CHAPTER 40 Third Person's POV "Lumayas ka na nga sa harapan ko! Lagi ka nalang tatanga-tanga!" Mercury "H-hindi talaga niya k-kinain yung pagkain na b-binigay ko." dalaga Kasalukuyan kasing nakaupo sa trono ng palasyo ng Black Land si Mercury, habang ang dalagang may maruming damit naman at may pulseras na itim ay nakaluhod sa harapan ni Mercury at nangangatog sa sobrang takot..kasama rin nito ang isa pang batang lalaki na nakatayo lang at hindi lumuluhod, masamang tinititigan nito si Mercury. "Hindi bagay ang isang pangit na tulad mo ang maging reyna! Magmumukhang basura ang pamumunuan mo'ng mundo kung sakali!" batang lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ni Mercury at nangulo ang dugo sa galit dahil sa isinigaw ng sampung-taong gulang na batang lalaki. "BWISIT KA'NG KUTONG LUPA KA!"

