Chapter 5

2368 Words
“HEY! Take it easy…” Mula sa basong hawak ay lumipad ang tingin niya sa nagsalita. Nakita niya si Noah na nakatayo ilang hakbang mula sa harap niya. Lalo siyang nasamid-samid pagkakita rito. Mabilis na lumapit sa kanya ang binata at umupo sa tabi niya saka siya inabutan ng isang basong tubig na nasa ibabaw din ng mesa. Dali-dali niya iyong inabot at dinire-diretso ang lagok. “Are you alright?” tanong nito pagkatapos niyang uminom ng tubig. Nakamasid na ito sa kanya. Nilinis muna niya ang bara sa lalamunan bago nagsalita. “Nakakagulat ka. Bigla-bigla ka nalang sumusulpot diyan eh.” Palatak niya. “Lalo tuloy akong inubo.” Dugtong pa niya. Ibinaba niya ang baso sa mesa at umayos ng pagkakaupo. “I’m sorry kung nagulat kita. Nagulat lang ako ng inisang lagok mo ‘yang alak.” paumanhin nito. “We can order again, if you want.” Tumingin siya rito. Nagsimula siyang maging aware na magkatabi sila. Pasimple siyang umusod palayo sa binata. “Okay lang. Mamaya nalang ulit. Nagsasayaw pala sila Jacob at Aira kaya ako lang mag-isa dito.” Sabi niyang sumulyap sa dance floor. “Yeah… I can see that.” Tumingin din ito sa mga nagsasayaw sa gitna. Kumayaw ang magkasintahan sa kanilang dalawa. Gumanti ng kaway si Noah habang siya ay tinanguan lang sila Aira. Pagkuwa’y muling bumaling sa kanya ang binata. “Hindi ka sumasayaw?” curious na tanong nito. Umiling siya. “Nakakalungkot sabihin pero ayaw ng sayaw sa akin.” Kunwa’y ngumiwi siya. May sumilay na ngiti sa labi nito. “Well, in that case, sasamahan na kita dito.” anitong umayos ng upo. “Ha? Hindi! Okay lang ako dito. Baka may mga kailangan ka pang ---.” Ewan niya pero bigla siyang nataranta. “It’s alright.” Putol nito sa kanya. “Tapos na ang oras ng trabaho at oras naman para magsaya. Sinabi sa akin ni Jacob na birthday ngayon ni Aira and I promise to my cousin that I will join you guys.” Anitong hindi nawawala ang aliwalas sa mukha. Kinawayan nito ang isang waiter sa di kalayuan. Muli ay napapatitig nanaman siya rito. Aminado siyang napakaguwapo nito. At stand out ito sa mga kalalakihang naroroon. Pero hindi iyon ang rason kung bakit nakatitig siya ngayon dito. “Anything you want?” muli itong bumaling sa kanya ng makalapit ang waiter. Nagkibit-balikat siya. “Isa pa nito.” Aniyang itinuro ang ininom kanina. Saglit na nagsalubong ang mga kilay nito na parang sinisigurado kung oorderan pa ba siya ng alak. Nginitian lang niya ito ay saka lang sinabi ng binata ang order niya sa waiter. Nagpadagdag pa ito ng makakain o mapupulutan nila. Nang sila nalang dalawa ay nagkaroon ng munting katahimikan sa pagitan nila. Ang totoo ay kating-kati na ang dila niyang magtanong ng tungkol sa nasa isip niya. Kung tama ba ang nasa isip niyang ito ang lalaking dinala niya sa ospital. Pero kasi ay baka nagkakamali lang siya at ma-offend niya ito. Sabagay ay hindi niya malalaman kung hindi niya susubukan. Kaya naman hindi siya nakatiis. Atubili siyang humarap sa binata. Akmang magsasalita na siya ng ito mismo ang humarap sa kanya. Natigil ang gagawin niyang pagsasalita dahil sumalubong sa kanya ang guwapo - hindi – napakaguwapo nitong mukha. Ngayong magkalapit sila ay kitang-kita niya ng malapitan kung gaano kaguwapo ang binata. Sandali niyang nakalimutan ang sasabihin dito at napatitig nanaman siya sa mukha nito. Hindi kagaya kanina na tinititigan lang niya ito dahil curious siya rito, ngayon ay binibistahan na niya ang mukha nito mula sa pagkakaayos ng itim na itim nitong buhok na nakatali sa likod, kilay na makakapal at magandang pagkakakorte, prominente at matangos na ilong - at hindi OA ang pagkakatangos ha. Dumako ang kanyang mga mata sa labi nitong mamula-mula at may kanipisan. Napansin din niya ang mamasa-masa nitong labi na marahil ay dahil sa alak kung uminom man ito. Muling umakyat ang tingin niya sa mata nito. Nagtama ang kanilang paningin. Kung bakit ay hindi niya maihiwalay ang paningin dito. Ilang saglit na tila nag-usap ang kanilang mga mata. At doon niya natanto, na kagaya niya kanina, ay tila binibistahan din nito ang itsura niya. Napakurap siya at tila natauhan. Nang matanto ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa ay bigla siyang nakaramdam ng hiya. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito kasabay niyon ay namula rin ang mukha niya. Muli ay nagkaroon ng sandali at nakakailang na katahimikan. “Sayon?” maya-maya’y narinig niyang untag sa kanya ni Noah. “Ha?” muli siyang nag-angat ng mukha rito. Tumiim ang tingin nito sa kanya. “I really have this feeling na may gusto kang sabihin? Anong sasabihin mo?” diretsong tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Saglit siyang natigilan. Tapos ay hindi niya alam kung ngingiti siya o ano. Tumikhim siya at umayos ng upo. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Baka isiping nitong nagpapa-cute siya dito. Guwapo ito pero hindi niya naisip na magpacute dito. Malayo iyong mangyari. Katatapos lang ng heartbreak niya. Wala siyang balak magpa-cute sa kahit kaninong lalake. “A-ano…k-kasi…” hindi dapat siya ma-tense pero bakit parang nate-tense siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Kung makatitig naman kasi ito ay parang ginagalugad pati kasulok-sulukan ng anit niya. Muli siyang tumikhim pagkuwa’y alanganing humarap sa binata. “Meron sana akong itatanong pero no offense meant ha.” Nananantiyang simula niya. “Go ahead. Anong gusto mong itanong?” Kaswal na sabi ng binata. “Nasaksak ka ba?” napangiwi siya dahil parang ewan ang pagkakatanong niya. Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng binata. Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. Nagpatuloy siya. “Mga ano…” nagkuwenta siya sa isip.” May mahigit isang buwan na ang nakakaraan….” Lalong nagsalubong ang kilay nito. “Bakit mo tinatanong?” “Kasi… may dinala akong lalaki sa ospital na nasaksak mahigit isang buwan na ang nakakaraan. Kamukha mo siya…” aniyang muling binistahan ang mukha nito. “Medyo haggard lang ang itsura mo doon. Tapos ngayon… parang ang ayos-ayos na ng itsura mo. Magkasing-haba rin kayo ng buhok. Nakatali ka lang ngayon. Pero sa tingin ko magkamukha talaga kayo.” Ilang segundong natitigan siya ng binata. Magre-react na sana ulit siya ng muli itong magsalita. “No way…” Mahinang usal nito. Tumaas ang isang kilay niya. “Ikaw ang nagdala sa akin sa ospital?!” bulalas nito kapagkuwan. Kasabay niyon ay nanlaki ang mga mata nito. “Ikaw …” natameme siya saglit. “I-Ikaw nga?! Ikaw ‘yung guwapong lalaking nawalan ng malay doon sa isang park dahil nasaksak ka. At oo, ako ang nagdala sa iyo sa ospital.” May hinala na siya pero gulat na gulat pa rin siya sa pag-amin nito. “Why on earth…” hindi nito naituloy ang sasabihin. Bakas na bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala. Kahit siya ay hindi kaagad nakapagsalita. Natahimik sila pareho. Maya-maya ay ito ay unang nagsalita. “I didn’t know it was you. Pagkagising ko ay may tahi na ako sa tiyan. Sinabi nila sa akin ang nangyari. And I haven’t given the chance to say thank you. Bakit bigla kang nawala?” Ibinalik niya ang tingin dito. “Pagkatapos kitang dalhin sa ospital ay hinintay ko munang dumating ang parents mo dahil iyon ang ipinayo ng mga staff sa ospital. Sinabi nila sa akin na sana hintayin din kitang magising pero hindi ko na ginawa. May mga kailangan din kasi akong gawin noong mga araw na iyon kaya umalis na ako.” Sabi lang niya iyon pero ang totoong rason niya ay mabigat pa rin sa loob niya ang sariwang heartbreak at ayaw niyang mag-iiyak sa loob ng ospital. Hindi na rin naman niya nagawang bumalik sa ospital para kumustahin ang binata dahil hindi na niya iyon masyadong iniisip bagamat pasulpot-sulpot ang insidente sa kanyang isipin. “Anyway, natutuwa akong maayos ka na ngayon.” Muli niya itong pinagmasdan. Noon lang muling umaliwalas ang mukha ng binata. “Thank you, kung hindi dahil sa iyo ay baka wala na ako ngayon. Baka naubusan na ako ng dugo kung hindi mo ako kaagad nadala sa ospital.” ‘Nah! Kahit sinong tao ay iyon ang gagawin kapag nakita ka.” Umiling ito. “No. Hindi lahat ng tao. At nagpapasalamat ako dahil ikaw ang nakakita sa akin. I still owe you my life.” “Grabe ka naman. Hindi mo utang ang buhay mo sa akin ano! Tsaka kahit nadala kita sa ospital kung talagang matitigok ka, matitigok ka. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin.” Paglilinaw niya. Wala naman talaga itong utang na loob sa kanya. Hindi niya kailanman inisip na ganoon iyon. “Still, thank you.” Kinuha nito ang kamay niya na ikinabigla niya. Naramdaman niya ang init ng palad nito. “Thank you so much for saving my life. Ano kaya ang puwede kong gawin, para makabawi ako sa pagliligtas mo sa akin?” Tumawa siya pero ang totoo ay naging uneasy siya paghawak nito sa kamay niya. “Ano ka ba? Wala kang kailangang gawin. Ang kamay ko, babawiin ko na.” pasimple niyang binawi ang kamay pero talagang awkward iyon sa kanya. Alanganin siyang mapangiti at mapangiwi.  Sa kabilang banda ay bigla yata siyang na-curious kung bakit nga ba nagsaksak ang lalaki ng gabing iyon. Pero pinigilan niya ang sariling magtanong tungkol doon. Ayaw niyang isipin nitong isa siyang tsismosa. “Kumusta naman na pala ‘yang sugat mo? Tuyo na ba ang tahi?” magkasunod niyang tanong. Gusto rin talaga niyang malaman kung kumusta na ito. “Nag-heal na. Pero hindi pa rin ako puwedeng magbuhat ng mabigat. Kailangan ko pa ring magdahan-dahan sa trabaho.” Anitong ngumiti ng maluwang. Pakiramdam niya ay may nalaglag sa kanya sa ngiting iyon ni Noah. Muntik nanaman niya itong matitigan kundi lang niya napaalalahanan ang sarili. Magtigil ka Sayon! Ang puso mo! Nang biglang sumulpot ang magkasintahan sa tapat nila. Pareho silang nag-angat ng mukha ng binata. Naupo sina Aira at Jacob sa bakanteng espasyo ng couch katapat nila. “It seems that you two are having a great conversation right now.” Puna Jacob. Kumuha ito ng beer sa mesa at tumungga. Sumulyap sa kanya si Noah. “Just a little insident. Jacob, would you believe? Si Sayon ang nagdala sa akin sa ospital ng masaksak ako?” “What?!” sabay na bulalas ng magkasintahan. Nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Pareho silang tumango ni Noah “Siya ‘yung sinasabi mong dinala mo sa ospital? Ang liit ng mundo!” hindi makapaniwalang bulalas ni Aira. Pare-pareho silang nagbigay ng komento sa insidente hanggang sa magpaalam ang magkasintahan sa kanila. “Ano? Iiwan niyo ako dito?” nanlalaki ang mga matang bulalas niya sabay angat ng puwetan niya. “Well, nandito naman ang pinsan ko. He’ll take care of you. And as I can see, you two seems have a great bond.” Makahulugang wika ni Jacob. “Besides gusto ko ring masolo itong girlfriend ko ngayong birthday niya, right babe?” bumaling ito kay Aira. Matamis naman nitong nginitian ang nobyo. Nang magtama ang tingin nila ni ay Aira kinindatan siya nito. Naiikot niya ang mga mata. Nalintikan na! Sinasabi na nga ba niyang may niluluto ang dalawa para sa kanya. As if she doesn’t know the real deal kaya siya isinama ng mga ito ngayong gabi sa bar na iyon. “Pero ---.” Gusto pa sana niyang magprotesta. “Noah, could you please take care of Sayon? Ikaw nalang ang bahalang maghatid sa kanya pauwi mamaya? May iba pa kasi kaming pupuntahan ni Aira.” Untag ni Jacob sa pinsan. Napapanganga nalang siya. “Oh! Sure! Ako na ang bahala sa kanya. She’s safe with me. I’ll take care of her.” Sumulyap ang binata sa kanya. Napasimangot siya. At bakit pumayag naman ang Noah na ito? Hindi naman sila close para ihatid siya nito ano! “Great! Sayon, ang pinsan ko na ang bahala sa iyo. Huwag kang mag-alala. Hindi ka niya pababayaan.” Isang maluwang na ngiti ng pinakawalan ni Jacob para sa kanya. Natitigan niya ito. Ngani-ngani niyang batukan ang nobyo ng kaibigan. Gusto pa niyang hilahin ang kamay ni Aira ng muli siya nitong ngitian bago tumalikod. Nagngingitngit ang kalooban niya sa pag-iwan sa kanya doon ng magkasintahan. Hanggang sa maiwan na silang dalawa ni Noah. Pareho silang natahimik ng silang dalawa nalang ulit. Pero siya ang hindi nakatiis. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng lugar na may ibang kasamang lalake. Hindi siya mapakali. Bigla ay gusto na niyang umuwi. “Noah ---.” “What do you ---” Awkward na nagngitian silang dalawa dahil sabay silang nagsalita at sabay din silang tumigil. “Go ahead.” Wika ng binata pagkuwan. Alanganin siyang ngumiti. “Pasensiya ka na kung iniwan nila ako sa’yo. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari.” “It’s okay…” “Ano kasi eh...ahm…hindi kasi ako sanay na naiiwan o nagkakaroon ng kasamang lalaki na kaming dalawa lang… lalo na sa ganitong klaseng lugar. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin?” Saglit nitong inintindi ang mga sinabi niya dahil pagkatapos nitong matigilan ay bigla itog tila naliwanagan. “Oh! I see. I perfectly understand now. Is there anything I can do para maging kumportable ka?” may pananantiyang tanong ng binata. Umiling siya. “Nothing. I’m fine. I just wanna go home. Kung okay lang sa’yo. At hindi mo naman ako kailangang ihatid. Magta-taxi nalang ako.” She smiled. “Oh! A-Are you sure?” mukha itong natigilan. “Oo. Sigurado namang maraming taxi sa labas diba?” “No. What I mean is, are you sure you wanna go home? It’s still early in the evening. Hindi ka pa masyadong nag-eenjoy.” anitong binistahan ang relong pambisig. Nasisigurado niyang wala pang alas nuebe ng gabi. “Oo sana.” Alanganin siyang ngumiti. Bumuntong-hininga ito. “Okay… if that’s what you want. Pero ihahatid kita.” “Hindi mo naman kailangang ---.” “I will bring you home Sayon. Let’s not argue with that.” Matatag nitong sabi. Wala na siyang nagawa kundi tumango at itikom ang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD