CHAPTER 47 King Leo's Point of View "Leila! Ano na ang dapat kong gawin?!" Pilit ko itong inaabot pero palayo na ito ng palayo. Nakaramdam ako ng sobrang pangungulila sa sarili kong reyna. "Pasensya na, mahal kong hari, pero mukhang hindi ko na mapipilit pa si Eicine. Hindi ko na rin alam ang dapat nating gawin." Napabalikwas ako ng bangon at hinihingal na tumayo upang lumapit sa malaking bintana ng aking silid. Nilingon ko ang reyna sa aking tabi pero purong galit lang ang naramdaman ko para sakanya. Dahil peke ang reynang kasama ko sa palasyo. Siya si Laura. Ang kakambal na kapatid ng aking asawa, si Leila. Nagbabalat-kayo ito sa harapan ko pero kilala ko nang mabuti ang asawa ko. Doon ako nagkagusto dahil busilak ang puso niyon, hindi katulad ni Laura. Halata rin na wala it

