Chapter 16: Get out!!!!!

1400 Words
pagkarating ka sa office pagka-in na pagka-in ko, sa CR ako unang pumunta para mag ayos ng sarili ko, jusko! ang pula pula parin ng pisngi ko dahil sa nangyari kanina. okay hingang malalim, kamay sa dibdib! kaya ko to. dahan dahan akong umupo sa area ko at sinilip ko si DD sa loob ng office nya, nako! patay na! nakasibangot nanaman sya. lagot nanaman ako nito. titimplahan ko ba sya ng hot chocolate o hindi na? hindi parin pala ako nagpapasalamat sa binigay niyang starbucks. hala grabe nakaka stress naman! anong gagawin ko!? "b***h!" sigaw ni Carla sabay lapag ng mga kamay nya sa desk ko na agad kong ikinagulat. "totoo ba?" "ang alin!?" nagtataka kong sabi. "yung kumakalat sa social site natin ngayon?" "ha?anong kumakalat?" naguguluhan kong tanong kay Carla. kinuha nya yung cellphone nya at agad na pinakita sakin yung picture naming dalawa ni Ian nung nakayakap ako sa kanya at ganun din sya, nanlaki yung mga mata ko sa gulat dahil pano to nakuhanan eh kanina lang to nangyari? tinignan ko yung caption ng picture. isang assistant secretary nilalandi ang executive officer at nakapost to sa group under ng company name namin. tumingin ako kay Carla na ngayo'y galit na galit sakin. "totoo ba yung mga nandito?!" galit parin si Carla. "ha? hi-hindi hindi yan totoo!" nauutal kong sabi. "so hindi totoo tong picture nato?" "totoo, pero hindi yan yung nangyari, aksidente lang na mahulog ako sa kanya nun." pagpapaliwanag ko. "isa pa kanina lang nangyari yan, bakit nakapost agad?" naguguluhan ako, sino naman kaya yung gagawa nito sakin? huminga ng malalim si Carla at tinapik yung balikat ko. "okay, okay naniniwala ako sayo. pero di ko alam kung pano mo ipapaliwanag kay sir Daniel to." "ang alin?" di ko alam na yung picture na nakapost meron din palang message tungkol kay DD na nagsasabing masama yung ugali nya at wala syang kwentang boss ayon daw sakin! ha! ni wala nga akong sinasabing ganito sa ibang tao eh! maliban nalang sa isip ko. sino naman kaya yung may gawa nito! jusko naman ang aga-aga ganito na agad yung hinaharap ko, nakakainis na talaga ha. nakakahiya kay Ian na walang ginawa kundi tulungan ako pero ngayon nadamay ko pa sya. sino kaya yung gumagawa nito sakin? bakit naman nagsunod sunod pa yung problema ko, may sakit yung kapatid ko, galit sakin si DD, ngayon naman nadamay pa si Ian dahil sakin. agad kong tinawagan si Ian.para makapag-usap kami at ayusin tong gusot na nangyari samin ngayon. agad naman syang pumayag na magkita kami, sa cafeteria sa 7th floor since na alam namin na wala pang masyadong tao duon dahil sa oras. ako yung unang dumating sa lugar kinakabahan ako dahil baka mamaya galit sakin si Ian.nanginginig yung mga kamay ko dahil hindi ko alam kung pano ko haharapin yung taong walang ibang ginawa kundi pasayahin at tulungan ako. "ngayon mo naba ako ililibre?" bungad ni Ian sabay upo sa harap ko. "Ian..." sabi ko na nanginginig nginig pa yung boses. "may sasabihin ako, meron kasing kumakala---" "nagugutom ka naba? gusto mo order tayo?" pagputol niya sa sinasabi ko. "Ian..." sabi ko sa mahinang boses nag-aalala talaga ako sa kanya. pero ngumiti lang sya sakin. "wag kanang mag isip masyado. wag mo ng isipin yun." sa sinabi ni Ian alam ko na nakita nya narin yung tinutukoy ko sakanya. malamang makikita nya agad yun! "sorry talaga Ian, sorry di ko alam kung pano o kung ano nangyari pero sorry talaga" sabi ko sabay huminga ng malalim. "totoo ba?" "na alin?" "na nilalandi mo raw ako."sabi nya sabay tawa. nanlaki yung mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya. "Ian!" "biro lang, biro lang hehe masyado ka namang seryoso, alam mo dapat mas concern ka sa boss mo dahil hindi maganda yung nakalagay skanya dun." ay oo nga pala nakalimutan ko si DD pala. "oras ng trabaho andito ka, nakikipaglandian." nagulat ako nanggaling sa likuran ko yung boses. haharap bako o hindi? hindi nalang ahhhh! si DD yun. naglakad sya sa gilid namin dalawa ni Ian. oh s**t maiihi na ata ako sa sobrang takot narito na ang pinsan ni satanas. "easy lang Daniel, nag uusap lang kami ni Paco." sabi ni Ian pero hindi sya sinagot ni DD, kinakabahan nako anong gagawin ko? "kanina pa kita hinihintay dahil sa meeting natin kay Mr. Enriquez tapos nandito kalang nakikipaglandian kung kani-kanino!" sigaw ni DD ayan na sabi sainyo eh. "Daniel, walang ginagawa si Pa--" "wag kang makielam dito Ian." sigaw ni DD, gusto ko ng kainin ng lupa para matapos nato. nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni sir Daniel yung isa kong kamay at hinila ako papatayo. "sir!" sabi ko, grabe yung pagkakahawak nya sa kamay ko ang higpit ramdam na ramdam ko yung galit nya. "Daniel, nasasaktan si Paco!" tumaas narin yung boses ni Ian. simula ng makilala ko si Ian ngayon ko lang narinig yung ganitong tono ng boses nya. tumayo narin sya sa pagkakaupo at humarap kay sir Daniel. "walang ginagawang masama si Paco! kaya bitawan mo sya dahil nasasaktan mo na sya." nakita ko na ngumisi si DD ohmygod mukha na syang kapatid ni Satanas sa sobramg galit nya. "ano bang pakilam mo ha? secretary ko si Paco, tao ko sya kaya gagawin ko kung ano yung gusto kong gawin sakanya." galit na galit na sinabi ni sir Daniel. pero bigla syang ngumisi ulit. ohmygad! nakakatakot sya. "wag mong sabihing totoo yung nakita ko, may gusto ka naba sa secretary ko ha!" "bakit anong gagawin mo ha!?" galit narin si Ian, ohmygod mag aaway ba sila? ano ba naman tong nangyayari sakin sobrang bilis ng t***k ng puso ko parang naiihi nako sa sobrang takot. hindi na sumagot pa si sir Daniel bagkus kinaladkad nya lang ako pabalik ng office nya, halos muntikan nakong madapa sa sobrang bilis nyang maglakad di ko mapaliwanag pero sobrang higpit ng hawak nya sakin halos bumakat yung mga daliri nya sa kamay ko. pagkapasok namin sa opisina nya binitawan nya ko at humarap sya sa table nya, ako naman nakatayo lang malapit dito sa pintuan nakatalikod sya sakin at nakahawak sa table nya. s**t tatakbo naba ako paalis? hindi na ata sya kapatid ni satanas ngayun, sya na si satanas. anong gagawin ko!? "ahhmm... se--sir?" nag aalangan kong sabi. huminga lang sya ng malalim. "sorry, may nangyari po kasi kanina... at hu-humingi lang ako ng sorry kay Ian." sabi ko. jusko nanginginig pa yung boses ko. ano ng nangyari sa matapang na Paco? hinarap nya sakin yung laptop nya at nakadisplay duon yung kumakalat na article na may picture namin dalawa ni Ian. "hindi ka pumunta sa meeting ko kanina, tapos malalaman kong nakikipaglandian kalang tapos ngayon oras ng trabaho humihingi ka ng despensa kay Ian! magaling." asar na asar yung mukha ni sir Daniel natatakot nako. "sino ba boss mo Paco ha! sino? si Ian ba! kung sa tingin mo sya yung boss mo, umalis kana dito! dun kana sa kanya! mag sama kayong dalawa!" sigaw nya sakin. "sir?" "sabi ko umalis kana! di ko kailangan ng katulad mo! ayoko ng makita yang pagmumukha mo!" "anong ibig mong sabihin?" "you're fired! umalis kana! di kita kailangan! get out!!!!" malakas na sigaw ni DD. "sir di mo pwedeng gawin sakin yan may deal tayo at isa pa hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon sir." pagmamakaawa ko, pero ngumisi lang sya. "pwes kaya kong gawin yan! im the president of this company! empleyado ka lang!" tumingin ako sa kanya at nagsimula ng mamuo yung mga luha ko. lumapit ako sakanya. "sir please, sana maintindihan mo hindi ko naman ginusto tong nangyari, isa pa hindi naman totoo yung nandyan sa article may gusto lang manira sakin." sabi ko sabay hawak sa kamay ni DD pero nagulat ako ng bigla nyang tinabig ng malakas yung kamay ko. "sir, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon sir, may sakit yung kapatid ko sir at yung lupa namin nakasanla pa sir, sorry na" pagmamakaawa ko. "sana inisip mo yan, bago mo gawin yang iskandalo mo. di nako naniniwala sayo at lalong lalo hindi ako magpapahulog sa mga kasinungalingan mo." sabi ni DD sa mahinang boses pero galit na tono. hindi ko maintindihan kung anong nangyayari ngayon? bakit ba sya nag kakaganito? galit na galit sya sakin bakit ba lagi nalang syang galit sakin? lahat nalang ng ginagawa ko mali sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD