Chapter 9

2167 Words
A few days ago... "Kaya ko ito. Kaya ko ito..." paulit-ulit na bulong ni Calyx sa sarili niya habang winawasiwas ang mga kamay niya. He was standing in front of a fitness gym, and this would be his first time, kaya naman kabang-kaba siya. Nang sa wakas ay nabuo na ang loob niya, pumasok na siya sa loob. "Putang ina!" Kulang na lang ay mapatalon sa gulat si Calyx nang makarinig siya ng malakas na pagbagsak. He looked around and found a huge guy with bulging muscles not far from him. Merong barbel sa harapan nito, na kakabagsak lang nito. Hindi niya alam kung gaano iyon kabigat pero sa dami ng plates na nakalagay doon, feeling niya, bali agad ang likod niya kapag sinubukan niya iyong buhatin. Shit, kaya ko ba ito? Hindi naman siya matatakutin, but being around heavily-muscular guys was making him uneasy. Tinamaan pa nang magaling, maraming lalaki nang oras na iyon. Lahat sila ay namumutok ang muscles. Umiling-iling siya. No, kakayanin ko ito. Gagawin ko ito. Lumapit siya sa reception desk kung saan nagbabantay ang isang maskuladong lalaking nakasuot ng itim na sando. "Magbubuhat ka, boy?" tanong nito sa kanya. Tumango siya. "May coach ka?" Umiling siya. "Meron naman akong program na susundan." "Ah, sige. Sixty pesos per hour kami, boy, sa mga walk-in. Kasama na tubig." Ang mahal naman, grabe. Naisip niya kung ilang oras kaya ang gugugulin niya. Anim na round kasi ng iba't-ibang exercise ang gagawin niya, pwera pa ang cardio. Nag-log-in siya sa logbook saka siya humanap ng pwesto para mag-warm up. Once done, lumapit siya sa bakanteng bench. Yuck, ano ba ito, basam-basa ng pawis. Hindi niya maiwasang mapangiwi habang nakatingin sa wetmark sa leather niya na hugis puwet. Muli tuloy siyang bumalik sa reception desk para humingi ng basahan. "Arte mo naman, boy. Gamitin mo na lang kaya iyang pamunas mo?" Nginusuan ng lalaki ang hawak niyang face towel. Masama man ang loob, ganoon na lang ang ginawa niya. Diring-diri pa nga siya. Alalahanin mo kung aling side ang pinampunas mo, Calyx, ha? Baka iyan pa ipunas mo sa mukha mo. Tapos, plate naman ang inasikaso niya. Walang sinabing bigat ang program niya kaya hindi niya alam kung ano ba ang dapat kuhanin. Kaya naman kinuha niya ang pinakamalaking plate na nakita niya. Shit, ang bigat naman nito! Bulalas niya saka tiningnan kung gaano iyon kabigat: 45 lbs. What?! E parang 50kgs na ito, ah?! Kaya naman humanap na lang siya ng ibang plate. He picked a 20-lbs dahil tingin niya, kaya niya iyon saka inayos sa olympic bar at pumuwesto. Hinawakan niya ang bar. Remember to breathe, Calyx. Breathe in kapag pababa, breathe out kapag pataas. Huminga siya nang malalim saka iyon in-unrack. To his surprise, ang bigat niyon! What the heck?! Muli niyang binalik sa rack saka bumangon. Puta, kaya ko ba ito? He noticed someone looking at him: isang maputing lalaki na tingin niya'y kaedaran niya. Hindi ito bulky pero kita ang well-formed nitong muscles sa mga braso. Nakangisi ito na para bang inaasar siya. Hindi tuloy niya maiwasang mapakunot ng noo. Aba, niyayabangan ako, ha? Muli siyang humiga para simulan ang pagbe-bench press. Binaba niya ang barbell. And now, itaas-- Napasinghap siya nang mahirapan siya. s**t! Tulong! Biglang may kamay na humawak doon at tinulungan siyang i-rack iyon muli. Tinulungan din siya nitong bumangon. What the hell? Ang bigat? Reklamo niya habang naghahabol ng hininga. Akala ko mababagsakan ako. "Ayos ka lang, Calyx?" Nagtaas siya ng tingin para tingnang kung sino ang tumulong sa kanya. It was a familiar dark and huge man. "Kuya Joachim?" bulong niya. Joachim lowered himself hanggang magpantay sila. "Ayos ka lang ba? Inom ka muna, oh." Kinuha nito ang tumbler niya na nakalagay sa ilalim ng bench. Tinanggap niya iyon saka tinungga. While doing so, pansin niyang nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki. Concern na concern ang mukha nito. "Thanks po, Kuya," sabi niya nang matapos uminom. "First time mong magbuhat?" Tumango siya. Tiningnan ni Joachim ang plate na nilagay niya. "Bakit nag-85 lbs ka agad? Dapat mababa muna." Inalis nito ang plate sa kaliwa. "Eighty five? Tag-20 lang iyan, ah?" nagtataka naman niyang tanong habang pinapanood itong ibalik ang plate sa pinagkahunan niya." Kumuha ng isang maliit na plate si Joachim saka siya binalikan. "Kasamang binibilang ang bar sa weight. Forty-five pounds ang kalimitang timbang ng olympics bar." Mabilis siyang nag-compute. "Ay, gano'n po ba iyon?" Tumango ito saka tinapos ang pagpapalit ng plate. "Sige, try mo muna itong 55." Muli siyang humiga saka tinaas ang bar. "Wag mong pigilan ang hininga mo, Calyx. Magba-blackout ka dyan." Natigilan siya. "Po?" Hinawakan ni Joachim sa gitna ang bar. "Relax ka lang. Wag mong isiping babagsak iyan. Alalayan kita. Now, inhale habang binababa mo." Sinunod niya ang instruction nito. Mabigat pa rin ang bar pero mas kaya na niya. Tinapos niya iyon hanggang maka-walo siya saka niya binalik ang bar. "Good job, Calyx!" Nakipag-high five sa kanya si Joachim. "Thanks po, Kuya," saad naman niya habang naghahabol ng hininga. Kahit isang set pa lang ang nagagawa niya, tagaktak na ang pawis niya. "No problem." Ginulo nito ang buhok niya. "O, paano, workout muna ako, ha? Mabilis lang ito. Tapos, spot-an kita." "Nako, Kuya, wag na! Nakakahiya." "I insist. Saka mas mainam nang mabantayan kita. Baka ma-injury ka pa." Mahina nitong kinurot ang pisngi niya saka nagpunta sa cable machine para gawin ang workout nito. Kakamot-kamot na lang ng ulo si Calyx. Nagtataka kasi siya sa kinilos ni Joachim. Bakit parang concern na concern naman yata ito sa kanya? Saka bakit ba panay ang hawak niya sa buhok ko sabay kurot sa pisngi ko? Napakunot siya ng noo. Ang FC masyado, kainis. Muli siyang binalikan ni Joachim. "Game na?" sabi nito habang hinihingal. "Baka lumampas ka na sa rest time mo." "Ah, okay lang po." Muli siyang humiga. Gaya kanina, todo alalay si Joachim. Tapos, sa kalagitnaan ng set, inalis nito ang hawak. Medyo nataranta tuloy siya pero bigla siyang pinaalalahanan ni Joachim na relax lang. Huminga siya nang malalim at pinagpatuloy ang pagbubuhat hanggang makumpleto ang target repetition. "Good job, Calyx!" muling nakipag-apir si Joachim nang bumangon siya ulit. "See? Malakas ka naman kung nagagawa mo nang tama. Just remember, relax lang. Tapos proper breathing." Tapos, ginulo nito ulit ang buhok niya. Napanguso na lang siya. Ba't ba lagi niyang ginagawa ito? - Isang linggo nang nagwo-workout si Calyx. Truth be told, gusto na niyang sukuan. Sobrang sakit kasi ng katawan niya kinabukasan after his first session. Kung hindi lang dahil sa pangungulit ni Joachim, hindi niya ipagpapatuloy. Dumating pa nga sa puntong sinuhulan na siya nito ng libreng food trip para ituloy niya. At natapat nang araw na iyon ang napagkasunduan nila. Magkasama silang naglalakad ni Joachim papunta sa food court na malapit sa St. Aloysius. Palihim niyang tiningnan ang lalaki. Abala ito sa pagte-text. Bakit ba ang persistent ni Kuya Joachim? Sinadya pa talaga siya nito sa SHS building! Maya-maya'y binulsa ni Joachim ang phone nito. "So, Calyx, saan mo gusto kumain?" Nagkibit-balikat siya. "Di ko rin po alam. Hindi pa rin po kasi ako gutom." "Gano'n ba? Gusto mo ng tuhog?" Napatingin siya sa lalaki. "Tuhog?" "Fishball ba, gano'n. Meron malapit dito. Want to come?" "Sige po." Inakbayan siya nito. "Ang galang mo talaga magsalita. Sabi ko naman sa iyo, wag mo na akong i-po, di ba?" Tapos ginulo nito ang buhok niya. Ito na naman siya. Hays... Sa labas siya dinala ni Joachim, sa hilara ng mga food stall. Tapos, pinili nito ang pinakamalapit sa gate. Hindi niya maiwasang mapangiwi. Bukod sa expose sa hangin ang mga tinda nitong tuhog, marumi rin ang stall. Kumuha ng dalawang baso at stick si Joachim at binigay sa kanya ang isa. "Kuha ka lang. Ako na magbabayad. Eat all you can ka para lumaki muscles mo, gaya ko." Flinex pa nito ang braso bago nagsimulang kumuha. Pinanood lang niya ang lalaki hanggang matapos ito. "O, ba't di ka pa kumukuha?" tanong nito habang naglalagay ng sauce. "Ah... eh..." He bit his lips. Hindi niya alam kung paano sasabihing hindi niya gusto roon dahil ayaw niyang magkasakit. Ayaw kasi niyang magmukhang bastos. "First time mo ba mag-hepa lane?" Hepa lane ba tawag dito? Tumango siya. "Gano'n? Sige, try mo ito." Tumuhog ito ng isa sa baso nito saka inalapit sa bibig niya. Susubuan niya talaga ako? Napamulagat pa siya. "Crab nugget yan. Sarap yan, promise." Napalunok na lang siya. Nahihiya rin kasi siyang tumanggi at ayaw niya itong paghintayin. Kaya sa huli, kinain din niya. Kulang na lang ay kumislap ang mga mata niya. "Wow, ang sarap nga," sabi pa niya matapos lunukin. Crunchy from the outside, soft from the inside. Tapos, lasang-lasa rin niya ang matamis na laman ng alimasag. "See? Sabi ko sa iyo." Tapos kinurot nito ang pisngi niya. "Kain ka na. Try mo lahat. Masarap yan, promise." Tumuhog ito ulit saka kinain. "Sarap, s**t!" sabi nito habang may laman ang bibig. Tapos, nginitian siya nito na para bang ine-encourage siyang kumain na. Napailing-iling na lang siya nagsimula nang kumuha, starting with the crab nuggets. - Halos isang oras ding tumambay sina Calyx at Joachim sa hepa lane. Parang halos lahat ng stall na naroon, pinasubok sa kanya ni Joachim. Nang matapos tuloy sila, busog na busog na siya. "Sarap ng kain natin kanina, ha?" sabi nito habang naglalakad sila pabalik sa dorm niya. Madilim na kasi noon kaya nag-insist na itong ihatid siya pauwi. "Parang nawala yata ang abs ko." Tinaas nito ang suot na shirt at finlex ang abs. Kahit busog, may abs pa rin? Sana all. Napatingin tuloy siya sa tiyan niya. Payat siya pero medyo malaki ang tiyan niya. Binitiwan ni Joachim ang shirt saka siya inakbayan. "Ilang taon ka na ba ulit, Calyx? Sixteen? Grade 11 ka, tama?" "Seventeen po, Kuya." "Oh. Late ka nag-aral?" "Hindi naman. Pero nag-nursery pa kasi ako kaya sobra ako ng one year." "Ah, kaya pala." Tumango-tango ito. "Bale mas matanda ka ng one year sa kapatid ko." Napatingin siya kay Joachim. Malungkot kasi ang tono nito. Joachim was looking straight ahead, yet Calyx could see sadness in his eyes. Napakurap-kurap siya. "Bakit po, Kuya?" Sinalubong nito ang tingin niya. "Ha?" Namamasa ang mga mata? "Parang ang lungkot n'yo po kasi." "Ah..." Mahina itong natawa saka ginulo ang buhok niya bago bumitiw sa kanya. "Nami-miss ko lang siya. Two years na rin kasi mula nang mamatay siya." Napamaang siya. "Condolence." "It's fine. But thank you, anyway." At binalot sila ng katahimikan. Nakayuko na si Joachim habang naglalakad sila. Malayong-malayo sa usual na confident nitong tindig. Sa wakas, nakarating na sila sa dorm niya. "O, paano, una na ako, Calyx ha?" Mahina nitong tinapik ang balikat niya. "Bukas na lang ulit sa gym." Tapos, ginulo nito ang buhok niya ulit saka tumalikod. Napaisip tuloy si Calyx habang tinitingnan ang bangs niyang malapit nang umabot sa mata niya. Siguro kaya niya laging ginugulo ang buhok ko? Hindi kaya naaalala niya ang kapatid niya sa akin? Muli niyang tiningnan si Joachim. Nakatayo ito sa gilid ng daan habang at naghihintay na makatawid. Ramdam pa rin niya ang lungkot nito. Napalunok siya. Mabait naman siya sa akin, so it's fine, I guess? "Kuya Joachim, wait." Humakbang siya palapit dito. "Bakit?" "Uhm... Ano kasi, may napapansin ako sa iyo." "Ano?" nagtatakang tanong nito. "Mula kasi nang magkakilala tayo, lagi mong ginugulo ang buhok ko. And sa totoo lang, I... I don't like that." Natigilan ito. "Gano'n ba? Sorry." Napakamot ito ng batok. "Habit ko lang talaga iyon. Naalala ko kasi yung kapatid ko sa iyo." So, tama nga ako. "Pero, sige. Di ko na gagawin ulit," dugtong pa nito. "Ay, actually, uhm... kaya kita tinawag, I just want to say na... uhm..." Pumikit siya. s**t, nakakahiya. Baka anong isipin. "Okay po sa akin kung gusto mo talagang gawin." When Joachim did not respond, Calyx added, "And you can treat me like your younger brother din po. Sa totoo lang kasi, only child lang ako at gusto ko ring magkaroon ng kapatid. So if you want, we can treat each other like we're siblings." There was a short silence until he felt Joachim's hand on his head. "Nice, nice. I like that, Calyx." Tapos, lumipat ang kamay nito sa pisngi niya. "I like that." Dumilat siya at sinalubong ang tingin nito. For the first time in his life, nakita niyang sobrang saya ni Joachim. "So, we're brothers now?" tanong nito. "Sure na? Wala nang bawian?" Dahan-dahan siyang tumango. "Thanks!" At bigla siyang niyakap nito nang mahigpit. "Thanks," ulit pa nito saka siya binitiwan. Saktong nag-green light na ang para sa pedestrian. "So paano, una na ako, ha?" paalam nito. "Bye, little bro?" "Bye, Kuya." Saka lang ito tumawid. Then, once Joachim was on the other side, kumaway ito sa kanya saka tuluyang umalis. Napailing-iling na lang si Calyx. Truth be told, na-a-awkwardan pa rin siya sa ginawa niya. But well, at least he made someone happy. That's all that mattered...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD