CHAPTER 1
"Okay, sleeping beauty, bumangon kana at nagugutom na ako."
Mabilis na nilingon ko si Bea na nakasandal sa hamba ng pinto. Sumilip din mula doon si Lea na nakangiti.
"Hi, Erris! Good morning!"
Magkapatid sila at mga pinsan ko sila. Dito na ako nakikitira sa bahay nila dahil bata palang ako ay naulila na ako sa mga magulang ko. Namatay si mama noong maliit pa lang ako at namatay naman si papa sa malubhang sakit.
"Good morning din."
"Ano ba, Erris, bilisan mo dahil paplantsahin mo pa ang uniform ko diba?" Masungit na hinagis ni Bea ang blouse niya sa harapan ko saka ito umalis ng pwesto.
"Naku kung ako sayo wag mo gawin! Laki-laki na nun sayo pa rin inaasa lahat ng gawaing bahay at gawaing sya naman dapat ang gumagawa." Ani Lea. Nginitian ko na lang siya at nag-ayos na para simulan ang umaga.
Ako si Erris Lily, highschool student. Umaasa lang na sana maging masaya rin ang ibang chapter ng buhay ko dahil malungkot na ang mga naunang pahina para sakin.
Naglinis ako ng buong bahay at ginawa ang mga pinagagawa ni Bea. Wala si tita at tito dahil may trabaho na kinakailangan matulog sa bahay ng amo. Kasambahay si tita at hardinero naman doon si tito. Si Lea ang nakakagaanan ko ng loob at si Bea naman ang medyo hindi maganda ang pakikitungo sakin.
Sanay naman na ako pero minsan sumosobra lang talaga siya.
"Ay anak ng! Ano ba 'tong alaga mong pusa, Bea, tumae na dito sa sala!" Rinig kong sigaw ni Lea.
Pinuntahan ko agad iyon habang hawak pa ang walis tambo at sandok.
Nagluluto ako habang panaka naka ang pagwawalis sa kusina. Sipag, ano? Maliit na bagay!
"Edi tumae, edi kung ganoon linisin mo, Erris!" Sagot ni Bea habang naglalagay ito ng make-up.
"Talaga? Ikaw ang nag-ampon tapos si Erris ang palilinisin mo?" Pumameywang si Lea sa tabi ng kapatid na ikinangiwi ko, "Nung nakaraan halos pati panty mo ipalaba mo sa tao! Anong katamaran iyan, sumosobra kana!"
Madalas sila mag-away na ako ang dahilan. Nahihiya na nga ako dahil pinagtatanggol ako ni Lea, para sakin kahit nakakapagod ang araw-araw ko, okay lang. Kasi utang na loob ko ang pagkupkop nila sakin.
Diba ganoon naman dapat tumanaw ng utang na loob?
"Alam mo, pakelamera ka! Lahat kaya inaasa ni Erris kila mama at papa. Pati ang tuition niya! Simpleng bagay lang na ipagawa sakanya ang gawaing bahay, 'wag kang feelingera!"
"Ano kamo?! E halos gawin mong alila at personal alalay 'to! Sobra kana, ang tamad tamad mo!" Naiiling na humarap si Lea sakin. "Hayaan mo siya dyan, 'wag ka pumayag na matolerate iyang bruha na 'yan." Aniya saka nagbihis ng uniform sa loob ng kwarto niya.
Napakamot naman ako ng noo. Teka, nasunog na yata ang niluluto ko.
"Ikaw, halika nga rito, Erris." Biglang hinatak ni Bea ang braso ko. Nagulat ako dahil nanlilisik sa inis ang mata nito. Natatakot talaga ako sakanya palagi, kakaiba ang ugali niya! "Feeling ko nagpapakampi at nagpapaawa ka kay Lea eh, tandaan mo ha. Kulang pa ang mga 'to sa pagpapapabigat mo samin. Kaya 'wag kang umangal!"
Napayuko ako. "Hindi naman ako aangal, Bea. Gagawin ko naman lahat ng dapat para tumanaw ng utang na loob sainyo."
"Good. Linisin mo 'yang dumi, bilisan mo magluto at gawin mo rin ang assignment ko sa trigo bago mag-alas dose baka malate ako."
Tumango ako bago niya ako bahagyang itulak at iwan para ituloy ang paglalagay ng cream sa mukha.
Minsan naiisip ko... kung siguro buhay pa sila mama at papa, baka hindi ko kailangan maranasan ‘to.
PAGKARATING sa school, pumasok ako na gusot ang uniform, hindi nakapag-ayos ng buhok at naiwanan pa ang libro sa Physics dahil sa sobrang abala na tapusin ang mga gawaing bahay.
Ang malas ko talaga.
"Erris, nasaan ang libro mo? Paano ka ngayon magsasagot ng activity kung wala kang aklat?" Sita ni ma'am Guevarra. Nagtinginan ang lahat ng kamag-aral ko, nakakahiya.
"Ma'am, naiwan ko po kasi. Pasensya na po."
"Huh? Edi izezero kita, alangan naman makishare ka sa mga kamag-aral mo, ginagamit din nila ang aklat nila."
Lalo akong napayuko.
"Ma'am, ako! Share nalang kami book, hindi pa naman ako nagsasagot dito tyaka sayang naman 30 points din po 'yun. Ikaw din, ma'am mahihirapan ka magcompute 'pag may zero diba? Ayoko nahihirapan adviser naming cute." Nagtawanan ang mga kaklase ko sa nagsalita.
Napatingin ako sa kaklase ko sa likuran. Siya ang nagsalita. Transferee siya pero friendly ito at madaldal base sa unang impresyon ko sakanya.
"Osige na, inuto mo pa ako, Farrah."
Tumabi ito sakin at ngumiti. "Ako si Farrah Hikaru. Ikaw si Erris diba?" mahinang bungad niya.
Tumango ako at ngumiti. "Salamat, Farrah ha."
"Wala yon. Lagi kaya kita gusto kausapin, mukha kasing hindi ka palasalita eh. Tapos gusto ko ipitan ang buhok mo, ang shiny kasi kahit parang hindi mo sinusuklay," Natatawang sabi niya.
"Busy kasi ako sa bahay, walang time." Nahihiyang sabi ko.
"Talaga? Masipag ka siguro. Sana all."
Halos buong oras ay nahirapan akong magconcentrate sa sinasagutan namin dahil sa kadaldalan ni Farrah. Hanggang sa lunch ay hindi niya ako nilubayan, mas sinamahan niya ako kaysa sa ibang seatmate niya.
"Alam mo Erris sasama ako palagi sayo kasi parang wala ka masyadong close dito. Transferee ka rin ba?"
"Hindi. Wala kasi ang pinsan ko nalipat ng ibang section. Tyaka ayaw ako kausap ng mga kaklase natin, takot sila kay Bea." Hilaw ang ngiti ko sakanya dahil totoo naman.
Feeling ko nga kahit saan ako magpunta ay hindi ako masaya. Bahay man o school. Masaya nalang ako kapag inaalala ko ang memories namin ni mama. Kaso yun nga, wala na siya.
“Sino naman si Bea? Super mala-kontrabida ba ‘yun para matakot ang lahat na kausapin ka?” natatawang sabi niya. “Ano ‘to telenobela na inaapi ang bida?”
Kauupo palang namin ni Farrah sa loob ng cafeteria nang lumapit si Bea.
Speaking of Bea.
"Gawin mo ang mga iyan mamaya, mag uusap kasi kami ng boyfriend ko hanggang madaling araw so wala akong time. Ikaw wala ka naman ginagawa, wala ka rin jowa so ikaw na ang tumapos." Yun lang at iniwan ni Bea sa mesa ang tatlong papel ng Trigonometry na 50 items.
Nakita kong sinipat ito ni Farrah. "Luh. Sino ‘yun? Kilala mo 'yun?"
"Pinsan ko."
“Nakaka-hurt naman! Wala rin akong jowa pero ‘di ko naman obligasyon assignment ng iba!”
Hilaw na ngumiti nalang ako sakanya. “Ayos lang, paborito ko ang math kaya gusto ko rin gawin ‘to.” Palusot ko.
“Hmp! Inirapan pa nga ako ng pinsan mo, kapag pati ako sinungitan niya pupunuin ko ng air pati brain nun!” ngumuso ito saka hinampas ang ibabaw ng mesa.
Napaurong ang leeg ko sa medyo malakas na hangin na biglang... parang nagmula sakanya.
"A-Ano yun... humangin naramdaman mo?"
Lumaki ang mga mata niya at umiling saka kumagat ng sandwhich. "Sarap ng tinapay, kain na tayo!"