Papasok na si Aliyah sa coffee shop nila nang may tumawag sa kanya. She turned around and saw a buff guy in black shirt and ripped jeans approaching her.
"Hi, Aliyah?" bati nito. "Naalala mo pa ako?"
She squinted her eyes while trying to remember. Pamilyar nga ito.
"Kuya Troy?" tanong niya. Ang tanda niya, kaklase ito ng kapatid niya noong college.
Sumilay ang ngiti nito. "Nice naman! Naalala pa ako." Nakipag-high five ito sa kanya. "Kumusta pala? Laki mo na, ah? Si Kuya Robin mo?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi pa umuuwi since kahapon e. Galing siya sa shooting yata or something."
Kahapon, bumiyahe si Robin papunta sa isang private beach resort sa Bataan. Hindi nito sinabi ang dahilan, so she just assumed na work related.
"Nice. Iba na talaga ang kuya mo. Artista na. Parang dati, napakamahiyain nu'n, ah?"
"Sa true lang, Kuya. Di rin ako makapaniwala e." Tumawa siya. "Anyway, bakit po pala?"
Binuksan nito ang bag saka naglabas ng isang kulay purple na sobre. "Pabigay naman sa kuya mo, oh?"
Aliyah recognized right away that it was a wedding invitation card. "Ikakasal ka na, Kuya Troy?"
"Yes!" Proud na proud pa ito. "To my girlfriend for eight years."
"Oh my God! Congrats, Kuya!" Nakipag-shake hand pa siya dito. "Grabe. Iba talaga kapag tumatagal."
"Naman. Loyal kaya to!"
Sabay silang natawa, saka sila nagpaalam na sa isa't isa. Troy went away, habang siya naman ay pinasok sa bag niya ang sobre at pumasok na sa loob.
She checked on her mom first at the office. Pero dahil busy ito sa mga paperwork, iniwan din niya agad para kumain ng meryenda. After getting a slice of black forest and a bottle of milk tea, she went to her favorite spot -- sa isang table sa gilid ng cashier. Iyon ang pinakatagong pwesto kaya paborito niyang pwestuhan kapag gusto niyang magpahinga.
That was when she received a call from Logan.
Ano na naman kayang ginawa ni Kuya? ang una niyang naisip habang pinapanood ang phone na mag-vibrate. Mabuti na lang, naka-silent iyon kaya hindi maingay. Hinayaan lang niya kasi ang tawag.
Truth be told, she's starting to get sick of it. Wala na kasing ibang bukambibig si Logan kundi ang kung paano nito paiibigin si Robin. Ni hindi man lang ito nangangamusta man lang. Hindi rin nagpapasalamat. But of course, the main reason was because she's getting more insecure. Ayaw man niyang tanggapin pero tumitindi ang pagseselos niya.
"Sagutin mo kaya ang tawag ko?"
Napitlag si Aliyah saka napatingala. To her surprise, nakita niyang nakatayo sa gilid niya si Logan. Hawak pa nito ang phone.
"Ba't nandito ka?" gulat na aniya.
"Kasi gusto ko ng black forest cake?" Nginusuan nito ang meryenda niya. "Para sa akin ba iyan?"
Agad niyang nilayo ang pagkain. "Shut up! This is mine."
Natawa naman ito. "Ito naman, napakaburaot. Pahingi lang e."
"Ayoko!"
Napailing-iling ito saka umupo sa harap niya. "Ba't di mo sinasagot tawag ko?" nagtatakang tanong nito.
Natulala siya habang nag-iisip ng dahilan. "I guess I'm not in the mood lang to talk to anyone. And besides, duh, let me enjoy my cake in peace kaya?" Napaikot siya ng mga mata.
"Sabagay, sarap ba naman kasi ng black forest cake n'yo dito." Then, he slouched on the seat and sighed.
Napansin ni Aliyah ang lungkot sa mga mata nito. Hindi tuloy niya mapigilang tanungin kung bakit.
Napakamot ito ng ulo. "I gave up."
Natigilan siya. "What?"
Bumuntonghininga ito. "Sinukuan ko na ang kuya mo. Pinaubaya ko na siya kay Aldous."
Napamaang siya. Tama ba ang narinig niya? Napakurap-kurap pa siya. "Bakit naman?"
Nagkibit-balikat ito. "Wala talaga akong chance. Tanggap ko nang wala akong pag-asa."
Aliyah unconsciously smiled.
"O, ba't parang ang saya mo yata?" nagtataka naman nitong tanong.
"Huh? Hindi ah! It's just..." Mabilis siyang nag-isip ng katwiran. "Kasi nakikita ko talagang type ni Kuya si Kuya Aldous. My God! Kung alam mo lang kung paano kumislap mata ni Kuya kapag kinukwento niya iyon. Tapos, nakikita ko pa siya minsan na kilig-kilig habang kausap si Kuya Aldous sa phone." Those were lies, though. Nalaman lang niya na nanliligaw na si Aldous sa kuya niya through her mother.
"Gano'n ba?" Logan looked even more down. "Sana sinabi mo agad."
Natigilan si Aliyah saka napakunot ng noo. "Paano ko masasabi sa iyo kung wala ka namang ibang bukambibig kundi si Kuya?" angil niya. She didn't mean to sound like that pero naasar siya bigla. "Tamo, tatawag ka lang sa akin recently para kumustahin si Kuya o kaya e humingi ng tips. Do you think may chance akong sabihin?"
Napakurap-kurap si Logan. "O? Bakit parang galit ka?"
"Nakakainis ka kasi!" Kinuha niya ang tinidor at sinimulan nang kainin ang cake. "Ni hindi mo man lang ako naiisip kumustahin sa sobrang obsessed mo kay Kuya. Minsan tuloy, feeling ko nate-taken for granted lang ako. Na ginagamit mo lang ako para mapalapit kay Kuya." Inirapan niya ito.
Napamaang naman si Logan. "Uy, hindi, ah? Kaibigan talaga turing ko sa iyo."
Nag-make face siya saka kumuha ng malaking tipak ng cake at sinubo iyon.
"Huy, sorry na kasi, Aliyah."
"Don't talk to me!" sambit niya ulit habang may laman ang bibig. May tumalsik tuloy na crumbs ng cake sa lalaki.
Napakunot tuloy ng noo si Logan. "Ano ba iyan, Aliyah?" reklamo nito habang pinapagpag ang shirt.
Inirapan niya ito ulit saka nagpatuloy sa pagkain.
Logan, on the other hand, excused himself para umorder ng pagkain. A few mintues later, may bitbit na itong isang buong black forest na 8" ang diameter.
Napamulagat tuloy si Aliyah habang pinapanood itong hiwain iyon sa walo.
"O bakit? Gusto mo?" tanong ni Logan habang naglalagay ng isang slice.
"Para sa iyo lang iyan lahat?"
"Yeah." Hinarap siya nito saka nginitian.
"Wow, ha? Gutom ka?"
"Medyo lang. Saka sabi ko naman sa iyo, favorite ko ang black forest dito." Tapos bigla itong lumungkot. "Naalala ko tuloy noong first time ko nakita dito si Robin. Bumabanat ako sa kanya tapos hindi man lang nage-gets. May pagka-dense din yang kuya mo, 'no?"
Napaikot na lang ng mga mata si Aliyah. At ito na naman po siya.
Patuloy pa rin sa pagkwekwento si Logan tungkol kay Robin kaya naman kinuha na lang ni Aliyah ang phone at nag-scroll sa f*******:.
"By the way, may pinapasabi nga pala si Mama."
Natigilan si Aliyah saka muling napatingin kay Logan. "Ha? Ano iyon?" tarantang aniya. Naalala kasi niya kung paano niya pinagsalitaan ang ina nito. She had suspected na baka nagalit ito.
Napakamot ito ng ulo. "Well, hindi naman para sa iyo ang message. Para sa akin. But it concerns you kaya sasabihin ko na."
Napalunok siya. Logan was reluctant. Don't tell me, nagte-threaten siya ng lawsuit or what?
"Let's date for real daw. Or else, mawawalan ako ng mana."
Muling natulala si Aliyah. Pakiramdam niya'y biglang nag-freeze ang utak niya. It took her quite some time before she understood what Logan said.
What?! Tinitigan niya nang mabuti ang mukha nito. Tama ba ang narinig ko?
But Logan suddenly laughed and shook his head. "But I think she's joking when she said that. Maganda kasi ang mood niya noong napag-usapan ka namin," sambit ng lalaki habang hinihiwa ang cake nito gamit ang tinidor. "Nagustuhan ka lang niya dahil matapang ka. May conviction, ganoon. You have what it takes to be a lawyer." Tinusok nito ang pinutol na cake saka sinubo. "Anyway, gusto mo ba? Kuha ka lang."
Kumurap-kurap si Aliyah. "Pwedeng pakiulit yung sinabi mo kanina?"
Logan looked at her confusedly. "Yung sinabi ni Mama?"
"Oo. Hindi ko... hindi ko na-gets."
"Ah..." Muling sumubo si Logan. "Nagbiro lang si Mama. Kapag daw hindi kita naging girlfriend, tatanggalan niya ako ng mana. My mom can be a bad joker sometimes." Umiling-iling ito. "Anyway, gusto mo ba?"
"Tapos? Anong sabi mo?" She gulped as she anticipated what happened next. Ramdam din niya ang pagbilis ng t***k ng puso dahil sa kaba.
Logan scratched his head. "Wala naman. I just laugh."
Bigla tuloy napanguso si Aliyah. Whatever excitement she felt earlier dispersed. Napalitan lang ng disappointment. Iyon lang? Wala nang iba?
"Huy? Okay ka lang ba? Nakanguso ka dyan?" nagtatakang tanong ng lalaki.
"Ah? Yeah." Tumango siya saka tumayo. Then, she passed by him.
"Sa'n ka pupunta?" tanong nitong muli habang sinusundan siya ng tingin.
"CR lang."
She did not wait for him to reply. Dali-dali siyang nagtungo sa banyo at nagkulong.
Once inside, she ran after her breath. Jusko, ang tanga-tanga mo, Logan! Ngitngit niya habang nakatingin sa sariling repleksyon. You can simply say you'll try! Ano bang wala sa akin at hindi mo ako magustuhan?!
Then, she closed her eyes and did a breathing exercise.
"Gaga ka talaga, Aliyah," bulong niya sa sarili. "Syempre, hindi ka talaga nu'n magugustuhan. Baklita yun e."
Then, she opened her eyes and smiled. But at least Logan gave up on Kuya already. That means one less reason to feel insecure.
Naghugas siya ng kamay habang kumakanta ng isang sikat na K-pop song. Kulang na lang din ay magsasayaw pa siya sa sobrang tumawa niya. Napakababaw man ng dahilan niya pero hindi niya mapigilan ang sarili na matuwa dahil sa pagsuko ni Logan sa kuya niya.
Well, hindi naman siya umaasa. She just found it comforting na makitang may isang bagay na gustong-gusto niya ang hindi napunta sa kapatid niya. That means one less thing to feel insecure about.
I know you are lucky, Kuya. Lagi kang pinapaboran e. But not today, was her thought while looking at her reflection. Her lips were folded into a taunting smirk as if a villain coming up with an evil plan. Not today, Kuya. Not today.
-
Later that night, sabay-sabay na umuwi ang buong pamilya Tejada sakay ng family car nila.
"Wooh, nakakapagod," bungad ni Helga nang makapasok sila sa bahay. Dumiretso agad ito sa kusina para tingnan kung ano ang hinandang pagkain ng kasambahay nila.
Samantalang, hindi pa rin maalis ang ngiti ni Aliyah habang hinuhubad niya ang suot niyang black shoes. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang tungkol sa pagsuko ni Logan.
"Bakit ka naman nangingiti d'yan, Aliyah?" kumento na lang ni Robin na hindi niya napansing nasa tabi pala niya at naghuhubad din ng sapatos.
Napitlag naman siya. "Ha? Wala!"
"Wala raw," sabi nito sa nagsususpetsang boses.
"Wala nga! Kulit, ah?" Inirapan niya ito saka sinalansan ang sapatos sa shoe rack malapit sa may pintuan.
Tapos, dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan niya sina Helga at ang kasambahay nila na nag-uusap.
Biglang kumislap ang mga mata ng kasambahay nila nang mahagip siya ng tingin nito. "Ay, oo nga pala! May padala para sa iyo, Aliyah."
Agad namang ibinibaling ni Helga ang tingin kay Aliyah. "At ano na namang binili mo online, ha?" saad nito sa mataray na boses. Pinandilatan pa siya nito ng mga mata.
Nagtatakang tinuro ni Aliyah ang sarili. "Luh? Wala, ha?"
"Hindi naman galing Lazada. Teka, kunin ko lang." Gumawi ito sa ref saka binuksan iyon. "Tsaran!" sabi pa nito nang ilabas ang isang bouquet ng roses saka inabot sa kanya.
Takang-taka naman si Aliyah nang tanggapin iyon. Bukod sa hindi niya alam kung bakit siya nakatanggap ng bulaklak, bakit sa ref nilagay ng kasambahay nila?
Saktong pumasok din si Robin sa kusina. Unang nahagip ng tingin nito ang bouquet. But rather than saying something, Robin just looked away and grabbed a glass on the cupboard.
"Ano ba itong si Robin? Parang walang pakialam, ha?" kumento naman ni Helga habang pinapanood ang anak nito na kumuha ng tubig sa dispenser sa kaliwa ng ref.
Napakurap-kurap namang hinarap ni Robin ang ina. "Ha?"
Nginusuan ni Helga ang bulaklak na hawak ni Aliyah. "Di mo man lang pinansin yung bouquet na bitbit ng kapatid mo?"
Muling tiningnan ni Robin ang bulaklak. "E ano namang gagawin ko dyan?"
"Ay, di mo man lang tatanungin kung kanino galing?" Napailing-iling na lang si Helga saka hinarap ang kasambahay para itanong kung kanino iyon galing.
"Hindi sinabi ng delivery boy," sagot naman nito. "Aninimus daw."
Anonymous, pagwawasto ni Aliyah sa isip saka tiningnan ang pulang de-tiklop na tag na nakalagay doon. Simpleng "I love you" lang ang nakasulat doon. In fairness, ang ganda ng penmanship. Parang sulat babae, isip ni Aliyah.
Lumapit si Helga kay Aliyah at kinuha ang buoquet. "Nako, ang ganda naman nito. Parang mamahalin, ah?" Tapos, humarap sa kanya. "May nanliligaw pala sa iyo. Bakit di mo sinasabi?"
"Aba malay ko!" bulalas ng dalaga. Nandilat pa nga ang mga mata nito. "Hindi ko nga kilala kung sino iyan. And it's not like may plano akong mag-boyfriend."
"Wala nga ba?" kantiyaw ng mama niya.
"Wala nga!" Napaikot siya ng mga mata. "Kaya hindi ko alam kung kanino yan nanggaling."
"Baka naman kay Logan, ha?"
Gulat siyang napatingin dito. "Hala si Mama. Hindi nga. Wala namang gusto sakin si Kuya Logan. Friend lang kami nu'n." At the corner of her eyes, she could see Robin, who was putting the glass he used in the kitchen sink, frowning.
"Okay, sabi mo." Binalik ni Helga ang bouquet sa kanya saka inutusan ang kasambahay na maghain na ng dinner.
Agad naman silang nagsikilos, leaving Aliyah standing alone in the kitchen. Palaisipan pa rin sa kanya kung kanino galing ang bulaklak.
Sino naman kaya itong secret admirer ko? Although she was silently hoping it was Logan, alam naman niyang imposible iyon. Hay, ewan. It's not like gusto ko rin namang magjowa.
She put the flowers on the kitchen counter before joining her family at the dining table.