Chapter 13: sweet smile

1272 Words
ilang oras din yung binaybay ko para makarating ako sa office namin, naiinis talaga ako sa demonyong Daniel nayan! ni hindi man lang nya naappreciate yung ginawa ko sa kanya kagabi. pagdating ko sa labas ng building namin hindi muna ako pumasok, umupo muna ako sa bench malapit sa harap ng entrance namin. magpapahinga muna ako masyado kasi akong napagod sa paglalakad sa ilalim ng araw, ang init-init pa naman! kala ko makakalibre ako ng pamasahe kaya di nako nagdala ng malaking halaga ayan tuloy nag kulang yung dala kong pera, naligaw pako kanina! bwisit talaga. pagkaupo ko huminga ako ng malalim para naman mailabas ko yung stress na nararamdaman ko, medyo may oras pa naman kaya hindi muna talaga ako papasok dun na ganito yung pakiramdam ko at lalung lalo na na ganito yung itsura ko! ang haggard haggard ko na kay aga-aga! "ahhhhhh! nakakainis ka talaga!" sigaw ko habang sinisipa sipa yung lupa. "pababain bako ng sasakyan dahil lang nabasa yung presentation nya! pwede namang nyang patuyuin yun! ahhh nakakainis ka!" paglalabas ko parin ng inis. "oh..." nagulat nalang ako ng biglang may nag abot sakin ng isang bote ng C2. napatingin ako sa kanya at bumungad sakin ang maala anghel na mukha ni Ian. nakangiti sya habang nakatingin sa nakasibangot kong mukha. "bakit parang pag nagkikita tayo lagi kanalang may problema?." tumingin lang ako sa kanya pagkatapos nyang sabihin yun. ngumiti sya sakin sabay ginulo yung buhok ko. "kanina kapaba dyan?" nahihiya kong tanong. " di naman kararating ko lang. okay kalang ba?" di ko alam pero nung nakita ko tong si Ian parang gumaan yung loob ko kaya naman nginitian ko sya. "yan! dapat lagi kang nakangiti. pag naka sibangot ka nawawala yung pagiging cute mo." "ha?!" "wala." sabi nya na parang nahihiya hiya pa sya. "anong sabi mo? cute ako?" loko ko sa kanya habang nakangiti na abot langit. "ha? may sinabi bakong ganun?" hindi makatingin sakin si Ian na para bang nahihiya hehe ang gwapo gwapo nyang tignan para syang ewan ang cute hehe di tulad nung demonyong Daniel nayan. "sabi mo cute ako eh, cute bako?" tanong ko parin sa kanya. "tara na! pumasok na tayo baka ma-late pa tayo." aya nya sabay tumayo at naglakad. palusot nya lang yun para hindi ko na sya kulitin sa sinabi nya. "Ian!" sigaw ko. "uhmmm?" sabi nya sabay lingon. "thank you ha, napasaya mo ko." sabi ko sabay ngiti sa kanya na sinagot nya rin naman ng ngiti. "pumasok kana!" sabi nya sabay nagpatuloy na ulit maglakad. "Ian!" sigaw ko ulit na nagpahinto ulit sa paglalakad nya. humarap ulit sya sakin. "ano palang itatawag ko sayo? sir Ian o Ian lang??" sigaw ko sakanya medyo malayo na kasi sya. ngumiti sya sakin. "Ian nalang." sabi nya sabay nagsimula ng maglakad ulit. "thank you Ian!" sigaw ko sabay kumaway sya sakin habang naglalakad sya. natutuwa ako ngayon parang ang bait bait talaga ng tadhana sakin pagkatapos akong asarin nitong DD nato andyan naman si Ian para pangitiin ako heeeeeeee! nakakakilig! pagdating ko sa department namin hindi pako nakakaupo sa upuan ko may bumungad na agad sakin. "hooooy b***h! inaagaw mo ba yung Ian ko!?" sigaw ni Carla. to talagang babaeng to kabago-bago lang namin dito kung umasta kala mo ang tagal tagal na namin. "nakita ko kayo ni sir Ian na halos sabay dumating!" "ano kaba nagkataon lang yun!" sabi ko sakanya sabay upo. nakalimutan ko tuloy na may gusto pala tong kaibigan ko kay Ian hehe. kailangan medyo lumayo ako ng konti kay Ian baka ma bala o distansya ako nitong si Carla. hinding hindi ko iinumin tong C2 nato itatago ko to para lagi kong maaalala si Ian. teka asan na nga ba yung kapatid ni satanas? sumilip ako sa pinto nya para tignan kung andun na sya, andun na yung mga gamit nya pero sya wala sa loob, siguro may meeting sya? wait diba ako yung secretary nya? malamang alam ko dapat kung nasan sya. agad kong binuklat yung schedule ni DD para tignan kung may meeting ba sya ngayong oras pero wala naman bakanteng bakante yung oras nya hanggang mamayang alas tres. teka lang! nakalimutan ko pala yung ginawa kong breakfast namin kanina, babain ko kaya si kuya driver para kunin yung ginawa kong sandwhich. nagugutom narin kasi ako eh. nagmadali akong bumaba sa parking area ng building namin para hanapin yung van ni DD, syempre alam ko naman kung saan nakaparada yun sasakyan nya no. ayun pa! sya lang yung nag iisang nakaparada sa gitna. "kuya!" sigaw ko kay manong driver na nagyoyosi malapit sa nakaparadang van ni DD. "oh, sir! kayo pala yan, buti nakarating na po kayo dito." "oo nga po eh!" "pagpasensyahan mo na si sir Daniel sir ha, ganun lang talaga yun. pag nabibigla." "okay lang po yun. sanay napo ako." ngumiti sya sakin, napag alaman ko na walong taong na pala tong si kuya na driver ni sir Daniel kaya siguro sanay na sanay na sya dito at malamang siguro kilalang kilala nya na si DD. "alam mo pinabalikan ka nga nya sakin kanina eh." "po!?" nagulat kong sabi? totoo ba yung sinasabi nitong si kuya o shinoshowbiz lang ako. "pag karating namin dito agad nya kong pinabalik kung saan ka namin iniwan kanina kaso wala kana eh. halos kararating ko nga lang din." naguguluhan ako. totoo bato? "nga pala, bat ka napapunta dito?" "ay! oo nga po pala, may kukunin mo ako sa loob ng van, may naiwan po ako." sabi ko. agad namang binuksan ni kuya yun van. andun pa yung isang tinapay na ginawa ko pero yung tinapay na ginawa ko para kay DD na may notes wala nadun. posible kayang nakita nya yun at kinain na nya? anyway wala naman nakong pakilam ang mahalaga makakakain nako ng breakfast. nagpasalamat ako kay kuyang driver ng makuha ko na yung tinapay sa loob ng sasakyan at nagmadali nakong bumalik sa department namin para kainin yung breakfast ko. nagulat nalang ako ng makita ko na may isang grande na ng strawberry cream at isang sliced ng cake galing sa starbucks na nakapatong sa desk ko. nagtaka ako kung kanino galing yun kaya naman lumingon lingon ako para hanapin kung sino yung naglagay nun sa desk ko. pag lingon ko sa gawing kanan malapit kay Carla nakita ko si Ian na may kausap na staff. hinintay ko syang mapalingon sakin para ngitian bilang pasasalamat ko dito sa binigay nya. maya-maya napatingin na sya sakin at nagtama na yung mga mata namin heeeeee! ang gwapo nya! agad ko syang nginitian at bumulong ng salamat. sinagot nya rin ako ng ngiti sabay bumalik na sya sa pakikipag usap nya sa staff nila. napatingin naman ako kay Carla na ngayo'y ang sama sama na ng tingin sakin. binulungan ko nalang sya ng sorry sabay umupo. ang bait bait talaga ni Ian sakin sobra sobra nato pero sabagay talaga namang nagulat ako at aaminin ko sobramg saya ko talaga sa ginawa ni Ian ang sweet sweet nya, swerte siguro ng magiging girlfriend nito. pero kahit binigyan ako ni Ian ng starbucks wala parin tatalo dito sa C2 na binigay nya, the best parin tong nauna. nawala yung ngiti ko ng biglang dumaan tong si DD na hindi man lang ako tinignan tuloy tuloy lang sya sa loob ng office nya. di man lang nya ko kinamusta or sabihin na oh andyan kanapala! napakawalang malasakit talaga. nakakainis! pero syempre, ano pa nga bang ineexpect ko?! eh boss sya eh, talagang wala syang pakilam sa mga empleyado nya. bakit pakiramdam ko sumasama narin yung ugali ko? nakakahawa ba tong ugali ng boss ko? hehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD