CHAPTER 6 Erris Lily's POV "Erris una na ako, ha?" Nilingon ko si Lea sa likuran ko saka ngumiti. "Sige, ingat." Ngumiti siya saka kinuha na ang bag sa sopa at lumabas ng bahay. Maaga siyang papasok ngayon sa school, ako kasi maghuhugas pa ako ng pinggan, maaga-aga pa naman. Habang abala ako sa ginagawa ay hindi ko na naman napigilan na maisip ang dalawang lalaki na iyon kahapon. Sila Luke at... sino nga ba iyong isa? Warren? Warren nga yata pangalan niyon. Gusto ko sana matawa dahil may... magic sila. Kasi kung hindi ko lang din nakita sa mismong dalawang mga mata ko ang paglabas ng yelo at hangin sa kanilang mga kamay ay talagang ang hirap paniwalaan nito. Tapos galing daw sila sa mundo ng mga mahika... na ngayon ko lang din narinig na mayroon pala niyon. Siguro maganda

