CHAPTER 11 PATAY na pala ang prinsesa? Kaya hindi siguro talaga nila mahanap kaagad ang presensya niyon kasi wala na silang mahahanap. Umupo ako sa sopa ng sala saka naggala ng tingin sa paligid ng bahay. Tatlong araw na ang lumilipas magmula nang makarating kami dito. Binigyan kami ni Luke ng matitirahan na bahay, kaniya nga raw ito pero hindi niya naman nagagamit kasi may isa pa siyang bahay. Nagpasalamat kaagad kami sakaniya noon kasi ang bait niya, siya na rin ang sumama at tumulong sa amin na mamili ng mga makakain namin sa pamilihan. Halos lumuwa na nga ang mga mata namin ni Farrah sa pamilihan dahil ang mga tao na nakakasalubong namin ay talagang hindi normal! May nagpapalutang ng mga paninda nila, may naglalabas ng apoy sa palad, may nagbabatuhan ng kidlat na mga bata at may

