Chapter 17

1053 Words
" Anong pinagsasabi ng lalaki na iyan?" Napatingin siya kaharap na hindi maipinta ang mukha. " Tapos ka na?" Tanong niya dito ng ibaba nito ang kubyertos. " I lost my appetite. Mag pa serve ako ng alak sa tree house, join me." " Meron ba akong dapat malaman? " Tanong niya sa pinsan, na inilingan lang siya ng ulo. " Aha! Nabuhay ba ang nag iisang pag ibig mo?" Tanong iyon ng sinabi nitong pinsan na si Xia. " Woooh!" Halos sabay sabay na sabi ng mga nasa mesa nito. Para naman gustong umiwas ni Jacob sa mga iyon kaya tumayo ito. Pag baling nito ng tingin si Gwyneth ang nakita nito. Shocked is written all over his face. And as usual, wala itong pakialam. Tumayo na din ito ng tuluyan at nauna ng lumabas. " Wait, Gwyn!" Habol ni Jacob na sinundan nito palabas ng restaurant. Naiwan siya sa mesa at ramdam niya na merong nakatingin sa kanya. " Dito ka pala nagpunta." Tinig iyon ni Theo, na umupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya. " I send you to message hindi ka nag reply." Malamig niyang sabi dito at nilingon ang mga kasamahan nito na nakatingin sa kanila. " Naka charge sa room ko ang cellphone ko. Why you are not touching your food? Hindi mo ba gusto?" Pansin nito sa pagkain na nasa harap niya. " Co-owner ka dito?" Sa halip ay sabi niya. Hindi niya masabi na kahit gaano kasarap ang pagkain ay nawalan siya ng gana. " Yeah, corporations namin na magkakaibigan. So, how's the food? " Balik tanong nito. " I like it nawalan lang ako ng gana. I didn't know I will see you here with lots of girls around you." Nakasimangot niyang sabi. Ngumiti lang si Theo sa sinabi niya. At hinawakan ang kanyang kamay. Dinala siya sa mga kaibigan nito. " Guys, this is Olga, my fiancé." Pakilala sa kanya ni Theo. Matapos siyang mag hello sa mga ito ay inakbayan na siya nito at nag paalam sa mga nasa mesa. " Mauna na muna ako, bukas na lang natin ituloy ang ating meeting." Iginiya siya ni Theo palabas ng restaurant, pero dumaan muna sa counter at nagbilin ng pagkain na pinapadala sa treehouse na inuukopa nito. " Wait, I have to check Gwyneth." Sabi niya pero hinawakan lang siya sa kamay ni Theo at hinila kung saan. " Tawagan ko na lang si Jacob,mukhang wala naman balak pakawalan niya ang pinsan mo." Nilingon niya ang treehouse na inuukopa nila, meron itong ilaw at kita nila ang bulto ng dalawang tao na nasa veranda. " Mag isa ka lang dito?" Tanong niya ng makarating sila sa isang treehouse. " This is mine, as one of the owners. I can invite guests here." Inalalayan siya nito na makaakyat sa hagdan. " How many girls have you invited here?" Tanong niya ng makapasok na sila. " Bago pa lang ito, I used to have a room in that treehouse hotel like the other owner. Pero dahil mag aasawa na ako. I can build a treehouse like this to spend my honeymoon." Namula siya sa sinabi nito. " We build this place as our retirement hang out pag dating ng panahon. Memorable ang lugar na ito sa aming magkakaibigan. Kaya ayaw sana namin mag karoon ng ibang owner dito, but Jacob wants to give up his ownership of this place at ibenta ang shares niya." " Oh! Call Jacob please." Pakiusap niya, pagkarinig niya sa pangalan nito saka lang niya naalala ang dahilan kung bakit siya sumama dito. Lumapit naman ito sa bedside table kung saan nandun ang cellphone nito na naka charge. Hindi nagtagal nag uusap na ang dalawa na naka masid lang siya. " Bro, okay ka lang ba?" Bungad ni Theo ng sagutin nito ang tawag. " Olga is worried about her cousin is she with you?" Tumango tango si Theo sa kausap at maya maya pa ibinaba na niya ang tawag. " He wants to settle things with your cousin. Siya na daw bahala. So, dito ka muna sa akin." Bumilis ang t***k ng puso niya ng tumabi ito sa kanya at iangat ang kanyang mukha. " Kanina ko pa ito gustong gawin sa iyo mula ng makita ka." Napapikit na lang siya ng lumapat ang mga labi nito sa kanya at halikan siya. Puno ng pananabik ang halik na kanya naman na tinugon. Naputol lang iyon ng may maka rinig sila ng doorbell. " Our food." Aniya kay Theo na parang ayaw siyang bitiwan. Wala naman itong nagawa kundi pagbuksan ang pinto at papasukin ang waiter na may dala ng pagkain. Matapos nitong ilagay sa center table, lumabas na ang lalaki. " Kumain ka na, mag shower lang ako." Paalam nito sa kanya. " Kumain ka na ba? Why not join me first?" " I already had my dinner, hon. Ikaw ang kumain hindi mo nagalaw dinner mo kanina." Bilin nito sa kanya at pumasok na ito sa banyo. Kung kanina ay wala siyang gana kumain ngayon naman ay hindi siya nag sayang nang pagkain. She really enjoys the food. Bakit kanina hindi niya ito na appreciate? Kaya pag labas ni Theo ng banyo tapos na siya, napangiti ito ng makita na madami siya kinain. " I was worried, hindi masarap ang pagkain namin dito. Akala ko sayang lang bayad namin sa chef." " I'm sorry, I just can't hold myself. Nawalan talaga ako ng gana kumain.Sabi mo may importante kang lakad, pero andito ka sa magandang lugar na ito tapos meron pa kayong mga babae na kasama." " You are that affected, knowing I am with someone?" Tanong nito hindi siya makatingin dito dahil tuwalya lang ang tanging nakatabing sa pang ibabang bahagi ng katawan nito. He is sinfully handsome and hot! " Of course kahit sino naman siguro." Pag iwas niya sa matiim nitong mga titig sa kanya. " Do you love me?" Tanong nito sa kanya, habang nasa harapan niya ito. Alam niya ang sagot pero paano siya sasagot kung ganito ang kanilang sitwasyon? " I will not marry you if I don't." Sagot niya na hinuhuli ang kanyang mga tingin. " Will you marry me tomorrow?" Nagulat siya sa sinabi nito, nanlalaki ang mata niyang nakatunghay dito. Pero nakita niya sa mata nito ang kaseryosohan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD