CHAPTER 41 Erris Lily "Ang takaw nitong monggoloyd na 'to." asik ni Aspen kay Flint habang panay ang kuha ng huli sa tupperware ko na puno ng binake kong cupcakes. "E masarap, e! Ikaw nga nakadalawa ka na, may narinig ka ba sakin na ang takaw mo kaya di kana sesexy pa?!" segunda ni Flint. Nalukot ang mukha ni Aspen sa narinig saka nameywang. "Bakit may pag-atake na hindi na sesexy pa?!" Napangiti ako. "Kain lang kayo, gagawa pa ako ng marami sa susunod. Para sainyo." Tumayo ako para lumapit sa mini water fountain para punuin ang tumbler ko. Pagkabalik ko sa kinauupuan naming bench dito sa quadrangle ng academy ay naroon na si Jino Miarr. Prenteng nakaupo at nakasandal sa mga braso ang ulo. "Uy, Jino! Kamusta?" bati ko rito habang umuupo sa tabi niya. Sa kabilang gilid ko ay ang d

