namumuo na ang mga luha sa mga mata ko pero nakatingin lang ako kay DD na ngayo'y nakatalikod sakin, umaasa ako na sana bawiin nya yung mga sinabi nya sakin kanina.
kasi sa totoo lang medyo nasaktan ako sa sinabi nya dahil sya yung nakakasama ko sa bahay dapat alam nya kung ano yung ugali ko, na hindi ko magagawa kung ano man yung nandun sa article kaso nagkamali ako, sya pala yung taong walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya.
kala ko naiintindihan ko na sya pero hindi parin pala, kala ko okay na kami dahil sa mga pinagdadaanan namin kala ko kahit papano tinuturing na nya kong kaibigan pero lahat ng yun ako lang pala ang nag iisip. sya yung unang taong iniisip ko na maniniwala sakin at magtitiwala sakin pero mali pala ako, hinding hindi na sya magbabago.
"salamat sa lahat lahat sir." sinabi ko nalang bilang pamamaalam ko sa kanya sabay pinahid ko yung mga luha ko sa mga mata.
paglabas ko ng opisina nya lahat ng empleyado dun nakatingin sakin at naguguluhan yung mga expression ng mukha nila.
pumunta ako sa area ko at inayos yung mga gamit ko.
"friend okay kalang ba? anong nangyari?" sabi sakin ni Carla habang hinihimas himas yung likod ko.
ngumiti lang ako sa kanya.
"ito talagang si sir, konting problema lang tinatanggal nya na agad sa trabaho yung empleyado na. pagpasensyahan mo na yan Paco ganyan talaga yan." sabi ni Richard.
"ano kaba! pero this time kakaiba ha, talagang sinigawan kapa ni sir bago ka nya tanggalin sa trabaho ha! yung iba kasing natanggal bago ikaw pinadaan nya lang sa HR, pero ikaw talagang sinigawan kapa nya at sa loob pa ng office nya!" sabi ni Gila hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako sa sinabi nya dahil ako lang yung naiba o maiiyak nalang eh.
"salamat sa inyong lahat ha. naging mabuti kayong kaibigan" sabi ko sa kanila sabay ngumiti.
"pano kana nyan?" tanong ni Gila.
"hindi ko nga alam eh, kailngan kong makakuha ng pera kasi may sakit yung kapatid ko tapos naka-sanla pa yung lupa namin, hindi ko na nga alam kung ano gagawin ko eh." sabi ko sabay yuko.
"wala naman nakong choice eh, siguro babalik nalang ako sa probinsya namin." sabi ko pa at ngumiti ulit sa kanila para hindi na sila mag-alala pa.
konti lang naman yung gamit ko kaya agad kong nailigpit lahat yun mula sa desk ko, nagpaalam ako sa lahat na nandun pero ang hindi ko inaasahan ng makita ko si Ian na nandito ngayon.
bakit ba sya pumunta dito? mas lalong mag iisip samin ng masama yung mga tao eh. pero naisip ko na wala naman kaming ginagawang masama.
"hahatid na kita." sabi ni Ian sabay kuha ng dala dala kong box. una hindi pako pumayag pero talagang mapilit sya kaya pumayag nalang ako. hindi naman mabigat yung box, konti lang naman yung laman nun.
aalis na sana ako ng bigla kong maalala si DD. alam ko galit sya sakin kaya nya nasabi yung mga yun, pero alam ko naman na may kasalanan din ako sakanya.
dahan-dahan akong pumasok sa opisina nya pero hindi nako lumapit sa kanya nasa tabi lang ako ng pintuan at nakita kong bising-bussy sya sa mga papeles nya.
"si-sir, mauna napo ako... at salamat sa pagtanggap sakin." mahinahon kong sabi sa kanya at lumabas nako ng pintuan.
nagpaalam nako sa lahat lalo na kay Carla na masama nanaman ang tingin samin ni Ian. pero syempre naiintindihan naman nya yun kaya hinayaan nya nang ihatid ako ng future boyfriend nya.
"okay kalang?" tanong ni Ian habang nagdadrive.
tumango lang ako sakanya at ngumiti ng taimtim.
dumaan muna kami sa bahay ni DD para kunin yung mga gamit ko, hindi rin naman ako nagtagal dahil hindi ko pa nailalabas sa bag ko yung iba kong gamit simula ng una akong paalisin ni sir Daniel.
san na kaya kami pupulutin nito? parang sa isang iglap nawala lahat ng mga pangarap ko.
"wag kang magpapalit ng number mo ha, kokontakin parin kita." sabi ni Ian.
"uhmmm." pagtango ko sa kanya, wala kasi ako sa mood magsalita.
siguro naramdaman ni Ian na ayokong magsalita kaya naman hindi nya narin ako kinausap, hinayaan nya lang akong makapag-isip.ano ng gagawin ko? anong sasabihin ko kay Nanay nito?
"andito na tayo." malungkot na sabi ni Ian, ni hindi ko namalayan na andito na pala kami sa terminal. nagulat ako ng nagmadaling bumaba si Ian ng Van at binuhat nya yung bag ko na nakalagay sa likod.
"ako na Ian." sabi ko sa kanya.
"ako na." pagpupumilit nya.
"naalala mo ba nung una tayong nagkita dito?" oshit! biglang nanlaki yung mga mata ko dahil naalala ko na humiram pala ako ng pera sa kanya.
"Ian yung utang ko sayo di ko muna mababayaran ha, pero promise ko talaga sayo pag nagka pera na ko babayaran agad kita." sabi ko sakanya sabay ngumiti ako, sinagot nya rin ako ng ngiti.
"ikaw talaga! wala nayun. di ko naman inopen yung topic nayun para sa utang mo eh." sabi nya sabay gulo ng buhok ko. tumingin lang ako sa kanya.
"natatandaan mo nun na sinabi ko na ihahatid na kita? pero hindi ka pumayag?"
"ha? oo naalala ko pa."
"tignan mo ngayon, nahatid na kita." sabi nya sabay ngiti.
"ano nga palang address mo sa zambales?" tanong pa nya.
"bakit?"
"para pupuntahan kita minsan." natawa naman ako sa sinabi nya. talaga lang ha?
"sa masinloc ako, sa asinan tapat ng asinan elementary school." sabi ko.
grabe sobrang bait talaga ni Ian sya pa talaga bumili ng ticket ko, actually ayoko talaga sana na hintayin nya pang umalis yung bus kasi nalulungkot ako kaso mapilit talaga sya. bago umalis yung bus nakita ko pa sya na paramg may namumuong luha sa mga mata nya habang nagpapaalam sya sakin.
makalipas ang ilang oras nakarating nako sa lugar namin at naglakad ako papunta sa bahay. nasa daanan palang ako ng nakita ko na si Nanay na nagsasampay ng damit sa labas.
papasok palang ako sa bakuran namin ng mapansin ako ni Nanay.
"Paco?"
"Nay..." sabi ko at hindi ko na napigilan pang umiyak kaya naman agad tumakbo si Nanay para yakapin ako.
"anong nangyari?"
"tinanggal napo ako Nay sa trabaho ko." sabi ko habang umiiyak.
"hayaan mo na anak, dito ka nalang muna." sabi ni Nanay halata mo sa mukha nya ang pag aalala.
niyaya ako ni Nanay para pumasok na sa loob ng bahay at nakita ko yung kapatid ko na may sakit na nakahiga sa higaan nya.
"ading." sabi ko habang hinihimas himas yung ulo nya.
"kuya, andito kana? pupunta naba tayo sa maynila?" sabi ng kapatid ko habang umuubo-ubo pa.
ang sakit sa puso ng sabihin yun ng kapatid ko, hindi ko masabi sa kanya na hindi ko na sya mapapasyal sa maynila. siguro nga wala talaga akong kinabukasan sa manila, siguro dito talaga ako nararapat sa lugar namin.
sobrang tagal ng oras dito sa probinsya hindi tulad sa manila na sobrang bilis, sa sobrang bilis hindi mo na namamalayan na gabi na agad tapos umaga na ulit. hindi tulad dito ang dami mo ng nagawa parang hindi gumagalaw ang oras.
"ading..." sabi ko sa kapatid ko pero hindi sya sumasagot.
"ading gising na." sabi ko pero nabigla ako ng nahawakan ko yung kapatid ko sobrang init na nya kaya naman napasigaw ako at nataranta.
wala nakong choice di nako nagdalawang isip pa at itinakbo ko na yung kapatid ko sa hospital kahit na alam kong wala kaming sapat na pera ang mas mahalaga ay magamot na yung kapatid ko, pagkatapos nun dun ko nalang poproblemahin yung pambayad namin.