Prologue
Author's POV
Hubo't hubad na naka kadena ang isang kalahating intsik at kalahating pinay na dalagita sa isang basement.
Maputla ang balat, mapayat, madumi, at gutom. Gayonpaman ay 'di pa din kumukupas ang ganda nitong tinataglay.
Mahaba ang buhok, singkit, matangos ang ilong, kulay itim na mata, katamtaman na kapal ng kilay, at mahaba ang mga kuko dahil na din sa dalawang taong pagkakabilanggo sa silid na 'yun kahit pa ang mga magulang nya naman ang nagkasala't 'di s'ya.
Tunay na napaka unfair ng buhay nya. S'ya ang nagbabayad sa kasalanang 'di nya naman ginawa't kailanman ay hinding-hindi nya magagawa.
1-2× a week lamang s'ya pinapakain ngunit minsan ay tubig lamang ngunit pag minalas-malas ay wala talaga. Sa loob ng dalawang taon ay isang beses pa lamang s'ya nakaligo at 'yun ay dalawang buwan matapos s'ya mabilanggo sa silid na 'to na saksi sa lahat ng paghihirapan nya sa kamay ng isang half russian and half pinoy na nagngangalang andrew russell.
"Oh tubig mo, tipidin mo 'yan dahil tubig mo 'yan ngayong linggo," aniya ng isang lalaking pumasok sa silid at inilapag ang bitbit nitong isang litrong tubig sa tapat ng dalaga, "sayang talaga ang ganda mo dahil traydor pa naging magulang mo," huling aniya ng lalaki bago tuluyan na ngang lumabas sa silid at isinarado ang bakal na pinto.
Kahit na dating basement ang silid kung saan s'ya nakabilanggo'y bakal ang pinto na mayro'ng mataas na seguridad dahilan upang mawalan ka ng pag-asang makalaya kung ikaw ay mabibilanggo sa silid na 'yun dahil nabubuksan lamang ang pinto mula sa labas.
Hinang-hina man ay pilit na inangat nito ang kan'yang kanang kamay at kinuha ang bote ng isang litrong tubig na halatang 'di malinis dahil halos kulay brown na ang tubig. Buti na lamang ay 'di masyado nakasarado ang takip kung kaya naman ay mabilis nyang nabuksan 'yun, kahit na papaano'y mayroon pa palang natitirang awa sila para sa kan'ya.
Uhaw na uhaw nyang ininom ang maduming tubig dahil walang lugar ang kaartehan sa lagay nyang 'to't isa pa dalawang linggo na ang nakararaan simula ng huling malagyan ng laman ang kan'yang t'yan.
Nang makainom na s'ya ng halos 1/4 na tubig ay tinakpan nya na ang bote't nilagay sa kan'yang tabi upang itabi para pa sa susunod na mga araw.
Titipidin nya 'yung marumig tubig at pilit na pagkakasyahin hanggang sa kunf kailan s'ya muling bibigyan ng maruming maiinom o at tira-tirang makakain na nagmistula ng kaning-baboy.
Humiga s'ya sa malamig na sahig at ginawang pang unan ay ang kanyang kamay tsaka ipinikit ang kan'yang mga mata't mapait na napangiti kasabay ng pagtulo ng kan'yang mga luha.
Sa loob ng dalawang taon, napakaraming luha nya na ang kan'yang inilabas ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa din 'to nauubos. Pagod na pagod na s'yang lumuha, pagod na pagod na s'ya sa lahat ng bagay ngunit tila ba'y walang katapusan ang lahat.
*SPLASH
Tunog ng napakalamig na tubig na ibinuhos sa bago pa lamang matutulog na dalaga. Agad nyang iminulat ang kan'yang mga mata sa gulat ngunit agad ding nakabawi't ipinikit ang kan'yang mga mata ng maramdaman nya ang sakit dulot ng paulit-ulit na pagsipa sa kan'ya ng binatang salubong ang mga kilay na kakapasok lamang sa silid kung sa'n nakabilanggo ang dalaga.
Bakas ang galit sa mukha ng binata habang walang awang pinagsisipa nya ang walang kalaban-laban na nakakadena't payat na dalaga na nakahiga sa malamig na sahig na ngayon ay mariing nakapikit lamang ang mga mata't tahimik na lumuluha.
Gustuhin man ng dalaga na magmakaawa sa binatang tumigil na dahil sa nasasaktan s'ya'y 'di nya magawa sapagka't bukod sa wala na s'yang boses dahil sa laging pagmamakaawa't pagdaing sa sakit sa loob ng dalawang taong pagkakabilanggo'y useless lamang ang magmakaawa. Sayang lamang ang kan'yang laway dahil 'di naman s'ya papakinggan ng binata. Well, kailan ba s'ya pinakinggan nito. Baka imbis na tumigil ay mas pag-igihan pa nito.
"Take all of this. You deserve it," gigil na aniya ng binata't tsaka pinaulanan din ng suntok ang dalaga na ngayon ay halos naliligo na din sa sarili nyang dugo. Tunay na napaka walang puso't walang awa ng binata ngunit masisi mo ba s'ya eh inilalabas nya lang naman ang galit nya sa mag-asawang Sy sa anak nitong babae na walang kalaban-laban.
'Di pa s'ya nakuntento sa pagsipa't suntok sa dalaga, tinanggal nya ang kan'yang sinturon tsaka 'to ipinulupot sa leeg ng dalaga upang gamitin 'yun pangsakal dahilan upang kapusin sa paghing ang dalaga,
"If you're going to blame someone because of your missery, blame your parents 'cause it's all their fault," aniya ng lalaki. Walang mababakas na awa sa kan'yang mga mata 'cause he's merciless and heartless,
"If my parents is at fault not me, bakit ako ang kailangang magbayad sa kasalanan nila?," she badly wanted to utter it to ask but she can't. Walang boses na lumalabas sa mga letrang binibigkas nya.
Unti-unting lumabo ang kan'yang paningin at unti-unti din s'yang nilamon ng kadiliman ngunit bago pa s'ya tuluyan na ngang lamunin ng kadiliman ay narinig nya pa ang sinabi ng binata na dahilan upang kahit na masakit ay mapait s'yang napangiti. She knew he do, it just, natabunan ng galit at paghihiganti ang kan'yang puso.
"I'm sorry for captivating and punishing you 'cause for now this is the only thing that I can do for us".
End of prologue