Chapter 12

2310 Words
Like any normal parents, Helga and Val freaked out when Robin told them about the Aliyah’s stalker. “Anong nangyari? Nahuli ba?” bulalas pa ni Val na bumasag sa tahimik nilang pagkain ng hapunan nang gabing iyon. He was occupying the head seat of the rectangular dining table. Nasa kanan naman niya ang asawa. Robin, who was sitting in front of Helga, shook his head. “Hindi rin nila nakuha ang itsura ng stalker kasi natakpan ng hoodie.” Tumalak pa ito pagkatapos. “Sa totoo lang, feeling ko, taga-dito rin yun kaya hindi nila nahuli.” Parehong tahimik sina Aldous, na katabi ni Robin, at ang kasambahay nila na katapat naman ni Val. Helga looked at Aliyah, who was sitting on her other side. “Ayos ka lang ba, Aliyah? Hindi ka ba niya nahawakan?” Aliyah lightly shook her head. “B-But it’s really scary, Mama. Buti dumating agad sila Kuya. Else, ewan ko na lang.” Niyakap ng dalaga ang sarili. The next thing she knew, nangingilid na ang mga luha sa mata niya. Napatalak naman si Val. “Bakit ba kasi hindi ka umuwi on time? Bakit ka ginabi? Saan ka ba galing?” “May club meeting po kami,” katwiran ni Aliyah. “Bakit kailangan n’yong abutin ng gabi? Di ba hanggang three lang pasok mo?” “Sa Friday na po ang performance.” “At anong napala mo ngayon?” At that point, hindi na umimik si Aliyah. Matigas ang tono ng papa niya. She knew it was useless to argue with him. Ganoon naman lagi. “Ba’t parang kasalanan ni Aliyah na may stalker sya?” biglang sabat ni Robin, dahilan para mapatingin silang lahat sa lalaki. Nakakunot pa ang noo nito habang sinasalubong ang titig ng ama. “Wala akong sinasabing kasalanan niya. Ang akin lang, di sana to mangyayari kung hindi siya nagpagabi,” kontra naman ng papa nila. “E wala nga siyang choice dahil may club practice sila! Anong gagawin niya?” asik ng panganay. Noon lang sumabat si Helga. “Robin, ano ba yan?” suway nito habang pinandidilatan ng mga mata ang lalaki. “Tatay mo yang kausap mo, ah?” Robin sneered. “Ewan ko sa inyo.” Napaikot ito ng mga mata saka nagpatuloy sa pagkain. Nagsalitan naman ang tingin ni Aldous sa mga magulang ng nobyo nito. Bakas sa mga mata nito na nais humingi ng tawad sa inasal ni Robin. Val ignored Robin. Sa halip, ibinaling lang nito ang tingin sa unica hija. “Starting today, Aliyah, hindi ka na pwedeng magpagabi. And that club practice… bitiwan mo iyan. Kung tutuusin, hindi ka na nga dapat sumasali sa ganyan. Grade 12 ka na. Dapat mag-focus ka na sa pag-aaral--” “Aba naman, Pa!” muling sabat ni Robin. “Pati ba naman hobby ni Aliyah, pakikialaman mo pa--” “Shut up, Robin!” putol muli ng padre de pamilya saka dinuro ang panganay. “Tandaan mo, nandito ka sa pamamahay ko. You’re not allowed to disrespect me. I’m your father. Know your place.” Tumalak muli ang panganay. “E di wow,” bulong pa nito saka uminom ng tubig. Pagkuwa’y nag-walkout ito. “Wag mo kong madabug-dabugan, Robin! Sinasabi ko sayo!” pahabol ni Val habang paakyat si Robin sa hagdan. Mabibigat kasi ang mga paa nito. “Hay, talaga naman!” “Pagpasensyahan n’yo na ho si Robin, Tito,” sabi naman ni Aldous sa malumanay na tono. “Na-stress lang din siguro iyon. Syempre, di nya rin gusto ang nangyari kay Aliyah.” Tumalak na lang si Val saka nagdesisyong tapusin na ang pagkain. Tapos, dumiretso ito palabas ng bahay. Nang mawala ang padre de pamilya sa paningin ni Helga, napalo na lang nito ang noo. “Hay nako. Nag-away na naman sila.” Umiling-iling ito saka ibinaling ang tingin kay Aldous. “Sensya ka na, hijo, ha? Medyo may attitude din kasi talaga minsan yang si Robin. Pero mabait naman yan. Bugnutin lang talaga.” “Don’t worry ho, Tita, I don’t mind. And besides, I like everything about Robin naman, including his mood swing.” Ngumiti nang matamis ang lalaki pagkasabi niyon. Humagikhik naman si Helga. “Iba pala talaga mga da moves mo, Aldous, ano? Kaya pala kilig na kilig sayo anak ko, ay.” Mahinang natawa si Aldous saka napakamot ng ulo. “Gano’n ho ba?” Then, Aldous looked at Aliyah, who was silently watching everyone the whole time. “Ayos ka na ba, Aliyah?” “I guess?” tugon ng dalaga matapos mapansing hindi na siya masyadong nanginginig at mas kalmado na siya kumpara kanina. “That’s good to hear, Aliyah. Basta next time, mag-iingat ka na. Kapag ganyang gagabihin ka, tumawag ka agad para masundo ka. Kahit ako tawagan mo, okay lang din basta free ako.” Hindi maiwasan ni Aliyah na mapangiti dahil doon. “Naks naman, Kuya Aldous. Ang sweet, ha?” kantiyaw niya habang nakatakip pa ng kanang kamay ang bibig. “Nagpapalakas ka yata sakin, e.” “Obvious ba masyado?” natatawa nitong tugon. Natawa rin tuloy sina Helga at Manang Rose. “Pero anak, wag mo kong mamasamaan, ha? Pero mas okay nga sigurong sumunod ka na lang sa papa mo,” sabi ulit ni Helga matapos sumeryoso muli ang mood nito. “Di naman kita pagbabawalan sa hobby mo pero sa ngayon, mag-focus ka na lang muna sa study. Then, after graduation, balikan mo ulit ang pagsasayaw mo. Mabilis lang naman ang isang taon. Before you knew it, nakasuot ka na ng toga.” Hindi tuloy maiwasan ni Aliyah na mapanguso. Mahal na mahal niya ang pagsasayaw. Ito rin kasi ang bumuo ng childhood niya. In fact, she met her first love through dancing. Napailing-iling na lang siya. No, she wasn’t supposed to be thinking about him. That guy belonged to the past. Sinaktan nito ang kapatid niyang labis niyang hinahangaan. And the very same act also made her heart break for the first time. - Kahit labag man sa loob, napilitan si Aliyah na sundin ang payo ng mga magulang. The following day, she told her clubmates that she would not be joining them for a while or probably for the rest of the year. Maraming umalma, palibhasa’y siya ang kalimitang nagdadala ng performance. But after they told her about the stalking incident, they began sympathizing with her. “Kasalanan ko yata to, Aliyah,” sabi pa sa kanya ni Jayson. “Dapat hinatid na lang kita.” Aliyah slapped his left shoulder playfully. “Sira. Di mo rin naman alam na magkakaroon ako ng stalker. Besides, di ba nga tinanggian ko ang offer mo na ihatid ako?” Baka kasi maging isyu na naman sa bruha mong girlfriend. Pabiro pang ngumuso si Jayson. Sasagot pa sana si Aliyah kung hindi lang siya nakatanggap ng text mula sa ka-service niya na nagsasabing nandoon na ang sundo niya. She took that opportunity to say goodbye to her clubmates. Pati sa adviser nilang present din noon, nagpaalam na rin siya. Sa buong biyahe, tahimik si Aliyah. Sa totoo lang, masama rin kasi ang loob niya. Ayaw niyang umalis. Yet this was for the best. Noon kasing nakaraang taon, napakaraming beses na niyang ginabi sa practice. To distract herself, she fished for her phone in her bag. Noon lang niya naalala si Logan. She immediately went to i********: to check if he replied already. Sa kasamaang-palad, wala pa. Ni hindi pa nga nito na-seen man lang ang message! Napanguso na lang tuloy siya. Hala, galit yata talaga siya. Niligpit niya ang phone saka ibinaling ang tingin sa katabing bintana para panooring ang mga nadaraanan nilang bahay. Malapit na sila noon sa village nila. Gaga ka naman kasi, self. Ba’t mo ba kasi tinisod yun? Tapos, tinawanan mo pa noong sumalampak. Malamang, magagalit talaga iyon kasi nabangasan ang pogi niyang mukha. Bumuntonghininga siya saka nagsimulang ligpitin ang gamit. Nakapasok na kasi sila sa village at ilang kanto pa’y nasa bahay na siya. - Papasok na sana si Aliyah sa kwarto niya nang mapansin niyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Robin. She thought it was weird dahil laging nakasara iyon, lalo na kapag nasa bahay ito. At ang alam din niya’y break nito ngayon. Out of curiosity, sinilip niya ang kapatid. Nadatnan niya itong nakahiga sa kama habang nakatitig sa hawak nitong invitation card. Ay, yung wedding invitation nga pala ni Kuya Troy! Isip niya kasunod niyon ay naalala kung paano personal na binisita ng kaklase ng kapatid niya ang coffee shop ng ina para iabot ang invitation. That was two weeks ago. Pasimple siyang lumapit sa lalaki at hinablot ang card. Nagulat ang lalaki sa inasal niya. Pinandilatan pa siya nito. "O, bukas na pala ito?” sabi niya habang tinatabihan ito sa kama. “May isusuot ka pa ba?" Nakita niyang beach wedding pala ang tema niyon at inaanyayaan na mag-Hawaiian costume ang mga dadalo. Bumuntonghininga si Robin. "Baka yung pinang-Year End party ko na lang siguro noong third year." Pinandilatan nito ito ng mga mata. "Gaga! Wag ka ngang outfit repeater." "What? Isang beses ko lang naman iyon isinuot." "Kahit na ba! Nakita na nila iyon, so you need to wear another one." Umiling-iling ang dalaga. "Imagine, Robin Tejada, isang uprising star ng very first gay-themed teen rom-com TV series sa Pilipinas. Tapos malalaman nilang outfit repeater ka? Ew, ang cheap!" Umasim tuloy ang mukha ni Robin. "Gusto mong sabunutan kita?" "Joke lang! Ito naman!" Ngumiti siya saka napaikot ang mga mata. "Pero, Kuya, di ka ba excited na makita sila? I mean, it's been... uhm, two years mula nang huli kayong magkita." He shrugged his shoulder. "Ewan." "Gaga! Anong ewan ka d'yan? Ang bait-bait ni Kuya Troy tapos ikaw, di mo gustong makita ulit? Tapos, nakiusap pa sa kin na pilitin kitang pumunta. Wala ka namang galit sa kanya, di ba?" Umiling si Robin. "Tamo? So bakit ba ayaw mong pumunta?" Muling napabuga ng hangin ang kapatid niya saka napakamot ng ulo. "Truth be told, hindi naman si Troy ang dahilan kung bakit nag-aalangan akong pumunta." Natigilan naman si Aliyah. Of course, merong taong iniiwasan ang kapatid niya. "Sino? Yung hipon mong ex-best friend?" Nanatiling nakatitig si Robin sa kisame pero alam ni Aliyah na tama ang hinala niya dahil bahagyang kumunot ang noo nito. It was her turn to sigh. Mahina niya itong siniko. “Alam mo, tsong, hindi ka dapat nagpapaapekto sa kupal na iyon." Umiling-iling ito. "I mean, okay, magkagalit kayo. Pero sino bang madedehado kapag nagpaapekto ka? Siya ba?" Yet deep inside, Aliyah knew it was easier said than done. Kilala niya ang kuya. Matindi ang social anxiety nito. Kaya nga isa pa ring malaking misteryo para sa kanya kung paano nito naisip na mag-artista. Besides, hindi lang basta-basta kaaway ang tinutukoy niya. It was Vincent, Robin’s best friend for seven years. The very same person who helped Robin gained his confidence. Sobrang laki ng tiwala ng kapatid niya rito, kaya ganoon na lang ang pighati nito nang traydurin ng lalaki. Vincent left Robin in his most vulnerable state, na isa rin sa naging dahilan para magpatiwakal ito ilang taon na ang nakalilipas. Remembering those made Aliyah shudder in fear. Sariwang-sariwa pa rin sa isip niya kung paano niya nadatnang naliligo sa sariling dugo ang kapatid sa banyo nito. Ilang gabi rin niyang napanaginipan iyon na parating nauuwi sa pagbalikwas niya ng bangon para tingnan kung inulit ba iyon ng kapatid. Hinawakan niya ang baba ni Robin saka pilit na pinaharap sa kanya. "Don't give him the satisfaction by showing discomfort whenever he's around. Show him the bad-ass Kuya I have seen noong elementary pa lang ako. Remember that?" Saglit itong nag-isip. "Yung... ginawa ko sa bullies mo?" "Bingo! Yes. You're really cool back then, you know?" Tumaas ang isa nitong kilay. "What? Anong kina-cool ko sa p********l sa mga bata?" "Of course you're cool. Ikaw na goody two-shoe namukhang di kayang pumatay ng ipis? Tapos talagang maglalakas ng loob na warlahin ang umaaway sa 'kin? O, di ba? Ang cool." "Di ko... gets?" "Gaga ka." Inirapan niya ito. "The point is kaya mo naman palang lumabas sa comfort zone mo. Kunwari, ikaw, ayaw mo ng gulo. Pero dahil binully nila ako, nilabas mo ang pagiging matapang mo because you need to get back on them. So what you did? Sinampal mo sila, the same way they did to me. That makes you a cool brother to me." Inihilig nito ang ulo sa balikat niya. "Now, on Vincent, you need to do this, too. Kailangan mo lang ng motivation para maipakitang di ka apektado sa kanya. Because really, gano'n dapat. You didn't lose anything. Baka nag-gain ka pa nga dahil nabuo mo ang book at ngayon, artista ka na. Pero siya? He lost a great friend. And gained nothing. The last time I checked, hipon pa rin siya." She looked at her brother to wait for his reaction. Bahagyang nakaawang ang labi nito na para bang nag-iisip ng sasabihin. But at the end, he closed his mouth and shook his head. "Trip na trip mo talaga siyang tawaging hipon, ano?" sabi nito pagkuwa. Ay nako, iniba na naman niya ang topic. "Duh? Hipon naman talaga siya. Yung mukhang iyon? Parang unggoy na winax kaya nawalan ng buhok." Umiling-iling siya. "Anyway, iyon nga. Don't give him the satisfaction. Wag mong iparamdam sa kanya na siya ang nagwagi. Because, really, hindi. He never did. Never does. Would never be." Tumango-tango si Robin. "Sabagay. You have a point there. Pwede ko naman siyang iwasan na lang." "Yun! That's the spirit." Pumalakpak siya. "So, pupunta ka na?" Saglit itong nag-isip. "Sige na nga." Napakamot pa nga ng ulo. "Good, good!" Bumangon siya. "Now, tumayo ka na d'yan at magbihis." "Ha? San tayo pupunta?" "Saan pa, e di bibili ng damit mo, duh? You have to look great for tomorrow. Kaya bilisan mo na d'yan at marami tayong pupuntahang store ngayon." Tinalikuran niya ito at dali-daling lumabas ng kwarto. She heard him call her, but she just ignored him. Walang sense of fashion ang kapatid niya, and she hated it, lalo pa ngayong artista na nga ito. And that’s why she volunteered to be his personal stylish, kahit hindi naman ito ng hahanap talaga. And besides, this is a perfect time for them to bond, di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD