"Baste, tara na? Baka naiinip na sila sa loob." Narinig ko ang boses ni Sharmaine na tinatawag ako.
Narito ako sa labas ng bahay namin.
Hindi man lang sya nag-chat. Wala man lang syang paramdam.
Ayoko pa sanang pumasok sa loob ng bahay namin. Hinihintay ko kasi ang message sa akin ni Nine, baka sakaling nagbago ang kanyang isipan at mapag pasyahan nyang pumunta ngayon dahil birthday celebration namin ng bunso kong kapatid.
Hindi mo kasi sinabi na birthday mo rin. Panunuya ng aking isipan.
Napa-buntong hininga na ibinalik ko ang aking cellphone sa aking bulsa at saka nilingon si Sharmaine na kasalukuyang nakatayo sa may pinto. Nginitian nya ako pagkalapit ko sa kanya.
"Ayos ka lang?" Medyo nabigla pa ako dahil bigla syang humawak sa aking braso. Tumango na lamang ako sa kanya bilang pag tugon.
"Oh heto na, kumpleto na tayo!" Pagbibigay alam naman ni papa sa mga bisita namin na nasa loob rin ng aming bahay.
Iilan lang naman ang mga imbitado ngayon, mga kaibigan ko na sina Sharmaine at Charice at mga kaibigan ni bunso na mga anak ng kapitbahay rin namin.
"Bea, Baste dito na kayo pumwesto" Tinawag kami ni papa para makapag umpisa na kami.
Apat kaming magkakapatid. Ako ang panganay at ang bunso namin ay si Bea.
"Papa, sama rin kami! Magbo-blow din kami" Sambit naman ng kapatid kong si Bugoy at katabi pa nya si Binggo na kasalukuyang abala sa kinakain nyang hotdog na nakatusok sa stick na may marshmallow sa dulo.
"Oh sya sige." Pagpayag naman ni papa. Napasuntok pa sa ere si Bugoy sa tuwa nya na pati sila ni Binggo ay makiki-blow rin ng kandila sa cake. Natatawa na lamang ako na pinagmamasdan ko sila.
Nag umpisa ng magsikantahan ang aming mga bsiiata ng happy birthday song. Si Charice ay abala na kinukunan kami ng video, para may remembrance daw kami.
Nang matapos sila sa pagkanta ay saka naman lumapit sa amin si Sha na may dalang cake.
"Make a wish" sambit nya sa amin ni Bea.
Sabay kaming pumikit at saka umihip sa kandila ni Bea. Nakangiting nagmulat ako ng mga mata ng marinig ko ang pagpalakpakan ng mga bisita namin at ang sabay-sabay nilang pagbati sa amin ni Bea.
Ngunit...
Sa pagmulat ko ng mga mata, bigla akong sinalubong ng halik sa pisngi ni Sharmaine. Nagtataka man ay agad ko itong ikinubli dahil nas aharap kami ng mga bisita namin.
Kaibigan ko si Sharmaine. Alam kong may gusto sya sa akin noon, pero matagal ko ng nilinaw sa kanya na hanggang kaibigan lamang ang kaya kong ibigay sa kanya.
Nginitian ko na lamang si Sharmaine at kapag kuwan ay saka ako humarap sa mga kapatid ko. Hindi ko na halos napansin yung ibang nangyari dahil tila kinabahan ako sa ginawa ni Sharmaine.
Maya-maya ay nag asikaso na ang lahat para kumain. Nilapitan ko sila Binggo dahil hindi sila sumabay sa pag ihip ng kandila kanina gayong sila ang nagrequest na sasali rin sila sa amin ni Bea.
"Akala ko ba makiki-blow kayo kanina?" Napansin ko ang pag-iiba ng timpla nila Binggo at Bugoy samantalang si Bea ay abalang kumakain kasama si papa.
"Ito po kasing si Binggo kuya, natakot dun sa babae na may hawak ng cake" Pabulong na sagot sakin ni Bugoy.
Napalingon ako sa direksyon ni Sharmaine na nakikipagkwentuhan sa iba naming bisita.
Mabait naman si Sha at natural sa kanya ang makisalamuha sa ibang tao kaya kahit na ngayon lang sya nakita ng mga bisita namin at ng pamilya ko ay nakagaanan na gad nya ng loob ang mga ito kaya nakakapagtaka na bakit ganito ang naisip ng mga kapatid ko.
"Bakit, may ginawa ba sa inyo si Ate Sha ninyo kaya natakot kayo sa kanya kanina?" Kalmadong tanong ko sa mga kapatid ko.
"Wala naman po kuya, hindi lang po namin sya gusto, may kakaiba po kay ate Sha." Sagot naman sa akin ni Binggo na nakatungo ngayon dahil siguro akala nya galit ako sa kanila.
"Kayo talaga... baka naman nahihiya lang kayo? Kaibigan ko yang si Ate Sha ninyo kaya wag kayong matakot sa kanya." Sabay silang tumango nang marinig ang sinabi ko.
"Oh sya, tumabi na kayo doon kina papa at Bea para makakin na rin kayo." Nakangiting ginulo ko parehas ang kanilang mga buhok dahil ang mga kapatid ko, kung minsan talaga ay napapasobra sa pag analisa ng tao.
Nauna ng lumapit si Bugoy kina papa samantalang si Binggo ay nanatili sa akin.
"Kuya... girlfriend mo po ba si Ate Sha?" nang marinig ko ito mula sa kapatid ko, agad na rumehistro sa utak ko yung paghalik sa akin ni Sha kanina. Siguro ito talaga ang rason kaya medyo hindi nila gusto si Ate Sha nila.
"Huh? Si Ate Sha ninyo? Kaibigan ko lang sya saka alam nyo naman diba kung sino yung gusto ni kuya Baste ninyo?" Kinidatan ko pa si Binggo upang bigyan sya ng assurance na kung ano man yung natunghayan nila kanina, wala lang iyon at hindi nila dapat bigyan ng kahulugan.
Biglang lumiwanag ang mukha ng aking kapatid.
Grabe, hindi pa nila nakikilala ng personal si Nine pero gustong-gusto na nila ito.
"Promise yan kuya ha?" napakalawak na ng ngiti ni Binggo , napakalayo sa itsura nya kanina.
Natatawang tumango ako sa kanya saka ko sya hinila papalapit kina papa para makakain na kami, tutal gutom na rin ako.
Napuno ang bahay namin ng mga tawanan at kwentuhan. Simple man ang mga handa namin, masaya pa rin ang aming selebrasyon dahil buo ang aming pamilya at nakasama pa namin sa araw na ito ang aming mga kaibigan.
Weh? Sure ka bang masaya ka talaga? Sumagi bigla sa isipan ko si Nine.
Agad kong kinuha ang aking cellphone para sana magchat sa kanya kaso sakto namang low battery na pala ang cellphone ko. Tatayo na sana ako papasok ng kwarto para mai-charge ko ito. Syempre excited akong makausap si Nine, di bale ng wala sya today basta makausap ko lang sya at marinig ang boses nya, okay na ako.
"Baste! Uuwi na kami, gabi na rin kasi." Hindi pa ako nakakalakad papasok ng kwarto ay saka naman ako tinawag nila Sharmaine at Charice para magpaalam na. Inabutan na sila ng dilim.
"Ihahatid ko na kayo, sandali lang." Sambit ko naman sa kanila saka nagmamadaling pumasok sa kwarto upang kunin ang aking wallet.
Pagkalabas ko ng kwarto ay saka ko naman nakasalubong si papa na papasok ng aming kusina, may dala pa syang mga hugasin.
"Pa, ihahatid ko lang muna sila Sha, ako na po bahala sa mga ligpitin. Asiakushin ko po pagkabalik ko." Ayoko kasing si papa pa nag aasikaso dito sa bahay dahil alam kong pagod rin sya sa trabaho nya bilang personal driver ng pamilya nila Nine. Buti na nga lang at napayagan sya na mag leave ngayong araw eh.
"Okay lang, minsan ko lang namang gawin ito. Ihatid mo na ang mga kaibigan mo at madilim na sa labas." Tumango ako sa kanya at saka lumabas na ng bahay kung saan naghihintay na sa akin si Sharmaine?
"Nasaan si Charice?" Tanong ko kaagad kay Sha. Napalingon lingon pa ako sa paligid namin para sana tawagin na si Charice nang sabay ko na silang maihatid kahit sa may sakayan lang ng jeep.
"Nauna na sya, sinundo sya ng boyfriend nya dito. Alam mo naman bf nun, bantay sarado kay Charice." Simpleng tugon naman sa akin ni Sha.
"Ah ganun ba? Sige tara na at ng di ka na abutan pa lalo ng gabi sa daan." Pagyaya ko kay Sharmaine. Ngmiti lamang sya sa akin at saka sabay na kaming naglakad patungong sakayan ng jeep.
Looban kasi itong lugar namin kaya delikado na hayaan ko lang syang maglakad na mag isa.
Nasa parte na kami ng daan kung saan madilim at wala masyadong tao na dumadaan ng biglang huminto sa paglakad si Sha.
Aga dko syang nilingon dahil rito.
"Ayos ka lang ba Sha?" Nilapitan ko sya.
"Baste... what if hindi ko pala kayang magkaibigan lang tayo?" Tumingin sya sa mga mata ko, may mga luha na ngingilid sa kanyang mga mata.
Mahalaga sa akin si Sharmaine pero bilang kaibigan lang talaga. Nilinaw ko na ito sa kanya kaya ang buong akala ko, ayos na sa kanya at naka-move on na sya.
"Napag usapan na natin ito, diba?" Naka-kunot ang aking noo na nakatingin sa kanya. Noon naawa ako sa kanya at nakonsesnay dahil alam kong masakit ang matanggihan sa pagmamahal na nais mong ipagkaloob sa taong minamahal mo kaso, kasalanan ko pa rin ba na until now hindi nya ito matanggap?
"Sinubukan ko naman eh, kaso yung mga pinapakita mo sa akin, the way you treat me, the way you value what we have... hindi iyon pang magkaibigan lang." Akmang hahawakan nya ang kamay ko kaya napagpasyahan kong bahagyang umatras papalayo sa kanya.
"Sha, kung paano kita itrato ay ganoon rin ako kay Charice. Alam mo yan!" Nafru-frustrate na turan ko sa kanya. Umiling-iling sya sa narinig nya mula sa akin.
"No! Alam ko, ramdam ko na espesyal ako, na espesyal yung samahan natin." Umiiyak na sambit ni Sha.
Kung hindi nya matanggap yung katotohanan na hindi ko sya mahal at hindi ko sya kayang mahalin ng higit sa isang kaibigan, mabuti pa na putulin na lamang namin ang aming ugnayan.
"Nilinaw ko sa iyo Sha na kaibigan lang ang tingin ko sa iyo. Pinapili pa kita kung ano ang gusto mo, tanggapin yung pagkakaibigan natin o putulin na lang natin ang samahan natin. Ang sabi mo, ayos lang sayo ang pagkakaibigan natin dahil nagmo-move on ka na rin naman na. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito na naman tayo sa issue na ito." Nagpipigil ako sa emosyon ko. Alam kong nasasaktan sya pero ano pa ba ang gagawin ko?
"Alam kong nagbago yung nararamdaman mo. Alam kong kahit kaunti, meron dyan sa puso mo na espasyo para sa akin." Pagmamatigas ni Sharmaine.
Tila hindi nya matatanggap maliban na lamang kung...
Dinukot ko sa bulsa ko ang aking wallet at kapag kuwan ay binuksan ito.
"Nakikita mo ito? Sya yung mahal ko. Sya lang yung mamahalin at mamahalin ko." Determinadong turan ko. Ipinakita ko sa kanya ang larawan ni Nine na nasa wallet ko.
Natahimik kami parehas pagkatapos, hindi sya umimik.
Matagal na nilang alam ni Charice na mahal ko si Nine at may gusto ako rito kaya hindi ko maintindihan na bakit nya binigyan ng kulay yung pakikitungo ko sa kanya.
Naguguluhan man ay bumuntong hininga na lamang ako saka ko sya nilapitang muli.
Niyakap ko sya kasi hindi ko matiis na nasasaktan sya, mahalaga sya kasi kaibigan ko sya.
Ramdam ko ang maiinit na likido na pumapatak sa akin balikat. Hinayaan ko lamang syang umiyak sa mga balikat ko.
"Sa tingin ko, mas makakabuti na huwag na muna tayong mag-usap at magkita. Iwasan na muna natin ang isa't isa para maka-move on ka at kapag dumating na yung pagkakataon na okay ka na, na naghilom na yung sugat dyan sa puso mo, pwede kang bumalik, magkaibigan pa rin tayo." Bulong na sambit ko kay Sha. Mas lalo syang umiyak, pero alam ko, this time mas naiintindihan na nya.
"Naniniwala akong may taong mas karapat-dapat para sa iyo Sha... at hindi ako iyon." Kumalas ako sa pagyakap sa kanya saka ko hinawakan ang mga pisngi nya at tinitigan sya sa mga mata. Agad kong pinunasan ang mga luha nya.
Para ko nang kapatid si Sha kaya mahalaga sya sa akin at yung ganitong sitwasyon na nakikita ko syang umiiyak, nasasaktan rin ako.
"Kapag duamting na sya, ipapakilatis ko kaagad sayo ha." Humihikbi ngunit nagawa na nyang magbiro.
Natawa ako ng bahagya saka pinisil ang pisngi nya.
"Aray!" Sambit nya sabay hawak sa pisngi nya na kinurot ko.
"Hahaha tahan na, nagiging siopao na naman yang pisngi mo" Pagbibiro ko rin sa kanya.
"Hmp!" Kunwari ay parang batang nag cross arms sya at nag pout.
"Ano, tara na ba?" Pagtatanong ko sa kanya. Maga man ang mata nya sa pag iyak nya ay nagawa nya pa rin akong ngitian.
Nagpatuloy na kami sa paglakad patungong sakayan ng jeep.
"Hayst, inabutan ka na ng gabi" Napatingin na ako sa relos na suot ko. Pasado ala-syete na ng gabi.
"Kasalanan mo, binasted mo na naman kasi ako" Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa sinabi nya. At least naidadaan na nya sa biro ngayon kahit na alam kong masakit pa rin para sa kanya ito.
"Grabe naman yang siopao na yan... malay mo, yung makakatabi mo sa jeep yung soulmate mo" Kinindatan ko pa sya para asarin at iyon, napikon ang siopao hahaha mabilis akong umiwas sa kanya nung akmang kukurutin nya ako.
Naudlot ang harutan namin ng may jeep na huminto at nagbaba ng pasahero.
"Oh ayan, sakay ka na." Pagtukoy ko sa jeep na huminto sa tapat namin.
Naglakad na si Sha pasakay ng jeep ng may makabangga syang pasaherong lalaki na kakababa lang ng jeep at yung siopao na Sharmaine, nagmaldita sa nakabangga nya.
"Soulmate mo yata" I mouthed na naging rason para irapan nya ako. Hahahaha asar talo talaga.
Hinintay ko lang na umandar ang sinasakyan nyang jeep. Nang makaalis na ito ay saka ako tahimik na napadasal.
Sana yung maka-move on na si Sha dahil walang ibang laman ang puso ko kundi si Nine lamang.
Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone ko ng maalala kong ichachat ko nga pala si Nine kaso wala ito sa bulsa ko. Naiwan ko yata sa kwarto ang cellphone ko.
Nagpasya na akong maglakad pauwi ng bahay. Ichachat ko na lang sya sa bahay.
Nakapamulsa na naglakad na ako.
Siguro nagtataka kayo bakit ako ang nagkukwento sa chapter na ito at sino ba ako?
Pasensya na kayo at hindi ako nakapagpakilala kanina.
Ako nga pala si Sebastian Santos. Baste ang tawag sakin ng pamilya at mga kaibigan ko, maliban kina Nine, Ashley at Francis na nasanay na tawagin ako sa apelyido ko na Santos. Gaya ng nabanggit ko kanina, anak ako ng family driver nila Nine na si Leo Santos.
Isa akong scholar sa St. Anthony University for the Elites. Ang kurso na kinukuha ko ay education dahil noon pa man, pangarap ko na talagang maging isang ganap na guro. Mag isa kaming tinataguyod ni papa dahil wala na kaming ina na kinagisnan ng mga kapatid ko. Bilang panganay, ako ang katuwang ni papa lao na sa pag-aalaga sa mga kapatid ko. Maliban sa pagiging scholar, may mga part time jobs din ako. Isa akong barista sa gabi at paminsan-minsan ay namamasada rin ako ng jeep bago pumasok sa school. Nakikipasada lang ako sa jeep ng kapitbahay namin na si Mang Kanor.
Paano ba ako naging kaibigan nila Nine? Sa dami ng nangyari, hindi ko na rin malaman kung saan ako mag uumpisa. Sa totoo lamang, hindi ako naalala ni Nine. Mga bata pa lamang kami ay nag-krus na ang aming mga landas, pero ang naalala lamang nya ay yung kissing incident sa school cafeteria kung saan yung mga kaklase nyang may galit sa kanya ay ako ang napag interesan na gamitin para sirain ang reputasyon ni Nine.
Matagal ko ng nakikita si Nine sa university kahit na magkaiba kami ng kurso dahil nabanggit rin sa akin ni papa na bantayan ko raw si Nine dahil anak ito ng kanyang amo. Ang mga magulang ni Nine ang benefactor ko kaya ako naging isang scholar sa University at kahit na hindi naman nila ipinag-uutos ay si papa na mismo ang nagbilin sa akin na bantayan si Nine bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga magulang nito ngunit ipag utos man nila ito sa akin o hindi, ako mismo ay nagdesisyong babantayan si Nine at poprotektahan ito gaya ng ipinangako ko sa kanya noon.
Madalas kong nakikita sila Nine sa library dahil doon ako naka-duty tuwing vacant time ko. Mula sa pagtanaw sa malayo at sa lihim na pagbabantay sa kanya, mas nakilala ko sya at mas hinangaan ko sya. Kagaya pa rin sya nang kung sino sya noong mga bata pa lamang kami. Anak mayaman pero hindi kakikitaan ng kahambugan. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng karangyaan sa buhay ay may pagpapahalaga pa rin sila Nine sa pag-aaral. Minsan nga ay natatawa ako kapag nakikita ko silang tatlo ng mga kaibigan nya na seryosong nagrereview o di kaya ay mga aligaga sa research na ginagawa nila. Madalas kasi ay para silang mga bata na nagtatalo sa loob ng library.
Ako naman, bilang scholar ay hindi maiiwasan na maging biktima ng mga bullies sa university dahil karamihan sa mga estudyante doon ay mga spoiled brats talaga at yung kaklase ni Nine ay ako ang napag initan. Isang beses lang na nagkasagutan kami nung Bryan na iyon sa library dahil sinita ko sila sa pag-iingay nila ay iyon na ang naging mitsa upang pag initan nila ako.
Madalas nila akong abangan sa labas ng campus para bugbugin, hindi ko alam kung anong napapala nila sa pangbu-bully nila. Isang araw, nangako sila na ititigil na ang ginagawa sa akin kapalit nang paninira sa reputasyon ni Nine. Sa umpisa ay nagmatigas ako hanggang sa magbanta sila na pati scholarship ko ay gaagwan nila ng paraan na matanggal sa akin. Binigyan nila ako ng tatlomg araw para magawa yung ipinag uutos nila sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko rin magawang sabihin kay papa ang sitwasyon hanggang sa isang araw sa may cafeteria, nakasalubong ko si Nine. Sa malayo ay nakamasid sila Bryan, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko hanggang sa nang makasalubong ko sya, nag desisyon akong halikan sya sa harap ng maraming tao.
Hindi ko sya kayang saktan, pero sa ginawa ko alam kong nasaktan ko sya.
Halata ang pagkabigla nya sa ginawa ko dahil hindi naman nya ako kilala talaga. Next thing na nangyari, sinuntok nya ako. Syempre sino ba namang lalaki ang hindi magagalit hindi ba? Halikan ka ba naman ng kapwa mo lalaki sa harap ng maraming tao.
Dahil doon nagkaroon ng investigation lalo na at nakunan pa ng vidoe ang nangyari na agad na kumlaat sa buong University. Sila Bryan ay tinigilan na ako. At ako? sa hiya at sa konsensya na nararamdaman ko, nagpasya akong umabsent na muna sa klase para makaiwas sa issue at lalo na kay Nine. Mas ginugol ko ang oras ko sa part time jobs ko hanggang sa hindi kinaya ng katawan ko at trinangkaso ako.
Hindi pa ako nakakabangon sa unang pagsubok ay saka naman nasundan ng isa pa nang maaksidnete si papa at sa hindi inaasahang pagkakataon, nais ko mang umiwas kay Nine ay tila tadhana na ang nmagtatakda na magkita kaming muli. Dahil naospital si papa, ako ang sumalo sa trabaho nya at maliban doon , in-offeran din ako ni Nine na maging tutor nya dahil hindi nagtutugma ang oras namin para maging personal driver nya at yung sa part time job ko bilang barista. Kaya tumigil muna ako sa coffee shop at nag focu sa pagpasok sa eskwela, pagiging personal driver ni Nine at tutor na rin nya hanggang sa nakabalik an si papa sa serbisyo.
Sa insidente na iyon ko mas nakilala si Nine at ang mga kaibigan nya. Lumabas ang totoong nangyari.
Sa umpisa ay mainit ang dugo sa akin ni Nine ngunit nang lumabas ang totoo base sa investigation na ginawa ng university na sila Bryan ang may pakana ng lahat ng nangyari, ay napatawad nya rin ako kapag kuwan hanggang sa naging parte ako ng kanilang grupo.