Chapter 7: Trouble

1330 Words
Paglabas ko sa opisina ng demonyong Daniel nayun nagulat ako ng makita ko ang lahat na nakatingin lang sakin at gulat na gulat. Eh sino ba naman kasi ako para awayin yung anak ng may ari nitong kompanya. Kabago-bago ko palang uma-attidude nako. Agad na nawala yung galit na nararamdaman ko ng bigla kong makita yung mga taong nasa labas. sila Carla, yung HR namin at ibang empleyado na nandun sa office. Yumuko nalang ako at nagmadaling maglakad papalayo feeling ko mortal sin yung ginawa ko kaya kahit palabas nako sumasabay parin ang paningin nila sakin. Narinig ko pa nga si Carla nung tinawag nya ako pero di ako lumingon nagtuloy-tuloy lang ako. Nang nasa lobby nako ng building, dun lang pumasok sa isip ko yung kagaguhang ginawa ko. Sa sobrang asar ko napasigaw ako.. "Ahhhhhhh!!!" "Ano batong nagawa ko! Presedente ng kompanya ginanun ganun ko!? Arggghh! Ang tanga tanga mo talaga Paco!!!??" Sabi ko sa sarili ko. "Nakakainis! sayang yung opportunity, sana man lang nagsorry kanalang! Arrrrgghhhhh!" Sabi ko sabay hampas sa mukha ko habang sinasabing ang tanga-tanga ko talaga! Nakakaasar!! "Mukang nagiging hobby mo na ata na kausapin yung sarili mo ha?" Wika ng isang lalaki mula sa gilid ko na agad ko namang nilingon. Bumungad sakin yung napaka-gwapong mukha at nakangiting mga labi ni Ian. "Oh, mukang ang laki ng problema mo ha?" Sabi ni Ian sabay ngiti. Ang aliwalas talaga ng mukha nitong si Ian, laging naka ngiti, pati tuloy ako napapangiti narin. hindi tulad nung demonyong Daniel nayun! Aaarghh! Teka mas maganda siguro kung DD nalang tawag ko dun short for Demonyong Daniel wahahahaha! "Eh kasi naman, tong boss ko!" Sabi ko sabay napatigil nako sa pagsasalita. "Gusto mo bang pag usapan natin?" Sabi sakin ni Ian sa malambing na boses. "By the way, di na pala magagawa yung cellphone mo kaya pinalitan ko nalang." Wika ni Ian sabay abot sakin ng isang 5.5 inch na android fone. "Teka, pamato lang yung fone ko ha masyado atang mahal to bilang kapalit." Tanggi ko sakanya. "Ano kaba okay lang yan, nga pala yung simcard mo nakainsert na dyan and nakasave narin yung number ko dyan para di kana mahirapan na kontakin ako." Sabi nya sakin. Pilit kong tinatanggihan yung cellphone pero mas pinipilit nyang tanggapin ko yun, kaya naman tinanggap ko nalang kasi muka namang hindi magpapatalo tong taong to eh. "So, what happened sa inyo ng boss mo?" Tanong ni Ian. Huminga ako ng malalim para bumwelo sa ikwekwento ko pero nung magsasalita nako biglang tinawag si Ian. "Sir, malalate na po tayo sa meeting." Badtrip naman tong si kuya magkwekwento palang ako kay Ian binawi agad sakin. "So, later nalang tayo magkwentuhan ha aattend lang ako sa meeting" paalam niya. Haay ang gwapo gwapo talaga nya. Sya yung lalaking hindi mo na hahangarin pang maghanap pa ng iba. Pagkaalis ni Ian, nag madali narin akong umalis papuntang bahay para mag impake na ng mga gamit. Yung feeling na kakalabas mo lang ng mga gamit mo tas ipapasok mo ulit. Kung alam ko lang na mangyayari to sana hindi nalang ako nag ayos ng gamit kagabi eh. Pagkarating ko sa bahay, ay! sa tinitirahan ko pala humiga muna ako sa kama para makapagpahinga muna bago bumyahe pabalik ng probinsya. Buti nalang may konti pakong natitirang pera dito. Ano nalang kaya yung idadahilan ko kay Nanay at kay Alfred. * * * Maya maya isang malakas na tunog at malakas na vibrate ang gumising sa pagkakatulog ko mula sa cellphone na binigay sakin ni Ian, hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako. Agad agad kong sinagot ang tawag kahit pa na hindi ito naka register sa phonebook ko. "He--helllo?" Wika ko na medyo nag aalangan pa. "Girl ikaw bayan?" Sagot ng nasa kabilang linya. Pagkasagot ng babae sa kabilang linya dun ko napagtanto na baka si Carla to, ang alam ko kasi binigay ko sakanya yung number ko eh. "Carla ikaw ba to?" Tanong ko at agad naman syang sumagot ng oo. "Teh, may ichi-chika ako sayo." Bulong ni Carla. "Oh ano yun?" "Umalis kanaba ng manila?" Tanong ni Carla. "Ay hindi pa, inaayos ko palang damit ko baka maya-maya pa, bakit?" Sabi ko kahit pa na sa totoo lang kagigising ko lang. "Ihinto mo muna yang ginagawa mo at makinig ka, teh! makinig kang mabuti ha." "Sige ano yun?" Sagot ko sakanya. "Alam mo ba may malaking client tong kompanyang to, and hinahanap ka! Gusto ata na ikaw ang mag asikaso sakanila." Hindi naman ako nakapagsalita ng marinig ko yung sinabi ni Carla. "Taaaaraaay! Ang haba ng hair mo teh! Umaabot hanggang dito. Ay! Teka naapakan ko pa ata." Pagbibiro ni Carla. "Nako Paco ang balita ko kinuha na ni Sir yung number mo at anytime tatawagan kana nun syempre sakin mo lang unang narinig yan!" "Loko! Sige na! Baka di ko pa masagot tawag ni DD (Demonyong Daniel) kasi kausap kita hehe pero salamat ha." Sabi ko sabay paalam kay Carla. Medyo kinakabahan ako na masaya kasi kahit papano magkakaroon parin ako ng trabaho. Patingin tingin ako sa screen ng cellphone ko, umaasa na tatawag na si DD sakin pero lumipas na ang mahigit dalawang oras, pero wala paring tumatawag. Baka naman keme lang ni Carla yun? Nako makapag impake na nga! Sinilid ko na sa bag ko ang lahat ng gamit ko para okay na ang lahat itinabi ko muna ito malapit sa pinto sa salas at nagtungo sa CR para maligo. Pumasok ako sa CR na dala lang ang isang asul na tuwalya since na naimpake ko na yung mga gamit ko mamaya nalang ako kukuha ng damit after ko maligo. Grabe ang sarap maligo! Ang lamig sa pakiramdam napreskuhan yung katawan ko sa sobrang sarap ng pakiramdam ko, napakanta pako ng tunay na mahal feel na feel ko yung pagbirit ko kahit alam ko pa na hindi interesado ang kanta sakin hehe. Fresh na fresh nako ng lumabas sa CR pinulupot ko sa dibdib ko ang kulay asul na tuwalya habang hawak hawak ang pinagdamitan ko. Nagmamadali pakong pumunta sa salas para kunin yung susuotin ko dahil medyo nilalamig nako, pagdating ko sa salas bigla kong nabitawan yung pinagdamitan na hawak ko sa sobrang gulat. Nanlaki ang mga mata ko at napahinto sa paglalakad ng makita ko si sir Daniel na nakaupo sa sofa malapit sa pinagtabihan ko ng bag. Kitang kita ko sa mukha nya ang pagkagulat di ko alam kung dahil ba ngayon lang sya nakakita ng bagong ligo o ngayon lang sya nakakita ng lalaki na may nakapulupot na twalya na parang babae. Ilang segundo rin kami nagkatitigan ng bigla syang magsalita. "Anong ginagawa mo? Bat di ka pa magbihis!?" Sabi nito sabay kuha sa cellphone nya at nagpipindot pindot. Tignan mo tong demonyong to, akala mo walang nangyari eh no? Kala mo wala lang! Nakakabwisit talaga to. Kukunin ko na sana yung susuotin kong damit sa bag ko na nakalagay malapit sa inuupuan nya ng bigla ulit syang magsalita. "Anong gagawin mo!" Sigaw nito bigla. "Ha??!" Pagtataka ko kung bakit sya sumigaw. "Tigilan mo yan! Hindi ako maaakit sayo!" Sigaw ulit nito sa seryosong boses Nyeta naman talaga oh! "Sir kukunin ko lang po yung damit ko dun sa bag ko! Hindi ko po kayo inaakit" paliwanag ko sabay turo sa bag na nakatabi sa inuupuan nya. Nakita ko naman na para syang napahiya sa sinabi ko kaya naman tumahimik nalang sya at pinagpatuloy kung ano man yung ginagawa nya sa cellphone nya. Kitang kita ko sa mukha nya na hindi sya komportable habang nasa tabi nya ako kaya naman kesa magkalkal ako sa tabi nya binuhat ko nalang yung bag ko. Pag dampot ko sa bag ko biglang natanggal sa pagkakapulupot yung tuwalyang naka tabing sa katawan ko na naging sanhi ng pagkasigaw ko. Binitawan ko yung hawak kong bag at nang aakma ng tumingin si sir Daniel walang pasubaling tinakpan ko ng mga kamay ko ang mga mata niya. Ahhhhh nakakainis talaga!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD