CHAPTER 5
''Baka naman naengkanto kana 'dun sa gubat na 'yon?'' Naiiling na tinignan ko na lamang si Farrah sa pinipilit niya.
Kanina pa kami nag-iisip ng mga posibilidad kung bakit ganoon na lang ang nangyari sa buhok ko saka roon sa umilaw na kamay ko.
''Kinikilabutan ako. Bakit kaya umilaw 'yung kamay ko? Tsaka saang lupalop galing 'yung asul na kuneho?'' Kanina pa kami dito ni Farrah nakaupo sa likod ng school. Dito kasi kami palagi naglulunch. Maraming puno dito, marami rin halaman. Malaki sya pero wala halos estudyante, dahil may nababalita na may multo raw, e wala naman.
''Ah basta! Erris! Kapag kinumbinsi ka ng tikbalang o kung ano man na engkanto na magpakasal huwag kang sasama!—''
"Farrah, ang kulit."
''Hahaha! Pinapaalala ko lang! Wag ka sasama ha!'' sinamaan ko na talaga sya ng tingin, kinakabahan na ako sa naiisip niya. Pero hindi naman ako masyado nagpapaniwala sa mga engkanto. Pero sa nangyari sa 'kin, baka nga maniwala na ako ngayon.
''Wag na nga natin alalahanin 'yun. Kalimutan nalang natin, Farrah. Masakit lang sa ulo" Anunsyo ko saka nagsimula na kumain.
“Talagang kakalimutan ko na ‘yon, Erris! Hindi lang ako nagpapahalata pero apektado ako habang nagkukwento ka, takot ako sa mga ganon fyi!'' hysterical na sigaw nya. Pagkatapos kasi ng araw na pag-uusap namin sa bahay, kapag naalala nya 'yun kinikilabutan daw sya. Naniniwala raw sya sa 'kin kaya ayaw na nya pumunta sa gubat.
''Pero ang misteryoso ng gubat na 'yon.'' bulong ko.
Pakiramdam ko may bagay doon na kailangan ko balikan, pakiramdam ko hindi lang basta nakakatakot.
Nagkwentuhan nalang kami ni Farrah tungkol sa ibang bagay. Habang napapatagal ang kuwentuhan namin ay pakiramdam ko mas lalo siyang nagiging madaldal at maingay. Parang ang gaan na nga ka agad ng loob ko sakaniya kaya naisip ko bigla na iba pa rin talaga kapag may kaibigan ka.
Napag-isip rin namin ni Farrah na 'wag sabihin 'yung nangyari sa gubat baka daw kasi pagkamalan kaming baliw. Sumang-ayon naman din ako dahil panigurado naman na walang maniniwala sa 'min. Iyong tungkol sa maliit na nilalang na iyon ay bahala na kung ano man iyon.
Natapos 'yung buong araw ng klase, pinatawag ako sa discipline office para bigyan ng punishment sa pagnakaw raw, tinanggap ko nalang dahil ayoko na ng gulo pa. At ngayon naglalakad ako pauwi, galing ako sa palengke. Bumili ako ng lulutuin ko kasi ako lang naman ang inaasahan na gagawa ng gawaing-bahay sa 'min.
Dumaan na ako dito sa shortcut papuntang street namin. Madilim tsaka wala masyadong tao dito sa dinaanan ko, ayoko 'man dumaan dito kaso naisip ko na baka kanina pa naghihintay sila Lea at Bea sa akin. Baka lalong magalit si Bea kapag natagalan pa ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng daan nang biglang may marinig ako na sobrang lakas na tunog. Parang may hinagis na malaking bagay sa pader at nagkabasag-basag.
Napahinto ako sa bandang sulok at akmang sisilip sana sa likuan, kaso nung saktong sisilip na ako, nabungaran ko ang isang malaking bakal na lumilipad at pabulusok na papunta saakin.
Natigilan ako sa kinatatayuan ko at gustuhin ko man sumigaw ay napapikit na lang ako nang mariin sa sobrang takot.
Tatama sakin ‘yong bakal at hindi ko maikilos ang mga paa ko!
Erris, ano na!
Luke's POV
''Malakas naman siguro 'yung aura nung prinsesa, ano? Siguro madali naman natin mahahanap 'yun kapag gumamit sya ng magic.'' Kanina pa kami naglalakad ni Warren Swaji at nagmamasid-masid sa mga lugar. Nagbabaka-sakali lang na makahanap kami ng kakaiba at mahanap din namin 'yung nawawalang anak ni Haring Leo Everild.
Inabot na nga rin kami ng dilim sa paghahanap. ''Ang alam ko, espesyal ang kakayahan ng prinsesa kaya may espesyal din syang aura. Mas madali siguro natin sya mahahanap.'' seryosong sabi ni Warren.
Naglalakad kami ngayong gabi dito sa walang katao-taong daanan. Biglang huminto si Warren sa paglakad at seryosong diretso ang tingin sa harapan nya. ''Anong problema?'' tanong ko sakanya.
Pero bago pa sya makasagot ay mabilis siyang naghagis ng matutulis na yelo sa likuran nya. Napalingon naman ako banda roon. May mga taong nakaitim. ''Mga taga Black Land.'' Aniya.
Taga-Black Land? Anong ginagawa nila dito? Inuunahan ba nila kami sa paghanap sa prinsesa?
Inatake na ni Warren ang mga lalaki, lima sila. Fini-freeze nya ang iba para di na makahinga. Ako naman, nagpakawala ako ng malakas na enerhiya ng hangin dahilan para tumalsik ang mga natatamaan paatras,
Sana lang walang makakitang mortal na tao sa eksena namin dito. Sabagay hindi rin naman problema kung may makakita.
Gumanti rin sila ng atake at pinalutang ang mga bakal sa paligid saka pinabulusok sa amin.
Kung ganoon, mga levitator silang lahat. Mga kayang magpalutang ng mga bagay-bagay sa paligid nila. Mabilis na pinayelo ni Warren ang ibang bakal na papunta sa direksyon niya. Ako naman pinahangin ko lang nang malakas ang direksyon nung mga bakal kaya tatalsik lang ito sa kabilang banda at makakaiwas ako sa atake nila.
Siraulo talaga ang mga taga Black Land. Puro krimen lang ang alam nilang gawin. Kaya ang misyon ng palasyo sa Magic Paradise ay ubusin at ikulong ang mga iyan.
Pero ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang may lumitaw na babae sa mismong pinaghagisan ko ng bakal gamit ang hangin na mahika ko. Nanlamig ako agad kasi malalaki iyong mga bakal at talagang tatamaan siya kapag hindi siya umiwas!
Potek!
''s**t! May tao, Luke!'' Natatarantang sigaw ni Warren nang mapansin niya rin.
Alam ko, alam ko!
Nataranta rin ako kaya di ako makapag-isip ng maayos. Tumakbo naman si Warren sa direksyon ng babae at mabilis na kinumpas ang isang braso sa ere, nagyelo naman sa hangin ang mga bakal na pabagsak na sana saka niya tinalon ang distansya nilang dalawa at niyakap palayo roon ang babae.
Wow. Napaka-sweet ng eksena.
Napasipol ako dahil muntikan na akong makapatay, penalty at punishment ko din iyon sa Magic Paradise!
Nagpatuloy lang kami sa paglaban sa mga taga Black Land, hanggang sa kumaripas sila ng takbo palayo at di na namin nahabol pa. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni Warren at nung babae na mukhang namumutla at nanginginig ngayon.
Eto na nga ba sinasabi ko, may nakakita na samin at sa magic mismo! Ano sasabihin namin, na nandito siya ngayon sa magic tricks show at joke lang lahat yon?
Na the end na ng show at nagustuhan nya ba ang lahat ng acting at effects?
Pambihira.
Pero teka... naguguluhan ako sa babae na 'to. Dapat sa mga oras na 'to nakahinto na rin sya katulad ng mga normal na taong walang kapangyarihan. Tumingin ako kay Warren na nagtataka.
Dahil ang ibig ko roon sabihin ay kapag gumamit ng kapangyarihan ang isang magic-user sa mismong mundo ng mga normal na tao ay talagang hihinto ang oras dito, pati nga mga kumikilos na mga may buhay ay hihinto.
''Magic user ang isang 'to.'' seyosong sabi ni Warren na nabasa ang reaksyon ko. Ah, kaya naman pala. Pero bakit di nya ginamit ang kapangyarihan niya kanina, na muntik na sya mapahamak? Magsusuicide ba ang isang 'to?
''A-anong klase k-kayo?! B-bakit...'' Pinaliwanag namin ni Warren ang mga tungkol sa kapangyarihan sa kanya. At mukhang natulala na naman sya.
Mukha ngang magic-user siya pero hindi niya yata alam. Ang cute niya pa naman.
Erris Lily's POV
Buong gabi ako hindi nakatulog. 'Di ko makalimutan lahat ng nakita ko. Lalaking naglalabas ng yelo sa kamay saka isa pang lalaki na naglalabas ng hangin na sobrang lakas. Nandito kami ngayon ni Farrah sa classroom at kinuwento ko sakanya ang lahat nang nakabulong. Siya naman ang hindi rin maiwasan na manlaki ang mga mata. Talagang nakikinig saka patanong-tanong sa dalawang lalaki kung guwapo raw ba.
''MYGAD! ERRIS! TODO NA TALAGA 'TO! BAKA PATAYIN NA NILA TAYO!'' Malakas at walang preno na pagkakasabi niya. Inaasahan ko na talaga 'to. Yung maghihysterical sya. Ganiyan naman iyan palagi. "ALAM MO MINSAN MAY NARARAMDAMAN DIN AKONG KAKAIBA SA SARILI KO PERO EWAN KO BA!"
Napansin ko na nagtinginan naman lahat ng kaklase namin na nakarinig. Kaya pinandilatan ko kaagad siya ng mga mata at napayuko na lang. ''AH HE-HE! 'YUNG ANO... VIDEO GAME! 'YON! BAKA PATAYIN 'YUNG CHARACTER KO SA VIDEO GAME!'' Palusot niya para sa ibang nakarinig ng sinabi niya kanina saka umirap nang pasimple sa mga nakatingin pa rin na parang ang wirdo namin sobra. ''SHET ERRIS! 'YUNG SA VIDEOGAME!'' napailing-iling nalang ako at hindi na naman naiwasan matulala sa pag-iisip nang sobra.
Farrah's POV
Grabe lang yung mga nararanasan ni Erris na kababalaghan, nakakatakot. Una pa lang sa gubat nung nakita ko sya na nagliliwanag 'yung palad natakot na ako e. Grabe lang talaga. WHAT'S HAPPENING IN THIS WORLD?
Malalim akong nag-iisip habang naglalakad sa hallway nang biglang magitla ako sa tatlong babaeng humatak sa buhok ko at dinala ako sa bakanteng classroom. Ouch, sino ba 'tong mga 'to at makakatikim sa biglaang pananambunot!
"Farrah my friend!" Si Bea pala. Kilala ko 'to eh! Pinsan 'to ni Erris na minsan niya na rin nabanggit sa 'kin, at base naman sa hitsura maitim pa sa black ang ugali nito.
''Oh! Bea, ano ‘to gusto niyo get together at hang out? Di niyo ko ininform,'' Pinanatili ko ang matapang na ekspresyon kahit tatlo pa sila. Simple kong pinasadahan ng tingin ang hallway pero walang nadadaan na estudyante, sabagay ay wala naman talagang estudyante dapat na nagagawi dito dahil bakante ito at bawal. Bakit nga ba ako papunta dito? Hay nako!
''These past few days palagi ka nakabuntot sa pinakamamahal ko na pinsan ha?'' mataray na sabi nya. Sabay upo sa teacher's table.
''O? Ngayon? Nainggit ka naman? Gusto mo friends din tayo?''
''Drop that, miss Hikaru! Ayaw kitang maging friend, hilaw na haponesa. Now, all I want here is you to leave and dump Erris right away! Stay away from her and don't ever talk to her again. Ayoko ngang may ibang kaibigan ‘yon kasi hindi niya ‘yon deserve.'' ma-awtoridad na sabi ni Bea pero pinutol ko na. Takutin daw ba ako? Mukha ba akong natatakot sakaniya, ha?
"Ano bang masama kung magkaroon ng kaibigan ‘yung pinsan mo, tyaka anong hindi deserve, e ang bait nga nung tao.” Sabi ko sakanya na nakataas pa ang dalawang kilay. “Hindi ko alam kung anong atraso ni Erris sayo pero sumosobra kana, naiinggit ka ba sakanya?” ngumisi ako.
Sinampal niya ako kaagad pagkalapit. Susugurin ko na sana siya nang sabunot, kasi sinampal ako eh! Hindi naman ako gagaya sa mga palabas sa television na 'pag sinampal ang bida, tatanga lang at walang gagawin. Ay wait bida ba ako? AY bida ako for me!
Biglang lumapit din 'yong dalawa namin na classmates na babae saka hinawakan ako nang mahigpit sa mga braso, at itong Beatrice naman ay sinugod na naman ako ng mga sampal niya! Oh my gosh, ang mukha ko!
Tingin ko mahilig sila sa mga telenovela na may bullying kasi ganitong ganito mga eksena dun eh! Grr!
Third Person's POV
''Grabe lang ang usok dito. Sobrang dumi. Patay sila sa mga Nature Magic User pag nagkataon!'' Ani Luke kay Warren habang pinagmamasdan ang paligid, iyong kalsada na puro polusyon.
''Hindi pwede makialam ang mga taga Magic Paradise dito sa mundo nila, kung sinisira ng mga mortal na tao ang Earth, wala na tayong pakialam doon." Wala sa mood na sagot ni Warren, naglalakad na naman sila ngayon sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan. Hinahanap pa rin nila ang prinsesa at wala silang balak magsayang ng kahit isang segundo ngayon.
Napakibit ng balikat si Luke.
''Wow! Bro, tignan mo 'to o!'' Nilingon siya ni Warren at ang tinuturo nito. Sa dalawang building na tinitignan nya. Paaralan ng mga normal na tao. ''Dito siguro nag-aaral 'yung mga tao. Pero mas malaki at magara pa rin yung school sa Magic Paradise! First time ko makakita ng school nila!”
Hindi na sumagot si Warren dahil hindi naman talaga nito ugali na magsalita, aayain na sana niya ulit ang kasama na pumunta pa sa ibang lugar pero biglang natigil ang ingay sa paligid. Pinagmasdan nila ang mga tao at natigil din ang mga ito. Kasabay niyon ay ang paglabas ng malakas na hangin sa ikatlong palapag ng paaralan sa harapan nila, nabasag pa nga ang bintana.
Tumigil ang oras dahil may gumagamit ng magic sa paligid!
''Air-magic user. Ang lakas!'' Ani Luke.
Pero sa sandaling yon nakaramdam sila ng mahinang aura ng hinahanap na prinsesa. Hindi nga lang nila matukoy kung saan nanggagaling.
''Mabuti pa tignan na natin kung anong nangyayari roon, baka nandoon ang prinsesa.'' Pinal na desisyon ni Warren saka sila madaling pumasok sa loob. Sa isang bakanteng silid-aralan nila natagpuan ang pinanggagalingan ng hangin, may dalawang babae na kumikilos sa loob.
Dalawang magic-user!
Sinubukan kontrolin ni Luke ang malakas na hangin sa loob ng kwarto, umiikot-ikot iyon at hindi makontrol sa lakas. Nagawa niya naman dahil sa hangin din ang kapangyarihan nya. Nilapitan nila ang dalawa, may tatlo pa ngang babae na nakahandusay sa sahig, parehong hindi na kumikilos dahil sa paghinto ng oras.
''N-Nag-aaway lang k-kami nila Bea. Nagalit ako paglingon ko ang lakas na ng hangin. Di na sila gumagalaw! B-Bakit ganoon? A-anong nangyayari?''
Nalingon ni Farrah ang mga binatang lumapit sakanila. Nagulat siya dahil hindi kagaya ng tatlo, gumagalaw ang dalawang lalaki.
''Kapangyarihan mo 'yon. Malamang dahil sa emosyon mo.'' paliwanag ni Luke.
''Kayo ba yung misteryosong lalaki kagabi?!" Hindi siguradong untag ni Erris. "Tama, kayo nga! Alam niyo ba kung anong nangyayari? Bakit ganito, bakit samin?!”
''Dahil hindi kayo normal na tao katulad ng iba. May kapangyarihan kayo kaya sa tuwing humihinto ang mga tao sa paligid ibig sabihin lang ay may gumagamit na malakas na enerhiya ng kapangyarihan dito sa mundong 'to.'' mahinahong sabi ni Luke. “Gumamit kayo ng mahika.”
''Kaya kayo hindi nahihinto dahil may kapangyarihan kayo. Mga magic user tayo.'' Dagdag pa ni Warren. Sinimulan nila Erris at Farrah na magtanong pa at mabilis naman na ipinaliliwanag nila Luke ang mga bagay-bagay.
Pati na ang misyon nilang dalawa ni Warren ay kinuwento na niya.
''B-Baka nasa loob ng school na 'to ang hinahanap nyo. Mabuti pa maghanap na rin kayo dito.'' Suhestiyon ni Farrah Hikaru.
''Magandang ideya. Ako nga pala si Luke, Luke steele. Air magic user din tulad mo.'' Kumindat ito. Sabay sabay naman nilang nilingon ang isang binata na mukhang tinatamad pa makipag-usap.
''Warren Swaji." Walang ekspresyon na anito saka sumandal sa dingding na kalapit. Nababagot sa kwentuhan ng tatlong kasama.
''Ako si Erris Lily. Ito naman si Farrah Hikaru, magkaibigan kami.''
''Masaya kaming nakilala kayo.''