Chapter 14: war for C2

1633 Words
napaupo nalang ako sa sofa pagdating ko sa bahay habang hawak hawak yung C2 na binigay ni Ian sakin. grabe yung nangyari kanina nakakapagod. hindi ko rin maintindihan tong si DD hindi nya ko kinausap maghapon. parang iniiwasan nya ko, ano nanaman kaya yung problema nya? malamang ayaw nya lang ako makita dahil sa nagawa ko sakanya. nilagay ko muna sa ref yung C2 na binigay ni Ian para hindi masira at nagtungo sa kusina para magluto ng kahit anong makakain ko. syempre di naman nako mahihiya kasama naman sa usapan namin ni DD na pwede kong kainin lahat as long na nandito ako nakatira. magluluto muna ako ng adobong manok medyo namiss ko narin kasi yung adobo lalo na pag luto ni nanay. *ting may nagring ng doorbell? ha? sino naman kaya yun? nagmadali akong lumabas para tignan kung sino yung nagriring ng doorbell pero feeling ko alam ko na kung sino yun. "friend!" sabi ko na nga ba eh, si Carla. "anong ginagawa mo dito?" "grabe ka naman! di kaba masaya na nandito ako?!" "o sya, sya! pumasok kana!" sabi ko sakanya sabay yaya na pumasok sya sa loob. syempre sa kusina agad kami tumuloy medyo maluluto narin kasi yung niluluto kong adobo eh kaya niyaya ko na si Carla na dun na kumain. "so bakit pala napapunta ka dito?" "wow friend! ang sarap mo pala magluto!" sabi nya sabay subo ng kanin na nilabayan ng sabaw ng adobo. huminto ako sa pagkain at tumingin lang sa kanya na agad naman nyang napansin. "okay, okay! makikitulog muna sana ako dito." "ha!?" "ito naman! dali na! ngayong gabi lang naman." "o sya, bahala kana!" sabi ko. alam ko hindi ko talaga bahay to kaya wala akong karapatang magpatulog ng iba dito kaso syempre ang laki laki nitong bahay tapos tutal mag isa lang naman ako dito kaya maganda narin to na may makakasama ako kahit ngayong gabi lang. nagsimula na ulit kaming kumain pero tong si Carla bigla ding huminto sa pagkain nya. ano? gaya-gaya lang? "oy! anong nangyari sayo? tanong ko kay Carla na nakatulala ngayon. " nagagandahan ka sakin no? nako sinasabi ko sayo friend di tayo talo ha?! huy!" sabi ko sakanya. "sir Daniel?!" gulat na gulat na sabi ni Carla kaya naman agad akong napalingon sa likuran ko. nagulat din ako ng makita ko si DD na nakatayo sa likod ko, ohmygod! bakit sya nandito?! "anong ginagawa mo dito!?" tanong ko kay DD. "bakit? bawal naba akong pumunta sa bahay ko?" oo nga pala nakalimutan ko na sya pala yung may ari nitong bahay, pero di ko eneexpect na pupunta sya ngayon dito! ano ba naman yan! "ahhh se-sir! kain po tayo." nanginginig na sabi ni Carla. "kumain na ata sya." bigla kong sabi kay Carla sabay pinanlakihan ko sya ng mata baka kasi mamaya okrayin nya pa tong luto ko at isa pa baka hindi sya kumakain ng mga ganitong pagkain. "sige! ano bayan? nagugutom narin ako eh!" hala sya! ano bang nangyayari? umupo bigla si DD malapit sa tabi ko at agad na tumayo si Carla para kumuha ng plato para kay sir Daniel. halatang halatang kinakabahan si Carla sa kaharap namin ngayon, oo nga pala hindi ko pa pala nasabi sakanya na dito natulog tong DD nato teka bakit nga ba sya nandito ngayon? eh may usapan naman kami na ako lang ang titira dito. "ang sarap sir no?" "pwede na." pwede na? baka nga makalimutan mo pangalan mo eh! kailan pa naging close tong dalawang to? "si Paco ang nagluto nyang sir." sabi ni Carla pero hindi sya sinagot ni DD kaya naman sinenyas ko sa kanya yung kamao ko, ano to paramg binubugaw nya ko?. pagkatapos nun parang ang awkward na naming tatlo wala ng nagsasalita, nagkakatinginan nalang kami ni Carla nagpapakiramdaman kung kailan ba matatapos tong si DD. pero napansin ko ha parang hindi na yata mainit yung ulo sakin nitong taong to samantalang kanina sa office lahat gagawin nya para maiwasan lang ako. naalala ko pa kanina yung magkakasalubong sana kami pero bigla syang umiwas. ang gulo talaga ng ugali nya. sisilipin ko ba sya o hindi? sige patago ko na nga lang syang titignan kahit pa na malapit lang sya sa tabi ko gusto kong makita kung ano itsura nya habang kinakain yung luto ko. kaya naman dahan dahan akong palihim na tumingin sa kanya pero napalaki nalang yung mga mata ko ng biglang magtama yung mga mata namin. "oh bakit!?" sabi nya na may pagkamaangas yung tono. umiling nalang ako sakanya para sabihin na wala sabay napatingin nalang ako kay Carla na palihim kaming tinatawanan. kanina nya pa siguro kaming dalawa tinitignan. pagkatapos namin kumain si Carla yung pinaghugas ko ng pinagkainan namin bilang parusa sa pagyayaya nyang kumain kay DD haha joke! tinatamad lang talaga akong maghugas. "hoy ikaw! napakabitch mo talaga kailan pa?" "ha?" "kailan pa kayo nagsasama ni sir Daniel sa iisang bubong?!" "huy anong sinasabi mo!?" para kaming mga chismosang nag uusap dito ngayon sa kusina. "kunwari pa kayo sa office na hindi magkasundo, yun pala nakatira lang kayo sa iisang bahay! at dalawa lang kayo ha!" natawa nalang ako sa mga sinabi ni Carla confirm guys tsismosa nga tong kaibigan ko haha. "ahh!" sigaw nya na agad ko naman kinagulat. "bakit!?" "nag iiwasan kayong dalawa sa office diba? wag mong sabihing...." "ano!?" "may nangyari na sainyong dalawa!?" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Carla ang lakas lakas panaman ng boses nya baka marinig yun ni DD bigla pa syang mailang sakin. pero bigla ko tuloy naalala yung muntikan na nya kong makita ng nakahubad nung sumulpot sya dito sa bahay at lalung lalo na yung nakita ko yung katawan nya nung nalasing sya. "see! sabi ko na nga ba may nangyari na sainyo eh! masakit ba!?" ay gago talaga tong si Carla bigla ko tuloy natakip yung mga kamay ko sa bigbig nya. baliw talaga ang lakas lakas ng boses. "wag kang maingay dyan!" sabi ko na nagpakalma sa kanya. ng huminto na sya sa pagsasalita binitawan ko na yung mga kamay ko. "ano? meron na?" sabi nya talagang curious na curious sya. huminga ako ng malalim at tumitig sa kanya. "wala!" sigaw ko sakanya. sabay bumalik na sya sa paghuhugas nya narinig ko pa syang bumulong ng ang weak! haha ano to looking forward talaga sya na may mangyari samin ni DD? nasa gitna kami ng pag uusap ni Carla ng biglang nagring yung telepono ko. si Nanay, tumatawag. nagpaalam muna ako kay Carla na lalabas muna ako para makausap si Nanay. "oh Nay, napatawag ka?" "anak may pera ka naba? may sakit kasi ang ading mo ngayon. walang wala nako 'Nak" sabi ni nanay na nangingiyak-ngiyak na yung boses. "sige po Nay, gagawan ko po ng paraan." sabi ko nalang kay Nanay, naawa ako sa kapatid ko kasi di sya mapagamot ni Nanay kasi wala na syang natirang pera dahil sakin binigay nya na lahat sakin nung lumuwas ako. bukas na bukas kakausapin ko nalang yung HR namin baka pwede akong mag salary loan o kahit umutang nalang ako kay Carla. tama sana mapahiram ako ni Carla. bumalik nako sa kusina para umutang kay Carla pero napahinto ako ng makita ko si DD na nakatayo malapit sa table habang hawak hawak yung C2 na binigay sakin ni Ian. "sir!!!" sigaw ko na ikinagulat nilang dalawa. agad akong lumapit kay DD at hinablot yung C2 na hawak nya. "ano bayan sir! bakit mo ininom to! akin to eh!" sigaw ko sa kanya. "para C2 lang eh! ang mura-mura lang nyan eh. bilihan pa kita ng limang box nyan eh." sagot nya na lalong nagpainit ng ulo ko. "sa tingin mo mapapalitan mo yan! hindi mo mapapalitan yan kahit isang libong C2 pa yung ipalit mo dyan!" naiinis ko paring sabi. "bakit kasi pinakelaman mo yan! hindi naman sayo yan! nakakainis kanaman!" "para C2 lang! sinisigawan mo ko! parang ang laki-laki ng kasalanan ko sayo ha!" "mahalaga nga sakin yang C2 nayan! palibhasa wala kang pinapahalagan eh palibhasa ikaw lahat nakukuha mo sa pera! yung halaga nyang hindi mo mabibigay! palibhasa hindi mo pa nararanasang magbigay eh! ikaw lagi yung binibigyan!" galit ko paring sinabi sa kanya, di ko ba maintindihan kung bakit ang bilis kong magalit sabi ko na nga bat nahawa nako sakanya eh o dahil stress lang ako dahil sa nalaman kong may sakit yung kapatid ko. "ahhh... friend. boss natin yang sinisigawan mo." bulong sakin ni Carla na talagang nagulat saming dalawa. hindi sumagot si DD sa mga sinabi ko sakanya kala ko sisigawan nya rin ako pero ngayon wala syang sinabi tumitig lang sya sakin sabay bumalik na sa kwarto nya, nanibago tuloy ako sa kanya. "friend. mali ka sa sinabi mo kanina." "anong ibig mong sabihin?" medyo kumalma nako ng kinausap ako ni Carla. "yung sinabi mong hindi marunong magbigay si sir Daniel." "bakit? totoo naman yun ha? masama na nga yung ugali nya di pa sya marunong mag appreciate sa mga taong nakapaligid sa kanya." "eh ikaw friend? di mo ba naappreciate yung binigay nya sayo?" nagtaka ako sa sinabi ni Carla. "wala syang binibigay sakin, kung itong bahay yung sinasabi mo pinaheram nya lang to dahil kailangan nya ko at may kapalit to." paliwanag ko sakanya. "baliw, hindi to! yung starbucks na binigay nya sayo kanina!" nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng sabihin yun ni Carla. "ha? si Ian nagbigay nun!" "girl! andun ako kanina no! nakita ko na si sir Daniel yung naglapag ng starbucks sa desk mo!" bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkaguilty ng sabihin yun ni Carla sakin. hindi ko naman alam na galing kay DD yun kala ko kay Ian galing. di ko naman kasi inaasahan na bibigyan nya ko ng ganun. hala ano ba tong nagawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD