CHAPTER 31 Erris Lily "Umuwi na kayo, ako na bahala kay bessy." Ngumiti si Farrah kay Ella, Luke, Aaron at Jino. Kapwa nakatitig sakin habang pinagagaling ko ang sariling mga sugat sa katawan. Masakit at sobrang hapdi pero unti unti rin naiibsan at nawawala lahat ng sugat. "Sigurado ka bang okay lang kayo?" tanong ni Luke. "Oo, ilang lakad lang naman ay diyan na ang bahay namin. Tyaka anong oras na. Maaga yata ang pasok niyo mamaya dahil Magic Officials kayo." sagot ni Farrah. "Sige basta mag update kayo agad bukas, ha? Kakamustahin ko agad kayo bukas pagdating ko sa academy." sabi ni Luke. "Pahinga ka, Erris." paalam ni Ella. Isa isa silang nagpaalam samin at nagkanya kanya ng lakad paalis sa lugar. Except kay Jino. "Jino? May problema ba?" tanong ko. Nakatayo pa rin ito sa hara

