CHAPTER 4

1529 Words
CHAPTER 4 Nagmulat ako ng mga mata at sumalubong kaagad sa 'kin ang maliwanag na ilaw sa kisame. Naaninag ko rin ang nakangiting mukha ni Farrah, napapikit ako nang mahilo. "Erris? Gising ka na! Hays, mabuti na lang!"  Nagmulat ako nang maramdaman siya na niyakap ako.  "Farrah? Ikaw ba iyan talaga?"  "Oo! Oo! Nag-alala talaga ako sa 'yo! Nawalan ka ng malay sa gubat! Mabuti na lang at sinundan kita nung tumakbo ka palabas ng school!" Aniya.  Sinubukan ko bumangon at maupo. Inayos kaagad ni Farrah ang likuran ko na may unan upang makasandal doon. Doon ko na napagtanto na wala ako sa bahay namin. Wala ako sa kuwarto na tinutuluyan ko sa bahay nila Lea.  "Nandito ba ako sa bahay niyo? Ano ba nangyari?" Naguguluhan na untag ko. Nakaramdam ako ng sobrang panghihina. Na parang nanlalata akong gulay at hindi maitaas masyado ang mga braso. Tipid na ngumiti si Farrah na may pag-aalala sa mga mata. "Oo, Erris nandito ka sa room ko. Kasi naman nawalan ka nga ng malay sa gubat. Sa sobrang taranta ko tinakbo ko ang bahay namin at sinigawan si lolo ko na puntahan ka doon sa gubat. Nag-aalala din si lolo, pinaghahanda ka na namin ng lugaw, wait kunin ko lang" "Ah, sandali, Farrah." Pigil ko sa braso niya.  "Bakit?" "May s-sasabihin sana ako sa 'yo." Ikukuwento ko ang nakita ko kanina. Parang hindi ko kaya na sarilihin ang bagay na iyon. Malay ko ba na marami pa ang mga iyon at biglang lumabas sa gubat para manggulo. Hindi iyon malayo, kailangan nila malaman 'to. "Sige. Ano ba iyon?"  "Kanina. Sa loob ng gubat may nakita ako d-doon na... na hindi n-normal na kung a-ano." Umpisa ko. At nag-umpisa na rin akong manginig, na pati ang mga labi ko ay naapektuhan sa takot. Naguluhan ang hitsura ni Farrah. "Huh? Anong ibig mo sabihin?"  "M-Maniwala ka sa 'kin, Farrah. M-May nakita akong... k-kakaiba doon. M-Malaki siya, medyo. May tatlong m-mata. Tapos... n-nakakatakot. Farrah, maniwala ka sa 'kin, nagsasabi ako ng t-totoo," Tinapik nito ang balikat ko at tumango ng ilang beses. "Erris. Sshh. Kumalma ka muna. Oo, naniniwala naman ako sa 'yo kahit—mahirap talaga paniwalaan. Baka dahil lang iyan sa pagkahilo mo at pagkahimatay kaya-" "Farrah, hindi ganoon!"  "Alam mo, Erris, gusto ko rin maniwala na may ganoong mga bagay doon sa lugar na iyon. Baka nga rin may engkanto doon! Noong nakita ko na natumba ka sa lupa at nawalan ng malay, alam mo ba na nagliliwanag ang katawan mo? Kulay abo ang buhok mo. Bakit ganoon?"  Napaurong ako. Nagliliwanag? Kulay abo? Hinawakan ko ang buhok ko na hanggang beywang ang haba. "H-Hindi ko rin alam." Magic Paradise's King's POV Napabuntong-hininga ako at tinignan ang litrato ko kasama ang mahal ko na reyna at ang aming mga supling. Pinahid ko ang mga luha na nakawala sa aking mga mata nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking kuwarto, "Mahal na hari, nandito po ang batang si Luera," Paalam ng punong kawal na tagabantay ko. Hindi na ako sumagot at binuksan na ang pinto. Si Luera, ang walong taong gulang na bata. Bibo ito at itinuturing kong tunay na anak.  "Luera, anong sadya mo, hija?" Nakangiting bati ko. Nakayuko lang ito kaya nilapitan ko at tinanong kung anong problema. Yumakap ito bigla ng mahigpit at pati ang mga kawal sa paligid ay nagulat. Nagsilapitan ang mga ito upang palayuan si Luera pero sumenyas lang ako na huwag. "Mahal na hari buhay po ang anak niyo! Buhay po!" Wika nito. Lumayo ako at tinignan ang mukha nito na natatawa. "Luera, hija, hindi magandang biro iyan."  Umiling siya ng ilang beses at suminghot, "Bad po magsinungaling. Ang sabi niyo po, si prinsesa ay nag-iiba ang kulay ng buhok at mga mata tuwing gagamit ng kapangyarihan. K-Kanina po sa mortal world, sugatan po na napunta ako doon dahil nakasalubong ako ng masamang maliit na halimaw galing sa Black Land. Hindi po ako kaagad nakapalit ng katauhan sa tao at kuneho po na walang kalaban-laban ang anyo ko. Nakita ko po! Nakita ko kung paano niya patalsikin ang halimaw! Nakita ko po na pinagaling niya ako! Buhay po siya!" Nalaglag ang mga kamay ko na nakahawak sa magkabilang balikat nito. Napaawang ang bibig ko at nanlalaki ang mga mata. "Luera. Gusto ko na magalit dahil delikado ang ginawa mo. Lumabas ka ng teritoryo ng Magic Paradise, alam mong mapanganib doon." Pahina nang pahina ang pagkakasabi ko. Maaaring buhay ang anak namin.    Sinulyapan ko ang mga kawal na nakaririnig ng aming pag-uusap. Agad silang nagsi-iwas ng tingin mula kay Luera. "Pero nakita ko po ang prinsesa! Ayaw niyo po ba siyang hanapin?! Hanapin po natin ang prinsesa, Mahal na hari!"  Tama. Parang hinaplos ang puso ko, gusto ko matuwa sa narinig sa batang ito. Hindi kaya tunay iyon? Wala naman mawawala kung maniniwala ako dahil alam kong tapat sa 'kin ang batang ito. Ang anak ko ay may kakayahan na mag-iba ang kulay ng buhok at mga mata tuwing gagamit ng kapangyarihan. Kakaiba siya at ang kanyang mahika. Siya lang ang may ganoong kakaibang kakayahan. Naalala ko na nagalit ito sa kapatid noon, nag-iba ang kulay ng buhok sa pula at naglabas  ng kapangyarihang apoy. HINDI mapakali ang mahal kong reyna sa kalalakad paroo't parito nang matapos akong magkuwento patungkol sa nalaman ni Luera. Hindi maitago sa ngiti ko ang saya pero sa reyna ay tila iba. "Ayos ka lang ba, mahal kong reyna? Baka mahilo ka naman sa kagaganiyan." Pagpapaalala ko dito. Tumingin siya sa 'kin at nangiti ng malawak. "Kinakabahan lang ako. Kinakabahan at nasasabik. Hindi kaya ay mali lang ng nakita ang batang iyon? Baka... umasa lang tayo. Sigurado ako na napatay ng mga taga-Black Land ang anak natin nang magkaroon ng digmaan at kaguluhan dati. Kaya... imposible na-" "Mahal kong reyna, susubok lang tayo na hanapin siya. Walang masama at mawawala. Maging masaya na lang tayo at may tiyansa tayo na makita ang anak natin."  "PERO MALI!" Sigaw nito na ikinagulat ko. "Kalimutan na natin ang anak natin na patay na! Patay na siya, 'wag na tayo umasa dahil masasaktan lang tayo!"  Nagpantay ang kurba ng mga labi ko. Naiintindihan ko ang kabiyak ko. Nasasaktan lang siya, "Ipapahanap natin siya. Marami tayong puwedeng utusan," “Ang tagal na panahon nating sinusubukan makausad mula sa masamang alaala ng mga anak natin, tapos ngayon aasa na naman tayo? Ang... ang sakit na, kaya ‘wag na natin ‘yon ituloy,”     “Uulitin ko, susubukan lang naman natin hanapin.” "Mahal kong hari-" "Huwag na sana tayo magtalo sa bagay na ito. Magkasundo na lamang tayo sa gusto ko gawin," Saad ko na matagal niyang tinanguan at sinang-ayunan. Niyakap ko ito ng mahigpit. MAKALIPAS ang ilang linggo ay nasa harap na namin ng reyna sa trono ang napili ko na utusan sa paghahanap. Nakaluhod ito sa harap namin na pinatayo ko rin, "Ang makisig, matapang, matalinong estudyante ng Magic Paradise Academy. Luke Steele. Napili kita para hanapin ang anak ko sa mortal world, sana ay malugod mo itong tanggapin,"    Hindi nito maitago ang ngiti. Marahil proud dahil siya ang napili. Kilala ko ang pamilya niya at pinagkakatiwalaan ko ang binatang ito na magiging tapat sakin. "Masaya po akong tinatanggap ang misyon, Mahal na reyna at hari." Nakangiti nitong sagot, Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ng reyna na nanlalamig kanina pa. Ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata. "Gagantimpalaan kita kapag nagtagumpay ka. Nagkakaroon ba tayo ng pagkakaintindihan dito, Luke?"  "Oho." "Uh, Mahal kong hari, sandali." Awat ng reyna sakin. Nilingon ko siya. "Bakit?" "Baka mahirapan si Luke sa paghahanap. Gusto ko sana na gawin silang dalawa sa pagpunta doon." Humigpit ang hawak nito sa mga kamay ko. "Magandang ideya." "Pero sana ako ang pipili ng isa, tutal ay ikaw na ang nakapili sa isa pa na si Luke?"  Tumango ako at sumang-ayon, "Sino, mahal ko?" "Si Warren Swaji. Mahusay na ice magic-user.” Third Person's POV Nakangiti ng malawak si Luke nang sawakas ay nakatawid na sila papuntang mortal world. Naeexcite ito sa gantimpala at sa naiisip na baka maganda pa ang prinsesa, baka aniya makahulugan niya ng loob at pwedeng ligawan. Ang alam niya ay kasing-edad nila ang prinsesa o hindi nalalayo sa kanilang edad. Gusto niyang ligawan iyon kung magugustuhan siya.   Sino nga rin ba ang tatanggi sa isang Luke Steele? Makisig at kilala dahil sa husay sa paggamit ng air magic. Inayos na ng makapangyarihang hari ang magiging katauhan nila sa mundong normal. Magiging normal silang estudyante na may sari-sariling mga bahay habang nananatili sa ibang mundo. "Luke Steele nga pala, pare. Sana mahanap natin iyong prinsesa." Pakilala niya sa kanina pa tahimik at walang imik na kasama.   Si Warren Swaji. Napaka misteryoso nito ayon sa aura, halatang seryosong tao lang. Naririnig niya na rin ang pangalan nito sa parehong paaralan na pinag-aaralan nila.   Paaralan ng mahika sa Magic Paradise. Hindi siya pinansin ng isa pero sumagot din matapos matagumpay na mabuksan ang gate ng bahay sa harap ng kinatatayuan nila. "Warren Swaji. Tama, sana makita na natin ang prinsesa. Para matapos na ang lahat,"    Hindi na nakaulit ng salita si Luke dahil mabilis na pumasok na sa bahay nito si Warren. Naiwan siyang nagtataka dahil parang ang seryoso ng huli nitong sinabi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD