Chapter 4

1077 Words
"May kakaiba sayo ngayon, ha," rinig kong sabi ni Jonash na nasa gilid ko. Lunch break pero nandito siya at ginugulo ang pagbabasa ko. Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon. Hindi na rin nagpakita sa akin si Papa kahit text message ay wala. Bantay sarado siguro ito sa kaniyang asawa. Ayos na rin 'yon para hindi na nagugulo ang tahimik na buhay namin ng Mama ko. Masaya na ako roon kahit kami lang, kahit may kulang. Hinding-hindi ko iiwan si Mama. "Ano naman? At puwede bang tigilan mo ako." "Ang sungit mo naman. Parang ang saya ng mga mata mo, anong meron?" tanong niya na hindi ko na siya binigyan pa ng tingin. "Wala ka ng pakialam doon hindi rin naman kita kaibigan bakit ko sasabihin?" "Grabe talaga, lalabas na muna ako. Hintayin mo ako, ha." Inirapan ko siya sa sinabi niya. Si Jonash nararamdaman kong mabait siya at mapagkakatiwalaan. Mabuti siya para maging kaibigan pero parang mas higit pa ang gusto ni Jonash kaysa sa kaibigan lang. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko. Bahagya akong napaatras nang may nagbuhos ng juice sa librong binabasa ko. What the heck? "You, you deserve that," at nagtawanan sila. Sila na naman. Mariin akong napapikit dahil sa inis na naramdaman ko. Bago sila umalis ay bumulong pa ito sa akin, "pagbutihan mo ang pag-aaral, bitch." Tiningnan ko ang libro at nadismaya ako nang makita kong basang-basa ito. Lagot ako sa librarian nito. Lumabas ako sa room habang dala-dala ko ang librong binasa nila. Habang patungo ako sa open field ay nakita ko sa hindi kalayuan si Jonash. Napakunot ang noo ko nang makita kong tuwang-tuwa siya habang may kausap siyang dalawang babae. Tinanggal ko na ang tingin ko sa kaniya at pumunta ako sa isang bench na walang silong. Nilagay ko roon ang libro at binuksan ito, maaraq naman ngayon kaya sa tingin matutuyo naman siya. Alam kong papanget na ang papel nito pagkatapos, ayos na 'yon dahil nababasa mo pa naman ang nilalaman nito. "Anong ginagawa mo?" Bahagya akong napaigtad nang bigla na lamang siyang sumulpot sa likuran ko. "Pinapatuyo ang libro. Obvious naman 'di ba." "Okay. Tara kain muna tayo habang binabantayan ang libro." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako. 'Di kalayuan ay may isang bench pa na katabi ang puno, ito ang nagsisilbing silong namin para sa init. Hindi na ako nag-reklamo dahil nagugutom na rin naman ako. "Sana makapagtapos ako," rinig kong sabi ni Jonash. "Kaya 'yan, trust yourself." "Alam mo ba, galing lang ako sa mahirap na pamilya." Nahihimigan ko sa boses niya ang lungkot. Diretso lang ang tingin ko kaya hindi ko alam kung ano ang totoong reaksyon niya ngayon. "Hindi naman dahilan 'yan para hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral mo." "Hindi mo kasi naiintindihan. Baka sa susunod na taon 'di na ako makapag-aral." Napabaling na ako ng tingin sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Diretso lang din ang tingin nito at parang may malalim na iniisip. "Anong ibig mong sabihin?" "Nasa hospital si Mama, mataas na raw ang blood sugar nito, diabetic. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, baka tapusin ko na lang ang last sem na ito." "You need help?" Napatingin siya sa akin at agad din binalik ang tingin sa harapan. "Hindi na, kaya ko na 'to. Makita lang kita panandalian ong nakakalimutan ang problema ko." Humarap siya sa akin, "puwede ko bang hawakan?" tanong niya sa akin tumango ako. Hinawakan niya ang ulo ko at bahagyang hinagod. "Bakit ang cute mo?" Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya. Pagkatapos naming kumain ay kinuha ko na rin yung libro medyo hindi na ito basa kaya puwede na. Bumalik na kami sa room at dumating na rin ang professor namin. Nang uwian na ay nakita kong may kausap sa cellphone si Jonash at nakita kong problemado siya. Lalapitan ko sana siya nang ibinaba niya ang phone at kinuha nito ang backpack niya. "Mauuna na ako," sabi niya sa akin at tumango lang ako. Anong kayang problema niya? Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Napadaan ako sa resto at nakita kong kaunti na lang ang nagtatrabaho roon. Hindi naman kasi kalakihan ang kinikita ni Mama rito kaya minsan ay nagbabawas siya ng mga trabahador. Nakita kong si Mama ang nasa counter kaya pumasok ako sa loob. "Napadaan ka, Anak? May gusto ka bang kainin?" Nakangiting sabi nito sa akin. "Wala naman po. 'Ma, nangangailangan pa po ba kayo ng magtatrabaho rito?" "Bakit mo naman naitanong?" "May kaibigan po kasi ako na kailangan ang trabaho baka po puwede siyang pumasok sa resto natin." "Babae o Lalaki?" "Lalaki po." "Dalhin mo siya sa akin bukas pagkatapos ng klasi niyo, ayos lang ba 'yon?" Napangiti ako sa sinabi ni Mama. "Opo, salamat po!" "Sabay na tayong umuwi." Habang hinihintay kong magsara ang resto at si Mama ay sinubukan kong tawagan si Jonash pero nakailang tawag na ako pero hindi niya pa rin sinasagot. Tinawagan ko siya ulit at sa puntong ito ay sinagot na niya. "Hi," sabi ko sa kabilang linya. "Sorry, hindi ko nasagot yung tawag mo kanina. Kinausap lang ako." "Ayos lang 'yon. Kaya mo bang magtrabaho sa resto namin?" "Bakit? Hindi naman ako humihingi ng tulong sayo, ha." "Bawal bang tumulong?" Narinig ko pa sa kabilang linya ang pagbuntong hininga niya. "Hindi naman. Maraming salamat." "No problem." Napatingin ako sa glass door nang tumunog iyon. Nanlako ang mga mata ko nang makita ko siya, yung lalaking nasiraan ng sasakyan sa harap ng convenience store! May kasama siyang dalawang lalaki na gwapo rin. "Margareth?" "Jonash, bukas na lang ha. Ingat ka," at binabaan ko na siya ng tawag. Mas lalo akong kinabahan nang umupo sila sa malapit sa akin. Hindi pa naman niya ako napapansin pero kabadong-kabado ako. Mapapansin niya kaya ako? May mga ibang babae rin na nakatingin sa kanila na para bang may artista na dumating. Habang nag-uusap sila ay hindi ko maiwasan na pagmasdan siya lalo na nang ngumiti siya at napahalakhak. Nakita kong napatingin sa akin ang isa niyang kasama kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Kunwari ay may ginagawa ako sa phone ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, imposible naman na makilala niya pa ako dahil matagal na rin 'yon. "Miss," mariin akong napapikit nang marinig ko ang boses niya. Nananaginip ba ako? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong nasa harapan ko siya. Nakakahiya baka pinagtitinginan na kami rito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD