Chapter 12: double face

1372 Words
"sir... sir??" bulong ko ng makita kong pumikit na si DD. nakatulog na ata sya dahil sa sobrang kalasingan nya. pinag iisipan ko tuloy kung huhubaran ko ba sya para palitan yung damit nya o hindi nalang. hmm siguro wag nalang tutal kahit naman natapos na ang araw sobrang bango parin nya medyo amoy alak nga lang, matanong nga bukas kung ano yung gamit nyang pabago. isa pa kung papalitan ko sya ng damit ngayon baka kasi bukas pag gising nya magulat nalang sya at magalit pa sya sakin. aalis na sana ako kaso naisip ko na ito na yung pagkakataon ko para makita ko ulit ng malapitan tong si DD. nakakatuwa syang panoorin habang natutulog parang ang bait-bait nya, para syang artista ang gwapo kahit natutulog. sigh. sige na nga tama natong pagtitig ko sa kanya baka mamaya matunaw pa sya sa mga titig ni Paco haha. tumayo ako sa pagkakaupo ko malapit sa ulunan ni DD at akma ng aalis ng bigla nyang hawakan yung mga kamay ko. napatingin agad ako sakanya kasi ang alam ko tulog na sya pero heto't hawak-hawak nya ngayon ang kamay ko. nakapikit pa sya ng tumingin ako sakanya at dahan dahan nyang minulat yung mga mata nya. halata mo na pinipilit nya lang buksan ang mga mata nya. "sir?" tanong ko sa kanya ng makita ko na parang may sinasabi sya. "ano yun sir?" sabi ko sabay lapit ng tenga ko sa bibig nya. "di kita maintindihan sir??" promise kahit anong gawin ko hindi ko sya maintindihan kahit pa nararamdaman na ng tenga ko yung mga labi nya. napahiga nalang ako sa lapag at napahawak sa noo ko ng bumangon si sir Daniel at umuntog sa ulo ko yung noo nya. omygad! wag naman sana!!!!!!!!!! Aaaaaarrrgghhhhh!!!!!!! "sir naman eh!!!" sigaw ko ng sukahan nya ko sa mukha. "nakakainis ka naman!" sigaw ko parin habang tinatanggal sa mukha ko yung iba nyang suka. umubo lang sya pagkatapos nyang sumuka at agad na humiga ulit. "iinom inom tapos hindi pala kaya. pati ako nadamay pa!" pagdadabog ko habang kinukuha sa cabinet nya yung twalya para ipunas sa kanya. dahan dahan kong pinunasan yung natitirang suka sa bibig nya at di nako nagdalawang isip pa at tinanggal ko na yung botones ng damit nya para mahubad at mapalitan yung nasukahan nyang damit. syempre pinunasan ko narin yung mukha ko tutal suka nya rin naman to. kukuha pa sana ako ng bimpo at tubig para punasan yung katawan nya pero naman guys inaantok narin ako at may pasok pako bukas. kaya naman binuhusan ko nalang ng alcohol yung katawan nya at pinahid gamit ang mga kamay ko. sobrang tigas ng chest nya talagang hulmang hulma yung muscle ilang oras kayang nagwoworkout to? pero syempre di ko rin pinatawad yung abs nya kahit pa na hindi yun nalagyan ng suka nya sinama ko narin pahiran ng alcohol hehe oo na manyak na kung manyak if i know kung ikaw yung nasa katayuan ko mas higit pa dyan yung gagawin mo diba? tinanggal ko narin yung pantalon nya para maging komportable sya sa pagtulog nya pero nakaboxer pala sya kala ko panaman. hahahaha ang bastos! hahaha! kinuha ko yung sandong kulay itim sa cabinet at isinuot sa kanya, habang sinusuot ko yun sakanya naa-amoy ko pa yung buhok nya amoy wax parin. bakit ganun? bakit pakiramdam ko pinanganak tong DD nato na maging mabango? pagkatapos ko syang bisihan pumunta nako sa kwarto ko para maligo at magpalit na ng damit. maaga pa kasi akong magigising bukas nakakahiya naman pag nauna pa yung boss ko na magising sakin. * * * alas sais na ng umaga ng magising ako, nauna pako sa alarm clock ko na sinet ko kagabi ng 6:30am. bumangon agad ako para magluto ng almusal at the same time baon ko narin para sa lunch, ayoko na kasing bumili sa cafeteria namin eh ang mamahal kasi ng bilihin yung tipong isang maliit na hiwa ng karne 45 pesos na tapos di pa kasama yung rice pag nag gulay naman ako 35 pesos. diba ang mahal! kaya nagbabaon nalang ako. "anong meron?" napalundag ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. nawala na sa isip ko na andito pala ngayon tong si DD. "bat ganyan ka makatingin?" tanong nya. gulat na gulat talaga ako sa kanya. tumingin sya sakin na parang bata sabay tingin sa katawan nya at bigla ba naman nyang tinakpan yung chest nya at yung private part nya gamit yung mga kamay nya. "bakit ganito yung suot ko!?" sigaw nya sakin. "anong ginawa mo sakin!" dagdag pa nya. tignan mo tong hayup nato pagkatapos nya kong sukahan kagabi sa mukha ako pa yung pinag iisipan nya ng masama. "bakit hindi ka sumasagot!!!" sigaw nya parin sakin. "nagsex tayo kagabi!" sabi ko at biglang nanlaki yung mga mata ni DD sa sobrang gulat. wait? bakit ko ba sinabi yun? "pinagsamantalahan mo ako!" sigaw nya sakin habang nakaturo pa yung mga daliri nya sakin. ang sarap palang asarin nitong taong to nakakatawa parang bata hehe. "gago ka! bakla ka!" sigaw nya at halata mo sakanya na inis na inis sya. ng lalapit na sya sakin para suntukin ako agad kong binawi yung sinabi ko. "hala joke lang sir! joke lang! di ka naman mabiro!" mabilis kong sinabi para pigilan sya sa gagawin nya. pero deep inside nakahanda na yung hawak kong sandok na ipangtatapat ko sa kamao nya. buti nalang napatigil ko sya sa balak nyang suntukin ako, bakit ko pa kasi naisipan mag-joke sakanya ng ganun eh. "wag kang mag-alala sir, di naman kita type. isa pa may iba nakong gusto." sabi ko sakanya para makatulong na pakalmahin sya. umubo nalang sya kunwari at kumuha ng isang basong tubig. mukang hindi na nya naaalala yung nangyari kagabi haha! ano kayang magiging reaksyon nya pag kinwento ko sakanya yung itsura nya at yung mga kadramahan nya kagabi? hahaha. "bilisan mo dyan, sumabay kana sakin papuntang office." sabi nya sa masungit na boses. "talaga sir!" sigaw ko sakanya na parang bata. tumingin lang sya sakin na parang naweweirduhan. "pag natapos nako at hindi kapa tapos iiwan na kita, tawagan mo yung driver ko para sunduin tayo dito." sabi nya sabay alis. "thank you sir!" sigaw ko sa kanya! yes! bawas pamasahe ako ngayong araw. madali kong inayos yung pagkain ko para mamayang luch at prinepare ko na yung breakfast ko para sa byahe ko nalang kakainin. maya-maya bigla ng bumusina yung sasakyan ni sir Daniel sa labas kaya naman inunahan ko na syang lumabas para makasakay nako sa van, mahirap na baka maiwan pako. "Paco, patingin nga ko nung presentation ko mamaya." wika ni sir Daniel pagkatapos nyang ibaba yung telepono nya. another client siguro yun? agad kong hinanap sa bag ko yung presentation ni DD para ibigay sakanya pero laking gulat ko ng... "ano? asan na?" "sir..." bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot. di ko alam kung pano ko sasabihin sakanya na yung presentation nya para mamaya... nabasa ng sabaw galing sa baunan ko. ang tanga tanga ko sa sobrang pagmamadali ko di ko na siguro namalayan na hindi nakalapat yung takip ng baunan ko. lagot nako nito. "well? asan na?" dahan-dahan kong nilabas yung presentation ni sir Daniel habang nanginginig nginig pa yung mga kamay ko. "sorry sir." yun lang yung nasabi ko habang nakayuko, ayoko kasing makita yung mukha nya. "kuya itigil mo." sabi nya kay mamang driver, dont tell me babalik kami sa bahay? ang layo na namin. "get out!" "sir??" wait tama ba tong narinig ko? pinapababa nya ko? "i said get out!!" sigaw nya. pero hindi parin ako bumababa tinignan ko sya pero hindi sya nakatingin sakin. "sabi ko bumaba ka!" dagdag pa nya, sa sobrang takot ko kusa nalang binuksan ng mga kamay ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas. ibinaba nya ko sa lugar na hindi ko alam, napakawalang puso talaga nung taong yun! kala ko magbabago na sya dahil sa nangyari samin kagabi yung pala ganun parin pala yung ugali nya! nakakainis alam ko kasalanan ko pero bakit kailangan nya pakong pababain! naiwan ko pa dun sa sasakyan yung breakfast naming dalawa. (T_T) di ko talaga matansya yung lalaking yun minsan okay minsan hindi parang dalawa yung pagkatao nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD