Chapter 6: Mistakes

1510 Words
"Sir bali ano po bang nangyari?" Tanong ng police na nag iinterview sakin. "Eh kasi po ito sir, adik po ata to? O baliw na! Bigla nalang pumasok sa bahay ko!" Paliwanag ko. "Eh baka magnanakaw po yan sir! Baka modus nya yan! kunwari lasing sya." Dagdag ko pa. "Bakit ba ayaw nyo maniwala! Eh bahay ko nga yun! Akin yun! Eh ito (sabay turo sakin) ni hindi ko nga kilala kung sino yan! Magnanakaw ata yan eh!" Akusa ng lalaking bigla nalang sumulpot sa bahay na tinitirahan ko. Pero ngayon ko lang pala nakita yung mukha nya kasi maliwanag na, sayang tong lalaking to ang gwapo panaman kaso mukang baliw a---- teka! Teka? Itong lalaking to, ito yung lalaking nakasabay ko sa Tren kanina ha sa LRT! Tama! Natatandaan ko na sya! Sya yung lalaking halos malanghap ko na yung buong katawan dahil sa siksikan sa loob ng tren! Sinusundan bako nito? O nagkataon lang?.. "So sir ano po gusto nyong mangyari?" Tanong sakin ng police. "Kahit ano na po sir, okay lang ba na ikulong nyo muna sya kahit hanggang umaga lang? Baka kasi bumalik yan sa bahay eh." Sabi ko dahil narin sa takot. Agad naman pumayag yung police na umareglo samin pero sinabi ko na hindi nako magsasampa pa ng kaso, wala namang nawala sa bahay at alam ko na lasing tong lalaking to, kaya malamang hindi nya alam yung ginagawa nya. "Teka lang teka lang! Bat nyo ko ikukulong? Wala naman akong ginawang kasalanan ha! Officer! Bahay ko nga yun! Bahay ko yun! Sya yung dapat nyung ikulong (turo sakin)" Paliwanag pa ng lalaki. "Imposibleng bahay mo yun! Pag aari ng kompanya namin yun!" Paliwanag ko sakanya. "Hoy ikaw lalaki ka, ay babae? Basta ikaw! Hindi ko alam kung sino ka pero yung bahay nayun akin yun!" Pagpupumilit nya. "Ay tignan mo sir oh! Nanlalait pa! Whoooo! Lalaki ako! Lalaki!!!!" Sabi ko. Nang mapasok na sa kulungan yung lalaki agad nakong bumalik sa bahay para naman makapagpahinga na, big day panaman bukas. * * * Ayy buti naman ang sarap ng tulog ko kahit late nako natulog kanina, ikaw ba naman ang matulog sa maala five star na hotel eh, ewan ko nalang kung di mapasarap tulog mo. Pag pasok ko ng office nandun na si Carla habang kausap ang iba pang empleyado. Lumapit ako sa kanila para magpakilala at makilala ko rin sila. pero papalapit palang ako ng bigla akong tawagin ni Carla. "Huy Paco! Tara dito dali! O guys sya si Paco sabay lang kaming nahired." Tawag sakin ni Carla sabay pakilala. "Anong posisyon mo teh?" Wika ng isang babae na mukang kalog din.naamoy nya ata agad ako haha. "Ay assistant secretary po" sagot ko. Pagkasabi ko ng magiging trabaho ko sabay sabay silang nagulat at napalaki ang mata. "Seryoso ka!?" Wika naman ng isang lalaking katabi ni Carla. Sumagot lang ako sa pamamagitan ng pagtango sabay ngiti. "Nako mga apat na araw lang itatagal mo, pustahan tayo oh?" Wika ng isang babae na napag alaman ko na si Gila. Nagtawanan naman silang lahat, actually di ko magets kung ano ba yung pinagtatawanan nila. "Anong apat? Pustahan tayo one day lang yan! aalis narin yan!" Wika ni Richard habang hinahalo yung kape na tinitimpla nya kanina. Napaisip naman ako, na baka siguro mahirap nga talaga tong napasok ko? kaya heto, binibigyan nila ako ng taning. pero okay lang naman siguro to, kasi alam ko namang si Ian yung boss namin eh. :) user lang? Hahahaha. Habang nag aayos na ang lahat sa kani-kanilang area binulungan ko naman si Carla sa nangyari kanina. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko ang reaksyon ni Carla matapos kong ikwento sakanya kung ano yung nangyari sakin kanina. Nagcocoment palang si Carla tungkol sa kwento ko ng biglang pumasok yung HR sa office namin. "Goodmorning everyone!" Bati samin ng HR na sinagot din agad namin ng magandang umaga na may ngiti. "Sir..." Wika nito na tumingin sa labas. Emeergggerrd ito na si Ian! Hehe ipapakiala na kami sa kanya. :) Napanganga nalang ako at lumaki ang mga mata ng makita ko yung lalaking tinawag ng HR sa loob. Oh s**t! Agad akong napatago sa ilalim ng lamesa. "Huuuy! Paco! Anong ginagawa mo dyan? Tumayo ka nga!" Wika ni Carla na halatang pinipilit lang magsalita. Sumenyas naman ako ng ayokong tumayo, na magtatago nalang ako dito. "Ano kaba tumayo kana dyan!" Pilit sinabi ni Carla habang nakangiti. Talagang effort sa pagsasalita tong si Carla ha kahit pa na nakangiti lang sya habang nagsasalita, as in nakangiti sya, hindi bumubuka yung bibig nya. "By the way sir, this is Carla your new staff in replacement of Ms. Reyes." Sabi ng HR namin na lumapit samin. "Hi, Sir." Bati ni Carla pero wala akong narinig na sagot mula sa lalaking pinakilala ng HR. "Ahmm.. Nasan si Mr. Paco? Absent ba sya?" Tanong ng HR namin. Di na sana ako tatayo kung hindi lang ako sinipa sipa ni Carla sa ilalim. Agad akong napatayo, pero hindi ako tumingin sa lalaking nasa harap ko ngayon. "This is Mr. Paco sir, your new assistant secretary." Pakilala sakin ng HR. "He--he-hello po sir." Wika ko sa mahina at kabadong boses. Dahan dahan akong sumilip sa mukha ni Sir para makita ko kung nakatingin ba sya sakin. Pagsilip ko sakanya biglang nagtama ang mga mata namin kaya naman agad ko tong iniwas. "Yeah.. I know him...." Wika ni Sir. Pagkasabi nya nun napapkkit nalang ako at napakagat sa labi kasi malamang sa malamang kahit lasing sya naaalala nya parin ako. "By the way Regine, would you please introduce me to our new employee" wika nya sa HR namin na may yabang. "Ofcourse sir, Ms. Carla and Mr. Paco this is our president, Mr.Daniel Richard Siy. He is the son of Mr. Robert Siy ang may ari nitong kumpanya natin and of course sa ibat ibang leading companies ngayon dito sa Pilipinas." Ng marinig ko yun halos malula ako sa nalaman ko, patay nako nito di ko naman kasi alam na---- aargh kung alam ko lang.. "Mr. Paco!?" Wika ni Daniel sa seryosong boses. "Bakit dito ka sa company ko nag apply? Are you an asset to this company?" Biglaang tanong ni Daniel. "Sir?...." "So wala kang masagot? Regine! Saan mo ba napulot tong taong to?" "Sir, actually Mr. Paco------" Di pa tapos magsalita yung HR namin ng putulin to ni Daniel. "I dont know kung anong pumasok sa isip mo Regine why you hired someone like him? Tatanga-tanga walang kwentang tao at napakabobo!! Ni hindi kayang sagutin yung mga tanong ko! Marunong kanaman siguro mag addition no!? Get out!!! I dont want to see your face in my company again! Youre fired!" Sigaw sakin ni Daniel sabay pasok sa office nya. Nabigla naman ang lahat sa nangyari, di ko rin alam yung gagawin ko lahat sila nakatingin sakin. Halos malusaw ako sa hiya. Ni hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko sa mga mata dahil sa sakit ng mga sinabi nya sakin, feeling ko tuloy ang liit liit ko na! Na hindi karapat dapat irespeto. Pero alam ko gumaganti lang to dahil sa ginawa ko sakanya, nang mapagkamalan ko syang magnanakaw at ipinakulong pa, pero napaka unprofessional naman nya. Agad ko syang hinabol sa loob ng office nya. "Ooooy! Anong gagawin mo!" Pigil sakin ni Carla pero nagdire-diretsyo lang ako sa paglalakad. "Ginagantihan mo ba ako dahil sa ginawa ko?" Bungad ko kay Daniel pagkapasok ko sa office nya pero hindi sya sumagot. "Kung dahil dun yun, hindi mo kailangang tapakan yung pagkatao ko! Kung gusto mo kong humingi ng tawad sayo gagawin ko naman eh. hindi mo kinakailangang tanggalin agad ako sa trabaho!" Dagdag ko pa. "Mr. Paco,its simple. i dont need you in my company!" Sagot nitong gagong to. "Kala mo naman gusto kong matrabaho dito sa kompanya mo!!!!! Belat mo! Alam mo sayang ka eh! Gwapo ka sana kaso ang sama sama ng ugali mo!" Di ko na napigilan pa yung galit na nararamdaman ko. Tutal tinanggal naman na nya ko sa trabaho, siguro naman may karapatan nakong sigawan at magqlit sakanya. Tumingin naman sya sakin na para bang nawe-wirduhan. Sa sobrang inis ko, inambahan ko sya na parang babatuhin. pero napahinto ako ng makita ko yung reaksyon nya na nagulat, kaya naman hindi ko na tinuloy. "Akala mo kung sino ka! Ang pangit mo naman!" Sabi ko sabay dila sa kanya at agad na lumabas ng opisina nya bago pako lumabas narinig ko pa yung sinabi nyang. "Sige umalis kana di kita kailangan! Di ko kailangan ng isip bata sa kompanya ko! Umalis kana!!!" "talagang aalis ako! ano pang gagawin ko dito! eh tinanggal mo nako!" sigaw ko pabalik sa kanya. Alam ko medyo asal kalye ginawa ko at parang walang pinag aralan pero pagpasensyahan nyo nako di ko narin kasi napigilan sarili ko sa inis. Isa pa tinanggal naman na nya ko sa trabaho pano ko pa sya rerespetuhin pero alam ko naman na mali yung ginawa ko, nayabangan lang ako sa ginawa nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD