"Wuhoo! sa wakas, pumasok rin si Nine!" Sigaw ni Francis na pumapalakpak pa na akala mo ay napakalaking himala ang nangyari today.
"Classmates, palakpakan natin ang muling pagkabuhay ni Nine!" Sambit pa nya sa mga kaklase namin na natatawa sa inaasal ni Francis. Ang iba sa kanila ay sumunod sa kanya at pumalapak nga, ang iba naman ay nakangiting nakatingin lang sa akin.
Mga pasaway talaga...
Awkward na naglakad ako papunta sa aking pwesto. Medyo naninibago ako, tila ba ang tagal kong nawala sa klase.
"Huy, san ka uupo? Dun sa kabilang side ang pwesto" Paninita naman sa akin ni Ashley upon seeing me na paupo na sana sa bakanteng upuan na nakita ko sa tabi nya.
"Pasensya na, nakalimutan ko kung san ba ang pwesto ko" Napapangiwi na sagot ko sa kanya saka ako naglakad patungo sa bakanteng upuan sa kabilang side ni Ashley.
"Pre, himala ah. Anong nakain mo?" Hyper na lumapit sa amin ni Ashley si Francis upang mag usisa agad sa akin.
"Wala, boring sa condo eh" Simpleng sagot ko na lang.
Ang totoo nyan, nami-miss ko na kasi silang dalawa saka gusto ko ring humabol sa klase. Kagabi kasi ay nakausap ko sa telepono si mama pagkauwi ko ng condo galing bar kasama si Lian.
Aaminin ko nakaramdam ako ng konsensya nung marinig ko yung malambing na boses ni mama na pasensyosong kinakamusta ako. Hindi nya ako pinagalitan nung nalaman nyang galing akong bar. Pero narinig ko ang pagbabago sa tono ng boses nya, nahimigan ko yung lungkot at pag-aalala nya sa akin, kaya heto at nagpasya akong pumasok ngayon.
Tinatablan ka pa pala ng konsensya. Pambabara sa akin ng aking isipan.
Tss...
"Ang mahalaga, present ka na ngayon. Bilisan mo, basahin mo ito habang wala pa yung proctor natin. May exam tayo ngayon" Mabilis na pinahiram sakin ni Ashley yung notebook nya kung saan nakasulat yung reviewer nya.
"Dapat pala hindi muna ko pumasok" Kamot-ulong pagrereklamo ko ng malaman kong may exam pala kami today.
Agad akong tiningnan ng masama ni Ashley.
"Joke lang, heto at magrereview na ko." Mabilis kong binawi yung sinabi ko dahil sa nakakatakot na tingin na ibinato sakin ng kaibigan ko.
Napapangiti ako dahil kahit yung ganitong side ni Ashley, saka yung ingay ni Francis... grabe na-miss ko rin ito.
"Para kang ewan dyan, may nakakatawa ba sa reviewer ni Ashley at todo ngiti ka dyan?" Lumapit sa akin si Francis at akmang titingnan ang notebook ni Ashley na binabasa ko ng harangan sya ni Ashley.
"Umayos ka nga" Paninita nya kay Francis. Ayun, yung isa ay agad na umarteng parang bata na nag cross arms at nag pout pa habang nakaupo sa pwesto nya.
"Namiss ko lang naman si Nine." Paghihimutok ni Francis.
"Walang nagtatanong" Pambabara naman sa kanya ni Ashley.
"See?! yan yung tinitiis ko every day dahil hindi ka pumapasok. Kaya pwede ba Nine, maawa ka naman sa akin. Grabe na paghihirap ko dyan kay Ash" Tila nagsusumbong na turan ni Francis sa akin.
Tsk, hindi ako makapag focus sa inaaral ko sa pagbabangayan nilang dalawa.
"Ay wow! Sino ba nagsabi sayong samahan mo ako? Kaya kong mag exist kahit wala ka" Confident na sagot naman ni Ashley sa kanya.
Namamanghang pinapanood ko silang dalawa at saka ko lang napagtanto....
Naka-move on na si Ashley kay Francis.
Nakaramdam ako ng inggit upon realizing it.
Ako kaya kailan makaka-move on?
"Huy natahimik ka dyan? Saang part ka nahirapan? Iexplain ko sa iyo" Napansin pala ni Ashley ang biglaang pananahimik ko.
"Wala... naiihi ako, teka magsi-cr lang ako" Mabilis akong naglakad palabas ng classroom upang makaiwas sa kanila. Narinig ko pang sumigaw si Francis, telling me na bilisan ko raw kasi malapit na dumating yung proctor namin.
Tss.. paano naman nya nasabi iyon? Baka nga late pang dadating yung proctor namin.
Nagdiretso na ako sa loob ng isang cubicle. Umupo ako sa bowl at nagmuni-muni.
Hindi ko maipaliwanag pero para akong biglang nakaramdam ng kaba na hindi ko maintindihan kung kaba na nae-excite ako, kaba na natatakot ako or what?!
Hinawakan ko ang aking dibdib at kinapa ang aking puso na wala na yatang balak pang kumalma.
Ano kayang meron?
After five minutes ay saka ako lumabas ng cubicle. Naghugas lang ako saglit ng kamay at saka naglakad na ulit pabalik ng aming classroom.
Mula sa bintana sa labas ay napansin ko ang isang lalaki na nakatalikod at kasalukuyang namimigay ng test paper sa mga kaklase ko na nasa likurang bahagi ng classroom.
Sinenyasan ako ni Francis na lagot daw ako kasi late ako.
As if namang natatakot ako?
Pasimpleng pumasok ako sa classroom, maingat na sana hindi ako mapansin ng proctor namin.
Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, ayoko lang ng atensyon kasi for sure pag nasita ako, buong class namin ang titingin sa akin. All eyes will be on me.
And I don't want that to happen. I hate being the center of everyone's attention.
Pasimple akong pumasok ng classroom.
Yung iba naming mga kaklase ay napapatingin sa akin na tila ba inaabangan nila ang next na mangyayari. Kung mahuhuli ba ako o hindi.
Suddenly, I gave them a proud expression.
Nice one, nakabalik ako sa upuan ko ng hindi ako nasisita o napapansin ng proctor namin.
Nagmamadali na akong kumuha ng aking ballpen na nasa bag ko nakalagay.
"Ash, nasan yung test paper ko?" Pabulong na tanong ko kay Ashley ng mapansin na walang nailapag na test paper sa pwesto ko.
"Here's your test paper, Mr. Villafuerte." Narinig kong sambit ng aming proctor.
Agad na nagrambulan ang mga paro-paro sa tyan ko at nagkarera ang mga kabayo sa dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng aking ulo para tingnan sya dahil base sa boses nya ay kilala ko kung sino ang nag mamay-ari nito.
At hindi nga ako nagkamali...
Anong ginagawa nya rito?
Tila nakalimutan ko kung nasaan ako sa mga oras na ito dahil naka-focus na lamang ang aking isipan kay Santos.
Napatitig ako sa maamo nyang mukha nang maramdaman kong siniko ako ni Francis.
"Pumunta ka sa harap, ayun yung test paper mo" Sabay bulong nya sa akin.
Natatarantang tumayo ako at saka kabadong naglakad papalapit sa kanya. Pakiramdam ko lahat ng tao sa loob ng classroom ay pinapanood ang bawat kilos ko.
Kailan pa ako nagkaroon ng social anxiety?
Nakangiti syang naghihintay sa akin.
Ang sarap burahin ng mga ngiti sa mukha nya.
Muling nabuhay yung galit at sama ng loob na kinikimkim ko.
Nanunuya na napangisi ako ng maisip kong... Ang galing, sana all kagaya nya na kayang humarap at makipag ngitian sa taong niloko nya.
Nang maisip ko ito ay hindi ko napigilang mapagkuyom ang aking mga kamao.
Tila natigilan sya ng mapansin ito.
Yan, ganyan nga. Know your place. Sa ating dalawa, ako ang dapat na ngumingiti.
Nginitian ko sya at saka ko kinuha yung test paper na iniaabot nya sa akin.
Akala ba nya sya lang ang may kakayahang maging masaya?
Hindi nya kailangang ipamukha sa akin kung gaano sya kasaya sa buhay nya ngayon.
At hindi rin ako papayag na ako yung mukhang miserable dahil sa nangyari.
Halatang natigilan sya sa ipinakita kong pakikitungo sa harap nya.
Matapos kong makuha ang test paper ko ay saka akong naglakad pabalik sa aking kinauupuan.
"Ayos ka lang?" Bulong muli sakin ni Francis.
"Tsss... bakit naman ako hindi magiging okay?" Pabalang na sagot ko sa kanya saka. Narinig kong bumulong pa ito na ang sungit ko raw pero hindi ko na lang ito pinansin.
Pinagtuunan ko na ng pansin yung exam namin.
Tsk, unang exam, major subject agad?
Nalululang tinitigan ko ang mga tanong sa test paper na hawak ko.
Takte, meron ba ito sa reviewer ni Ash? Parang wala ito kanina sa binasa ko ah.
Hayst.. no choice na ako kundi gamitin ang isa sa mga taktika ng mga estudyanteng kapit sa swerte.
Inie, minie, myni...moe
Kung saan tumapat, iyon ang sagot ko!
Okay, letter b ang sagot sa number 1.
Number 2 na agad ako.
Hehehe easy lang itong exam sa lucky song ko.
Nagpatuloy pa ako sa pagsagot ng exam namin. Nasa kalagitnaan na ako ng items ng makaramdam ako ng bahagyang pagkirot ng aking sikmura.
Patay, hindi pala ako nag agahan kaninang umaga.
Isinawalang-bahala ko na lamang ito tutal ilang segundo lang ay nawala rin ang kirot.
Nasa number 63 na ako ng kumirot ulit ito and this time mas matindi na ang pagkirot. Napahawak na ako sa aking tyan.
Tila napansin ito ni Ashley dahil napalingon sya sakin.
"Anong nagyaayri sa iyo?" Pagtatanong nya na ang mga mata ay nakatuon sa kamay ko na nakahawak sa aking tyan.
"Wala" Tipid na sambit ko.
"Napu-poop ka ba?" Nakangiwing tanong rin sa akin ni Francis. Agad ko syang tinapunan ng masamang tingin.
"Poop your face. Tsk" Iritableng nagbalik na lang ako sa binabasa kong tanong sa text paper na hawak ko.
Grabe ang hapdi ng sikmura ko. Medyo ramdam kong parang nanginginig na ang mga kamay ko sa kirot na nanggagaling mula sa sikmura ko.
"Last five minutes" Narinig kong sambit ni Santos habang nakatayo sa unahan at masinsinan kaming inoobserbahan.
Five minutes na lang, konti na lang matatapos na ang exam.
Konting tiis na lang Nine.
Naisipan kong magdiretso ng clinic once na matapos ang exam namin. Hindi ko na iniisip kung matatapos ko yung buong exam. Nakatitig na lang ako sa aking test paper at tahimik na napapadasal na sana maibsan man lang yung hapdi ng sikmura ko.
Napalingon ako sa aking relos... three minutes na lang.
Ito na yata ang pinakamahabang three minutes sa buhay ko. Ramdam kong medyo naduduwal na ako kaya kinukurot kurot ko ang aking hita upang madivert ang utak ko.
Sa hang-over ko siguro ito.
"Times up! Kindly pass your test questionnaires now." Pagbibigay instructions ni Santos sa amin.
Isa-isa ng nagsitayuan ang mga kaklase ko dala ang kanilang bag at test papers na ipinapasa nila kay Santos.
Si Ashley at Francis ay tumayo na rin upang maipasa ang mga papel nila samantalang ako ay nagangapa pa kung kakayanin ko bang makatayo man lang, baka kasi lalong kumirot yung tyan ko kapag gumalaw ako.
Nagpasya akong hintayin na maubos ang mga tao rito sa classroom namin.
Sila Ashley at Francis naman ay abalang kausap si Santos sa harap, hindi yata nila ako napansin o nasanay na tlaaga sila na hindi nila ako kasama.
Nang masigurado kong wala na kaming ibang kaklase dito sa loob ng classroom ay saka ako kumilos ng dahan-dahan.
Namimilipit man sa sakit ay nagawa kong makatayo pa rin.
"Nine, bilisan mo na dyan at baka dyan ka pa magkalat. Ipasa mo na yan dito kay Sir Santos para makapag cr ka na" Patay malisya na turan ni Francis.
Salubong ang kilay na lumakad ako papalapit sa kanila at saka pabalang kong inilapag yung test paper ko sa teacher's table.
Walang-lingon na naglakad na ako habang ang aking kanang kamay ay nakahawak sa aking tyan. Halos di ako makatayo ng maayos.
Nakakailang hakbang pa lamang ako ng maramdaman kong unti-unti akong nawawalan ng balanse.
I was about to lose my balance ng biglang may mga bisig na mabilis na nakahawak sa akin upang alalayan ako na hindi tuluyang tumumba.
For a split second, I wish it's Santos.
"Nine! Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Lian.
Syempre, asa pa ba ako na si Santos ang narito ngayon sa tabi ko para saluhin ako?
"So-sorry.. makirot kasi yung tyan ko" Nakangiwing sambit ko. Agad ring lumapit sila Ashley at Francis.
"Ayoa ka lang Nine?" May pag-aalalang tanong nila sa akin. Tinaguan ko lang sila bilang sagot at saka ako nag ok sign.
"Samahan ko lang si Nine sa clinic" Pagpapaalam ni Lian sa mga kaibigan ko.
"Sasama na rin kami, diba Ash?" Halata sa tono ni Francis na buo ang desisyon nito kaya hindi na sya kinontra pa ni Ashley.
Napansin ko sa peripheral vision ko si Santos na nakatingin sa direksyon namin. Napansin ko ang pag-aalala sa mga mata nya?
Saglit na nagtama ang aming mga mata pero mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Mas lalo lang akong nadi-disappoint n ahindi man lang nya ako nagawang lapitan para tulungan. Napakalayo sa Santos na nakilala ko noon.
Tss... asa pa ako, ano ba ang totoo sa mga pinakita nya sa akin noon?
"Oh sya tara na sa clinic" Sambit ni Lian na nakalalay sa akin.
---
"Dahil sa acidity mo kaya kumirot ng husto ang simkura mo." Pagbibigay alam ng aming school doctor.
Kasalukuyang nakahiga ako ngayon dito sa loob ng clinic upang makapag pahinga.
"Akala ko kanina napu-poop ka kaya binibiro kita, bakit hindi ka naman nagsabi na umaatake na naman yang acidity mo?" Paglilitanya s aakin ni Francis. Napansin ko lang, tila nahahawa na sya kay Ashley sa pagiging masermon na tao.
"Huwag mo na ko sermunan, kita mo na ngang makirot ang tyan ko eh" Pag rereklamo ko sa kanya sabay lingon ko kay Ashley upang iparating sa kanya na huwag na rin syang magtangkang sermunan rin ako.
"Hahahaha ano Nine? Alak pa" pabirong tinapik ni Lian ang aking braso.
"Sira, di kasi ako nakapag agahan kanina sa condo kaya siguro umatake itong acidity ko." Pagdedepensa ko naman.
"hahahaha in denial king." Pagpapatuloy na pang-aasar sakin ni Lian. Akmang hahampasin ko na sana sya ng unan na nasa gilid ko ng biglang tumikhim yung school doctor namin kaya agad na umayos kami ng pwesto, nawala sa isip namin na nadito pa nga pala sya ngayon.
"Basta iwasan mo na ang pagpapalipas ng gutom. Iwas sa mga bawal gaya ng alak o soft drinks. Make sure rin may sapat kang pahinga at bawasan ang stress. na nakaka-tigger rin ng acidity." paalala pa ni Doc sa akin at kapag kuwan ay umalis na rin sya upang bumalik sa pwesto nya. Sinabihan na lang nya ako na magpahinga muna rito.
"Kami na nag bahala na magbigay nitong excuse letter mo sa prof natin para mabigyan ka na lang ni Sir ng special exam kapag magaling ka na" Ipankita pa ni Ashley yung letter na hawak nya piniramahan ni Doc kanina.
"Waaa.. ako! i-excuse mo na lang rin ako Ash, di ako prepared sa exam natin kay Sir Chua" hahaha agad na napalingon si Doc kay Francis dahil sa sinabi nito. Agad namang nag peace sign si Francis kay Doc.
"Joke lang po hehehe" Sambit pa nya kay Doc.
"Tara na! may next exam pa tayo. Si Sir Chua ang bantay natin dun"Agad na hinila ni Ashley palabas ng clinic si Francis matapos nilang magpaalam sa akin.
Si Lian naman ay sumunod na rin sa paglabas dahil may exam rin daw sya.
Nakangiting nagpasalamat ako sa mga kaibigan ko at saka ko naisipang iidlip na lang muna ako rito tutal ang boring naman kung makikipag titigan ako sa kisame rito. Hindi naman ako mapapayagang basta na lang umalis agad rito lalo na at pinapahupa pa yung kirot ng tyan ko though nakainom na ako ng gamot kanina kaya medyo nabawasan na yung pagkirot.
"May gusto ka bang kainin?"
Huh?
Nagtataka na nilingon ko yung lalaking nagsalita.
Hindi ko napansin yung presensya nya mula kanina.
Andito pala sya mula kanina pa?
"Kausap ko yung nurse kanina kaya siguro hindi mo ako napansin, tinanong ko kasi kung pwede kang kumain dito. Hindi ko matanong si doc kasi kausap nyo sya kanina" Medyo nahihiya na turan nya na tila ba nabasa nya yung tanong sa isipan ko.
"I don't need anything" Cold na sagot ko sa kanya.
Of course, mahina lang yung boses ko. Yes galit ako sa kanya pero I don't like the idea na agaw-atensyon pa at malalaman pa ng iba yung issue naming dalawa.
Umupo sya sa gilid ng kama na hinihigaan ko.
Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Syempre ayokong makita nya na apektado ako at ano yung impact sa akin ng mga ginagawa nya ngayon.
I will never give him a hint kung gaano ako kinakabahan everytime na malapit sya sa akin.
Kung gaano ko sya nami-miss kahit pa galit ako sa kanya.
Kung gaano ko pa rin sya kamahal sa kabila ng lahat, sa kabila ng poot na nararamdaman ko.
Bumuntong hininga sya at sa mga mata nya ay may tila ba gusto syang sabihin sa akin but he decided to remain his silence.
"Proctor ka namin kanina diba? Nasaan yung test papers namin?" As much as possible, ayokong kausapin sya ng tungkol sa aming dalawa kaya imbes na hayaan ko syang i-open up yung topipc na iyon ay ako na lang ang nagkusang magbukas ng ibang topic.
"Inihatid ko na kanina kay Dean Bravo. Nung dinala ka nila dito ay nagdiretso ako kay Dean Bravo para maibigay sa kanya ang mga iyon saka ako sumunod dito para tingnan ang kalagayan mo." Halata ang lungkot sa boses nya o baka hallucinations ko lang iyon.
Tutal, ano ba ang totoo sa mga ipinakita nya sa akin mula noon?
Ang sigurado lang ako ay manloloko sya.
Biglang rumehistro sa isipan ko yung video na iyon.
Tss.. tila kumirot na naman yung sikmura ko ng maalala ko sila ni Sharmaine sa vidoe na iyon pati na rin yung itsura nila nung nakaraang nakita ko sila super market na masayang magkasama.
Namumuo ang galit at hinanakit sa loob ko kaya nag desisyon akong paalisin na sya.
"Umalis ka na, gusto kong umidlip muna rito" Pagtataboy ko sa kanya at kapag kuwan ay pumikit ako.
Naramdaman kong lumundo yung kama na hinihigaan ko at saka may mainit na mga bisig ang yumakap sa akin.
Naamoy ko bigla yung pabango nya. Kabisadong-kabisado ko ito.
Madiin na ipinikit ko yung mga mata ko. Hindi ako gumalaw, hindi ko rin sya itinulak papalayo.
Bakit ganito? Nasasaktan ako pero hindi ko sya magawang ipagtabuyan ngayon?
Hinayaan ko lang syang yakapin ako ngayon. Pakiramdam ko ay wala akong lakas para ipagtabuyan sya.
Napapagod na ako...
Hinayaan ko ang sarili ko na kahit sandali...maramdaman kong muli yung init ng mga yakap nya.
Sa mga oras na ito, aaminin ko, sa likod ng galit at pagkamuhi ko sa kanya, sa simpleng yakap nya... pakiramdam ko, payapa ako.
Hanggang sa unti-unti ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng tuluyan sa mga bisig ni Santos.
Hinawakan ko ang kamay nya nakayakap sa akin at saka pabulong na sinabi sa kanya yung matagal ko ng gustong sabihin...
I love you, first.
Sambit ko sa kanya.
I'm not sure kung narinig nya ako dahil hindi sya sumagot sa akin.
Bahala sya kung narinig nya iyon o hindi, sa ngayon mas gusto kong matulog na muna.