CHAPTER 17: Change of Heart

5000 Words
"Wooh! tagay pa Nine!" Hiyaw ni Francis sabay akmang tatagayan pa ang baso ko na kasalukuyang walang laman.    Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo ngayon.   " Tsk, scammer kayong dalawa! Magpaplano tayo diba? Bakit nauwi sa alak yung usapan natin?" Iiling iling na turan ko saka ininom ang alak na isinalin ni Francis sa aking baso.   "Sus, kunwari ka pang ayaw mo, pero tingnan mo nga at iniinom mo pa rin yung mga isinasalin ko sa baso mo!" Pasigaw na sagot ni Francis.   Natatawa na lamang ako dahil totoo nga naman.    "Kung pagpaplanuhan natin yung panunuyo mo kay Agnes, mabuti pa ipagluto mo sya o kaya haranahin mo para lumambot ang puso nyang naging bato dahil sa iyo!" Sambit naman ni Ashley na halatang tinatamaan na rin ng alak.    "Hahaha mala-romantic movie dapat ang style para pag lumambot na si Agnes, pwede mo na syang kausapin ng mahinahon at masinsinan. Tama ako diba, Ash?" Tumayo si Francis at lumipat sa tabi ni Ashley. Inakbayan nya pa ito na syang dahilan para itulak sya ni Ashley.   "Oo tama ka pero lumayo ka sakin, ang baho ng hininga mo!" Sabay takip pa ni Ash ng kanyang ilong.   "Kunwari ka pa, halikan kaya kita?" Ngumuso si Francis at akmang hahalikan si Ashley ngunit isang malakas na tulak ang iginawad sa kanya ni Ash na naging rason para mahulog si Francis sa kanyang kinauupuan.   "Aray!" Daing ni Francis. Tumayo sya habang himas himas ang kanyang pwetan.   "Ang sakit nun ha!" Magre-rebut pa sana si Ash ngunit inawat ko na sila. Mahirap na at baka magkapikunan pa silang dalawa.   "Maliban kay Agnes, isa pa sa haharapin mo ay yung inyo ni Santos." Pagseseryoso ni Ash sa aming usapan.   Iwasan ko man, hindi talaga mawawala sa magpag-uusapan si Santos.   "Oo yun pa. Iiwasan ko na muna si Santos hangga't hindi ko pa naayos ang sa amin ni Agnes. Sana lang maintindihan ni Santos ang rason ko sa pag-iwas ko ngayon sa kanya." Nabura ang mga ngiti sa aking labi at napalitan ng pangamba.    Mayroon kasi sa parte ng puso ko ang natatakot na tila ba mawawala sa akin si Santos kapag pinatagal ko yung ganitong set-up namin na walang malinaw na label o estado.     "So ano ang specific plan mo? Huwag mong patagalin na ganyang ang sitwasyon, mahirap magsisi sa bandang huli." Paalala sa akin ni Ash.   "Oo, syempre hindi ko hahayaang mawala sakin si Santos." Biro ko kay Ash. Umakto naman sya na kunwari ay nasusuka sa narinig nya mula sa akin.   "Cringe hahaha" Sira talaga itong si Ash minsan. Binato ko nga sya ng tissue na agad naman nyang nasalag.   "Tss... alam mo, mag sorry ka na lang kay Agnes tapos si Santos, kalimutan mo na lang! Maraming iba dyan, gusto mo hanapan pa kita."  Nagtataka akong napalingon kay Francis. I mean, expected ko kasi na pag ganito ang linyahan nya, for sure nagbibiro lang sya kaso madilim ang expression ng mukha nya at seryoso ito sa binitawan nyang mga salita which confuses me.   "What if huwag ka na lang manghimasok at pabayaan na lang natin si Nine ang magdesisyon?" Sagot naman ni Ash na tila may nahimigan akong kakaiba sa way ng pag-uusap nila. There is something sa mga mata nila na para bang may sinisikreto sila sa akin.   Tahimik akong nag-oobserba sa dalawa kong kaibigan.   "Pabayaan syang ano? Mabulag? Hahayaan natin ang kaibigan natin na lokohin sya ng iba?" Halata ang pagkairita ni Francis sa narinig nya mula kay Ash.   "For your information, hindi lang si Nine ang kaibigan natin na involved dito okay? Saka hindi naman sa pababayaan. Irespeto na lang natin yung desisyon nila at kung paano nila ito aayusin at lilinawin." Kalmadong sagot naman ni Ash kay Francis.   "Oo kaibigan din natin si Santos pero mas nauna nating kaibigan si Nine. At yung nagawa ni Santos, nakita mo rin yun! Anong paliwanag pa ang maibibigay nya maliban sa  kasinungalingan na pwede nyang maimbento?" Mataas ang boses ni Francis. Halata ang ugat sa sentido nya. Napakuyom ang mga kamao nya at frustrated na napasuklay sya ng kanyang buhok na tila ba nauubusan sya ng pasensya.   "Teka nga, ano bang pinagtatalunan ninyo tungkol sa amin ni Santos? Sabihin ninyo sa akin. Kilala nyo ako, ayoko ng nagmumukang tanga." Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko, pakiramdam ko naghahalo yung kaba at anticipation.    "Ikaw ang magsabi tutal ikaw itong sige ang ngawa dyan." Sumandal si Ashley sa kanyang kinauupuan. Parehas kaming nakatitig at nakaabang sa sasabihin ni Francis.   Napansin kong kinuha ni Francis ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Inilabas nya ito at binuksan. Tila ba nagi-slow motion ang paligid ko na ang bawat pangyayari ay detalyadong rumirehistro sa utak ko. Nawala ang pagka-hilo na dulot ng alak sa akin kanina.     "Panoorin mo." Simpleng turan ni Francis at saka nya iniabot sa akin ang kanyang cellphone kung saan ay may video na nakapost sa news feed ng f*******: account nya.   Walang kibo na kinuha ko ang kanyang cellphone at pinanood ang video.   Makikita sa video ang grupo ng mga tao na nagkakantahan ng Happy birthday song. Makikita rin sa video sina Santos at Sharmaine na halatang masayang-masaya.      Kasama nya pala si Sharmaine… Maya-maya pa ay napaisip akong bigla. Pamilyar ang video na ito... parang nakita ko na ito kung saan pero hindi ko maalala.   Napukaw ang atensyon ko ng matapos magsikantahan ang mga tao sa video ay makikita si Sharmaine na umalis saglit at pagkabalik nya ay may cake na syang dala-dala. Lumapit sya kay Santos at sa tabi ng isang batang babae. Sabay-sabay pang nagsabi ang mga tao sa video ng make a wish. Pumikit ang batang babae at si Santos.    Teka... birthday ni Santos?    Saka nagbalik sa memorya ko ang naging usapan namin ni Santos sa cell[phone. Naalala ko na! Inimbitahan pala nya akong sumama ngayong araw para sa selebrasyon ng birthday ng kanyang kapatid. Pero bakit sa video ay kasama rin sya sa binati nila?    So, birthday din pala nya today? At hindi nya man lang sa akin nasabi iyon? Pinatuloy ko ang panonood ng video hanggang sa...   Hinalikan sya ni Sharmaine sa kanyang kanang pisngi. Makikita sa mukha ni Santos ang pagka-bigla ngunit ngumiti rin sya kapag kuwan. Si Sharmaine naman ay todo ang pag ngiti kahit halata na nahihiya sya sa kanyang ginawa.      "Oh tama na yan! Masyado kayong sweet! Mas matamis pa kayo sa cake" Banggit ng isang babae na kasama nila at saka natapos ang video.    "Nine?" Pag tawag sa akin ni Ashley. Hindi ko napansin na nakatabi na pala sila ni Francis sa akin. Pinagitnaan nila ako sa aking kinauupuan.   "Nine?" May halong pag-aalalang tawag rin sa akin ni Francis.   Pilit ang ngiti na sinalubong ko ang mga tingin sa akin ng dalawang kaibigan ko. Hindi ako iiyak. Hindi ako mag-aaksaya ng luha para sa isang tao.    Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib at ang pagkirot ng aking lalamunan dahil sa pagpipigil ko sa pag tulo ng aking mga luha.   I swear, hindi ako iiyak.   Agad kong kinuha ang baso ko at saka sinalinan ito ng alak. Pinuno ko ang aking baso  at isang tunggaan na inubos ang laman nito upang mapawi ng mainit na likido ang pag kirot ng aking lalamunan.   Funny thing is, napawi ng alak ang kirot ng lalamunan ko ngunit yung kirot na nasa puso ko, hindi man lang nabawasan kahit konti.   Nagpasya akong uminom muli. Baka sakali sa pangalawa, pangatlo, pang-apat, pang lima o sa kahit na marami pang pag inom ay mapawi na o mabawasan na ang kirot sa puso ko.     "Nine, awat na" Iinom pa sana ako ulit ng awatin na ako ni Ash. Ramdam ko ang pagkahilo ko. Tila umiikot ang paligid ko at lumalabo ang aking paningin. Nakalimutan ko na rin kung pang ilan na ito sa mga natungga ko mula kanina.   "Bakit ba? Hindi pa ako lasing. Pabayaan mo nga ako." Inalis ko ang kamay ni Ashley na nakahawak sa aking braso saka ko ininom ulit yung laman ng aking baso.   Tsk... napaka-kj eh. Ngayon na nga lang ako nage-enjoy ng ganito, babawalan pa nya ako?   "Francis! Tara dun tayo!" Tumayo ako at pasuray-suray na lumakad papalapit kay Francis upang hatakin sya patungo sa mga taong nagsasayawan sa may gitna.   "Tara sayaw tayo dun!" Aalma pa sana si Ash ngunit nakaalis na kami ni Francis.   "Hahahaha sige lang Nine, magpakasaya tayo ngayong gabi! Deserve natin ito" Sigaw sa akin ni Francis dahil halos hindi na kami magkarinigan sa ingay ng mga taong nagsasayawan at sa lakas ng tugtog na pine-play ng dj ng bar.   Maya-maya ay may babaeng lumapit kay Francis at nag umpisa itong sumayaw. Napangisi na lamang ako ng itulak ni Francis ang babae papunta sa akin.   "Miss, dyan ka na lang sa tropa ko makipag sayaw. Loyal ako sa girlfriend ko." Sigaw ni Francis saka sya naglakad pabalik sa kinauupuan ni Ashley.   Ang lokong iyon, iniwanan ako dito mag-isa. Tsk! Bahala sya!   Nakipag sayaw ako sa babaeng nasa harapan ko.  Maya-maya ay lumapit sa akin ang babae at seductive na tinitigan ako sa mga mata ko. Inilagay pa nya ang mga kamay nya sa balikat ko saka inilapit ang kanyang mukha sa kaliwang leeg ko at kapag kuwan ay saka mapang akit na bumulong sa akin.   Hindi ko nga lang narinig ang ibinulong nya sa akin dahil nakita ko na lang ang sarili ko na nakasalampak sa may sahig at hawak-hawak ko ang panga ko na ngayon ay makirot.   "Hoy! layuan mo ang girlfriend ko kung ayaw mong sirain ko yang mukha mo!" Sigaw sakin ng isang lalaki habang dinuduro-duro ako.    Ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya. "So, uso pala ngayon ang lokohan?" Tanong ko sa babaeng kasayaw ko kanina habang pagewang-gewang ako na tumayo. Sasapakin pa sana ulit ako ng lalaki ng lapitan na agad ako nila Ashley at Francis. Hinila nila ako pabalik sa pwesto namin.   "Seriously Nine? Uuwi na tayo kung ganyan ka. Lasing ka na." Inilabas ni Ash ang kanyang cellphone na tila ba may kinokontak sya. Napapailing na sumandal ako sa aking kinauupuan.   "Francis, magbabayad lang ako ng bill natin. Akayin mo na yang si Nine palabas. Uuwi na tayo." Magrereklamo pa sana ako kaso para naman akong tuta na biglang umamo ng tingnan ako ng masama ni Ashley.    Sabi ko nga, uuwi na kami.   "Ay naku po! Ano pong nagyari kay Sir Nine?" Nakapikit ako habang akay-akay ako ni Francis. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Narinig ko na lamang ang boses ni Kuya Ryan kaya nag mulat ako ng mata para hanapin sya.   "Kuya, paki-alalayan po si Nine. Naparami po kasi ng nainom." Sagot naman sa kanya ni Francis.   "Kuya Ryan! Waaaa! Hug tayo bilis!" Kumalas ako sa pagkakahawak sa akin ni Francis saka ako lumapit kay Kuya Ryan para sana yakapin sya.    Napakamot pa sya ng ulo ng makita ang inaakto ko. Hehehe hindi ko rin alam bakit ganito ako ngayon, parang gusto ko lang naman silang kulitin. Masama ba iyon? "Tara na po Sir, iuuwi ko na po kayo." Inalalayan ako ni Francis at ni Kuya Ryan papasok ng kotse. Hindi ko na napansin kung kasama ba namin si Ashley.   "Teka, Ash? Uuwi na ba talaga tayo? Bakit ganyan yung mukha mo? Kamukha mo na si Francis?" Nakaupo na ako sa loob ng sasakyan ng tapik-tapikin ko ang mukha ni Ashley. Nakakainis bakit parang nagtransform ang itsura nya?   "Tsk may magic ka ba? Pahingi naman ng magic mo" Parang bata na pagmamaktol ko.   "Umayos ka Nine, pag hindi ka nagtino sasapakin kita." Eh? Boses ni Francis narinig ko?   Sasagot pa sana ako ng biglang lamunin na ako ng antok. Naramdaman kong nagsara ang pinto ng kotse  saka ito nag umpisang umandar. Ang sarap ng pakiramdam ko, para akong hinehele.   The next thing I knew...   Narito na ako sa aking kwarto. Naalimpungatan ako dahil may tila basang towel ang dumadapo sa aking mukha at braso.    Dahan-dahang nag mulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni mama.   "Ayos na ba ang pakiramdam mo anak." Tanong agad sa akin ni mama ng mapansin nyang nagising ako.   Nilamon ako bigla ng konsensya dahil bakas sa mukha ni mama na pinag-alala ko sya.  Bumangon ako sa aking pagkakahiga at saka umupo at sumandal sa headboard ng aking kama.    "Opo ma, sorry po kung nag-alala kayo sa akin." Nakatungo ako at hinid ko magawang salubungin ang mga titig ni mama.   "May problema ka ba anak? Hindi ka naman ganito kapag lumalabas kayo ng mga kaibigan mo." Hinawakan ni mama ang mukha ko at hianplos-haplos ang aking pisngi.    "May sugat ka pa oh. Napaaway ka ba sa bar?' Nilingon ko si mama at kitang-kita ko ang nangingilid na luha nya. Mas lalo akong nakonsensya dahil rito.   "Huwag na po kayong mag-alala sakin. Pasensya na po talaga at ang irresponsible ko po." Inabot ko ang kamay ni mama na nakahaplos sa aking pisngi at hinawakan ito.    "Pangako po, hindi na po ito mauulit." Ngumiti si mama sa akin at tumango ngunit alam kong nandoon pa rin ang pag-aalala nya sa akin.   "Sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede kang magsabi sa amin ng papa mo ng kahit na ano, mag open up ka sa amin kung handa ka na. Nandito lang kami ni papa mo ha." Napaka-swerte ko sa magulang ko, sobrang understanding nila sa akin. Maiintindihan rin kaya nila kapag nalaman nilang na-inlove ako sa kapwa ko lalaki?   Bumigat ulit ang aking pakiramdam ng maalala ko ang video na iyon. Na inlove ako sa kapwa ko lalaki tapos broken hearted ako ngayon dahil niloko at pinag laruan ako ng isang lalaki. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sobrang katangahan ko?   "Oh sya, matulog ka na ulit. 4:00 AM pa lang. Bumawi ka ng pahinga mo." Tumayo na si mama at dala-dala ang towel at basin na ginamit nya sa akin kanina.    Pinatay nya ang ilaw ng aking kwarto at saka tuluyang lumabas at isinara ang aking pinto.   Nakakabingi yung katahimikan dito sa kwarto ko. Humiga ako at saka nagtalukbong ng kumot ko.    Ramdam ko ang nagbabadyang pag patak ng aking luha ngunit nagmamatigas ako. Pilit ko itong pinipigilan. Ayokong umiyak. Hindi ako iiyak.   Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa akin. Hinagilap ko sa bedside table ko ang aking cellphone. Nang mahanap ito ay agad ko itong binuksan.    Hinanap ko sa aking contact list ang pangalan ni Santos. Nang mahanap ko na ito ay saka ko ito binlock. Oo na, ang immature na nagdedesisyon kaagad ako ng ganito imbes na pakinggan muna ang kanyang paliwanag.    Tss..  parehas kaming lalaki. Yung ganitong mga bagay, dapat nage-gets agad namin. Hindi na kailangan ng paliwanag pa.   Matapos ko syang i-block ay saka ako nag pasyang magtalukbong muli ng kumot. This time, natalo ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na sunod-sunod na umagos at kumawala sa aking mga mata.    Sobrang sakit ng nararamdaman ko.   "Ano ba Nine, bakit ka ba umiiyak?" Pabulong na tanong ko sa aking sarili sabay punas ng aking mga luha ngunit tila ba hindi nauubos ang mga ito.   Umiiyak ako kasi nag mukha akong tanga na na-inlove ako sa kapwa ko lalaki.   Umiiyak ako kasi nagawa akong paglaruan at lokohin ng kapwa ko lalaki where in fact dapat kabisado ko na ang ganitong sistema.   Umiiyak ako kasi nagtiwala ako sa kanya.   Umiiyak ako kasi umasa ako na espesyal ang samahan naming dalawa, na mahalaga rin sa kanya ito.   Umiiyak ako kasi nasasaktan ako.   Umiiyak ako kasi ang daya ng mundo. Bakit pa ako na-inlove kung lolokohin lang din naman ako? Ayos naman na ang buhay ko noon. Hindi ko ginustong mahulog sa kanya. Bakit hinayaan ng tadhana na magkagusto ako sa kanya? Bakit kailangan kong maranasan ito?   Sa dami ng tumatakbo sa isipan ko na mga tanong, isang tanong ang pinaka masakit na tila ba hinding-hindi ko na malalaman ang dahilan. At kahit pa malaman ko, huli na ang lahat. Nasira na ang tiwala ko sa kanya.   Pinunasan kong muli ang aking mga luha saka patagilid na humarap sa aking kaliwa.    Bakit nya nagawa sa akin ito?   Napabuntong hininga ako. Hinayaan ko lamang ang sarili ko na umiyak ng umiyak. Ito ang una at huling pagkakataon na magkakaganito ako.    Maya-maya pa ay nakatulog na ako. Sa wakas kahit papaano sa pag tulog ko ay napahinga ko ang isipan ko sa mga bagay na gumugulo sa akin.      "Nine? Gising na. Mag-agahan na tayo, anak."    Hmm.. nagpa gulong-gulong pa ako sa kama ko. Ang sarap humiga at mag hibernate sana.    "Opo ma, susunod na po ako sa baba. Mag aasikaso lang po ako." Sagot ko kay mama. Hindi na ko nag abalang buksan ang pinto ko. Tinatamad pa ko.   Nag unat-unat ako saka tuluyang bumangon na. Nagdiretso ako sa aking cr upang maligo.   Napatingin ako sa aking mukha sa salamin. Sinipat ko ang ibabang labi ko na may maliit na sugat mula sa pagkakasapak sa akin kagabi sa bar.    Oo lasing ako kagabi pero tandang-tanda ko ang lahat ng nangyari. Nakakatawa lang kasi nagiging makakalimutin ako lately pero yung nangyari kagabi, nakarehistro na sa utak at sistema ko. Nang maalala ko ito, napa-smirk na lamang ako at pagkatapos ay saka ako tumapat sa aking shower. Binuksan ko ito at hinayaan ang tubig na dumaloy sa aking katawan. Dinama ko ang lamig ng tubig habang nakapikit.    Ilang sandali pa ay natapos na ako sa aking paliligo kaya nagpasya na akong bumaba upang mag tungo sa aming dining area kung saan ay kapwa nag aagahan na sila mama at papa.    "Good morning po ma, pa." Bati ko sa kanilang dalawa. Humalik ako sa pisngi nila at saka umupo sa aking usual na pwesto.   "Sige na, mag agahan ka na." Tipid na sagot ni papa sa akin habang nagbabasa sya ng dyaryo na.. nakabaliktad?   Sasabihan ko na sana si papa na baliktad ang dyaryo na binabasa nya ng magsalita bigla si mama.   "Ito Nine, gusto mo ba itong sinangag na niluto ko? Kape, gusto mo? Baka may hang over ka? Makirot ba ang ulo mo?" Akmang tatayo na si mama para ipag timpla ako ng kape ng pigilan sya ni papa.   "Akala ko ba ang usapan natin, we will act normal? Napaka- obvious mo naman dyan eh." Ibinaba ni papa ang dyaryong binabasa nya. Natatawa na namamangha ako sa inaakto nilang dalawa.      "Ako? obvious? Eh ikaw nga baliktad pa yang dyaryo mo!" Pang aasar din ni mama kay papa. Nawiwili ako sa kanilang dalawa. Hindi man ako sinwerte sa love life, swerte naman ako sa parents ko. Cool and understanding nila. I don't have to worry na mag confess pa sa kanila tungkol sa kung sino ang natitipuhan ko ngayon dahil wala naman ng iuusad pa iyon.    Let's just pretend that nothing happened between Santos and I.    Biruin mo yun, blessing in disguise pa pala yung nangyari kagabi. Dalawa agad sa inaalala ko ang nawala. Confession sa parents ko at ang 'label' namin ni Santos.   "Hala sige Nine, lokohin mo rin sarili mo." Panunuya sa akin ng aking konsensya.   "Tss.. wag ka ngang umeksena ngayon!" Pangongontra ko sa sarili ko.   "Nine?" Napalingon ako kina mama at papa na halatang nagulat sa sinabi ko. Hindi ko napansin na napalakas pala ang sinabi ko at narinig nila iyon.   "Wala po! Sabi ko po kain na tayo, sobrang sweet nyo po, baka mabusog po ako sa nakikita ko, sayang po yung food na niluto ni mama." Ngumiti ako ng napakalawak upang ipakita sa kanila na okay lang ako at wala silang dapat na ipag-alala pa.   "Ikaw talaga. Hala sige, kumain na tayo ng agahan."    "Nine, inexcuse ka muna namin sa klase mo for two days ha? Ayos lang ba na two days, hiramin ka muna namin?" Pagbibigay alam sa akin ni papa matapos naming mag agahan. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon dito sa may hardin.    Naglalaro lamang ako sa aking cellphone ng online game samantalang si papa ay abala sa ginagawa nya sa laptop nya at si mama naman ay aligaga sa pag-aasikaso ng mga halaman nya sa hardin.   "San po tayo pupunta?" Curious na tanong ko naman. Actually, okay lang naman sakin ang mawala ng two days sa klase, madali lang humabol sa klase. Pwede rin naman akong humiram ng notes kina Ashley at Francis para hindi ako ma-left out sa klase namin.    Mas gusto kong sulitin yung ganitong pagkakataon na nakakasama ko sila mama at papa.    "Wala naman, travel lang tayo sa Palawan or sa Baguio para malapit lang since two days lang naman tayong magbabakasyon. Ipinagpaalam na kita sa school dean ninyo. Tinawagan at kinausap ko na sya ng personal." Tumango na lamang ako bilang tugon kay papa. Hindi na ko nagulat sa ginawa nya, isa ito sa ugali ni papa na nakasanayan na namin.    "Tinutukoy mo ba ang sarili mo, Nine?" Pang aasar sa akin ng aking isipan. Tsk, umeepal na naman eh.   Speaking of plano at pagiging organized. Nag desisyon akong ichat sila Francis at Ashley sa gc namin para magpaalam sa kanila. Mahirap na, baka kung ano pa isipin nila sa dalawang araw na hindi ako papasok sa school.   'Yow! Hindi ako papasok ng two days.' nag send ako ng message sa gc namin.   Tsk, mga tulog pa yata sila, wala pang nagsi-seen sa kanilang dalawa eh.   Maya-maya ay tumunog ang phone ko. Binuksan ko ang message sa gc namin. Nag reply na si Ashley.   'Why?’ grabe pati sa chat, ang tipid sumagot eh.   Nagta-type pa lang ako ng reply ko ng makita kong na-seen na rin ni Francis ang chat ko at nagreply sya rito.   'Wow, pag broken pwedeng umabsent? Sana all!' basa ko sa reply ni Francis. Tsk, sabi na eh iyon agad ang iisipin nila na reason ko.   'Two days family outing po.' chat ko sa kanilang dalawa.   'Ah I see. Enjoy your outing!' Sagot muli ni Ashley sa mensahe ko.   'Gusto ko sana sumama kaso masipag akong mag-aaral kaya mas uunahin ko ang acads ko. Pasalubong na lang ang request ko hihihi.' Reply agad ni Francis ng malaman nya ang rason sa pag absent ko ng two days.   'Hahaha kahit kailan talaga, oo sige pag balik ko may pasalubong kayong dalawa.' For sure tuwang tuwa na nito si Francis. Parang bata iyon eh.   Makikipag kulitan pa sana ako sa kanilang dalawa sa gc namin ng mabura bigla ang mga ngiti sa aking labi at bumilis bigla ang t***k ng aking puso.    Takte, nakalimutan kong member din pala sa gc namin si Santos.    Kinakabahan na hinihintay ko ang mensahe nya dahil nakita ko sa screen na typing na sya.   Binlock ko lang pala ang phone number nya sa contacts ko, nakalimutan ko syang i-block sa social media accounts ko.   Sa sobrang kaba ay nagmamadali akong nag leave ng gc namin. Ayoko syang kausapin. Matapos kong umalis sa group chat namin ay saka nagmamadali akong nagbukas ng social media accounts ko, inuna ko na ang f*******: ko. Binlock ko sya doon pati na rin sa ibang socmed ko na may connection sa kanya.   Ayoko syang makausap. Ayoko ring makita sya muna.    "As if namang hindi mo sya makikita sa school pagbalik mo after ng outing ninyo ng parents mo?" Tanong sa akin ng aking isipan.    Alam ko namang hindi ako makakaiwas habang buhay kay Santos, ang sa akin lang, for the mean time ayoko muna syang makausap, makita o makahalubilo.    Nag balik ang aking atensyon sa aking cellphone ng makita ko na nagri-ring ito.   "Hindi mo ba sasagutin iyang tumatawag sa iyo?" Tukoy ni papa sa cp ko na sige pa rin ang ring nito.   "Ah opo, excuse lang po." Agad akong tumayo at pumasok sa loob ng bahay. Sinagot ko ang tawag ng mapansing wala ng ibang tao sa paligid ko.   "Hello?" Bungad ko kay Ashley.   "Nine, I don't want to be unfair kay Santos o kahit sa iyo. Parehas ko kayong kaibigan. Si Francis at ikaw, parehas kayong umiiwas kay Santos ngayon at nirerespeto ko ang desisyon ninyo. Pero sana maintindihan mo rin ako if hindi ko magagawang putulin ang koneksyon ko kay Santos. May reasons sya, we just need to know it and to hear it from him." Sagot kaagad sa akin ni Ashley.   Huminga ako ng malalim saka ko sya sinagot. "Ash, okay lang if yan ang desisyon mo. Salamat sa pang unawa mo at ngayon pa lang humihingi na ako sayo ng sorry kung sakaling maiipit ka sa sitwasyon namin ni Santos."    "Parehas kayong mahalaga sa akin dahil kaibigan ko kayo. Nandito lang ako para sa inyong dalawa, para sayo." Iyon lang sinagot ni Ashley sa akin at pagkatapos ay ibinaba na nya ang tawag.   Bumalik ako sa hardin kung nasaan ang parents ko para magpaalam sa kanilang dalawa.   "Ma, pa lalabas po sana ako sandali. May bibilhin lang po ako sa labas." Naisipan ko kasing bumili ng paborito kong kape doon sa coffee shop na tinatambayan ko noon. Matagal na rin yung huling beses na nagpunta ako roon.   Ewan ko ba, biglaan lang nag crave ako sa kape na binibili ko doon.   "Bakit hindi ka na lang umorder thru online? Para di ka na mapagod na lalabas ka pa." Suhestyon ni mama.   "Hindi na po ma, titingin din po ako baka may maisipan pa po akong gustong bilhin. Magpapahatid naman po ako kay Kuya Ryan." Hinubad ni mama ang gloves sa kamay nya saka nagpunas ng kanyang pawis sa noo.   "Oh sya sige, pasabay kami ni papa mo. Bilhan mo rin kami ng kape na tinutukoy mo ng matikman naman namin iyon." Pag payag ni mama.   "Si Kuya Leo mo na ang magmamaneho sa iyo. Kahapon lang sya naka-leave dahil birthday ng dalawa nyang anak." Sabi naman ni Papa. Medyo napatigil pa ako sa narinig ko.   "Oh ano, hindi ka pa lalarga?" Tinapik ni mama ang braso ko.   "Ay palaka ka!" Gulat na bigkas ko kay mama. Hindi ko kasi namalayan na nasa tabi ko na pala sya.  She gave me a warning look.   " Ay Dyosa pala..." Pag lalambing ko naman agad kay mama sabay yakap sa kanya.   "Naman! Ang init, sige ka pa yakap. Kita mong pawis ako oh. Sige na lumarga ka na. Yung bilin ko ha." Pag tataboy sa akin ni mama.    "Opo!" Masiglang sagot ko naman at sumaludo pa ako.   "Kuya Leo, sa may dating coffee shop po tayo." Pagbibigay alam ko kay Kuya Leo na kasalukuyang ini-start ang makina ng kotse. Naka-pambahay lang ako ngayon. Simpleng t-shirt at shorts tutal saglit lang naman ako.   "Sige po sir." Sagot nya sa akin na ngayon ay nagmamaneho na sya ng sasakyan. Pinapakiramdaman ko kung may kakaiba sa kilos o pakikitungo ni Kuya Leo sa akin ngayon, baka kasi may idea sya sa current situation namin ni Santos ngunit mukhang normal naman ang lahat. Kaya nag kibit balikat na lamang ako.   Nasa gitna na kami ng byahe ng magsalita si Kuya Leo.   "Sir, nag dala po ako ng cake. Ipinapabigay ng panganay ko sa inyo. Huwag po kayong mag-alala hindi po iyon tira-tira na cake. Ipinag bukod po talaga kayo ni Baste." Nakangiting sambit ni kuya Leo. Bakas sa  mukha nya ang saya. Hindi ko man matanaw ang mukha ni Kuya Leo dahil nasa likod ako nakaupo ay alam kong nakangiti sya sa mga oras na ito.   "Ay oo nga po pala, happy birthday po sa dalawa ninyong anak." Nakangiti ring sagot ko kay Kuya Leo.   "Naku sir, salamat po ha. Sobrang saya ko nga po na napayagan ako nila ma'am at sir na mag leave kahapon. Noong Sabado pa po ang birthday ng panganay ko at yung bunso ko naman ay kahapon po ang birthday. Pinagsabay na lamang ang selebrasyon para tipid na rin sa handa." Grabe, napakabuting ama ni Kuya Leo sa mga anak nya. Kahit na kapos sa buhay ay nagagawan pa rin nya ng paraan na mai-celebrate ang birthday ng mga anak nya.    Napaisip ako bigla, noong sabado pa pala ang birthday ni Santos.    Sabagay, eh ano naman kung noong sabado ang birthday nya? Ganun pa rin naman ang sitwasyon namin. Hindi mabubura sa isipan ko ang nakita ko sa video. Imposibleng walang namamagitan sa kanila ni Sharmaine. The way he responded sa halik ni Sharmaine, the way he smiled at her and the way people tease them doon sa video na hindi man lang nya kinontra ang mga ito? Malinaw na malinaw ang katotohanang may namamagitan sa kanilang dalawa. At yung sa amin? kalokohan lamang iyon. Hindi iyon mahalaga at never iyon naging mahalaga sa kanya.    If what we have is important, he will never ruin it.   Ngumiti ako ng mapait. Alam ko naman na at aminado naman na ako. Talunan ako.   "Sir? hindi po kayo nakarating kahapon, sinabihan ko pa naman si Baste na imbitahan kayo." Pagpaptuloy ni Kuya Leo sa usapan namin.   "May family dinner po kasi kami Kuya saka lumabas din po ako kasama ang friends ko." Tumango-tango naman si Kuya Leo.   "Naiintindihan ko sir, minsan lang nasa mansion sila ma'am at sir. Tama po iyon na unahin nyo sila na makasama. Di bale sir, next year sana makasama na kayo." Masiglang sambit ni Kuya Leo.      "Salamat sa pag-intindi Kuya Leo. Babawi po ako next year. Sisiguraduhin ko pong present ako" Nakangiting sagot ko naman sa kanya.    Napalingon ako bigla sa cellphone ko na tumutunog.    May tumatawag sa akin ngunit unknown number ito. Hindi ko ito sinagot. Hindi ko naman kasi ugali ang sumagot ng tawag mula sa di ko kakilala.   Kaka-off ko pa lang ng tawag ay nagri-ring na naman ang cellphone ko. Tawag ulit mula sa unknown number.    In-off ko ulit ang tawag.   Maya-maya ay tumatawag muli ito.  Napapalingon na rin sa akin si Kuya Leo kaya nag desisyon na akong iblock ang number na tumatawag sa akin.   Ilang minuto ang lumipas ay tumunog muli ang cellphone ko.    Phone call mula sa unknown number na naman pero this time ibang number ito doon sa kanina na tumatawag sa akin.   Seriously?! Sino ba nangti-trip sa akin today?   Naiirita na in-off ko ang tawag.   Hmp! decline ka, akala mo ha.   Kaka-decline ko lang ay tumatawag na naman ito.    I decided to block the caller.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD