Mula kahapon hanggang ngayon ay tila “weird” na ang paborito kong salita to describe everyone and everything.
Bakit nga ba weird ulit today? Ah kasi pumasok na today si Ashley. Absent daw sya kahapon kasi wala sya sa mood kahapon pumasok. Weird.
Itong si Ashley na everyday sinusundo si Francis para di ito nale-late ay pumasok ngayon ng mag-isa. Very weird.
So nasaan si Francis? Heto at kararating lamang nya ng school kung kelan tapos na ang first period namin. That’s not weird kasi noon pa man bago nauso ang “Ashley fetching Francis system” ay lagi nang nale-late sa klase si Francis.
And guess what? Si Francis na late dumating, heto at galit nag alit kay Ashley.
“Kung wala ka palang balak na sunduin ako, edi sana nagchat ka man lang diba para fully aware ako na wala na pala akong aasahang dadating.” Litanya ni Francis.
Nandito kami ngayon sa library to do some research. Kailangan mapataas ang grades dahil wala pa ring changes doon sa panukala nila Dean Bravo about improving our academic performance.
Tahimik lang akong nakaupo dito at namamangha sa nakikita kong weirdness.
“So kasalanan ko pa na late ka ngayon pumasok? Bakit obligasyon ko bang palaging sunduin ka, what if nagdecide ako at sinabi ko bigla sayo na I changed my mind?” Pabalang naman na sagot ni Ashley.
I take note of the phrase “I changed my mind”. Parang may something dun sa pagkakasabi ni Ashley o baka guni-guni ko lang.
“Eh anong masama kung magsabi ng I changed my mind? May batas ba na nagbabawal sabihin yun?” Iritableng sagot naman ni Francis habang nagsusulat sa notebook nya. Halatang naiinis ito. Yung pagkakasulat nya halos mapunit na nag notebook nya.
“Wala namang masama sa I changed my mind, ganun talaga eh, may mga taong sa umpisa sigurado tapos eventually aatras kasi natatakot.” Patutsada naman ni Ashley.
“So sinasabi mong duwag ako?” Mataas na ang boses ni Francis. Matalim din ang tingin na ipinukaw nya kay Ashley.
“Itigil nyo nay an o pareha sko kayong palalabasin ng library. Magso-solo na lang ako sa group research na ito. Para kayong aso at pusa.” Pag-awat ko naman sa kanilang dalawa.
Naturingang mga lalaki na nasa third year college na pero kung magtalo daig pa mga bata sa elementary na nag aagawan sa lapis. Pagtatalunan pa talaga nila yung “hindi pagsundo kaya na-late”. Daig pa nila mag jowang may LQ.
Speaking of jowa…
“Hi babe, andito ka rin pala?” Bungad ni Mae kay Francis.
“Hi Nine, ano ginagawa ninyo dito?” Tanong naman sa akin ni Mae. Okay, that’s a very stupid question. Hindi nakalampas sa akin ang eye roll ni Ashley. Kung sarcastic ako, itong si Ashley tahimik pero savage itong taong ito.
“Ah nagreresearch kami para sa group project naming” Tugon ko kay Mae.
“Ah babe, mamaya na lang tayo mag-usap? Medyo busy kasi kami ngayon” Sabi naman ni Francis kay Mae habang napapakamot ito ng ulo na tila ba kinakabahan ito. He even glanced at me as if asking me for help.
“Oo nga Mae, okay lang ba mamaya na lang kayo mag-usap ng babe mo? Hinahabol kasi naming itong research.” Inemphasize ko talaga ang salitang babe. I am enjoying the tension in the atmosphere. Nagbabanta naman ang tingin na ibinigay sa akin ni Francis.
“Sige babe, mamaya na lang. Goodluck dyan.” Pagpayag naman ni Mae sabay alis ng library kasama ang mga friends yata nya.
Awkward… So bakit biglang tumahimik? Kulang na lang magkaroon ng kuliglig dito sa amin.
Natigil na ang pagtatalo nila Ashley at Francis. Parehas na silang naka focus sa group research naming.
“Nine, okay bang isama ko rin itong details na ito?” Tanong sa akin ni Francis.
“Sige dude, paraphrase mo na lang.” Sagot ko habang nakafocus sa binabasa ko.
“Nine, nilagay ko ito, okay lang bang baguhin ko yung design ng power point natin? Ang cheap kasi ng design” Tanong naman sa akin ni Ashley.
Napalingon naman sa aming dalawa si Francis na masama ang tingin.
“Ako gumawa ng design na yan since absent ka kahapon” Halatang irritable ito sa sinabi ni Ashley na cheap design.
“And so? Masyadong cheap yung design mo kaya papalitan. Bakit naman kami magse-settle sa pwede na kung kaya ko pang iimprove?” Pabalang naman na sagot ni Ashley.
Another weird thing. Yes, savage si Ashley pero maingat sya pagdating kay Francis kasi alam nyang in the inside, sensitive itong si Francis kaya as much as possible ay ine-encourage naming ito para maboost ang confidence nito imbes na idown sya. Ang weird na aabot sa ganitong punto si Ashley kung ang pinagtatalunan lang nilang dalawa ay yung issue nilang hindi nasundo si Francis kaya late ito.
Muli na namang nagtanong sa akin si Ashley tungkol sa icoconetent naming sa power point naming. Maya-maya ay si Francis naman ang nagtanong sa akin kung tutugma bas a design ng power point naming yung naisip nyang kulay para sa gagamitin naming image bilang example sa topic namin.
Nauubos na ang pasensya ko sa dalawang ito. Nasa iisang table lang kami dito sa library pero ang nangyayari nagiging pass the message pa.
“Hep! Saglit nga lang!” Naiinis na ako sa ginagawa nila. Pwede namang sila na lang magtanungan directly bakit ipapatanong pa sa akin.
“Guys, ano bang problema? Bakit yung group project natin nagiging pass the message? Sumasakit na ulo ko sa inyo” Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang wallet ko.
“Bibili lang ako ng snacks natin, baka gutom lang yang trip ninyong dalawa. Umayos kayo, pagbalik ko dapat maayos ang research natin.” Warning ko sa kanilang dalawa bago lumabas ng library baka kasi pagbalik ko naghampasan na sila ng laptop o kaya nagbatuhan ng libro sa sobrang inis nila sa isa’t isa.
Busy akong naglalakad patungong cafeteria para bumili ng snacks namin ng biglang may out of nowhere na lumitaw sa harap ko at niyakap ako at…
at...
at…
at…
at hinalikan ako!!!
What the?!
Hindi ko alam ano mararamdaman ko. Nakapikit ako. Natatakot akong makita ang reaction ng mga tao sa loob ng cafeteria. Nagloading bigla yung utak ko. Lalaki ako pero tumitiklop ako sa ganotng sitwasyon, kainis!
Finally, binitawan ako ng taong humalik sa akin. Nanghihina ang mga tuhod ko sa pagkabigla sa nangyari. Unti -unti akong nagtaas ng ulo para makita ang taong saarin sa nangyari. Nalanghap ko ang amoy kape sa damit nya kanina. Tila slow motion ang nangyari ng magtama ang mga mata namin.
Ang ganda ng ngiti nya. Ang ganda rin ng mga mata nya… pero ng kapal ng muka nya para ngitian ako matapos ang ginawa nya sa akin. Maliban sa ninakawan nya ako ng halik sa harap ng napakaraming tao, the worst thing that happened to me is the fact that the person who kissed me is a… guy!
Napaatras ako at lumayo sa kanya ng bahagya. Pagkatapos ay isang malakas na suntok sa muka nya ang ginawa ko.
First kiss…
First person I punch…
Great, just great!
Napansin ko ang pagkabigla ng mga tao na nakakita ng pangyayari. Ang lalaking sinuntok ko naman ay napahawak sa kanyang pisngi kung saan nag-landing ang aking kamao. May dugo ang kanyang labi. Wow, ang lakas ko pa lang sumuntok. Na-amaze pa ko sa nagawa ko when I was brought back to reality.
Narinig ko ang malakas at maotoridad na boses ni Dean Bravo.
“Both of you, in my office. Now!” Natataranta naman ang iba na nag iwas ng tingin habang kaming dalawa nung lalaki ay nakasunod kay Dean Bravo papunta sa kanyang opisina.
This is not weird. This is tragedy!
Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko mula sa adrenaline rush ko mula pa kanina. Wala akong pakealam kung maapektuhan ng ginawa ko yung academics ko, yung standing ko sa klase, yung idea na running ako for summa cumlaude. My top priority is my parents. Ayokong malaman nila. Ayokong madisappoint sila sa nangyari. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ko? Hinalikan ako ng kapwa ko lalaki na hindi ko naman kilala at hindi man lang ako nakagawa ng paraan to stop it.
Pinaupo kami ni Dean Bravo sa dalwang upuan sa harap ng table nya.
“Dare to tell me what really happened, Mr. Villafuerte?” Dean Bravo asked me right away. Napansin ko yung lalaki sa harap ko na tahimik lang at halatang natatakot sa mangyayari. I wonder bakit kaya nya ginawa iyon?
“Naglalakad ako sa cafeteria to buy some snacks when all of a sudden this man right here suddenly kissed me and so I punched him.” I explained.
“How about you Mr. Santos?” Tanong naman ni Dean Bravo sa kaharap kong lalaki.
“De..Dean, sorry po. Hindi ko po sinasadya yung nangyari. Bago lang po ako dito sa school at scholar po. Wag nyo po aalisin yung scholarship ko, nakikiusap po ako sa inyo.” The guy explained right away. I scoffed with his reasons; I don’t buy it.
“Iho, scholar ka dito kasi matalino ka pero bakit mo naman naisipang humalik ng kapwa mo lalaki sa gitna ng mraming tao and take note, hindi mo pa kilala yung hinalikan mo. Alam mo bang pwede kang kasuhan ni Mr. Villafuerte dahil sa ginawa mo? Walang consent nya yung paghalik mo sa kanya.” Nakatungo lamang yung Santos habang naglilitanya si Dean Bravo. I agree, matalino sya pero bakit nya ginawa iyon?
“Aside from that, you ruined my reputation in this school too.” I butt in.
“Ginawa ko lang po iyon sa inyo Sir kasi yung mga kaklase ko po, binubully ako at ititigil lang daw po nila ang pangbu-bully sa akin kapag nagawa ko yung tatlong tests nila. Nagawa ko po yung dalawa kasi madali lang po pero yung pangatlo, iyon po yung paghalik sa inyo. Desperado na po ako kasi hindi po ako makapag focus sa pag aaral dahil sa pinaggagawa nila sa akin.”
Hindi ako naniniwala sa sinabi nya. I must give him the benefit of the doubt kaso kung labag sa loob nya ang nangyari, bakit sya ngumiti sa akin after he kissed me? Hindi nagtutugma yung idea na napilitan lang din sya to get away from those bullies doon sa nakita kong reaksyon nya after he kissed me. I explained this to Dean Bravo.
“How about let’s conduct an investigation first?” Suggestion naman ni Dean Bravo.
“Hindi ako naniniwala sa kanya pero sige let’s conduct an investigation at kapag napatunayang kasinungalingan ang lahat ng sinabi ni Mr. Santos na rason nya, mamili kayo, kakasuhan ko sya ng s****l assault o ie-expel sya sa paaralan na ito? Ayokong may mabiktima pa sya na ibang estudyante dito at higit sa lahat ayokong makarating pa sa parents ko ang bagay na ito” Pagbibigay diin at paglilinaw ko sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at nanatiling rational ang isip ko kahit na ramdam ko pa ang panghihina ko sa pagkabigla sa nangyari kanina.
Walang nagawa si Santos kundi ang pumayag sa aming napagkasunduan. Tahimik kaming lumabas ng opisina ni Dean Bravo. Akmang kakausapin nya ako pero tinalikuran ko na sya kaagad. I don’t want to waste my time sa isang katulad nya.
Bumalik ako ng library at dinantnan ko sila Francis at Ashley na nagliligppit na ng mga gamit naming.
“Dude ang tagal mo, san ka ba nagpunta?” usisa sa akin ni Francis.
“Mahabang kwento, magligpit na muna tayo ng gamit natin at magsasara na ang library.” Tugon ko kay Francis.
Ibinalik namin ng maayos ang mga libro sa bookshelves. Kinuha ko ang isang libro dahil balak kong basahin pa ito sa bahay mamayang gabi. Marami kasi itong information na connected sa topic namin. Nagdiretso na ako sa counter para sa hihiramin kong libro ng magulat ako sa taong nakaupo doon.
What the?! Bakit nandito itong lalaking ito? Hindi ko sya napansin kanina.
“Dude, para kang natuklaw ng ahas dyan. Okay ka lang ba?” Tinapik ako ni Francis.
“Pasensya ka na Santos, weird lang itong kaibigan namin minsan.” Sabi naman nya kay Santos na tipid na ngumiti lamang sa kanya.
“Kilala mo sya?” Di ko naiwasang itanong kay Francis.
“Ay oo, kanina diba na-late ako kasi di ako nasundo tapos nasira kasi yung kotse ko tapos hindi ako makasakay ng taxi so nag-jeep na lang ako. Umupo ako sa harapan, sa tabi ng driver kasi di ko kabisado system pag nagje-jeep. Sakto sya yung driver tapos nalaman nya na same school kami, scholar sya dito so ayun, angel in disguise itong si Santos. Na-late man ako kanina pero at least hindi ako naligaw.” Pagkukwento naman ni Francis. Ito maganda kay Francis, detalyado magkwento pero sa pagkakwento nya sa kung paano nya nakilala si Santos, halatang may patama at patutsada pa rin sy kay Ashley na tahimik lamang sa isang gilid at busy sa cellphone nya.
So totoong scholar talaga sya dito sa school. Sa isip-isip ko pero may doubt pa rin ako sa sinabi nya kaninang nasa opisina kami ni dean Bravo.
Angel in disguise? Tss… baka bawiin ni Francis sinabi nya pag nalaman nya ginawa sakin ni Santos.
“Tara na nga!” Nagmamadaling lumabas ako ng library kaso nasa pinto pa lamang ako ay tumunog na yung sensor sa pinto, nadala ko pala yung libro na hihiramin ko ng di pa nailalagay sa database na hihiramin ko ito kaya bumalik ulit ako ng counter at pabalang na inabot ito kay Santos.
Naiinis ako pag naaalala ko yung nangyari specifically yung pag ngiit nya after nya ako halikan.
“Ito na po yung libro, enjoy reading po.” Nakangiting sambit nito sa akin pagkaabot nya sa akin ng libro.
Lalo akong naiinis, ang sarap buarahin ng ngiti nya. Tss… namumula pa rin yung pisngi nya na nasuntok ko kanina pero wala na itong dugo. Nakaramdam ako ng konting guilt. Di kasi ako sanay na nakakapanakit talaga ng kapwa.
Nagmamadaling lumabas ako ng library at humabol naman sa akin sina Francis at Ashley.
“Bakit ka ba nagmamadali? Para kang may pinagtataguan.” Nonchalant na sita sa akin ni Ashley. Ashley is highly observant sa paligid nya kaya imposibleng maitago ko sa kanila yung nangyari kanina. Pero bahala na, ayoko pang isipin yun ngayon.
“Gusto ko lang umuwi na agad para maumpisahan kong basahin yung librong hiniram ko. Makakatulong yun sa presentation naitn bukas.” Patay malisyang sagot ko naman. Nagkibit balikat lang si Ashley at hindi na ako inusisa pang muli. Nakahinga ako ng maluwag dahil dun.
Hindi ko alam kung kaya kong ikwento sa kanila yung nangyari dahil ako mismo, nahihiya ako na kalalaki kong tao, nahalikan ako ng kapwa ko lalaki. Hayst, nabubwisit na naman ako.
“Huy, ano ba nangyayari sayo, kumukunot yang noo mo at bumubulong bulong ka dyan.” Binatukan ako ni Francis kapag kuwan.
“Wala, pagod lang ako. Sige na, mauuna na ako sa inyo. See you tomorrow. Walang aabsent ha! Presentation naitn bukas ng report natin, umayos kayong dalawa” Paalala ko sa kanila sabay sakay sa kotse. Sakto kasi na paglabas naming ng building ng faculty naming ay dumating na yung driver ko para sunduin ako. Oo na, hindi ako kagaya ng ibang lalaki na astig at cool na marunong magdrive. Ako kasi hindi ako marunong magdrive.
Don’t judge me, walang taong perfect. Yes, matalino ako, pogi ako pero weakness ko talaga ang pagda-drive. Ewan ko ba, takot akong humawak ng manibela.
“Kuya, daan tayong drive thru, nagugutom ako bili tayo ng pang meryenda natin.” Pagbibigay instruction ko naman sa driver naming si kuya Leo.
Matagal ng driver ng pamilya naming si kuya Leo. May katandaaan na ito pero hindi pa ito pumapalya sa pagmamaneho. Ang alam ko ay scholar sa school yung anak nya hindi ko nga lang nakikilala pa ito ng personal pero for sure mabait din yun, sobrang bait kasi ni kuya Leo. Matyaga ito at madalas kinukwento nya sa akin ang mga anak nya. Proud na proud sya na kahit dw mahirap sila, biniyayaan naman sya at mayaman sya sa pagmamahal ng mga anak nya plus masisipag daw ang mga ito at mababait pa. gaya ngayon, habang nasa byahe kami, sige na naman sya kwento sa akin. Wala naman akong reklamo dahil ako rin ay natutuwa sa nalalaman ko.
“Alam nyo po ba Sir yung panganay ko, sa awa ng Diyos ay malapit na syang magtapos ng kolehiyo. Napakasipag nun, bago pumasok sa paaralan ay namamasada sya ng jeep ng tiyuhin nya tapos sa hapon naman ay papasok sya sa school at pagkatapos sa eskwela ay nagsa-sideline naman sya bilang barista. Napakabait at napakasipag ng panganay ko, yung inaabot kong pera sa kanya tinatanggihan nya at ilaan na lang daw sap ag aaral ng mga maliliit nyang kapatid. Itinataguyod nya ang sarili nyang pag-aaral ng walang panunumbat sa akin.” Nakakataba ng puso marinig yung ganitong klase ng kwento. Yung kahit mahirap, buo ang loob para sa pangarap kaya minsan yung mga pinaglumaan kong damit o sapatos ay binibigay ko kay kuya Leo para magamit ng mga anak nya. Last week nagpalit na ako ng laptop kaya yung luma ko ibinigay ko na kay Kuya Leo para kako magamit ng mga anak nya sap ag-aaral ng mga ito. Sa umpisa ay ayaw nya pang tanggapin ang mga ito at naiintindihan ko iyon pero nung kinausap na rin sya nila mama ay pumayag na rin sya. Ayaw nya kasi na binibilhan naming sya o mga anak nya ng kahit ano. Nagtatrabaho daw sya ng marangal at ayaw nyang isipin ng kahit na sino na inaabuso nya kami.
“Huwag kayong mag-alala kuya Leo, may mabuting darating na biyaya sa inyo at sa anak ninyo.” Tugon ko naman kay Kuya Leo.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan naming dalawa hanggang sa nakauwi na ako ng bahay.
Sana lahat ng scholar ay kagaya ng anak ni kuya Leo. Matino at may pangarap talaga, yung hindi basta-basta tinatapon ang oportunidad kapalit lang ang isang kalokohan.
Naalala ko na naman si Santos. Scholar pero walang pagpapahalaga sa opportunity na meron sya. Undeserving masyado.
Tsk, makakilos nan ga. Magrereview pa ko para sa group presentation ng research naming bukas.
Hayst, sana bukas hindi na puro weirdness ang mangyari.