CHAPTER 3

801 Words
CHAPTER 3 Mabilis na nilingon ko ang likuran ko. Medyo malayo na ako ngayon sa b****a ng gubat. Talaga ba na napasok ko na ang gubat nang wala akong kamalay-malay? Napailing ako at nagmadaling maglakad pabalik sa b****a ng gubat. Iba na ang nararamdaman ko. Tumatayo ang mga balahibo ko saka nanlalamig rin ang mga palad ko. Parang may hindi magandang bagay na bigla na lang makikita ko dito.  O baka kakanood ko lang ng horror kaya ganito ako mag isip. Ganun nga siguro. Ayaw ko sa lugar na 'to dahil sa hitsura. Pero iyong katahimikan at iyong sayaw ng mga dahon sa hangin ay parang ang sarap titigan. Parang ang sarap na dumito muna ako at magtagal dito sa sorang katahimikan na mayroon ang lugar. Napaatras ako bigla pabalik sa gitna ng gubat. Natigilan din ako bigla. Anong nangyayari? Para talagang pakiramdam ko may humihila sa 'kin paloob dito. Pero sabagay kung uuwi na ako, puwedeng nandoon na si Lea. Magtataka kung bakit ganito ang hitsura ko. O puwede na si Bea kaagad ang madatnan ko doon. Baka kung ano pa ang gawin sa 'kin niyon.  Napailing-iling ako at piniling maglakad-lakad pa papasok sa gubat na ito. Nandito na rin naman ako sa loob, bakit hindi ko pa tignan ang nakakatakot at misteryosong gubat na ito. Sa ilang minuto ko na pagmamasid, wala akong naririnig na ibon. O kuliglig man lang. Basta parang walang may buhay na naninirahan dito bukod sa mga puno at halaman na nagkalat sa paligid. Naupo ako sa nakausling maliit na kahoy at sumandal sa malaking puno. Ipinikit ko ang mga mata para sana makaramdam man lang ako ng pagka-relax pero napamulat din ako nang may marinig na kaluskos ng halaman. Napalingun-lingon ako at natagpuan ang kulay asul na gumagalaw na bagay sa kaliwang banda ko. Malayo pa naman ito pero natatanaw ko na may kulay asul na gumagalaw doon. Natakot ako pero wala naman sigurong hayop na kulay asul. Baka kung anong bagay lang iyon na nandito sa gubat. Sa sobrang curious ko ay nilapitan ko iyon, nilapitan ko nang nilapitan hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo ko doon... sa mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko at natigilan sa kinatatayuan. Napalunok pa ako ng ilang beses. Takbo, Erris. Tumakbo ka na. Iyan ang bulong ng isip ko pero sa sobrang takot, hindi ko nagawang igalaw ang mga paa ko at patuloy na nanginig lang ang mga tuhod ko! "A-Ano-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapunta sa 'kin ang atensyon nito at manlisik ang mga naglalakihang mga mata sa 'kin mismo.  Hindi ko maipaliwanag! Isa iyong hindi ko alam na nilalang, kasing-taas niyon ang tuhod ko at may apat na mga paa. Hindi iyon ordinaryong hayop sa zoo o wild animal, dahil tatlo ang mga mata niyon! Malalaki ang mga matang kulay pula. May malaking bibig at nagtutulisan na mga pangil! Naglalaway iyon at tumatakbo na papunta sa 'kin!! Hindi ko na napigilan ang takot at napatili na sabay pikit ng mariin, "Ahhh!!" Sa sobrang takot pakiramdam ko sa ginawa kong tili ay may lumabas na kung anong pwersa mula sa katawan ko.  Hinintay ko na sakmalin niya ako pero ungol lang ng halimaw o hindi ko alam, siguro tiyanak ang narinig ko. Kinakabahan na minulat ko ang mga mata saka nakita ang kakaibang tiyanak na iyon na nasa malayo. Sa harap ko, pero malayo ang kinalalagyan.  Naka-higa ito, nakabulagta na parang hinagis o ano. Nanghihina itong tumayo at nakipagtitigan saglit sa 'kin sabay mabilis na tumakbo papasok ng gubat. Nanginginig na napaupo ako sa lupa. Hindi ko napigilan ang maluha. M-Muntik na ako mamatay! Totoo ngang misteryoso dito! Ang dami sigurong halimaw ang nandito! "Mabuti pa na umalis na a-" Hindi ko na naituloy ang sinasabi nang mapansin ang munting may buhay na kulay asul. Kuneho ang isang 'yon at kulay asul. Ang katawang-bahagi ay halos sugatan at puro pulang dugo. Napaatras na naman ako, sa trauma. Sa takot. Lumingon ito sa 'kin at ginalaw-galaw pa ang mga tenga na mahahaba. Nagkislapan ang mga mata nito na kulay asul din na matingkad. Para siyang... nakikipag-usap. Parang... nagmamakaawa. Tumayo ako at mabilis na nilapitan iyon. Mukhang hindi naman siya mapanganib. Sugatan pa ngayon. Mabilis ko siyang binuhat, nagmamadali na baka bumalik ang tiyanak na iyon. Malamang siya ang may gawa nito sa cute na kuneho na kaawa-awa. Balak ko na sanang gamutin sa bahay pero nang mismong nahawakan ko ito at nabuhat ay nagliwanag ang mga kamay ko. Nagliwanag ang mismong ako, nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat at pagtataka nang may gumapang na kulay abo sa mga buhok ko na mahaba. Parang nawawalan ako ng lakas, pero napapaliit ang mga sugat ng kunehong asul na hawak ko, Hanggang sa nawalan na ng kulay ang paligid, at nagkulay-itim ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD