Chapter 11

1703 Words
Spell 'stupid'? A-L-I-Y-A-H. Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon, inuntog muli ni Aliyah ang noo niya sa desk. "Jusko, Aliyah. Ano bang pumasok sa isip mo at sinabi mo iyon?" maya-maya'y sumbat niya sa sarili. Earlier, she confessed to Logan. She. Freaking. Confessed. To. Logan. It was not her plan. Kusa lang lumabas sa bibig niya. "Kasi naman tong Logan na to! Tama ba namang pakiligin ako while I'm weak?" Tumayo siya saka dumapa sa kama. Tapos, sinubsob niya ang mukha sa unan saka umirit. Once done, she did a breathing exercise to calm herself down. Pagkuwa'y, tumihaya siya saka tiningnan ang kisame. Now what? Isip niya. Ngayong alam na ni Logan ang nararamdaman niya para rito, ano nang mangyayari sa kanilang dalawa? Iiwasan ba siya nito? O baka siya na ang iiwas dito? Naudlot ang pag-iisip niya nang may kumatok sa pinto. "Aliyah?" It's Logan. "Pwede ba akong pumasok?" Taranta siyang napabalikwas ng bangon. But before she could do anything, biglang bumukas ang pinto at sumilip ang lalaki. "Hi?" bati ni Logan sa kanya. There was reluctance in his tone. Actually, para itong nahihiya. Napalunok na lang si Aliyah. "Bakit mo binuksan ang pinto? Pinapasok na ba kita?" Stupid tongue. Gusto niyang magtaray pero nautal lang siya. Napakamot naman ng ulo si Logan. "Sorry. I figure you'll probably won't answer, so I let myself in." At pumasok na nga ito sa kwarto saka lumapit sa kanya. Taranta naman siyang napaatras hanggang sa bumangga ang likod niya sa pader. "Wag kang papasok!" Logan froze. Muli itong napakamot ng ulo. "Sorry. I just want to talk," sabi nito muli. "Pwede ba tayong mag-usap?" She sneered and looked away. "Aasarin mo lang ako." "I won't!" malakas nitong pagtanggi saka bumuntonghininga. "Look, Aliyah, nandito ako para tugunan ang sinabi mo sakin. Because I don't think it is appropriate to just leave anyone hanging. Especially not you." Napalunok na lang ang dalaga kasabay ng pagdagundong ng puso niya. Shuta, ito na naman po si Logan Paul Mercado. Ang binabaeng pinapakilig siya lagi. Ba't ba kasi naging vaklush to? Nakaka-imbyerna naman, ay! Muling bumuga ng hangin si Logan saka dahan-dahang umupo sa dulo ng kama niya. "Aliyah, if you don't mind... pwede bang malaman kung anong nagustuhan mo sakin?" Gulat siyang napatingin dito. "Ha?" Hinagod pa niya ito ng tingin. "What?" nagtatakang tanong nito. "Tinatanong mo talaga kung bakit kita nagustuhan?" Muli nito itong tingnan mula ulo hanggang sa baywang nito. "Ikaw? As in ikaw?" Napakamot ito ng ulo. "Bakit? Bawal ba?" "Gage. Napaka-conceited mo kayang tao." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Ang ine-expect kong reaction mo e magiging boastful ka pa. Ipangangalandakan mong pogi kaya pati ako nahulog sa charms mo." Natigilan naman ang lalaki. Mukhang napaisip din. Pero sa huli, winasiwas lang nito ang kamay na para bang sinasabing wag isipin ang huli niyang sinabi. "But I'm really curious. Bakit ako, Aliyah? Anong nakita mo sakin kaya mo ako nagustuhan?" Seryoso ang tono nito. Halatang gusto talagang malaman ang dahilan. Napanguso ang dalaga saka niyakap ang mga binti. "I guess kasi..." Ano nga ba? Noon lang niya napagtanto na wala nga pala siyang malalim na dahilan kung bakit niya napusuan ang lalaki. Okay, sure, napaka-gwapong nilalang nito. Chinito, matangos ang ilong, mapula ang labi, may dimples, matangkad. Sa totoo nga lang, pwede itong mapagkamalang K-pop idol kung bibihisan lang ng Kpop fashion. But other than that, wala na siyang maisip na dahilan Napakurap-kurap tuloy siya saka kinapa ang dibdib. Now, this made her wonder when did it all begin. Kailan niya napagtantong may pagtingin siya kay Logan, to the point na iniyakan niya nang malaman niyang kuya niya ang gusto nito? "Aliyah? Still there?" Logan snapped his finger. Muli siyang napatingin dito. "Ah? Ano kamo ulit ang tanong mo?" Umiling-iling ito. "Never mind." Tapos, napakamot ito ng ulo saka humugot ng malalim na hininga. "Ah, yung confession mo kanina..." Muling napalunok ang dalaga. Kasunod niyon ay ang pagtibok nang malakas ng puso niya. "Kasi... paano ko ba sisimulan ito?" Saglit na nag-isip si Logan. "Alam mo naman siguro kung gaano kalaki ang age gap natin, di ba? I'm twenty-three, while you're still a minor." Pumikit si Aliyah. Okay, alam na niya kung saan ito patungo. "Okay, I get it, Logan. Bata pa ako. Di mo ako pwedeng maging girlfriend," pagtapos niya sa gustong sabihin ng lalaki habang patuloy na nakasara ang talukap ng mga mata. Saglit siyang tinitigan nito. "Gano'n na nga. I'm sorry." She heaved a sigh before she opened her eyes. "I understand. If you think about it, di naman nga talaga appropriate na makipag-relasyon ka sa ka-edad ko," malungkot niyang tugon. "But matanong ko lang, kung halimbawa ka-age ko lang si Kuya Robin, may... pag-asa ba?" Don't get your hopes up, Aliyah! Natigilan naman ito. Parang nataranta. Napakamot pa nga ng ulo. "Kanina ka pa kamot nang kamot ng ulo, ah? May kuto ka ba?" kunot-noo niyang tanong sa lalaki. Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Ang gwapo ko naman masyado para magka-kuto, Aliyah." "Iyan, iyan! Iyan ang sinasabi ko kanina," labas sa ilong niyang sabi. "Napaka-hangin talaga nito." Humalakhak naman si Logan. Dahilan iyon para irapan niya ito. "Gustong-gusto ko talaga iyang pagtataray mo. Ang cute mo magsungit." Tapos, winasiwas nitong muli ang kamay saka sumeryoso. "Anyway, uhm... sa totoo lang, Aliyah, hindi ako nagbibiro noong sinabi ko kanina na may special place ka dito." Tinuro nito ang dibdib. Shuta, iyan ka na naman. Pumikit na lang si Aliyah habang pilit na pinapakalma ang nagwawala na namang puso. "Pero... hindi ko rin kasi ma-interpret itong nararamdaman ko, Aliyah," sabi muli ni Logan. "I don't think may pagtingin ako sayo na gaya ng kung paano mo ako nakikita. But I like you, Aliyah, at ayokong maputol lahat ng pinagsamahan natin--" "Yada Yada Yada," putol niya rito. "Oo na. Gets ko na. Kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin. Dami pang sinasabi, di na lang diretsuhing friendzone lang ako." Dumilat siya para irapan ito. "Kaibigan lang?" kunot-noo nitong tugon. "Oo, friends lang. Jusko naman, Logan. It's not rocket science, haller? Yang nararamdaman mo, that's platonic affection lang. It's normal." "Platonic?" Yumukod ito at parang nag-isip. "Friends lang?" bulong pa nito sa sarili. "Luh? Ano kaya yun?" Napaikot siya ng mga mata saka bumaba ng kama. "Ewan ko sayo. Bababa na ako at gutom na ako." Gumawi siya patungo sa pinto saka muling tiningnan si Logan. Nakayuko pa rin ito. "Huy, Logan, ano ba? Tara na nga." Muli na lang itong napakamot ng ulo saka tumayo. Tapos, sabay silang lumabas ng kwarto. Wala silang umikan habang pababa ng hagdan. Para kasing ang lalim ng iniisip ng lalaki, and it was making Aliyah uncomfortable. Kaya naman nang isang baitang na lang ang natitira, tinisod niya ito. As expected, sumadsad si Logan. He fell flat on his face, making Aliyah snort with laughter. Samantalang, humahangos naman ang kasambahay nila mula sa kusina para silipin kung ano iyon Logan groaned. Tapos, tinulak nito ang sarili patayo. Nang ibaling nito ang tingin sa kanya, nakakunot ang mga noo nito. Natigilan naman si Aliyah. Bigla siyang kinabahan. Iba na ang aura ni Logan. Parang galit ito. Yet Logan didn't say anything. Sa halip, lumapit ito patungo sa entrance door at sinuot ang hinubad na sapatos. Napamaang siya. Hala nagalit yata! Lumapit siya rito. "Huy, sorry!" tarantang aniya habang pinapanood itong isintas ang sapatos. "Binibiro lang kita. Ikaw kasi, ang seryoso mo." But Logan didn't even look at her. Sa halip, ibinaling nito ang tingin sa kasambahay para magpaalam saka tinulak ang screen door at lumabas. Aliyah followed him. "Huy, Logan! Joke lang!" Hinila pa niya ang kamay nito pero tinabig lang siya nito. Saktong bumukas ang pang-taong gate at pumasok si Aldous. Natigilan ito nang makitang makakasalubong nito ang co-star. "Huy, pre, okay ka lang?" Logan just passed by him. Pati si Robin na papasok na sana sa gate ay nilampasan lang nito. Ni hindi na ito nag-abalang magpaalam. Dumiretso lang ito sa kotse saka binuhay ang makina niyon. Samantalang, nakanguso si Aliyah nang silipin niya ang lalaki. Saktong pinaandar na nito ang kotse nang makalabas siya sa gate, at nagkasya na lang siya sa pagsunod ng tingin dito. "Anong nangyari do'n?" nagtatakang tanong ni Robin sa kanya. Yumukod lang siya saka pumasok sa loob ng bahay. Tapos, pabagsak siyang naupo sa sofa. She slouched on it and looked at the round ceiling light above her. She f****d up, didn't she? - Nang matanaw na ni Logan ang gate palabas ng subdivision kung nasaan ang bahay ng pamilya ni Robin ay saka lang siya nagdesisyong igilid muna ang sasakyan. Pagkuwa'y binuksan niya ang ilaw at tiningnan ang mukha sa rearview mirror. He felt something stinging on the left side of his forehead. Thankfully, it was just a small scratch. Madaling itago sa make up at maging ng bangs niya. Muli siyang napasandal saka bumuga ng hangin. Pumikit din siya saka minasahe ang sentido. Ano bang nangyayari sakin, puta? Tanong niya sa sarili. Sa totoo lang, hindi naman siya naisip sa ginawa ni Aliyah. He just used that as an excuse to get away from there. Naguguluhan kasi siya, at nagsimula iyon sa biglang pag-amin sa kanya ng dalaga. Kinapa niya ang dibdib. Nagwawala pa rin iyon, gaya kanina. And it was making him confused. "May gusto ba ako kay Aliyah?" That question made him frown. Okay, sure, noon pa man ay giliw na giliw na siya sa kapatid ng co-star niya. Napaka-kalog kasi nito kaya masaya itong kasama. But that's it. Iba ang gusto niya, at iyon ay ang kuya nito. Kaya isang malaking palaisipan sa kanya ang sinabi ni Aliyah kanina. Na kaibigan lang ang tingin niya sa babae. Yet his heart was disagreeing. There was something more. Hindi lang kaibigan. May mas malalim pa. And that s**t scared him. Kaya siya biglang umalis. Marahas siyang bumuga ng hangin. "This is wrong, Logan. This is wrong," bulong niya sa sarili. "Bata pa si Aliyah. She's a freaking minor. Kapatid pa siya ng taong nagugustuhan mo. Maling-maling makaramdam ka ng ganito. Maling-mali." He closed his eyes and did a breathing exercise to calm himself down. Once he's done, nagkapaag-desisyon na siya. Lalayuan na niya si Aliyah mula ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD