Chapter 8

2175 Words
Halos isang buwan na ang nakalilipas mula nang magsimula ang pasukan pero wala pa ring kaibigan sa mga bagong kaklase niya si Aliyah. Kaya hindi na rin nakakagulat na sanay na rin siyang kumain mag-isa tuwing lunch break. She was busy reading a yaoi manga on her phone when someone occupied the empty seat beside her. "Hi, Aliyah!" bati pa ng lalaki bago pa man niya makita kung sino iyon. "Bakit naman mag-isa ka?" Gulat siyang napatingin dito. "Uy, Jayson!" bati niya dito. Then, they did a weird handshake. "Pero ba't andito ka? Mamaya pang twelve ang lunch n'yo di ba?" Dahil masyadong malaki ang population ng SHS, iniba-iba ang lunch break ng mga estudyante, depende sa kung saan section sila kasama. Aliyah's section was an hour earlier than Jayson's. "Nag-cutting lang. Gutom na e," tugon naman nito habang hinahalo ang biniling spaghetti. "Kumusta pala? Lam mo ba, ang lungkot ng section namin mula nang mawala ang girl astig namin?" Hindi maiwasan ni Aliyah na matawa sa sinabi nito. Siya ang tinutukoy nito. "Wala e. Ano bang magagawa ko kung napunta ako bigla sa ibang section?" "Ikaw naman kasi, masyado mong ginalingan. Iyan tuloy, nilipat ka sa star section." Sinimulan na nitong kainin ang spaghetti. Mabilis ang ginawa nitong pagsubo kaya naman nabilaukan ito. Tatawa-tawa si Aliyah habang inaabot ang inuminan niya. "Tang ina, sakit!" bulalas pa ni Jayson. Naluha pa ito. Napailing-iling siya. "Hinay-hinay lang kasi," sabi pa niya habang pinapalo nang mahina ang likod nito. Nagpatuloy na lang ito sa pagkain hanggang maubos ang spaghetti. Tapos, kumuha ito ng tissue para punasan ang bibig. "O, pa'no, Aliyah, una na ako, ha?" Tumayo ito. "Kita na lang tayo ulit sa club meeting, ha?" Si Jayson ang presidente ng dance club kung saan kabilang si Aliyah. Napamulagat siya. "Ha? Meron ba?" "Ha? Hindi mo alam? Sa Friday. Magpe-perform tayo para sa Acquaintance Night." "Walang nagsabi sa akin." "Nako! Buti pala nagkausap tayo. Anyway, una na ako, ha?" Kinawayan na lang ni Aliyah ang lalaki hanggang sa mawala ito. Tapos, nagpatuloy siya sa pagbabasa hanggang sa matapos ang chapter. "Ay s**t, mayroon nga palang quiz mamaya sa Finance," bulalas niya. Napilitan tuloy siyang kumain nang mabilis. Once done, nagpunta siya sa pinakamalapit na restroom para mag-toothbrush. Nasa kalagitnaan siya nang pagsesepilyo nang may grupo ng mga babaeng pumasok sa banyo. "And look who's here." Natigilan si Aliyah saka napatingin sa mga babae sa kaliwa. There were three of them; lahat ay kaklase niya. The girl in the middle, Ariel, was giving her a bitchy look. Nakahalukipkip pa nga ito. "What?" tanong niya matapos idura ang toothpaste sa bibig niya. Mabilis niyang nilinis ng tubig ang bibig niya. "May kailangan ba kayo?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Hindi ka talaga titigil sa panglalandi sa boyfriend ko, ano?" "Panglalandi?" She suddenly remembered na girlfriend nga pala ito ni Jayson. "Anong sinasabi mo dyan?" "At talagang nagmaang-maangan ka pa, ha? Akala mo hindi ko kayo nakita kanina sa canteen?" Napapikit na lang siya at napabilang hanggang tatlo para kumalma. Once done, muli niya itong tiningnan. "Look, Ariel, wala akong gusto kay Jayson. Friends lang kami--" "Friends?!" Umalingawngaw ang boses ni Ariel. "Friends ba iyon? Nakiinom sa tumbler mo? Tapos nakahawak ka pa sa likod?" Anak ng... "Nabulunan siya kanina. What do you want me to do? Pabayaan siyang mangisay?" Sinimulan na niyang iligpit ang grooming kit. "Layuan mo siya, Aliyah! Wag kang mang-agaw ng boyfriend!" "Okay," sabi na lang niya saka ito nilampasan. Sinundan siya ni Ariel ng tingin. "Malandi!" Napatigil siya. Pakiramdam niya'y namintig ang mga ugat niya sa sinabi nito. Nagkuyom ang mga kamao niya. Gusto niya itong sabunutan. Gusto niya itong saktan. Pero sa huli'y naalala niya ang parating habilin sa kanya ng mama niya: Huwag kang papatol sa mga iyan! Wag kang magsisimula ng away. Kaya tuluyan na lang siyang lumabas ng banyo. Then, she went inside an elevator. She was alone, kaya nag-breathing exercise siya para kumalma. "Kaya ayokong nakikipagkaibigan sa mga babae. This always happens!" bulong niya sa sarili ilang sandali bago niya marating ang floor ng classroom niya. - Uwian na noon. Nagpupulbos ng mukha si Aliyah nang makatanggap siya ng tawag mula kay Logan. Minadali niya ang pagpupunas ng mukha saka iyon sinagot. "Hey, pauwi ka na ba?" tanong nito sa kanya. "Yeah. Why?" Inipit niya ang phone sa balikat at panga saka tiningnan kung may naiwan pang pulbos sa mukha niya. "Yayain lang kita tumambay sa cafe n'yo. Nagke-crave ako sa black forest cake." Napangiti tuloy siya bigla saka kinuha ang phone. "Fave mo talaga yan, ha? Baka naman tumaba ka." "Hindi iyan. Saka kahit naman tumaba ako, masarap pa rin ako." "Wow, ha? Conceited." Tapos, napailng-iling siya. "Anyway, pababa na ako. Kita na lang tayo sa coffee shop." "Actually, nandito na ako. Inaantay kita sa baba." Napamulagat siya. "Bilis naman! Sige, baba na ako." Binaba na niya ang tawag saka mabilis na niligpit ang mga gamit. While waiting for the elevator, she texted her school service na hindi siya sasabay. Then, once she was at the lobby, she texted Logan again to ask where he was. Saktong napindot na niya ang send nang bigla nagkaroon ng komosyon hindi kalayuan sa pwesto niya. May mga nagkakagulong mga senior high na kalimitan ay mga babae. Out of curiosity, she decided to check what it was. Nakita niya si Logan na pinapagitnaan ng miron. "Potek, minsan talaga nakakalimutan kong artista ang kumag na ito." Napailing-iling siya. Nitong nakakaraang araw, napapadalas ang pagbisita nito sa kanila at maging ang pag-uusap nila sa social media. They were so close with each other kaya parang ordinaryong tao na lang din ang tingin niya sa lalaki. Logan suddenly looked at her direction. "Uy, Aliyah!" napangiti pa ito saka nakiraan para makalapit sa kanya. "Tara na?" "Ah, sure," naiilang na aniya. Bukod kasi sa pinagtitinginan sila, naramdaman na naman niya ang pagkakarambulan ng lamang-loob niya. Siguro, ito lang ang hindi pa rin nagiging normal para sa kanya: apektado pa rin siya ng charms ng lalaki. Tinangkang kuhanin ni Logan ang bag niya sa kanya. Taranta naman niyang nilayo iyon. "It's okay. I can manage," sabi pa niya. Napakamot ito ng ulo saka nagpaalam na sa mga fan nito. "Una na kami ni Aliyah, ha?" sabi nito saka siya inakbayan at giniya papunta sa kotse nito na naka-park hindi kalayuan. Habang naglalakad sila, hindi pa rin mawala ang titig sa kanila ng mga tao. Aliyah even caught one of them: si Ariel. Kasama pa nito ang dalawang babaeng laging nakabuntot dito. As usual, masama ang tingin nito sa kanya. Sa wakas, nakapasok na sila sa kotse ni Logan. "Grabe, di ko in-expect na dudumugin ako, ha?" reklamo ni Logan habang nagba-backing. Napaikot siya ng mga mata. "Gaga! Sikat na sikat ka ngayon tapos hindi mo ine-expect? Okay ka lang?" Tinawanan lang siya nito saka ito nag-focus sa pagda-drive. Habang palabas sila sa gate, muli na namang nakita ni Aliyah si Ariel. Nagkatinginan pa nga sila, at ang talim ng titig nito. Aliyah could not help but imagine that the b***h was silently throwing nasty slurs at her. Napailing-iling na lang siya saka napanguso. Bakit gano'n? Mukha ba talaga akong malandi? Mula pa noong bata siya, hirap siyang makibagay sa kapwa niya babae. Madalas siyang mapaaway kapag babae ang kasama niya. Then, by the time she was 10, sinasabihan na siyang mang-aagaw ng crush dahil mas close siya sa mga lalaki. "Logan?" wala sa loob na aniya. By that time, nakalabas na sila sa premise ng university. "Ow?" "Ano bang pakiramdam na may tite?" Gulat na napatingin sa kanya si Logan. "Putang ina, Aliyah?!" "What?" nagtataka naman niyang tanong. "Ilang taon ka pa lang ba, ha?" Muli nitong tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. "Uh? Seventeen?" Napaikot siya ng mga mata. "Pero ang age of consent sa Pinas ay twelve." "Shut up. Wala akong paki dyan sa age of consent na iyan. We are not talking about s*x. Period. Malilintikan pa ako sa Kuya mo." "Bakit? Di naman kita isusumbong, ha? And it's not like you're harassing me. I'm just curious." "That's not the point! Menor de edad ka pa lang. Mabuti sana kung lalaki ka, matatanggap ko pa--." "Ay waw! Ang sexist!" angil niya. "You're giving me more reason kung bakit gusto ko magka-tite." "What?" Muli itong napatingin sa kanya. "Teka, tomboy ka ba?" "Duh, I'm not! Lalaki din ang gusto ko. Lalo na kapag cute na androgynous." Tapos, kumislap ang mga mata niya. "E bakit gusto mong maging lalaki?" "Coz I want to f**k ass, duh? Ang hot kaya ng gay porns. Lalo na kapag nakikita mong wasak na ang pwet? Syet na malagket!" Kinilig siya sa sinabi niya. "Kaya nga cute na androgynous ang gusto ko, ih. Para madaling buhatin at ibalibag." "Tigilan mo nga ako sa gay fantasy mo, Aliyah. Iyan ka na naman. Hilig mo sa yaoi." Bakas sa mukha ni Logan na hindi ito kumportable sa pinag-uusapan nila. "Kinikilabutan ako sa iyo." "Ay wow? Kung magsalita to, akala mo di kumakantot ng pwet. Pinagnanasaan mo nga si Kuya." "E ano naman? I'm a guy. Natural samin maging malibog." "Tse!" singhal niya. "Enough of your double standard, leche ka. Binibigyan mo ako lalo ng reason para gustuhin kong maging lalaki." "'Ge, 'ge. Ba'la ka na dyan sa buhay mo." Winasiwas pa nito ang kamay to dismiss the topic saka nito kinambyo ang clutch. Binalot sila ng katahimikan. Logan focused on driving while Aliyah looked at the sideway, observing the people they were passing by. "Pero Aliyah, seryoso ka talaga sa gusto mong maging lalaki? O baka naman kaka-yaoi mo lang iyon?" Napanguso siya. Maiintindihan ba niya ako? Because the truth was yes, she would rather be a guy. Living in a patriarchal society is really difficult for a woman like her, lalo na ngayong nagdadalaga na siya. Napakaraming restriction -- mula sa pagkilos niya hanggang sa mga dapat daw niyang alam gawin. Not to mention the safety concern. Sinabi niya lahat ng iyon kay Logan. "Can you believe na meron pa ring victim blaming ngayong 21st century?" Napailing-iling siya. "Magegets ko sana kung ang sinasabi nila e yung sumama sa mga hindi naman kilala, iyan pwede mong sabihin na may pagkukulang din yung biktima. Pero kung yung tipong nagsuot ng maikling short? Or naglakad sa eskinita nang mag-isa? Why is it our fault? In the first place, wala namang r**e na magaganap kung walang taong hindi mapigilan ang libog nila." Huminga siya muli nang malalim para kumalma. Inis na inis lang talaga siya sa isyu ng victim blaming, lalo pa't naging mainit na naman iyon noong nakaraang linggo. There was a short silence before Logan broke it. "May nambabastos ba sa iyo?" "Ha? Wala? Bakit?" "Mabuti naman. Just tell me kung meron, ha? Malilintikan sila sa akin." Napamaang siya. "Teka? Anong sabi mo?" But Logan gave her a reassuring smile. "As long as I'm here, walang pwedeng mambastos sa iyo. Kahit magmaikling short ka pa, akong bahala sa iyo." Anak ng... Hindi niya maintindihan kung anong nais ipahiwatig ni Logan. But there was one thing she was sure of: it was making her jitter, and she did not like that. Or at least, sana hindi man lang mahalata ni Logan. So to conceal it, she decided to look at the sideway again. Para na rin ma-distract siya. Ramdam kasi niya ang pang-iinit ng pisngi. Jusko, Logan! Ano na namang gusto mong palabasin-- Something caught her eyes. "Logan, wait!" Taranta namang napapreno si Logan. "Ha? Bakit?" But she did not explain. Sa halip, binaba niya ang bintana saka sumilip sa labas. Then, she spotted two guys eating at a food stall: isang matangkad na tan, at isang maliit na maputi. Sina Calyx at Joachim! At hindi lang iyon, may pinatikim pang tuhog si Joachim kay Calyx gamit ang stick nito. Oh my God, what happened?! Isip niya habang pinapasok ang ulo sa loob. Ang busy kasi niya nitong nakakaraang araw kaya hindi niya nasundan ang dalawa. "Huy, Aliyah, anong meron?" tanong naman sa kanya ni Logan. Pero sa halip na sumagot, bigla siyang umirit saka pinaghahampas ito. "It's working, Logan! It's working!" bulalas pa niya. Then, she stopped and prayed. "Thank, God! It's working!" "Working? Alin?" Umiling lang siya. "Anyway, tara na. Makaka-traffic pa tayo." Nagtataka man, sumunod na lang si Logan. Habang bumibiyahe pa sila, iniisip ni Aliyah kung paano nangyaring nauwi ang dalawa sa ganoon. Ni hindi pa nga niya nagagawa ang next step dapat: ibigay na ang letter dapat ni Calyx kay Joachim para mabuo na ang friendship ng dalawa. So, I guess I have to skip that part na. Kinuha niya ang phone at tiningnan ang comprehensive plan niya para sa dalawa. Mukhang marami pala akong lalaktawan dahil sa nakikita ko, mukhang close na sila. She scrolled down further until she found an appropriate step for the two. Napangisi siya. So diretso na pala agad sa Phase VI, ha? She closed the app. This is my favorite part pa naman. At dapat maghanda nang ma-in love agad si Calyx. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD