CHAPTER 2
Tapos na rin sawakas ang exams namin para sa araw na ito. Tahimik at ilag sa iba na naglalakad ako sa hallway. Bigla ay natakot ako nang matanaw sila Bea at ang mga kaibigan niya na makakasalubong ko. Kinabahan ako nang makita ko ang ngiti nito na parang tuwang-tuwa na makakasalubong ako.
Madalas nila akong pagtrip-an sa pamamagitan ng nakakatakot na pagpapahiya kaya madalas ay gusto ko mag-isa na lang. Kaysa makasalubong sila.
"Hello, Erris-girl!" Sabay-sabay nilang bati. Puno iyon ng kaplastikan. Natigil ako sa paglakad nang makaharap ko na sila saka tumungo lang.
"Hoy, binabati ka na nga, ano ka hindi namamansin? Ay, grabe ang bad mo talaga, Erris!" Naiiling-iling na sabi ni Bea.
Hindi pa rin ako sumasagot. Hangga't-maaari ayaw ko na ng gulo. Lalo na sa uri ng mga kaibigan na mayroon si Bea, mga babae na mahilig sa basag-ulo, away at mga kolorete sa mukha.
"Nabingi siya, Bea, or napipi?"
"Tama. Ibalik natin ang bibig at tainga niya, nakakaawa siya." Ani ng mga kaibigan nito. Nagtawanan sila ng bahagya saka nagulat na lang ako nang may kung anong malamig na likido ang bumuhos mula sa ulo ko.
Napasinghap ako at napataas ng tingin sa harap. Tubig iyon! Malamig na tubig!
"Bea!" Gulat na sambit ko. Halos mahilam ako sa tubig at tanging tawanan lang nila ang naririnig ko.
"Wow! Ang galing natin, girls! Nagsasalita na siya ngayon!"
"Sabi sainyo e!"
Nahihiyang pinunasan ko ang mukha saka tinignan ang mga tao sa paligid. Nakakakuha na agad kami ng mga atensyon ng mga ka-eskwela namin. Sa hiya ay tinangka ko na lagpasan sila at tumakbo na.
"Sandali naman, Erris." Wika ni Bea at mahigpit na hinigit ang braso ko.
"Bea, bakit ba?"
"O, nakakarinig ka na ngayon?! Woooow! Good job ba iyan para sa 'min?" Humalakhak siya na parang tuwang-tuwa.
"Bea, aalis na ako. Nakakahiya na." Mahinang sabi ko sakaniya.
"Okay, mabuti alam mo na nakakahiya ka talaga." Malakas na tinulak ako nito. Dahil sa basa sa tubig na sahig ay natumba ako sa sahig. Tumayo kaagad ako at maingat na tumakbo papunta sa locker para kumuha ng mga damit. Nasalubong ko ang mga nagtataka at naaawa na tingin ng mga kaklase ko.
Hindi ko iyon pinansin. Gusto ko maiyak sa ginawa ni Bea. Hindi iyon tama, pero wala naman akong karapatan magalit. Malaki ang utang na loob ko sakanila. Kung hindi dahil sakanila ay baka wala ako sa paaralan na 'to ngayon. O baka wala akong pamilya ngayon, kaya ayos lang sa 'kin ang ginagawa niya. Basta... basta titiisin ko lang.
Binuksan ko kaagad ang locker ko pagdating ko sa hallway na kinalalagyan ng lockers. Kukunin ko na sana ang t-shirt ko doon at uuwi na, pero iba ang bumungad sa locker ko.
Pagkabukas ko niyon ay bumagsak ang tatlong bag!
Hndi akin ang mga bag na iyon!
"Erris! Nandiyan ka lang pala!" Nilingon ko si Farrah. Nakangiti itong kumaway sa 'kin saka lumapit. Napawi agad ang ngiti. "Bakit basang-basa ka, friend?"
Sasagot na sana ako nang may humila ng malakas sa buhok ko. "MAGNANAKAW KA!"
"A-Aray!"
"Hey, bakit sinasabunutan mo ang kaibigan ko?!"
"Kasi magnanakaw siya! Mabuti nalang at mabait ang pinsan mong si Bea, sinumbong kaagad ang kalikutan ng kamay mo!" Sigaw ni... kaklase ko siya. Siya iyong muse namin.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo, bitiwan mo na ang buhok ko." Pakiusap ko. Ang sakit na talaga ng ginagawa niya sa buhok ko. Mas lalo niya pa pinag-igihan ang ginagawa kaya halos mapaiyak ako dahil rin sa marami na ang nanonood.
"Yung bag ko! Gosh!"
"Erris, talagang nagawa mo 'to? Alam na alam mo na may malaking-halaga ng pera sa loob?! Di ba mabait ka?!"
Umiling ako sa dalawa ko pang kaklase na nasa harap ko. "Wala nga akong alam na nandiyan iyan sa locker ko e! Maniwala kayo sa 'kin!"
"Sinungaling!"
Napatili ako nang lalo akong sabunutan ng muse na kaklase ko. Hindi ako lumaban, sinubukan ko lang na makawala pero mas malakas siya na parang sanay sa ganitong bagay.
Tinutulungan ako ni Farrah at mabuti na lang ay may iilan nang umawat na kalalakihan na kasection namin. Pinagsisigaw ng tatlo na magnanakaw ako, gusto ko sana magpaliwanag sakanila na hindi talaga iyon totoo. Na 'wag sila maniwala kay Bea na nagsabi niyon. Pero hindi ko na nagawa nang makarinig na ako ng iilang mga bulong ng mga estudyanteng tulad ko sa paligid.
Lahat sila pinaniniwalaan ang narinig at nakita. Mabilis na akong umalis sa lugar na iyon at binalak na umuwi na. Nanlabo kaagad ang paningin ko at bumagal sa pagtakbo.
Hindi naman siguro mangyayari iyon kung hindi dahil kay Bea. Napahiya ang pangalan ko na nananahimik. Kung hindi siguro ako nakikitira kila Bea, hindi niya ako magaganoon.
Kung may mga magulang lang talaga siguro ako.
Sana may nagmamahal na nanay ako sa bahay. Sana may magtatanggol na tatay ako. Sana buhay pa sila para ipagtanggol at mahalin ako, pero alam ko naman na hindi na iyon mangyayari pa.
Pinunasan ko ang gumulong na luha sa pisngi ko at sandaling nakaramdam ng lamig sa balat nang humangin.
Sa katatakbo nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na nasa loob na pala ako ng misteryosong gubat nang hindi ko napapansin!
Malapit ito sa bahay, pero ngayon ko lang 'to napasok. Bukod sa usap-usapang maraming misteryosong nilalang daw ang nakikita rito ay marami ring kwentong kababalaghan. Di ko na alintana ang lugar, basta gusto ko nalang ng lugar na pwede iyakan ng malakas dahil hindi ko na kaya ang bigat ng loob ko.
Minsan napapaisip ako kung bakit ang sama ng mundo sa tulad ko. May igaganda pa ba ang mga nangyayari sakin?
Kung papipiliin ako ng twist sa buhay ko, sana 'yung lalayo nalang sa realidad na meron ako ngayon.