Chapter 15: in his arm

1450 Words
nandito na kaming dalawa ni Carla sa kwarto pero hindi ako mapakali, hindi ako makatulog. iniisip ko parin yung nasabi ko kay DD. kung alam ko lang na sa kanya galing yun starbucks nayun edi sana hindi ko ginawa sa kanya yun. aaarrggghhh! nakakainis yung ganitong feeling. lumabas ako sa kwarto at tumayo sa harap ng pinto ni sir Daniel. pinag iisipan ko kung kakatukin ko ba sya o hindi. kaso pano kung tulog na sya? o pano kung lalo syang magalit sakin pag kinatok ko sya. s**t naman anong gagawin ko? okay sige kakatukin ko sya pero anong sasabihin ko pag lumabas sya? heeee! ang hirap naman oh. bahala na nga. aakma na sana akong kakatok sa pinto nya ng bigla itong bumukas. "ay kalabaw!" sigaw ko, nakita ko rin na nanlaki yung mga mata nya dahil siguro nagulat sya sa sigaw ko. "ahh.... se---" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng bigla syang umalis. confirmed galit sya sakin. tinignan ko lang sya habang naglalakad pababa sa salas. susundan ko sana sya para humingi ng despensa sa nagawa ko kaso naisip ko na baka mamaya hindi ito yung magandang oras para kausapin ko sya malamang galit parin sya sakin. pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko at huminga. tinakpan ko yung mukha ko ng unan at sumigaw sa sobrang inis. "kung magwawala ka, pwede ba sa labas nalang?" ay! nakalimutan kong nandito pala ngayon si Carla. nakakahiya haha! pinilit ko nalang matulog kahit na naglalaro parin ang isip ko, di ko mahanap yung dahilan kung bakit ako binigyan ni DD ng starbucks, hindi kaya dahil naguguilty sya sa ginawa nya saking pag iwan? hindi rin eh. kilala ko sya, hinding hindi nya magagawa yun, ang maguilty. o baka naman may kapalit yun? hala naman! nakain ko pa naman na lahat yun. oh baka naman para sakanya talaga yun, kaso nawala sya sa mood kumain. kasi kung iisipin mo sa umuga usually kape ang bibilihin sa starbucks diba? pero sya strawbery cream, kasi hindi sya umiinom ng kape. tama! ganun nga siguro yun. at hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. nagising nalang ako sa boses ni Carla. "huy b***h! gising! mauuna nako ha! bumangon kana dyan----." sabi ni Carla alam ko may iba pa syang sinabi pero hindi ko na narinig at naintindihan dahil sobrang inaantok pako. nagising nalang ulit ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. grabe anong oras naba ako nakatulog kagabi? antok na antok parin ako. bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto, umaasa ako na makita ko si sir Daniel para sana humingi ng despensa, siguro naman hindi na mainit yung ulo nya sakin ngayon. pero nagulat ako ng wala ng katao-tao ngayon dito sa bahay. ang aaga naman nila umalis? kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Carla, itatanong ko sana sa kanya kung ano yung sinabi nya kanina. napasigaw nalang ako at nataranta ng makita ko sa cellphone ko kung ano ng oras. 8:05 na ng umaga. 8:30 yung pasok ko. ang dami ko naring misscalled galing kay DD at Carla. ano bato?! *krrringgg! tumunog yung telepono ko, hindi ko na tinignan kung kanino galing yung tawag agad ko nalang sinagot baka kasi si DD to. malamang galit nanaman sakin to. "sir! ito napo!" natataranta kong sabi. "ha?" "papasok napo sir, wait lang." sabi ko pa para hindi na sya magtanong kung nasan nako. "ahhh...." bigla nalang akong napatigil ng marinig ko ulit yung boses nayun tumingin ako sa telepono ko para tignan kong sino yung kausap ko. nanibago kasi ako, hindi ako sinungitan. kaya naman pala si Ian yung kausap ko. "ay Ian sorry, kala ko si sir Daniel." natataranta kong sabi. "ahh ganun ba?..." "oo eh, pasensya kana ha. mamaya nalang tayo mag usap nagmamadali kasi ako, papasok palang ako eh." "teka teka! asan kaba ngayon? gusto mo sumabay kana lang sakin? papunta palang din ako sa office daanan nalang kita." dyusko! parang may narinig akong anghel na kumakanta ng sabihin sakin ni Ian yun. "nako wag na nakakahiya naman." tanggi ko pero deep inside kinakabahan ako baka kasi sumang ayon sya na wag nalang. "okay lang yun, san kaba banda daanan kana namin ngayon." abot langit yung ngiti ko hahaha ang bait talaga ni Ian. "yes!" napasigaw ako sa sobrang saya. pero bigla ko agad binawi ayoko kasing isipin nya na natuwa ako dahil dun, umubo nalang ako kunwari at kumalma. "uhhm sige sige text ko nalang yung address ingat kayo Ian." yes! wala nakong problema, mabilis nakong makakarating sa office. nga pala asan na kaya si DD? baka pumasok nayun. naalala ko may sinasabi pala si Carla sakin kanina na hindi ko maintindihan. tinawagan ko si Carla para itanong kung ano yung sinasabi nya kanina. "girl, di ka paba nakakaalis simula nung ginising kita?" sigaw ni Carla. "kaya nga tinatanong kita kung ano yung sinabi mo kanina, inaantok pa kasi ako nun." "pinapagising ka ni sir Daniel kanina, maaga kasi syang umalis, sumunod karaw sakanya sa office may gagawing yata kayo. regarding sa client nyo na si Mr. Enriquez." *pittt... may bumisina na sa labas ng bahay, malamang si Ian nayun. agad akong nagpaalam kay Carla sa telepono at nagmadaling lumabas ng bahay para puntahan si Ian. paglabas ko agad bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Ian. "tara na!" sabi nya sabay binuksan nya yung pintuan ng kulay itim nyang van. tumango lang ako sakanya at ngumiti sabay pumasok sa loob. sumunod sya sakin ng pumasok ako. "tara na manong pakibilisan nalang po ha, para makaabot tong kaibigan ko." sabi ni Ian sa driver nya, wow kaibigan nya na ako. sa buong byahe namin tahimik lang ako iniisip ko kasi kung ano yung mangyayari mamaya pagdating ko sa office, malamang sisigawan nanaman ako ni DD nyan eh.galit pa nga sya sakin dahil kagabi tapos ginalit ko nanaman sya ngayon. napatigil lang ako sa pag iisip ng bigla kong napansin si Ian na nakatitig sakin.sa tingin ko matagal na nya kong tinitignan. tumingin din ako sa kanya at nagtama yung mga mata namin. "baa-bakit?" tanong ko pero tumawa lang sya. "may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko sabay hawak sa mukha ko. "wala wala" sabi ni Ian sa napakalambing na boses. "ba-bakit ka nakatingin sakin?" tumawa ulit sya. "magkamukhang magkamukha kasi kayo eh." "kamukha? si-sino?" tanong ko. "si kingkong" sabi nya sabay tumawa ulit sya ng malakas.inambahan ko sya na parang hahampasin. "biro lang biro lang." sabi nya agad. pero hindi ko naman talaga sya hahampasin eh, papatayin ko lang sya ikumpara bako kay kingkong.haha! "ang seryoso mo kasi eh" sabi nya. "sir andito na po tayo." omygad ang bilis namin makakahabol pako sa grace period hehe. "ay Ian bakit ka nga pala tumawag kanina?" tanong ko kay Ian. "ah yun ba... wala may itatanong lang sana ako." sabi nya sabay bumaba sya ng sasakyan. "a-ano yun?" tanong ko habang naglalakad papalapit sa pintuan ng sasakyan. pero laking gulat ko ng biglang matisod yung isa kong paa na naging dahilan para mawala yung balanse ko at agad akong dumausdos kay Ian na ngayo'y nakaharap sakin. napayakap ako sa mga braso ni Ian at agad nya kong niyakap din ng mahigpit para hindi ako mangudngod sa kalsada. sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang kaba at dahil narin sa magkalapit na mga mukha namin ni Ian. parang bumagal yung oras nun, para kaming nasa teleserye na may kantang pinapatugtog habang magkatinginan kami. "okay kalang?" tanong ni Ian. sobrang init ng mukha ko lalung lalo na sa tenga ko pakiramdam ko nagpuntahan sa mukha ko lahat ng dugo ko, siguro namumula na ngayon yung mukha ko. "mag-iingat ka." sabi nya pa. tinango ko lang sya bilang pagsagot ko. okay na sana ang lahat ng biglang magring yung telepono nya. agad nyang inayos yung pagkakatayo ko at sinagot yung telepono nya. "pano, una nako sayo ha." sabi ni Ian pagkatapos nyang ibaba yung telepono nya. "kailangan nako sa taas eh, bilisan mo rin baka ma-late ka." pahabol nya pa sabay ngiti, di ako makapagsalita dahil hanggang ngayon sobrang lakas parin ng t***k ng puso ko. ay teka nakalimutan ko palang magpasalamat sa kanya. "teka Ian!" sigaw ko, huminti sya at humarap sakin. "ano... ahhh salamat nga pala." sabi ko sabay ngumiti lang sya ulit. "ilibre mo nalang ako sa unang sahod mo." sabi nya sabay nagmadali ng pumasok. s**t ang gwapo gwapo talaga ni Ian. may girlfriend na kaya sya? ay naku! nawala sa isip ko male-late na pala ako! kailangan ko ng ihanda yung tenga ko sa paninigaw ni DD pag dating ko! nako naman! nagmadali narin akong pumasok sa building namin para habulin tung grace period namin na 8:40.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD