Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng aking cellphone, tunog ng alarm clock ko na nakapatong sa table ko at sa katok sa pinto ng kwarto ko.
Kainis, ano bang meron?
Una kong pinatay ang aking alarm clock. Sumasakit ang ulo ko sa ingay sa paligid ko.
Sunod naman ay binuksan ko ang aking cellphone upang tingnan kung sino ba ang tumatawag sakin.
Wow, 14 missed calls from Francis plus 3 messages from Ashley.
Binuksan ko ang chats sa akin ni Ashley, and holy cow! Nawala ang antok ko sa nabasa ko.
Nagmamadali akong bumangon at kinuha ang robe ko.
“Sandali, maliligo lang ako!” Sigaw ko sa taong sige pa rin ang katok sa pinto ko. Hindi na ko nag aksaya ng panahon para alamin kung sino ang kumakatok sa pinto ko.
After maligo ay nagmamadali akong nagbihis at kinuha ang backpack ko. Sinigurado kong dala ko ang laptop ko at yung librong hiniram ko sa library kahapon.
Pababa pa lamang ako ng hagdan ay nakaabang na agad sa akin si Francis at Ashley na parehas hindi maipinta ang mga muka.
“Dude, sorry talaga, di ko naman alam na ganun pala ang mangyayari” Pag uumpisa ni Francis.
“Matanda ka na para yan ang gamitin mong rason, Francis” Mahinahon ngunit halata ang inis sa boses ni Ashley.
“Guys, pwede ba? All we have to do is find a solution to this mess. Huwag na kayo magtalo please lang kasi ang aga-aga, nagbabangayan kaagad kayo. Nasaan na yung Francis at Ashley na kaibigan ko noon? Yung palaging nag-aasaran, nagkakapikunan pero masaya tayo noon!” Frustrated na sabi ko sa kanila.
I know I should not let my emotions cloud my judgement, at least not today.
Nilampasan ko silang dalawa at naglakad na ako patungo sa kotse. Bago pumasok ay nilingon ko silang dalawa na palabas na rin ng bahay naming.
“Oh, baka pati sa idea ng pagpasok sa school today pagtalunan pa natin?” Pagbibigay diin ko sa issue nila kahapon kung bakit na-late si Francis.
“No worries dude, I have my car with me.” Pagbibigay assurance naman ni Francis.
Sumakay na kami sa kanya-kanyang sasakyan naming. Magkikita na lamang kami sa library to discuss this mess.
“Good morning sir, maaga po tayo ngayon?” Bungad sa akin ni Kuya Leo
“Yes, po kuya, may emergency kasi sa school.” Sagot ko sa kanya habang busy na nagbo-browse sa laptop ko. Hindi ako pwedeng mag aksaya ng oras.
“Naku, yung panganay ko nga sir, ayun at maaga ring umalis ng bahay pero hindi sya namasada ngayon, may emergency din daw sa klase nila.”
“Araw po yata ng puro emergency today.” Pabiro na lamang na sagot ko kay kuya Leo. Ngumiti lamang ito bilang tugon sa akin.
Maya-maya ay nakarating na kami sa campus. Nagmamadali akong lumabas ng kotse at nagpunta sa library. Nakaabang na kaagad sa akin sina Francis at Ashley na kasalukuyang nakaupo kung saan kami naka-pwesto kahapon.
“Okay, we still have two hours to fix this mess. Let’s now start.”
Nag umpisa na ulit akong magbrowse sa laptop ko, binalikan ko yung mga articles na nahanap namin kahapon samantalang si Ashley ay seryosong inuulit yung kanyang design sa power point. Matapos nyang ayusin ito ay binigay naman nya kay Francis ang power point para ito naman ang mag insert ng images at videos na ilalagay as part of our content. Binigay ko na rin kay Francis yung articles na ico-copy paste na lamang nya sa power point namin. Buti na lang talaga at fresh pa sa memory namin yung mga pinaglalagay namin sa report namin kahapon.
Lesson learned, always have a back up sa mga files. Hays…
Si Francis na lamang ang hinihintay namin na matapos. Naglalagay din sya ng hyperlink sa ibang part ng power point namin since matatagalan pa if bubuksan pa at kokopyahin ang content ng ibang articles. Didiskartehan na lamang namin mamaya sa presentation yun.
Ito yung isa sa gusto ko sa mga kaibigan ko. We are all the same in terms of our goals.
Busy ako sa pagliligpit ng mga librong kinuha namin kanina sa bookshelves samantalang si Ashley ay busy naman sa pagliligpit ng gamit nya. Nasa mesa kasi namin lahat ng gamit namin dahil sa pagmamadali kanina. Si Francis ay nakatutok naman sa laptop.
“Tapos na ba? Five minutes na lang at bell na. Tayo ang unang magrereport.” Halata kong napepressure na si Ashley kaya hindi na nya napigilang sabihan si Francis.
“Heto ise-save ko na lang.” Sagot naman ni Francis.
“Done!” Napatayo pa si Francis sa sobrang tuwa nya at akmang magha-high five kay Ashley na syang mas malapit sa pwesto nya.
Tiningnan lamang sya ni Ashley kaya ngumiti na lamang si Francis kapag kuwan.
“Umayos kayong dalawa, after class saka tayo mag-usap. Kung mahalaga itong samahan natin, makikipag cooperate kayo at aakto bilang mga matured individuals. Tara na, magrereport pa tayo kay Sir Chua.” Pagyaya ko sa kanilang dalawa. Sana lang huwag maapektuhan ang report namin sa kung ano man ang issues nilang dalawa.
Speaking of issues, may isa pa akong issue na kailangan ring ayusin.
Habang naglalakad papuntang classroom ay abala ako sa pag-iisip sa problema ko kay Santos. Nakayuko akong naglalakad dahil ramdam ko ang akward atmosphere sa paligid ko. Paglingon ko sa mga kasama ko ay tahimik lang silang naglalakad while giving me a questioning look. Mga nagtataka siguro sila bakit ako nakayukong naglalakad at bakit kami tinititigan ng mga estudyante sa hallway.
“May kailangan ka rin yatang sabihin sa amin mamaya?” Pagpasok ng room ay bumulong agad sa akin si Ashley. I just gave him a nod.
“Focus muna tayo sa report natin.” Nag-aayos na kami ng gamit namin para sa paghahanda sa report namin. Saktong natapos kami mag set up ay pumasok na si Sir Chua.
“Good morning everybody. Let us now start today’s group reporting, starting with Mr. Villafuerte’s group.”
With that being said ay nag umpisa na kami sa pagrereport. Malapit na kaming matapos, huling video na lamang para sa conclusion ng report namin.
Pinindot na ni Francis yung video para mag play ito ngunit biglang nagloading ito.
Mukang nalagyan ni Francis ng hyperlink yung video kaya nagredirect sa webpage.
Tahimik lang kami na hinihintay na mag-play ang video ng biglang…
“OMG the guy kissed Nine! OMG let’s take a video” Yan ang maririnig sa video na nagpe-play sa screen namin ngayon. Magulo ang video at mapapansing nagkagulo rin ang mga tao na nahagip sa video na tila ba nakakita sila ng isang show.
Tila nabibingi ako at ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Walang salita ang makalabas sa bibig ko. Ramdam kong para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanlalambot ang mga tuhod ko.
This can’t be…
Nagmamdali si Francis na iend ang video kaso dahil yata sa kaba at pagkabigla ay imbes na exit ay volume ang napindot nya kaya mas lalong narinig ng buong klase yung mga boses sa video.
Parang umiikot ang paligid ko…
Kitang-kita sa video ang paghalik sa akin ng isang lalaki ngunit hindi nahagip ang pag ngiti nya sa akin after nya akong halikan Ang sumunod na nangyari na makikita sa video ay ang pagsuntok ko sa kanya. Naputol ang video ng dumating si Dean Bravo.
After mag end ng video, Francis gave me an apologetic look while Ashley seems to be in shock, the same with all our classmates and even Sir Chua.
Silence… awkward silence.
Ito yung silence na pinaka ayoko sa lahat.
“Thank you for your presentation Mr. Villafuerte, Mr. Reyes and Mr. Salvador. You may now take your seat.” Mahinahon na pagsasalita ni Sir Chua.
Niligpit namin ang ga gamit namin at nagdiretso na sa aming mga upuan. Sakto namang nag bell, signaling us na tapos na ang period namin.
Nagsilabasan na ang mga kaklase namin.
Si Sir Chua naman ay dal ana ang kanyang mga gamit ngunit bago sya tuluyang lumabas ay bigla syang lumingon sa akin at nagsalita, “Ano man ang nangyari, don’t let it distract you. Sana masolusyunan ninyo ang issue na ito. Hindi magandang record ito para sa graduating student na running for suma c*m laude na kagaya mo.”
With those words ay napabuntong hininga na lamang ako. Nilingon ko ang mga kaibigan ko and forced a smile.
“Tara, kain tayo? Gutom na ko eh” Kapagkuwan ay nauna na akong lumabas. Humabol naman silang dalawa. Si Francis ay umakbay pa sa akin at malakas ang boses na nagsalita na tila ba pinaparinig nya rin sa ibang mga students na nasa hallway na nakatitig sa amin, specifically sa akin.
“Dude, ganun talaga ang pogi mo kasi! For sure isa yun sa secret admirer mo! Sana all talaga pogi!” Hindi ko alam pero medyo gumaan pakiramdam ko kahit na ang immature ng sinabi ni Francis ay naramdaman kong kaibigan ko pa rin sila at mas kilala nila ako kaya hindi dapat akong matakot na baka madisappoint sila sakin o i-judge nila ako.
Umakbay din sa akin si Ashely at ngumiti. “Tama ka dyan Francis, may mga tao kasing sa sobrang perfect dahil sa abilidad at galling ay di maiiwasang magkaroon ng problema at pagsubok. Normal lang yun lalo nap ag may mga taong inggit at naghihintay lang na magkamali si Nine para masira ang reputasyon nya.”
Mukang may mabuting dulot din naman ang naging problem na ito. First, mas napatunayan kong swerte ako sa mga kaibigan ko dahil kahit may away sila ay nagawa pa rin nila itong isantabi para damayan ako. Pangalawa, mas nagiging eager akong malaman at masolusyunan ang issue na ito.
Humanda ka Santos, malalaman ko rin ang totoo and justice will be served.
…
Kakatapos lang naming kumain when we decided nap ag usapan na ang mga dapat naming pag-usapan. Nagdesisyon sina Ashley at Francis na unahin na muna namin ang problema ko dahil manageable naman daw ang issue nilang dalawa.
“Actually, Nine napanood ko kagabi yung video kaya tinatawagan kita kaninang umaga about dun kaso both of you, you cut me off to what I was about to say kaninang umaga. Yun pala, ang pinaka concern ay yung sa report natin na ako rin ang may dahilan bakit ito Nawala.” Pag uumpisa ni Francis.
So alam na pala nya ang nangyari, hindi lang kami nagkaintindihan kaninang umaga.
“Tatanungin sana kita kanina para mapag usapan natin at para alam din namin ni Ashley kung paano kami makakatulong s aiyo kaso kayong dalawa ni Ashley, ang nasa isip ninyo ay yung report natin. Dude mas priority ko yung matulungan ka sa problema mo kesa dun sa report natin.” Okay, I’ll give credits to Francis. Mas nakafocus pala sya sap ag resolve ng problema ko which somehow warms my heart.
See? Francis is the happy go lucky of our group pero sya yung pinaka may pagpapahalaga talaga sa grupo namin. Don’t get me wrong,may pagpapahalaga rin kami ni Ashley sa friendship namin, mas Malaki lang talaga ang amount ng love mayroon si Francis sa grupo namin.
“Well apparently, the day na nalaman mo yan at gusto mong tulungan si Nine is also the same day you ruined our group research. What do you expect? Magbobrowse pa ko ng social media imbes na magfocus sa pagpeprepare para sa group report natin? Kaya ako, nung nalaman kong nawawala mo yung usb ng grupo kung saan naka-save ang report natin, of course nataranta ako. Grades natin nakataya doon. Paalala ko lang sayo yung bagong rules ni Dean Bravo.” Paglilitanya naman ni Ashley. Naiintidihan ko rin si Ashley sa aspeto na iyon.
“Pero Nine yung sa video kanina sa report natin, hindi ko sinasadya yun. Siguro sa taranta ko kanina, nung nag hyperlink ako sa video, yung link ng video tungkol sayo ang nainsert ko. Patapos na kasi ako sa pag edit kanina nung naisip kong icopy at isave yung link ng video mo para sana maipakita ko sayo after class kasi bothered talaga ako dude sa sitwasyon mo kaso hindi pala ako nagging mas maingat kanina. Sorry talaga Nine.” Paghingi pa ng paumanhin sa akin ni Francis.
“Hayaan mo na yun, with or without the video, kalat na sa buong department yung nangyari sa akin yesterday.” I just brush off the idea about the video played a while ago during our presentation.
“Ano ba talaga ang nangyari Nine?” Pag uusisa naman ni Ashley kaya wala akong nagawa kundi ikwento ang buong detalye ng pangyayari kahapon. As I look back to what happened yesterday, hindi naman pala sya ganun ka-big deal para sa akin. Siguro in shock ako kahapon pero ngayon, wala na lang ito sa akin.
“Kailan ang resulta ng investigation? What if totoo pala yung sinabi nung guy na rason bakit ka nya hinalikan?” Ashley is saying this, trying to weigh both sides of the issue.
“Ashley, hindi mo ba narinig sinabi ni Nine? The guy smiled or smirked after he kissed him! May napipilitan bang ganun ang reaction?” Pag-oppose naman ni Francis.
Here they are arguing again. Parang kanina lang sabi nila manageable ang issue nila sa isa’t isa.
“What if because of shock and adrenaline rush ni Nine ay ganun yung nagregister sa memory nya as a defense mechanism kasi nagulat sya and to top it all, that’s his first kiss plus it’s done in front of the public.” Pagre-reason out naman ni Ashley.
Napaisip ako dun sa sinabi ni Ashley. Is it really just my imagination about Santos’ reaction after kissing me?
“Sino nga ulit yung humalik sayo Nine? Hindi kasi kita sa video yung muka nya and sa mga nagpost ng video, hindi sya pinangalanan. Ikaw lang ang minention na involve sa issue.” Curious na tanong sa akin ni Francis habang iniinom nya yung iced coffee na inorder nya kanina.
“Isa pa yan, something’s off kasi bakit ikaw lang yung inexpose nil ana involved sa issue?” Ashley is really good at this.
“Si Santos yung guy na humalik sa akin” Nonchalant na tugon ko kay Francis.
Napabuga naman ng iced coffee si Francis upon hearing what I just said.
“Ring a bell?” Pabirong sabi ko kay Francis.
“What the?! Santos as in Santos the jeepney driver and the scholar na nakaduty sa library?” Tanong sa akin ni Francis habang pinupunasan nya ng tissue ang bibig nya at ang table na natapunan ng iced coffee nya. Good thing at hindi nya naibuga sa amin ni Ashley yung kape nya.
“Yes, sya nga.” Tipid na sagot ko.
“Hindi kaya gay si Santos at stalker mo sya? I mean dude, ang gwapo mo at ideal type ka talaga ng karamihan kahit lalaki magkakagusto sayo eh” Napa-face palm naman ako sa sinabi ni Francis. Seriously? Is that even an acceptable reason?
“Gust mo bang ipa-background check natin si Santos? Para malaman natin kung anong motibo nya?” Pagbibigay suggestion naman ni Ashley while totally ignoring Francis’ comment a while ago. Gusto ko yung idea ni Ashley para nga naman malaman agad namin ang sagot sa mga tanong namin pero gaya nga ng nasabi ko kanina, hindi na ito big deal sa akin unlike yesterday. I will look like a very desperate man trying to clean my name kung gagawin ko ito and hindi na ito ang top priority ko total wala naman na akong pakealam sa opinion ng iba basta hindi ito makakarating sa parents ko ay okay na ako, I can handle this. Lilipas din ito gaya ng ibang mga issue noon na kumalat dito sa campus.
“Hintayin na lang natin ang resulta ng investigation nila Dean Bravo. Mas magfocus tayo sa pag improve ng acads natin at sap ag ayos ng problema ninyong dalawa kasi in all honesty, hindi ako sanay na ganyan kayo sa isa’t-isa.” Pagda-divert ko ng attention nila dahil gusto ko ng idismiss yung topic about sa kissing incident.
“Simpleng pagtatalo lang naman yung sa amin and wala kang dapat ipag-alala kasi at the end of the day, magkakaibigan pa rin tayong tatlo” Pagbibigay assurance ni Francis. Napasulyap ako kay Ashley na tahimik lang at hindi magawang makatingin sa amin ni Francis. Pakiramdam ko may hindi pa ako alam sa totoong rason ng pagtatalo nila. Sakto naman na magsasalita n asana si Ashley ng biglang dumating si Mae.
“Hi babe!” Bungad nito kay Francis na ikinabigla naman ng isa.
“Hindi tayo nakapag date yesterday. How about today, free ka ba?” Maarteng pagtatanong pa nito.
Alanganing ngiti naman ang sinagot ni Francis kay Mae. Tumayo ito upang hilahin ang isang upuan kung saan uupo si Mae. Napakamot pa ito sa kanyang ulo na tila ba nag aalangan sa isasagot nito.
“Ah babe, sige sunduin kita later after class. Dinner date tayo.”
“Aw! Ang sweet talaga ng babe ko!” Sabay yakap ni Mae kay Francis na ngayon ay nakaupo na rin.
“Wow, hindi ba nya kami nakikita ni Ashley? Grabe gantong tipo ng babae trip mo?” Namamanghang bulong ko kay Francis.
“Wala eh, mahal ko.” Simpleng tugon naman ni Francis sa akin na tila hindi convincing yung pagkakasabi nya nito.
Tumikhim si Ashley upang makuha ang atensyon naming lahat.
“Kukunin ko lang yung books sa locker ko, magsasauli ako ng libro sa library.” Pagpapaalam nya sa amin. Since may libro rin ako na kailangang ibalik sa library ay tumayo na rin ako at sumabay sa kanya.
“Kita na lang tayo sa next period!” Sigaw ni Francis sa aming dalawa ni Ashley. Tumango na lamang ako bilang sagot.
Naiwan sa cafeteria sina Francis at Mae na tila ba sweet na sweet sa isa’t isa. Ibang klase talaga…
Tahimik na naglalakad kami ni Ashley papuntang locker room para kunin ang mga libro na isasauli ni nya sa library. Yung libro na isasauli ko ay nasa bag ko kaya hindi ko na kailagang magbukas pa ng locker ko.
Hindi pa rin ako mapalagay sa napapansin ko kina Ashley at Francis kaya nagdesisyon na akong mag usisa kay Ashley.
“Ash, may nililihim ba kayo sa akin? I mean, I respect kung ayaw nyong ipaalam sa akin ito, okay lang if hindi kayo ready na sabihin sakin ang kung ano mang totoong reason bakit may pagbabago sa pakikitungo ninyo ni Francis sa isa’t isa.”
Biglang huminto si Ashley sa paglalakad kaya napatigil din ako.
“I… I…” Nag-aalangan si Ashley sa sasabihin nya sa akin. Pansin kong kinakabahan rin sya.
Bakit kaya?
“I love him”. Maiksing tugon ni Ashley kasabay nag pagbuntong hininga nito na tila sumu-surrender sya sa kung ano mang battle ang hinaharap nya.
“Jusko, aklaa ko kung ano ng issue ninyong dalawa. Yung lang pala?! Of course, mahal mo sya. Mahal mo kami” Natatawang tugon ko naman. Minsan para talaga silang mga bata.
“I love him… romantically.” As a matter-of-fact na pagkaaksabi ni Ashley na para bang ang engot ko para hindi agad ma-gets yung sinasabi nya.
“What?!” one-word lang talaga lumabas sa bibig ko with my reaction sa nalaman ko.
Yes, nagulat ako sa nalaman ko. Sino bang hindi magugulat diba? Si Ashley, na-inlove sa tropa namin? Paano? Bakit?
“Paano? Bakit?” Hindi ko naiwasang i-voice out yung mga tanong sa isipan ko.
“I found out when we were in our second year. I tried to keep it. I mean, hello? We’re both guys and we’re friends. So, naisip ko baka na-attach lang ako kasi close tayong tatlo pero kung attachment lang yung nararamdaman ko, bakit sayo hindi ko naman yun nararamdaman? Nangyari pa na mas napalapit kami sa isa’t isa dahil sa idea nang pagsundo ko sa kanya every day.” Tila ba natalo sa isang giyera itong si Ash sa pagkakakwento nya. Ramdam ko yung lungkot and hopelessness nya.
“Do you hate me, Nine?” Tumutulo ang mga luha ni Ash na tanong nya sa akin. Agad akong lumapit sa kanya upang yakapin sya.
“Why would I? Para ko na kayong kapatid ni Francis.” I hugged him so tight to give him an assurance na walang lamat sa pagkakaibigan namin, na tanggap ko sya kahit sino pa sya.
“Alam ba ito ni Francis?” Kumalas si Ash sa pagkakayakap sa akin at umiling.
“Hindi nya pa alam. I was about to tell him kaso naunahan nya ako sa balitang may girlfriend na sya. Ang alam lang nya is may family problem ako kaya hindi ko na sya masusundo every day and all those excuses na pwede kong ibigay sa kanya na rason sa tuwing nagtatangka syang magtanong at i-confront ako” Pagpapaliwanag pa ni Ash sa akin.
Sobrang sakit siguro nun, yung mahal mo, may mahal na iba at wala kang magawa kundi magpanggap na hindi ka apektado.
Parang nakakatakot magmahal…
“But don’t worry, tumigil na syang magtanong sa akin and mukang okay naman na sya sa bagong set up lalo na at nakatuon na ang atensyon nya kay Mae and please Nine don’t even bother to make a move para sa sitwasyon na ito. Let bygones be bygones.” Pahabol pa na banggit ni Ashley. Alam kong nasasaktan sya pero pinapakita nya sa king kinakaya nya.
Wala akong nagawa kundi yakapin sya ulit ng biglang may narinig kaming nabasag. Pag lingon namin ay Nakita namin si Santos na tila natatarantang pinupulot ang mga nabasag na parte ng tila isang vase.
“So…sorry, dumulas kasi sa kamay ko yung vase. Lilinisin ko sana dyan sa cr kasi sira ang gripo sac r ng library.” Pagpapaliwanag nya sabay nagmamadaling tumayo at nagdiretso sa cr.
Nagkibit balikat lamang kami ni Ashley. Kahit na may issue pa kami ni Santos ay mas mainam na umiwas muna kami sa kanya lalo na at hindi pa lumalabas ang resulta ng investigation about sa kissing incident yesterday.
“Tara na? Malapit na next class natin. Baka andun naman ang librarian para asikasuhin ang isasauli natin libro.” Pagyayaya ko kay Ashley na ngayon ay kalmado na.
Tama si Ash, let bygones be bygones….