CHAPTER 30 Erris Lily Sinipat ko ang relo na suot ni bessy. Malapit na mag alas onse ng gabi pero heto kami at sama samang pumapasok sa isang restaurant. Basta nalang kasi nila kami hinatak papunta rito sa malapit na kainan na 'to pagkatapos noong kanina sa puno. Iyong kanina, kakaiba yung naramdaman ko. Parang iyon ang the best na panonood ko ng shooting star. Teka... ano ba tong naiisip ko! Bumalik ang pag init ng mga pisngi ko. Hindi ko tinatanong sakanila kung naabutan ba nila ang pwesto namin ni Warren na napaka awkward pero mukhang oo ang sagot. Nakakahiya. "Kayo ha, ano yon, bessy. May di ka ba sinasabi?" Pangungulit ni Farrah sakin. Sumilip naman si Ella sa reaksyon ko at nang aasar na tumingin sakin. "Parang nakaabala pa nga tayo eh. Wrong timing ba ang pagdating namin?"

