“CHAPTER 4: Rescue”

3196 Words
  It’s been two weeks since the kissing incident happened.  Nandito ako ngayon sa opisina ni Dean Bravo para sa result ng investigation nila. “Let’s wait for Mr. Santos bago ko sabihin ang resulta ng investigation, pinasundo ko na sya sa secretary ko.” Pagbibigay alam sa akin ni Dean Bravo. Ipinasundo na daw nya sa secretary nya si Santos.   Wow, pa-VIP lang?   After five minutes ay kumatok ang sekretarya ni Dean Bravo at ipinaalam sa amin na wala si Santos today at one week na itong hindi pumapasok ng klase. Walang nagawa si Dean Bravo kundi ako na lamang ang kausapin muna.   “Okay Miss Reyes, you may now leave us here.” Pagdidismiss ni Dean Bravo sa kanyang secretary.   “Since Mr. Santos isn’t around, let me just talk to you Mr. Villafuerte.” Pag uumpisa nya. Umupo na sya sa kanyang swivel chair at sa ilalim ng table nya ay may dinukot syang isang blue folder at inaabot ito sa akin.   I gave him a questioning look. He motioned me na buksan ang folder. Puro ito mga litrato at may document din na naka-attach na nagpapaliwanag ng nilalaman ng mga litrato.   Sa mga litrato sy makikita si Santos na namamasada ng jeep, tapos meron ding litrato na tila nasa isang coffe shop sya at nakasuot pa sya ng apron. Ang ibang pictures naman ay kuha nya dito sa campus, meron din sa library.   “According to the investigation, Mr. Santos is telling us the truth about bullying. Tingnan mo ang last picture.” Utos sa akin ni Dean Bravo. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa akin habang fini-flip ko ang pages upang makita ang picture na tinutukoy nya.   “Makikita mo sa picture na iyan ang grupo ng mga lalaki at base sa background checking na ginawa namin, sila ay mga kaklase mo. Pinasundan ko sa private investigator si Santos at napag-alaman namin na halos araw-araw ay inaabangan sya ng mga ito upang komprontahin, minsan ay para bugbugin. Hindi malinaw ang motibo ng mga bullies ni Santos lalo na at involved ka sa hidden agenda nila.” Pagpapaliwanag ni Dean Bravo sa akin.   “Yung mga lalaki sa pictures, yes po Dean kaklase ko sila and yung isa po sa kanila ay si Bryan, yung kaklase ko na mahigpit ko pong kalaban ngayon. Running for suma cumlaude rin po sya. If in terms of motive, wala po akong maisip na mabigat na motibo nila para mag utos ng ibang tao para saktan o sirain ang reputasyon ko dahil maayos po ang samahan namin. They are all friendly.” I am trying to analyze the situation. Nakakainis lang kasi absent pa si Santos ngayon, mas alam nya ang sagot sa mga tanong ko para maging malinaw ang lahat.   “Don’t you think, being a suma cumlaude is enough as a reason para  gawan ka ng masama? I mean let’s be realistic Mr. Villafuerte, may mga students out there na big deal sa kanila ang bagay na para sa iyo ay maaaring simple lang”   Napaisip ako sa sinabi ni Dean Bravo… may possibility nga na kaya nila inutusan si Santos ay para masigurado nilang hindi na ako magiging hadlang  pa.   “Napaka-immature ng strategy nila, maaaring yan ang nasa isipan mo ngayon Mr. Villafuerte. Anyway, ang makakasagot talaga ng mga tanong natin ay si Santos, unfortunately one week na syang hindi nagpapakita dito sa campus. According to our private investigator ay hindi rin ito namamasada ng jeep at hindi rin ito pumapasok sa part time job nya. Akala ko papasok sya today since I informed him na today tayo mag-uusap tungkol dito. I wonder bakit nagkukulong sya sa bahay nila.” Kinuha na muli sa akin ni Dean yung blue folder na hawak ko kanina.   “So, ano ang plano mo ngayon tungkol sa nalaman mo? Itutuloy mo ba ang pagsasampa sa kanya ng kaso o pagpapaalis sa kanya dito sa school gaya ng sinabi mo noon?”   “Hindi na po Dean since victim rin sya ng situation though I am not 100% convinced dahil base sa pagkakatanda ko, hindi nagtutugma yung sitwasyon na napilitan lang syang gawin iyon sa idea na as he ended the kiss, he smiled or should I say, smirked at me.” Medyo nag alangan pa ko sa salitang kiss,  naiilang ako banggitin ito. It gives me chills lalo nap ag naalala ko ang nangyari.   “Mas mainam na magkausap rin kayong dalawa para maklaro mo yang sinasabi mo sa kanya. Baka kasi mamaya, it is because of shock kaya yan ang nagregister sa memory mo.”     “How about those bullies? Ano pong gagawin ninyong hakbang about dun? This is a very serious matter.” As I have mentioned last time, hindi naman na talaga big deal sa akin yung kissing incident kasi narealized kong lilipas din ito. As long as hindi makakarating sa parents ko ang issue na ito ay okay na ako but knowing the truth na may mga bullies sa campus na matindi ang kayang gawin, baka may mabiktima pa silang ibang students.   “Don’t worry Mr. Villafuerte, we will get in touch with Mr. Santos. Hopefully pumasok na sya at makipagtulungan sya. Kailangan pa namin ng another evidence to prove that those bullies are guilty. Hindi ko hahayaang masira ang reputasyon ng university natin at may mabiktima pa silang ibang estudyante. As for the video na kumalat tungkol sa kissing incident, pinabura na namin ito and we made clear na automatic na mae- expel sa university ang sino mang magtatangkang magpakalat pa nito o may kopya pa nito. Do you have any concern, Mr. Villafuerte?” “How about those bullies? For sure may kopya sila ng videos.” I said right away. I mean if yung goal ng mga bullies ay sirain ang reputation ko; na once na mangyari ito ay magiging emotionally unstable ako and will later on affect my academic performance. Grabe, ganun ka-talino rin ng mga kaklase ko/ bullies. They can’t hurt me physically kaya ibang strategy ang ginawa nila. Immature ang actions nila pero matalino ang strategy nila.   Sasagot na sana si Dean Bravo ng makarinig kami ng pagkatok sa pinto ng opisina nya.   “Yes, come in.” Tukoy ni Dean sa taong kumakatok. “Dean nandito na po sila.” Bungad ng secretary ni Dean.   “Papasukin mo sila sa kabilang kwarto at sabihan mo silang hintayin nila ako doon. Siguraduhin mong hindi sila lalabas ng kwartong iyon hangga’t wala pa ako.”   “Okay po dean.” Magalang na pag tugon ng secretary nito at agad ring isinara muli ang pinto. Nagbalik muli ng tingin sa akin si Dean Bravo at nakangiti na ito ngayon.   “Huwag kang mag-alala, siguradong hindi na nila ikakalat ang video or else, yung pangarap ng isa sa kanila na maging suma cumlaude ay maglalahong parang bula. Kung wala ka ng iba pang concern, you may now proceed to your class, hinihintay na rin ako ng mga kaklase mo sa kabilang kwarto.” Pagdi-dismiss sa akin ni Dean Bravo.     So pinatawag rin pala nya sila Bryan?   Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Paglabas ko ng opisina nya ay doon ko pinakawalan ang isang buntong hininga. Hindi ko napansin na pigil pala ang paghinga ko kanina sa loob. At least nabawasan ang alalahanin ko. Sana yung about sa bullies maresolba na rin. Somehow nakaramdam din ako ng awa kay Santos lalo na at scholar sya plus may iba pa syang ginagawa to earn a living.   Naaawa ka dun eh diba nga nginitian ka pa nya after kang halikan? Pangungutya ng sarili kong isipan sa akin.   Baka nga yung nagregister sa memory ko na reaksyon ni Santos matapos ako…ha…err… halikan… ay hindi talaga totoo at resulta lang ng pagkabigla at pagkalito. Tsk, hindi ko talaga mabanggit yung salitang iyon dahil naalala ko yung mukha ni Santos at yung labi nya sa labi ko. Ang cringey.   Napapakamot ako sa ulo ko sa mga naiisip ko habang naglalakad ako papuntang library. Dadaan lang ako para silipin kung andun si Santos kaso pagdating ko doon ay ibang scholar ang naka-duty. Absent na naman daw si Santos at nagtext daw sa kanya na may sakit ito.   “Nasaan kaya yung mokong na iyon at hindi nagpapasok?” Tanong ko sa sarili ko.   “May sakit kaya talaga sya? Hayst bahala nga sya.”   Bakit concern ka bigla sa kanya? Panunukso pa ng isipan ko.   “Gusto ko kasi syang makausap, baka may maitulong ako sa kanya kasi for sure emotionally and physically affected sya sa nangyari lalo na at inaabangan pala sya palagi nila Bryan para bugbugin I hate injustices, remember?” Depensa ko naman sa sarili kong isipan na tinutukso ako.   “Humanda talaga sakin si Bryan at ang grupo nya. Kung matalino sila, mas matalino ako. Makakaisip din ako ng paraan to get even. To get justice. Hindi ako uupo at maghihintay lang sa gagawing aksyon nila Dean Bravo. Mabuti na yung sigurado, kesa umasa lang sa iba.” Kunot noo akong naglalakad at busy sa aking mga iniisip ng biglang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.   “Nine!!!” Sigaw sa akin ni Francis na tumatakbo papalapit sa akin. Kasunod nya si Ashley na tahimik na naglalakad.   Nakalunok na naman ng mega phone itong si Francis.   “San ka ba nagpupunta ha? Kanina ka pa namin hinahagilap diba Ash?” Umakbay sa akin si Francis samantalang si Ash ay nasa kaliwa ko naman at tumango lang bilang sagot.   Speaking of Ash, todo iwas pa rin sya kay Francis at minsan napapadalas ang di nya pagsabay ng lunch sa amin ni Francis. Although nafu-frustrate ako sa ganitong sitwasyon ay mas nangingibabaw ang pang unawa ko kay Ashley.   “Kay Dean Bravo.” Magtatanong pa sana si Francis ng biglang saktong tumunog ang bell.   “Hayst, Research na naman! Kelan ba matatapos ang sem?” Exaggerated na sabi ni Francis habang naglalakad na kami patungong classroom.   ….. After class ay nagdiretso na ako sa office ng Organization for Stray Dogs. Ngayon kasi naka schedule yung community visit namin upang magbigay ng literacy training sa mga tao sa Baseco para sa tamang pag aalaga ng kanilang mga aso pati na rin ang mga vaccines na kailangan ng kanilang mga alaga para maiwasan ang rabbies, may pa-free check up din kami sa mga aso nila.   “Nine, nakaready na lahat sa sasakyan ang mga gamit natin. Hinanda na namin para pagdating mo ay ready na tayong lumarga.” Bungad sa akin ni Lian. Ako kasi ang president ng club namin at si Lian naman ang Vice President. Maasahan sya palagi kaya hindi ako hirap sa club namin sa kabila ng demands and expectations sa isang president na kagaya ko.   “Ganun ba? Salamat dude. Tara na?” Pagyaya ko naman sa mga kasamahan ko na nadatnan ko pa sa office namin.   Nagsi-sakayan na kami sa sasakyan. Maya-maya pa ay dumating na kami sa aming venue. Nandoon na rin ang mga taong naghihintay sa amin. Hindi nakalampas sa mga mata ko ang tatlong bata na may dalang mga tuta at isang aso na mukang ina nung mga tuta. Ang cute nila tingnan. Kinuha ko ang camera ko na nakasabit sa aking leeg at kinuhaan ko sila ng stolen shot.   “Uy Nine, hindi pa tayo nakakababa ng sasakyan. Excited ka masyado.” Biro sa akin ni Lian na nangingiti sa ginawa ko.   “Ang cute kasi nila.” Maikling banggit ko naman. Isa- isa na kaming nagsibabaan ng sasakyan. Hindi na namin kailangang mag set up pa ng matagal dahil nakipag coordinate kami sa barangay officials dito at sila na nag ayos ng venue. Ibinaba na lang namin ang ibang mga gamit na dala namin plus yung mga idodonate naming gamit and vitamins para sa mga alagang aso nila dito. May kasama rin kaming  tatlong veterinarians na tutulong sa amin today.   Ilang sandali pa ay nag umpisa na kami sa training, then check up ng mga aso na dala nila at pamimigay ng donations namin.   Busy ako sa pamimigay ng donations ng lumapit sa akin ang isang bata. Hinihila pa nito ang laylayan ng damit ko to get my attention. Bakas ang luha nito sa mga mata. Mukang kakatapos nya lang umiyak. Nginitian ko sya at lumuhod ako para maging magka-level kami.   “Bakit, ano yun?” Mahinahon na tanong ko sa batang babae sa harapan ko. Hindi pa ito nakakasagot sa akin ay nag umpisa na itong humikbi.   Mukang matatagalan pa ko dito sa batang kausap ko kaya tinawag ko muna si Chelsea, isa sa mga kasamahan ko para sya muna ang mag asikaso sa pamimigay ng donations.   Tinanong ko ulit yung bata sa kung ano ang kailangan nya sa akin. Humihikbi ito na itinuro sa akin ang mga kapatid nya na may hawak na aso na nakatali.   Kasama ang batang babae ay lumapit ako sa mga kapatid yata nya.   “Hi kids, kapatid nyo ba sya?” Tanong ko sa mga ito sabay turo sa batang babe na kasama ko.   “Ay opo kuya, bakit po?” Sagot sa akin ng isa sa kanila. Mukang sya ang panganay sa kanila.   “Tinawag nya kasi ako kanina, umiiyak sya tapos tinuro kayo. May maitutulong ba ako sa inyo?” Hindi sila sumagot sa akin. Ang mga mata nila ay tila ba nagtataka at nagtatanong. “Ako nga pala si Kuya Nine ninyo, kasamahan ko sila.” Sabay turo ko sa mga kasamahan kong busy sa kani-kanilang ginawagawa. “Ako naman po si Binggo, tapos ito po ang mga kapatid ko, sila Bugoy at Bea. Umiiyak po yang si Bea kasi ayaw nyang pabakunahan itong aso naming si Kikay.”   “Bakit ayaw mo pabakunahan si Kikay?” Tanong ko naman kay Bea. Nagpunas ito ng mata nya, kagat kagat pa nya ang isa nyang daliri at humihikbi pa rin ito. “Kasi..Kasi po ku-kuya, masasaktan po si Kikay, kawawa po sya.” Umiyak na naman si Bea after nyang sabihin ito.   Kaya pala tinawag nya ako, para siguro pigilan ang mga kapatid nya. “Nasaan ba ang mga magulang ninyo, bakit kayo ang nandito?” Usisa ko pa dahil mula kanina ay sila lang ang nakita kong bata dito at walang magulang na kasama.   “Si papa po nasa trabaho po, driver po kasi sya tapos si kuya naman po namin ay nasa bahay, may trangkaso po sya kaya hindi nya po kami masamahan. Sya po nagsabi samin na pumunta po dito para kay Kikay at sa mga anak po ni Kikay.” Paliwanag naman sa akin ni Binggo.   So may mas panganay pa pala kay Binggo.   “Sige ganito ha, ako na ang bahala kay Kikay tapos kayong tatlo, punta muna kayo kay Kuya Lian nyo.” Kinawayan ko si Lian para sensyasan sya na lumapit sya sa akin. Agad naman itong tumakbo papalapit sa amin.   “Kids, sya si Kuya Lian ninyo. Sa kanya muna kayo sumama. Gusto ko kasi kumain ng ice cream, okay lang ba samahan nyo si Kuya Lian bumili ng ice cream? Hindi nya kasi kabisado ang bilihan dito.” Kinindatan ko pa si Lian para sakyan ang kung ano man ang sinasabi ko.   “Ah oo nga kids, hindi ko kasi kabisado dito. Magpapasama rin tayo sa barangay officials para may katulong tayo magbitbit ng ice cream. Marami tayong bibilhin para pati yung iba may ice cream din.” Buti na lang na-pick up agad ni Lian ang gusto kong mangayri.   “Samahan mo na muna sila, papaturukan ko yung aso nila, yung kapatid kasi nila umiiyak at ayaw paturukan ang aso nila dahil kawawa daw ito. Divert muna natin attention nila.” Bulong ko naman kay Lian para mas maintindihan nya ang nangyayari. Tumango naman ito bilang sagot na naiintindihan nya ang plano.   “Ano kids, tara na ba? Babantayan ni Kuya Nine ninyo yung aso ninyo, don’t worry.” Pagyaya ni Lian sa mga bata. Noong una ay nag-aalangan pa sila lalo na si Bea na ayaw pa sanang iwanan si Kikay sa akin pero napapayag rin namin sya. Halatang na-gets din ng mga kapatid nyang lalaki ang plano namin.     Habang naglalakad sila papalayo ay dinala ko na si Kikay sa veterinarian upang ichek ito. Bagong panganak si Kikay pero hindi ito aggressive na aso. Nakakagulat nga na hindi man lang ito nagpakita ng uneasiness and anxiety lalo na at hindi nya kami kilala.   Natapos ng bakunahan si Kikay. Ni-ready ko na ang mga matatanggap na donations nila Bea. Nagdesisyon pa ako na mag ipit ng pera sa isa sa mga basket na iuuwi nila. Pangdagdag tulong na rin pambiling gamot ng kuya nila na may trangkaso daw.   Sakto naman na kakabalik lang nila Lian. Kalmado na si Bea at busy itong kumakain ng ice cream nya.   Agad na pinamigay ni Lian ang mga ice cream sa mga kasamahan namin at sa mga taong sumali sa training namin.   Napalingon ako kina Binggo at Bea. Busy si Binggo na pinupunasan ang mga nagkalat na ice cream sa bibig at pisngi ni Bea.   Ang sarap siguro ng may kapatid.   Pagkatapos mapunasan ay nagdiretso agad si Bea kay Kikay. Nakaka-warm ng puso, halatang mahal na mahal nya si Kikay.     “Ganyan po talaga si Bea. Mas mahal pa po yata nya si Kikay kesa sa amin.” Pagbibiro naman ni Bugoy. Namangha naman ako kasi ngayon lang nagsalita si Bugoy. Kanina kasi tahimik lamang ito.   “Kuya Nine, Kuya Lian, uuwi na po kami. Magsasaing pa po kasi ako. Malapit na po kasi magdilim.” Pagpapaalam ni Binggo sa amin.   “Sige lang pre, ingat kayo.” Sagot naman ni Lian sabay high five pa sa mga bata.   Charismatic pala si Lian sa mga bata. Wala pang 24 hours, close na agad sila.   “Ihatid kaya natin sila?” Bulong ko kay Lian. “Delikado, malapit na magdilim saka alam mo naman itong venue natin diba.” Alanganing sagot sa akin ni Lian. “Pasama na lang tayo sa mga officials para sure na safe tayo? Tingnan mo, mahihirapan silang buhatin at iuwi lahat yun.” Sabay turo ko kina Bea na inaasikaso na yung mga iuuwi nilang donations galling sa amin.   “Okay sige, tawagin ko lang si Kap. Basta hindi rin tayo magtatagal ha.” Pagpayag sa akin ni Lian.   “Oo naman. Sa labas lang tayo ng bahay nila, hahatid lang naitn sila. Ang cute talaga nila sobra eh.” Natatawang naglakad na si Lian papunta kay Kap para siguro sabihan din ito sa plano namin. Ako naman ay lumapit muli kina Bea.   “Ihahatid namin kayo ni Kuya Lian ninyo. Mukang hindi ninyo kayang buhatin ang lahat ng iyan” Sabay turo ko sa mga dadalhin nila.   Napakamot sa ulo si Binggo at tumango rin. Alam rin nyang hindi talaga nila kayang buhatin ang lahat ng dala nila.   “Salamat po kuya Nine!” Masiglang banggit naman ni Bea na nakahawak na muli sa laylayin ng damit ko.   “Okay na, tara na! Uwi na tayo. San ba kayo nakatira?” Banggit ni Lian pagkalapit nya sa amin. Kasama na nya si Kap at dalawa pang tanod na tumulong na rin sa pagbitbit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD