CHAPTER 48 Erris Lily Sa hindi ko alam na dahilan, biglang lumitaw si Aspen at Flint sa harapan namin dalawa ni Warren. Walang pasabi ang mga ito na itineleport kami pareho sa gilid ng academy. "Teka, sino kayo?!" asik ni Warren sa dalawang Magic Partner ko na nasa anyong bata. Right, hindi niya nga pala kilala ang mga ito sa maliit na form nila at may hawak pang wands. "Hulaan mo nalang mamaya." mabilis na sambit ni Flint bago lumipad palapit sa mukha ko. Hinawakan nito ang magkabilang braso ko at inalog iyon. "Kanina pa nagkakagulo dito sa academy, nagalit ang mga traitor nang hindi ka lumabas at nagpakita kanina nung gumawa sila ng eksena." Nanigas ako sa kinatatayuan ko at namimilog ang mga mata na hindi makapagsalita. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko sila iniwan! Lumipad si

