" Why? Do you want to take me to bed? And you can't wait?"
Tanong niya dito, hindi niya ma kontrol ang kaba sa kanyang dibdib.
" I don't need to marry you para ikama ka. Aren't you forgotten? We have Czesta, you're not even my girlfriend then."
Napansin niya ang pag tiim ng bagang nito ng sabihin iyon. Siya naman ay nalungkot ng marinig ang sinabi nito.
" Then why tomorrow? We have already arranged everything?"
Hindi niya napigilan na tanong sa biglang pagbabago nito ng isip.
" Inisip ko ang sinabi mo, about your father. Gusto ko lang magkaroon ng karapatan sa inyo. I want all the reasons to fight for you and Czesta. Hindi pa din tapos ang assignment ko, baka pag wala ako kunin kayo sa akin. I already see myself growing old with you Olga."
Tumulo ang luha niya sa sinabi nito.
" God Theo. Sinasabi mo ba yan dahil ina ako ng anak mo?"
" No! Sinasabi ko ito dahil ikaw si Olga and you have my heart, honey. You're holding it in your hand and it's up to you if you will take it or break it."
Lalo siyang naiyak sa sinabi nito
" You love me that much?"
Tanong niya habang kinulong niya sa mga palad ang gwapo nitong mukha. Hinalikan nito ang kamay niya.
" You have no idea, my O how much I love you."
" Do I deserve you?"
Pinahid nito ang luha na sige pa din ang pag agos. Masaya siya na malungkot.
" That's not a question My sweet O. Dahil ikaw ang pinili ng puso kung mahalin. I will risk and accept everything that's how much I love you."
" Then it's a yes, let's get married tomorrow."
Nakangiti niyang sabi kahit may luha sa mga mata niya.
" Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."
Sabi nito at kinintalan siya ng halik sa mga labi.
" I'll make a call then."
Tumayo ito lumapit sa kama para kunin ang cellphone na nakapatong. Pero bago pa mahawakan nag ring na ito.
" Yes, bro."
Ilang saglit itong nakinig sa kabilang linya, bahagya siyang nilingon.
" Sure! Pupunta na kami diyan."
Pagkatapos nitong ibaba ang tawag nagmamadali itong nagbihis. Maong pants at puting v neck t-shirt ang suot nito.
" Jacob can't handle your cousin. Puntahan natin sila."
" Oh god!"
Bumangon ang pag aalala niya sa dibdib para sa pinsan. Sinasabi na at meron dahilan ang pagbabago nito.
Magka hawak kamay sila ni Theo habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang inukopa na treehouse.
Naabutan nila naka upo sa hammock si Gwyneth at sa sahig naman si Jacob na halatang inaamo nito ang pinsan niya.
" Gwyn, are you okay?"
Tanong niya dito lumingon naman sa kanya ang dalaga at tumayo ito.
" Mabuti bumalik ka dito. Halika samahan mo akong uminom."
Yaya nito at kinuha ang alak na binili nito kanina sa resto-bar bago nag walk out.
Nilingon niya si Theo na naka akbay sa kanya.
Duon din nabaling ang tingin ni Gwyneth.
" So, ikaw pala si Mr. Cervantes. Did you know uncle Calvin already used his connection to bring Olga and Czesta home?"
Walang preno nitong sabi, naramdaman niya ang pag tangis ng bagang nito.
" Gwyneth, please."
Pakiusap niya sa pinsan na nag simula ng uminom. Nagsalin ito sa baso at inabot sa kanya.
" Kunin mo o magagalit ako!"
Sabi nito kaya kinuha niya at ininom iyon.
" Mabuti madali kang kausap, hindi katulad ng iba diyan."
Pasaring nito kay Jacob na lumapit sa kanila halata na may dinadala itong malaking problema.
" Alam mo ba ang tungkol doon?"
Baling sa kanya ni Theo, tumango siya dito. Kumuyom ang kamao nito na nasa mesa at nagtangis ang bagang.
" I won't allow it. Dadalhin ko kayo sa Zamboanga pagbalik ko doon."
Madilim ang anyo nito.
" Tsk, why not face uncle Calvin? Oh, I forgot he hates you so much, Mr. Cervantes. Because...!"
Bigla siyang tumayo at hinampas ang kamay sa mesa bago pa nito ituloy ang sasabihin.
" Stop it, Gwyneth! You never share your problem with anyone so don't share mine!"
Mataas ang boses niyang sabi.
" Fine!"
Sabi nito at muli na naman uminom ng alak.
" Why you became like this? You're heartless now, Gwyn."
Nakikita niya kung gaano ito ka manhid, she keeps avoiding the sight of Jacob who is miserably looking at her.
Mapait itong ngumiti. Nilagok nito ang alak mula sa bote.
" Tama na Gwyn."
Pakiusap ni Jacob at pilit inaagaw ang bote ng alak sa kanya.
" I can still feel the pain, I'm not heartless after all."
Malungkot nitong sabi at muling inagaw dito ang bote ng alak. Nagsalin ito sa baso at inabot sa kanya.
" Inumin mo!"
Maybwarning look nitong sabi, pero si Theo ang umabot noon at uminom.
"Pag usapan ninyo ang problema ninyong dalawa. Mahal ka ni Jacob kaya niya I give up ang lahat para makasama ka lang."
" Who is Jasmine? Ano ang relasyon niya kay Jacob.?"
" Girlfriend siya ng kapatid ko si Tim. At si Tim ang ama ng baby niya."
" He looks so happy carrying her child."
Baling nito kay Jacob.
" I wonder if you will be happy also kung nalaman mong buntis ako. But I lost our baby because of you. And I hated you for that! I tried to forget but it kept haunting me. When I lost our baby Jacob, I'm broken. Hindi na ako naging masaya. You hurt me so much!"
Hindi na nito napigilan ang umiyak. Isinubsob nito ang mukha sa mga palad.
Nagkatinginan sila ni Theo. Kinuha niya ang alak sa mesa at nagsalin sa baso. She doesn't know how to comfort her, kasi bigla na lang itong nagbago.
" It's been eight years Gwyneth. Eight long years and like you I lived a miserable life. Hindi ko gugustuhin mangyari sa baby natin iyon! Kung may choice lang ako noon."
Sumamo ni Jacob sa dalaga na parang gustong gusto itong yakapin.
" You chose that damn b***h, over me and your child. That's the truth!"
Galit nitong sigaw, she's shaking with full of anger and hatred.
"It's not like that babe! God, please listen to me."
Naiiling na lang si Theo at bigla na lang siya hinila patayo.
" Mag usap kayong mabuti at mag uusap din kami ni Olga."
Wala siyang nagawa kundi sumama dito.