampo ka ba? Sinasabi ko na sayo huwag ako." "Sorry, good night!" "Good night." Hindi niya pa pinapatay ang tawag kaya ako na ang nag-end. Ano ba ang trip niya? Nahiga ako at inisip ang mga nangyari ngayon. Sobrang nakakapagod pero nang maalala ko ang lalaki kanina sa convenience store ay bigla na lamang akong napangiti. Sariwa pa sa pakiramdam ko kung paano bumilis ang t***k ng puso ko kanina sa kaniya dahil lamang kinausap niya ako. Nawala ang ngiti ko nang mapag-isip ko na hindi siya taga rito, sana ipahintulot ng tadhana na magkita kaming muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD